Share

Guro

Maririnig ang malakas at matinding paghihingal ng isang lalaki habang tumatakbo ito sa kalawakan ng school lobby. Sugatan pa ang kaliwang braso nito na tila natusok sa isang matulis na bagay kaya dumaloy at halos naligo na nang kanyang sariling dugo ang buong brasong iyon.

Tumatakbo siya sa mga oras na iyon dahil may humahabol sa kanya. Wala namang nakapansin sa kanya kahit nasa eskwelahan pa siya dahil alas dose na ng hatinggabi iyon at wala ng makikitang mga guro at estudyante sa loob nito.

Malayo rin sa guardhouse ang gusaling kinaroroonan niya kaya kahit sumigaw pa siya ng tulong ay hindi siya maririnig ng mga nakaposteng security guards ng eskwelahan.

At ang natatanging magagawa lamang niya ay ang tumakbo at iligtas ang sarili sa humahabol na panganib.

Mula sa faculty room, nakapagtakbo ang sugatang binatang guro na si Walter Miranda upang makalabas ng gusali. Narating man niya ang pintuan palabas dito ngunit hindi niya ito mabuksan. Huli na ng mabatid niyang kinadena pala ang mg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status