Share

Isla

Napagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Graciela nang biglang marinig ang isang malakas na paspas ng kahoy mula sa itaas ng kanyang higaan. Pagmulat niya'y dito napansin ng kanyang pandinig ang mga mabibilis na lakad ng ilang mabibigat na mga paa na  nagpapalangitngit sa kisameng kahoy ng kanyang tinutulugan na siya namang sahig ng kubyerta sa itaas.

Pagkagising ay muli na naman niyang naamoy ang amoy-nabubulok at lansa sa kinaroroonang sulukan na halos masuka-suka ulit siya nang malanghap ito ng hindi sadya. Muling napansin rin niya ang mga nagkalat na agiw na nakalambitin at bumabalot doon pati na ang lumang dingdingan na yari sa di malamang uri ng kahoy na nangingitim na't narurupok dahil sa palagi itong nababasa ng tubig-dagat. Madilim din ang bahaging iyon na siyang kinaroroonan niya kung saan lumulusot lang ang liwanag ng araw sa mga puwang ng mga tablang  kahoy na ginawang sahig sa kubyerta.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status