Hingal at takot.
Ito ang mga naramdaman ni Graciela habang nakikita ang sarili na tumatakbo sa kadiliman ng isang di malamang gubat. Hindi niya alintana ang mga matatabil na mga bato at matatalas na mga sangang kahoy na natatapaka't sumusugat sa kanyang mga malalambot na talampakan dahil sa mabilis na pagtakbo tungo sa tila walang kahahantungang daanang tinatahak niya. Napupunit na din ang kanyang kasuotang puting camisa at ang kanyang salawal na pulang saya sa pagkakakuwit ng mga ito sa mga matutulis na mga sanga't tangkay na sumusiwil sa mga halamanang nadadaanan niya. Takbo lang siya nang takbo, at habang hinihingal na ay may palingon-lingon niyang tinitingnan ang kanyang bandang likuran na tila ba may tinatakbuhan siyang di makita-kitang bagay sa lilim ng kadilimang naroon.
Mamamatay na ako.
Mamamatay na ako.
Ito ang mga paulit-ulit na sigaw nang
Napagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Graciela nang biglang marinig ang isang malakas na paspas ng kahoy mula sa itaas ng kanyang higaan. Pagmulat niya'y dito napansin ng kanyang pandinig ang mga mabibilis na lakad ng ilang mabibigat na mga paa na nagpapalangitngit sa kisameng kahoy ng kanyang tinutulugan na siya namang sahig ng kubyerta sa itaas.Pagkagising ay muli na naman niyang naamoy ang amoy-nabubulok at lansa sa kinaroroonang sulukan na halos masuka-suka ulit siya nang malanghap ito ng hindi sadya. Muling napansin rin niya ang mga nagkalat na agiw na nakalambitin at bumabalot doon pati na ang lumang dingdingan na yari sa di malamang uri ng kahoy na nangingitim na't narurupok dahil sa palagi itong nababasa ng tubig-dagat.Madilim din ang bahaging iyon na siyang kinaroroonan niya kung saan lumulusot lang ang liwanag ng araw sa mga puwang ng mga tablang kahoy na ginawang sahig sa kubyerta.
Nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Graciela. Dahan-dahan siyang naglalakad sa kahabaan ng kanyang napuntahang kalye, hakbang sa hakbang, habang tumitingin sa mga nadadaanan niyang mga estante ng mga paninda. Napadaan din ang dalagita sa mga magagandang gusaling nakatirik sa dakong iyon at agaw-pansin sa kanya ang mga magagandang bahay-na-bato roon na malayo ang anyo ng pagkakatayo sa mga nakita niyang mga bahay-na-bato sa bayan ng Santa Lucia.Mukhang mas matibay pa ang mga ito kaysa doon.Habang naglalakad pa rin siya sa malawak na kalyeng iyon, nakakita bigla si Graciela ng isang matandang lalaki na walang pang-itaas na saplot at nakabahag lang bilang pang-ibaba. Pasayaw-sayaw ito sa kalagitnaan ng kalye at tila kinakausap ang sarili kaya tanto agad ni Graciela na may sakit ito sa pag-iisip. Tinatambangan ng lalaking ito ang mga dumadaang tao sa kalyeng iyon na wala ibang ginagawa sa kanila kundi ang
"Magkano po ito?" tanong ni Graciela sa babaeng manininda ng mga tinapay. Nang makita ang mga bagong saltang tinapay mula sa inaapuyang pugon, agad niyang nilapitan ang gusali nito at inukol ang tanong na iyon. "Sampung sentimo lang yan," ang sagot naman ng babae na nakayamot pa ang mukha. Agad na namang tiningnan ni Graciela ang lalagyan ng kwalta, binilang niya muli ang mga lamang barya dito at kahit alam naman niyang pitong sentimo nalang, at nangarap siya na baka dumami ito sa muling pagbilang niya ngunit nalamang pitong sentimo lang talaga ang kabuuang laman nito. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo."Manang maaari bang pito nalang po ito? Pitong sentimo lang kasi ang dala ko," paghingi ng tawad niya sa tindera ng tinapay. Parang awa mo na! Gutom na ako! ang mga salitang halos isigaw niya sa tindera ngunit pinigil niya ang kanyang loob. Pero di siya pinagbigyan ng tindera."Hay, hindi. Malulugi ako niyan. Bumili ka na lang sa iba," tugon ng tindera sa ka
Maganda ngunit napakainit ang naging araw sa bayan ng Canoan. Ang yaong timpla ng panahon ay siyang binubudyi ng mga magsasaka sa tuwing magbabalak silang magtanim o mag-ani. Kaya naman, sa araw na iyon, naisipang tunghan ni Clara ang kanilang lupang sakahan, kasama ang kasunod niyang kapatid na lalaking si Raul, para magtanim ng halamang mais. Pagtatanim ng mais at pagsasaka ng ilang mga gulay ang tanging bumubuhay sa pamilya nila. Sila muna ang magtatanim sa araw na iyon dahil sa masama ang pakiramdam ng kanilang ama. Malamya pa ang araw ng umaga nang pumunta roon sina Clara. Dala ang ilang pinatulisang mga kawayan at mahahabang bolo ay tinungo nila ang sasakahing lupa. Nasa may di kalayuan lang naman mula sa kanilang bahay-kubo ang yaong lupa, kaya nilakad lang nila ang paroon. Pagrating, agad nilang sinaka at binukal ang malambot at tuyong lupang kanilang tataniman ng mais. Malawak ang lupain ng sakahang iyon kaya halos nagugol nila ang buong umaga sa pagbubungkal lamang ng mga
Ang pagmimina ng batong apog ang isa sa mga nagpapaunlad sa bayan ng Canoan. Ang uri ng batong ito ay makikita't sagana sa mga bulubunduking pumapalibot sa isla ng Siquijor, kaya ang ilang mamamayan ng isla, lalong lalo na ang mga taga Canoan, ay ito ang pinagkukunan nila bilang pangunahing hanapbuhay. Ang El Sector Miniera de Larena ay ang nangunguna at pinakamalaking minahan ng mga batong apog sa buong isla. Ito ay itinatag ng apat na kalalakihang mga mayayamang ilustrados noong taong 1871 sa mga burol na makikita sa pinakadulo't kanlurang bahagi ng Canoan. Sa simulang nagbukas, makalipas ang dalawampu't tatlong taon ay patuloy pa rin ang takbo ng pagmimina sa Larena na siyang kinakatawa't binubuo na ngayon ng dalawang daang lalaking mga minero. Ang kasalukuyang namumuno sa pagpagpatakbo sa El Sector Miniera de Larena ay ang isa sa apat na ilustradong nagtaguyod sa minahan, at siya ay may pangalang Ginoong Venancio Castillo y Reinos.Dahil nag-iisang anak ng taong namumuno
Hindi ito maaari, ang naging bulalasa ni Sergio sa sarili. Pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon? Nakadama siya ng inis ng malamang ang kanyang mga magulang ay nasa loob ng bahay ng kanyang kaaway. Di niya ito gusto, di niya talagang gusto, kahit wala naman roon si Angelo. Alam niya dahil nabalitaan niyang lumuwas ito ng Maynila para doon mag-aral. Ginawa pa ni Angelo na magkalapit ang paaralan niya sa paaralan ni Stella, isang bagay na kinaiinisan niyang wariin. Dahil nandoon na't walang magagawa, pumasok rin si Sergio sa loob ng bahay ng mga Rodrigo. Alam niyang matatagalan ang usapin doon at mababato lang siya kapag hihintayin pa ang mga magulang. Nangamba din siya na nasa loob ang ama at ina dahil baka magsasalita ang mga ito ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Kung saan di niya gusto na karaniwang ginagawa ng mga magulang niya sa mga kausap, lalong lalo na ngayo't kaharap nila ang mga magulang ng kanyang mortal na kaaway.Pagpasok niya sa loob, nakita niya sa may salahan
"Saan po tayo pupunta?" Ito ang katanungan ni Graciela sa nakilalang babae habang ito'y kanyang sinusundan. Naglalakad sila nun sa kahabaan ng isang mataong kalye na may pagpatungo sa lugar na di naman niya alam kung nasaan."May gaway rin po ba kayo?, ang dagdag pang katanungan ng dalagita.Isang dahilan lang ang hawak ni Graciela sa sarili kung bakit niya sinusundan ang yaong manang---at ito ay dahil, simula nung makarating siya sa Isla del Fuego, ang babaeng ito ang pinakaunang nakilala niya sa isla na may kaalaman tungkol sa gaway,ang tawag sa kapangyarihang tinataglay niya. At nawari naman kaagad ni Graciela--kaya ganoon ang sunod niyang katanungan---na ang babaeng nakilala ay marahil isa ring manggagaway tulad niya.Hindi naman sumasagot sa kanya ang babae. Maging ang lumingon man lang kahit saglit ay di ginawa nito--buhat sa mga katanungan
Itinatag noong taong 1775, sa pangunguna ng Kastilang manlalakbay na si Heneral Rolando Esteban---kasama ang ilang mga misyonerong pari---ang Bacauan ay ang kauna-unahang bayang naitaguyod noon ng mga Kastila sa Isla del Fuego.Pinangalanan nila itong Bacauan mula sa pangalan ng isang uri ng kahoy na nabubuhay sa tabing dagat---ang bakawan---dahil noong dumating rito ang mga dayuhan, ang mga kahoy na ito ang unang sumalubong sa kanila sa dalampasigan. Noo'y napakalaki ang nasasakupang lupain ng Bacauan, at napabilang dito ang mga lupain sa kanluran at hilagang silangan ng isla, hanggang sa noong taong 1810 ay hinati ito ni Heneral Esteban sa dalawang magkaibang lugar kung saan naitaguyod niya ang mga mahahalagang bayan ngayon sa buong isla; ang silangang bayan ng Camenao at ang sentrong bayan ng Canoan sa hilagang silangan. M