Share

Bukas (2)

"Sige, Donya Juana. Mag-iingat kayo sa daan at nawa ay gabayan kayo ng ating Diyos sa inyong paglalakbay,"

"Paalam po," huling isinampit ni Donya Juana na may isang malumanay na ngiti at bahagyang pagyuko ng ulo. Matapos makapagpaalam ay pumasok na sa loob ng kanyang karwahe ang matandang donya. Sumunod namang pumasok rin ang kasama niyang alila. Isang pitik naman ng lubid sa balat ng kabayo ang ginawa ng kutsero at dito ay sinimulan nang lumakad ng hayop hila ang nakakabit na degulong na karwahe na siyang nagpausad dito. Tinanaw pa ni Padre Mariano sa may entrada ng capella ang pag-alis ng sinakyang karwahe ng matandang donya at nang makalayo-layo na ito ay naisipan na rin ng matandang Pilipinong prayle ang pumasok sa loob. Aakma na sanang pumasok ang yaong padre, nang mapalingon siya bigla dahil sa narinig na ingay ng matikas na iling ng isang kabayo at tila pagbatid niya na may pumarada na naman sa tapat ng capella. Pag

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status