Share

Puksain (4)

Napadapa ang tulisan sa lupa at di na magawa pang makatayo. Bumalik naman para sa kanya si Ato para tulungan siya, at inalalayan sa pagtakas. Talagang may pagnanais ang mga kawal na patayin ang dalawang tulisan na nakakita sa kanila at nagpatuloy pa rin sa paghahabol at pagbabaril. Ngayon at inalalayan na niya si Pablo, naging mabagal na sa pagtakbo si Ato. Hindi naman niya kayang iwan ang kasama lalong lalo na't sa sandaling kagaya nito. Hanggang sa bumaril muli sa kanila ang isang kawal, at dito ay natamaan si Ato sa kanyang tagiliran. Dalawa silang malakas na bumagsak sa lupa buhat matamaan si Ato. Bumungad ng mabilis ang napakatinding sakit sa naging tama ni Ato sa kanyang tagiliran. Mapalad pa sila't may kalayuan pa ang mga guardia civil.

"Tumakbo ka na Ato!" ang sigaw ni Pablo sa kanya matapos silang madapa. "Tumakas ka na!,"

"Hindi kita iiwan dito! Tatakas tayong dalawa!" pagtutol naman ni Ato sa naging sabi ng k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status