Share

Lawin (2)

Sumagot naman na may kagalakan at tuwa ang kanyang maestro.

"Ako'y mabuti lang at buhay na buhay pa, Miguel," tugon ng maestro na may pabiro. "Ikaw? Kamusta ka na? Ano-ano't napasadya ka ngayon dito sa Lazaro?"

"Hindi mo po ba natanggap ang sulat na ipinadala ko?"

May saglit na napatahimik si Maestro Leonidas.

"Ahh. .oo," bulalas ng maestro ng maalala ang tinutukoy ni Don Miguel matapos ang ilang sandaling pag-alala. "Hindi ko inasahang ikaw pala ang magdadala ng mga ito sa akin, Miguel. Ang buong akala ko nga ay hindi ka na babalik dito sa Santa Barbara kahit kailan,"

Napangisi naman ang Tukang Lawin.

"Sa lahat ng mga lugar dito sa Ilocandia, ang Santa Barbara ang hindi ko kailanman makakalimutan. Marami akong mga masasayang alaala dito noon kasama ang aking pamilya," tugon

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status