Share

Puksain

Wala na yatang mas sasariwa pa sa hanging bumabagwis sa loob ng makapal na kagubatan ng Sangrevida. Malinis at malamig ito na nagdudulot ng paggaan sa pakiramdaman tuwing madadama sa hubong balat ang binabayo nitong lamig kahit tirik na tirik sa kalangitan ang araw. Katahimikan ang siyang naghahari sa buong paligid, na talagang nakakabingi pakinggan. Nakakabuhay naman sa kalooban ang tingnan ang mga namumuhay ditong iba't-ibang uri ng mga mabeberdeng halaman at matataas na punongkahoy na tila ba nagpapaalala sa kasiyahang mayroon ang bawat buhay sa mundo. Sa liblib na bahagi ng kagubatan na ito ay para bang napapunta ka sa isang kakaiba ngunit napakagandang lugar, ang isang lugar na talagang malayong malayo kung maihahambing sa magulong pook gaya nang sa gitnang bayan.

Kaya naman, di maitatanggi na sa lahat ng mga lugar na makikita sa malawak na kapatagan ng Sangrevida, ang gubat na ito ang pinakamadalas puntahan ng tatlumpu't dalawang taong gulang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status