Share

Bato at Lupa (3)

"Ngunit hindi tayo handa para diyaan, Fernan," abat ni Don Condrado ukol sa sinabi ng Batong Kawal. "Sa katayuan natin ay hindi pa hinog ang kapatirang ito para sa isang malawakang paghihimagsik," tugon ni Don Condrado sa Batong Kawal.

"Ngunit, hanggang kailan tayo maghihintay?! Hanggang kailan tayo magtatago ng ganito?! Kailan tayo lalaban sa kanila?! " mga bulalas na mga tanong ni Sarhento Fernan Loreto, dala ng kanyang damdamin. "Hihintayin pa ba nating umunang gumamit ng dahas ang mga Kastila laban sa atin bago tayo lumaban sa kanila? Ito na ang nakikita kong takdang panahon. Ito na ang panahon para lumaban na tayo kagaya sa ginawa ni Damian!"

"Hindi tayo dapat magpadalos-dalos, Fernan," tugon ulit ni Don Condrado Guevarra bilang pagtutol sa sarhento. "Sana'y naging aral na sa ating lahat ang nangyari kay Damian at sa kanyang nabigong himagsikan. Hindi pa sapat ang ating lakas para labanan ang pamahalaan. K

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status