Share

Baryo

Kumagat ang gabi sa buong Sangrevida, at sa isang munting bahay kubo ng pamilyang Cabignan ay naroon pa rin ang binatang doktor na si Julian Guevarra. Matapos kasi ang matagumpay na pagkuha niya sa apat na parasitismo sa sugat ng pasyente ay napagpasyahan ni Julian na hindi muna umuwi upang bantayan ang kalagayan nito. Inaalam pa kasi niya ang taglay na init sa katawan ng nakalatay na lalaking pasyente niya, sabay pagsaliksik din kung mayroong kakaibang mangyayari dito at nang masigurado ding wala na itong iniindang anupaman sa kaloob-looban ng katawan.

Nakakabingi ang katahimikan ng buong bahay. Si Julian nalang kasi ang naiwang kasama ng yaong pasyente mulang umalis saglit sina Norma at Criscancio, kasama ang kanilang anak, upang pumunta sa botika sa gitnang bayan para bumili ng mga kinakailangang gamot sa pagpapagaling ng maysakit nilang kamag-anak. Di niya napansing umalis na din pala ang matandang padre na nagdala sa kanya roon pagkata

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status