Sumapit na ang gabi at bumalot na ang dilim sa kalangitan ng buong Sangrevida. Walang buwang sumibol sa gabing iyon kaya ang tanging makikita lamang sa buong kalawakan ay ang makikinang at nagningningang mga bituin na tila mga magagandang diyamante na nagkalat sa kalangitan.
Buhat sa gusaling pagawaan ng La Guevarra, nilakad lang ni Andracio ang daan papunta sa lugar na kanyang patutunghan. Mula sa mabatong daan mula doon ay narating niya ang isang tisang kalye, ang Calle Ponce. Nilakad niya ang maliit na kalyeng ito na tinitirikan sa gilid ng mga bahay-na-bato hanggang sa may isang esquinita. Maliwanag naman ang buong kalye na kanyang dinadaanan dahil sa makikitang mga nag-iilawang farola na nakatayo sa bawat gilid na umiilaw lang tuwing sasapit ang karimlan ng gabi. May mga ilang calesa at mga kariton pa siyang nadatnan na dumadaan pa rin sa kalyeng iyon. May mga ilan ring tao siyang nakikita n
Ang bawat kasapi ng La Indio Independencia ay binibigyan ng mga palayaw o bansag bilang mga lihim na pangalan. Bilang isang tagong kapatiran, kinakailangan ito upang hindi sila matukoy ng pamahalaan at otoridad.Dumating ang tatlo pang kasapi ng La Indio Independencia, gaya ng walong nauna ay may kanya-kanya ring bitbit itong mga lampara. Ang lampara kasi ang sagisag ng buong kapatiran. Ito ay ang bagay na sumasagisag sa mga ilustrados, ang siyang mga kumakatawang kasapi ng kapatiran. At gaya ng mga lamparang ito, ang mga ilustrados ay may layuning magbibigay liwanag ng pag-asa sa lahat, bagkos sa liwanag naman talaga kinuha ang dagnay ng salitang ito.Ang dalawa sa tatlong dumating ay ang mga kilalang mangangalakal ng Sangrevida na sina Timoteo Alonzo, ang Butong Niyog at si Deodato Locsin, ang Kukong Agila. Kasama nila ang isa pang ginoo na di kilala ni Andracio at
"Ngunit hindi tayo handa para diyaan, Fernan," abat ni Don Condrado ukol sa sinabi ng Batong Kawal. "Sa katayuan natin ay hindi pa hinog ang kapatirang ito para sa isang malawakang paghihimagsik," tugon ni Don Condrado sa Batong Kawal."Ngunit, hanggang kailan tayo maghihintay?! Hanggang kailan tayo magtatago ng ganito?! Kailan tayo lalaban sa kanila?! " mga bulalas na mga tanong ni Sarhento Fernan Loreto, dala ng kanyang damdamin. "Hihintayin pa ba nating umunang gumamit ng dahas ang mga Kastila laban sa atin bago tayo lumaban sa kanila? Ito na ang nakikita kong takdang panahon. Ito na ang panahon para lumaban na tayo kagaya sa ginawa ni Damian!""Hindi tayo dapat magpadalos-dalos, Fernan," tugon ulit ni Don Condrado Guevarra bilang pagtutol sa sarhento. "Sana'y naging aral na sa ating lahat ang nangyari kay Damian at sa kanyang nabigong himagsikan. Hindi pa sapat ang ating lakas para labanan ang pamahalaan. K
Isang bagong araw para sa panibagong kinabukasan.Ito ang naging aniya sa sarili habang tinatanaw mula sa ventanilla ng kanyang cuarto ang maganda at papasikat pang araw sa malawak na kalangitan ng Sangrevida. Sumilaw at nadama niya doon ang dala nitong kakaibang init na muli niyang nadarama matapos ang nagdaang tatlong buwan. Ito ay ang kakaibang init na dulot ng nakakasilaw na mga silahis ng haring araw na tila ba maiuuring tulad ang init na ito sa mahigpit na yakap ng isang ina. Bagkos, ang lugar ng Sangrevida ay itinuri naman din niyang kanyang inang bayan kung saan minamahal niya at handa niyang ipagtatanggol laban sa anupaman.Gumising siya ng maaga. Di pa dumating ang araw ay namulat na siya. At nang makitang nagsimula nang lumiwanag ang paligid sa labas, dito ay bumangon siya sa kanyang cama at tinungo ang kalapit na di nakasarhang ventanilla na kanyang dinudungawan n
Sumagot naman na may kagalakan at tuwa ang kanyang maestro."Ako'y mabuti lang at buhay na buhay pa, Miguel," tugon ng maestro na may pabiro. "Ikaw? Kamusta ka na? Ano-ano't napasadya ka ngayon dito sa Lazaro?""Hindi mo po ba natanggap ang sulat na ipinadala ko?"May saglit na napatahimik si Maestro Leonidas."Ahh. .oo," bulalas ng maestro ng maalala ang tinutukoy ni Don Miguel matapos ang ilang sandaling pag-alala. "Hindi ko inasahang ikaw pala ang magdadala ng mga ito sa akin, Miguel. Ang buong akala ko nga ay hindi ka na babalik dito sa Santa Barbara kahit kailan,"Napangisi naman ang Tukang Lawin."Sa lahat ng mga lugar dito sa Ilocandia, ang Santa Barbara ang hindi ko kailanman makakalimutan. Marami akong mga masasayang alaala dito noon kasama ang aking pamilya," tugon
Wala na yatang mas sasariwa pa sa hanging bumabagwis sa loob ng makapal na kagubatan ng Sangrevida. Malinis at malamig ito na nagdudulot ng paggaan sa pakiramdaman tuwing madadama sa hubong balat ang binabayo nitong lamig kahit tirik na tirik sa kalangitan ang araw. Katahimikan ang siyang naghahari sa buong paligid, na talagang nakakabingi pakinggan. Nakakabuhay naman sa kalooban ang tingnan ang mga namumuhay ditong iba't-ibang uri ng mga mabeberdeng halaman at matataas na punongkahoy na tila ba nagpapaalala sa kasiyahang mayroon ang bawat buhay sa mundo. Sa liblib na bahagi ng kagubatan na ito ay para bang napapunta ka sa isang kakaiba ngunit napakagandang lugar, ang isang lugar na talagang malayong malayo kung maihahambing sa magulong pook gaya nang sa gitnang bayan.Kaya naman, di maitatanggi na sa lahat ng mga lugar na makikita sa malawak na kapatagan ng Sangrevida, ang gubat na ito ang pinakamadalas puntahan ng tatlumpu't dalawang taong gulang
Nadatnan din roon ni Teodato ang katabing kausap ng Puno na isang di kilalang lalaki, na wari niya'y isang mayamang ginoo dahil sa kasuotan nitong mamahaling chachetta, dekwelyong camisa at tsaleko na karaniwang isinusuot ng mga ginoo sa gitnang bayan. Matanda na ito, marahil halos limampung taong gulang na kung pagbabatayan ang kanyang mukha. Kapansin-pansin rin ang makapal nitong mga kilay at mahabang bigote sa mukha.Sa pagkakita ni Ato sa kanila, masasabi niya na talagang magkakilala ang dalawang matandang lalaking nakaupo roon habang nag-uusap sa isa't isa.Ilang saglit pa ang dumaan bago nabatid ni Fernando ang pagdating ni Ato. Agad niyang tinawag at pinapalapit ang binatang tulisan sa kanyang mesa. "Teodato," tawag-batid ni Fernando Valenzuela, ang Puno ng mga tulisanes, sa pangalan ni Ato na may magalak na tinig. "Buti at nandito ka na. Halika, may ipapakilala muna a
Dahil sa mahabang paglalakad na tinahak nila, pagrating sa kubong iyon ay nagpahinga sina Ato at Pablo. Wala pang niisang tulisang taga-Agracia ang nakita nilang nandoon kaya hinintay muna nila ang pagdating ng mga ito. Palubog na ang araw sa kalangitan nang dumating sa wakas sa Pagpag ang mga tulisang kanilang sadya. Sampung armadong mga tulisang taga Agracia ang dumating na agad sinalubong nina Ato at Pablo para ibigay ang mga dala nilang mga kahon."Ito na ba ang mga iyon?" ang naging tanong ng isang matangkad at maykalakihang lalaki na humarap sa kanila. Masunog ang kulay ng balat nito, hindi moreno, kaya batid nilang maylahi itong Negrito. Mapango ang ilong, malaki ang mga mata at maputok ang mapulang labi. Kulot na kulot naman ang kanyang kulay itim na buhok. Nakasuot siya ng puting camisa de chino at itim rin na maong. Sa kaliwang kamay ng lalaki ay may hawak siyang isang mahaba't matulis na sibat. May pata
Napadapa ang tulisan sa lupa at di na magawa pang makatayo. Bumalik naman para sa kanya si Ato para tulungan siya, at inalalayan sa pagtakas. Talagang may pagnanais ang mga kawal na patayin ang dalawang tulisan na nakakita sa kanila at nagpatuloy pa rin sa paghahabol at pagbabaril. Ngayon at inalalayan na niya si Pablo, naging mabagal na sa pagtakbo si Ato. Hindi naman niya kayang iwan ang kasama lalong lalo na't sa sandaling kagaya nito. Hanggang sa bumaril muli sa kanila ang isang kawal, at dito ay natamaan si Ato sa kanyang tagiliran. Dalawa silang malakas na bumagsak sa lupa buhat matamaan si Ato. Bumungad ng mabilis ang napakatinding sakit sa naging tama ni Ato sa kanyang tagiliran. Mapalad pa sila't may kalayuan pa ang mga guardia civil."Tumakbo ka na Ato!" ang sigaw ni Pablo sa kanya matapos silang madapa. "Tumakas ka na!,""Hindi kita iiwan dito! Tatakas tayong dalawa!" pagtutol naman ni Ato sa naging sabi ng k