Share

Calisto

Ganoon pa rin ang ayos ng mga bagay-bagay sa loob ng cuarto ni Julian. Walang pinagbago, at katulad pa rin ito noong huling araw na nakita niya ang yaong cuarto.

Sa pagpasok sa pinto, ang unang bubungad sa loob ay ang malaking cama. Ito'y isang malaking cama na kilala sa tawag na Cama de Ah Tay. Ipinangalan itong Cama de Ah Tay dahil ang ukit at gayak nito ay mula sa pamamaraang istilo ng isang tanyag na manlililok na Instik na tagagawa ng mga magagandang cama at muebles sa Ilocandia. Kilala din ang gawang cama na ito

sa pangalan na calabasa dahil sa malagulay na kalabasang hugis na sandalan sa uluhan nito. Niyari ang buong kama sa pinakintab na kamagong at nilubirang ratan na may nakatirik na apat na poste sa bawat kwadro na sinadyang ilagay upang maging kabitan ng kulambo. Sa itaas naman ng mga posteng ito ay may magaganda
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status