Share

Tribunal (4)

"Silenciar!" ang bulalas ng unang juez ng Sangrevida bilang pampanahimik niya at gumawa pa ng tatlong pagpukpok sa maliit na martilyo na yari sa matigas na kahoy. Napapigil naman dito ang nanlabang si Ambrosio dela Rosa,  ang isa sa mga nakaupong nasasakdal. "Hayaang magsalita ang nakaupong testigo," dagdag  ng unang juez na may parinig.

"Magpatuloy!"

Ngunit, sa kabila nito, nagsalaysay sa halip ang alguacil mayor. "Batay sa iyong mga kuwento sa amin, Ginoong Trias, ay para bang malaki ang kaalaman mo sa mga diumano'y masasamang balak na ito, " wika ng heneral sa naging tingin niya. "Maaari mo bang ilahad sa hukumang ito kung anu-ano ang mga masasamang bagay na balak gawin ng iyong mga kapwa-kawani sa kapatiran?"

"Opo, mahal na hukom," tugon ni Leandro Trias. Nagpatuloy ito sa paglalahad. "Napag-usapan po sa mga nakaraang pulong namin a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status