Share

Kirot (3)

Nakita naman ni Andracio ang nadarama ni Julian sa mukha nito. Nalulungkot rin siyang masabi iyon sa kanyang senyorito.

"Kung kutob po ninyo na itong Alanus ang may pasimuno sa lahat ng nangyari sa kanila, hayaan niyo po akong lumakap ng anumang kaalaman na may patungkol sa kanya, para sa inyo, senyorito, at baka may nakakaalam po mula sa iba ko pang mga kasamahan sa kapatiran" wika ni Andracio na buong loob niyang sinabi kay Julian para maiangat ang nalumong kalooban nito.

"Mga kasamahan? May iba ka pang kasamahan bukod kay Don Miguel?"

Tumugon agad ang binatang encargador. "Maliban po sa labingdalawang nadakip ay may apat pa pong natitirang kawani ang aming kapatiran. Ito ay ako, si Don Miguel, ang dating sarhento na si Fernan Loreto, at ang isang binatang lalaki na nagngangalang Mateo Vicente. Kaya magtanong-tanong po ako sa kanila kung may nalalaman ba sila tungkol kay Alanus, "tugon niya kay Julian.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status