Share

Lawak

Parang nakiayon sa damdamin ng Bastong Loro ang naging timpla ng panahon sa araw na iyon.

Nakalulumo sa kaloobang tingnan ang nagkumpulang mga maiitim na kaulapan sa kalangitan na siyang mga tiyak na signos sa paparating na malakas na ulan. Madadarama naman sa buong paligid ang lamig na dala ng bumabayong hanging amihan na kung manglapnos sa mga balat ay nakakapangilabot ng balahibo. Sa malamig na umaga ding ito, habang iginapaspas kasabay ng may kalakasang bagwis ng hangin, umiba rin ang mga ipinakitang galaw ng mga maluntiang puno't mga halamang tumutubo sa tabi-tabi na tila ba mararamdaman sa bawat pagyuko't pag-indak ng mga ito ang namumuong lumbay na dumaraing at tumatawag-batid sa mga dumadaang tao sa kalye. Ngunit, gayunpaman, ang lahat ng mga ito'y hindi batid sa pansin ni Andracio de Castro kung saan sa mga pagkakataong iyon ay marahang naglalakad sa kahabaan ng Calle Agustin. 

Nakababa ang ulo niya habang binabaybay ang malaki

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status