Home / Fantasy / Lahid / Chapter 121 - Chapter 130

All Chapters of Lahid: Chapter 121 - Chapter 130

310 Chapters

Gunita

Sa Casa Escarlata ay may isang magarbo at engrandeng piging na magaganap. Imbitado ang lahat ng mga maituturing na mayayama't makapangyarihang tao sa buong Sangrevida o maging sa buong Ilocandia, sapagkat ang yaong piging ay inihanda mismo para sa isang napakahalagang opisyal na dumayo sa bayan;Ang Punong Mahistrado ng Real Audencia sa Felipinas.Kanina pa lumilim ang gabi sa buong bayan kaya nama'y pinapadali na ni Pedro ang sinasakyang karwahe patungo sa yaong mansyon upang sa ganun ay hindi siya mahuli sa salo-salo roon. Mag isa lamang siyang nakasakay sa karwahe, pinauna na kasi niya ang asawa na si Delfina at ang kanilang mga anak na sina Quintin at Dominico mulang hindi pa siya nakabihis nung papaalis na sana ang mga ito--buhat huli na nakauwi dahil tinapos pa niya ang ilang mga nakabinbing gawain bilang alguacil mayor  ng Fuerte de
last updateLast Updated : 2022-02-26
Read more

Gunita (2)

Sa pag-upo'y dito na narinig ni Pedro kung ano ang pinag uusapan ng mga gobernadorcillo--at ito ay tungkol sa pagkamatay ng dating alcalde mayor. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos nauunawaan kung bakit kinitil ng dating alkalde ang sarili niyang buhay," nalulungkot na wika ni Alejo Silva. "Hindi ko akalain na ang katulad niyang mapagmahal sa pamilya at mga kaibigan ay may nakabalot palang lihim na suliranin sa sarili. Ikinagulat ko talaga ang malagim na nangyari sa kanya," "Lahat tayo ay may nakatagong demonyo sa ating mga sarili na siyang pinakamahirap nating kalaban," mabaras na sabi ni Camilo Zarcal, ang gobernadorcillo ng San Bernardo. "Namimihasa ito sa panahon ng ating kahinaan. At nasa sa atin lamang kung ito'y patuloy nating kakalabanin upang maiwaksing tulayan o hahayaan na lamang na lamunin tayong buo hanggang sa punto ng ating kamatayan," "Ang nangyari sa alkalde ay patunay lamang na hindi lahat ng mat
last updateLast Updated : 2022-02-27
Read more

Kirot

Kinabukasan, matapos ang nanyaring libing kahapon, ay maagang nagtungo si Julian Guevarra sa kanyang clinica sa Barrio Umag.Apat na araw na kasi niyang hindi napupuntahan ang yaong clinica, simula noong dinakip ng mga otoridad si Don Condrado, kung kaya pagkagising niya ay naisipan niya nang pumunta roon upang muli itong buksan para sa mga nangangailangan ng servicio medico. Bukod dito ay napagbalak rin niyang paabalahin ang buong sarili sa araw na iyon upang hindi siya makapagmuni-muni uli ng mga bagay-bagay na sa kanyang damdamin ay nagpapapalumo. Ito rin ay sa ganu'y makalimutan man lang niya kahit sandali ang mga kaganapang hindi niya matanggap-tanggap tulad ng pagkamatay ng kanyang butihing tiyuhin.Pagkarating ni Julian sa clinica, buhat sakay ng kanyang karwahe, ay napansin niyang walang niisang tao ang naghihintay sa silong nito. Hindi ito tulad noo
last updateLast Updated : 2022-02-28
Read more

Kirot (2)

Kinuha ng binatang doktor mula sa mesa ang isang maliit na bote. May laman itong kloroformo---isang uri ng likidong gamot na ginagamit ng mga manggagamot bilang pampatulog. Naglagay ng kunti si Julian nito sa isang malinis na bimpo. Pagkatapos ay ipinaamoy niya ito sa nakahiga at nagdudurusa pang pasyente, paunti-unting kumalma ito hanggang sa tuluyang napatulog. At nung makatulog na ay dito na sinimulan ni Julian na gamutin ang mga sugat ng yaong lalaki. Kinuha na niya dito ang mga dalang panlunas. Gamit ang isang bulak ay pinahiran ni Julian ng gamot panlihom ang mga sugat-latigo sa likod ng lalaki. Matapos mapahiran ng gamot ay binalot niya ito sa makapal na panapal upang ang mga sugat ay di mabungad sa hangin o anumang dumi, pang-iwas sa mga mapanganib na mikhay. Sunod naman niyang ginamot ang nabugbog na mukha nito kung saan nakitaan pa niya ng isang malaking hiwa sa may kaliwang kilay. Kaagad naman niyang itinahi ito---mga limang tahi-
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more

Kirot (3)

Nakita naman ni Andracio ang nadarama ni Julian sa mukha nito. Nalulungkot rin siyang masabi iyon sa kanyang senyorito. "Kung kutob po ninyo na itong Alanus ang may pasimuno sa lahat ng nangyari sa kanila, hayaan niyo po akong lumakap ng anumang kaalaman na may patungkol sa kanya, para sa inyo, senyorito, at baka may nakakaalam po mula sa iba ko pang mga kasamahan sa kapatiran" wika ni Andracio na buong loob niyang sinabi kay Julian para maiangat ang nalumong kalooban nito. "Mga kasamahan? May iba ka pang kasamahan bukod kay Don Miguel?" Tumugon agad ang binatang encargador. "Maliban po sa labingdalawang nadakip ay may apat pa pong natitirang kawani ang aming kapatiran. Ito ay ako, si Don Miguel, ang dating sarhento na si Fernan Loreto, at ang isang binatang lalaki na nagngangalang Mateo Vicente. Kaya magtanong-tanong po ako sa kanila kung may nalalaman ba sila tungkol kay Alanus, "tugon niya kay Julian. 
last updateLast Updated : 2022-03-04
Read more

Kirot (4)

Pinagpatuloy pa rin ni Julian ang pagbabasa. Nasa bahagi na siya nung gabi na dinalaw ni Don Condrado ang pinuno ng mga tulisanes---nalaman niyang tinatawag na Puno----kung saan pinag-usapan nila ang malapit na pagbabalik ng taong tinawag nilang Tukang Lawin. Napaisip naman si Julian kung sino ito, na wari niya na marahil ay kasamahan ito ng tiyuhin sa kapatiran nito. Kung kasama lang niya si Andracio, tiyak malalaman niya agad kung sino itong Tukang Lawin. Maiintindihan niya rin ang ilang mga pangyayari sa talaarawan at baka malalaman niya rin ang tungkol sa Oritimum, kung alam nga ito ng binatang encargador.Hanggang sa huminto na lamang bigla sa pag-usad ang karwaheng sinasakyan niya na siyang pinagtatakhang malaki ni Julian.Dala
last updateLast Updated : 2022-03-05
Read more

Ratna

Ang hihip ng amihan-lubang sa gabing iyon ay may kahinaa't madupok kaya naging maanayad ang ugali ng kalakhang karagatan sa kanluran ng Islas Filipinas. Dahil sa kalumuang dala ng malamig na hanging ito ay naging matiwasay at malamlam ang mga along umaalulod sa pamapalibot na laot, gayon ma'y malalanghap naman sa yaong hangin ang bitbit nitong kalansahan at umaangis na kaalatan. Ang buong kalangitan ay nakisama rin sa magandang panahong nailagak sa malawak na karagatang ito kung saan kanya namang pinuno ang sarili sa mga maningning na estrelya na kung maiiuring tanaw ay tila ba isang napakahabang kulay itim na sutla sa himpapawid na ginayakan ng mga maririkit at kumikinang na diamante. Nakakalumay namang pakinggan ang aliw-iw ng tubig sa buong paligid kung saan nagdadala naman ng kakaibang kaluwaga't kapayapaan sa mga kaisipa't sa mga damdamin na may himig na kahit saanmang lugar sa lupa ay di magagawang maririnig.Sa gitn
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more

Tribunal

Mulang dinakip ng mga kawal ng guardia civil ay hindi na muling nakita ni Julian Guevarra ang kanyang tiyuhing si Don Condrado. Pinilit man niyang puntahan kahapon ang kanyang tiyuhin sa kinalalagyan nitong kulungan sa Fuerte de San Nicolas ay hindi niya nagawa buhat nang ipinatupad ng pamahalaan ang aktang nagpapabawal sa kahit anumang pagdalaw sa yaong bilanggo. Kinabukasan, pagpatak ng alas-nueve ng umaga, nagmamadaling umalis sa Mansion Gliriceda ang binatang Guevarra. Sakay ng isang karwahe ay binaybay niya ang daan patungong timog ng Sangrevida,  papunta sa Fuerte de San Nicolas para dumalo sa gaganaping inquisición o paglilitis doon sa kanyang butihing tiyuhin. Ito ay ang paglilitis sa mga pinaratang na kaso kay Don Condrado Guevarra sa diumano'y pagtataksil niya sa pamahalaang Kastila na isa sa mga pinakamabigat na kasalanan sa batas ng pamahalaan na kung mapapatunayan man ay tiyak m
last updateLast Updated : 2022-03-07
Read more

Tribunal (2)

"Kayo, Benjamin Florencio y Balinos, Domingo Jimenez y Vicente, Teofilo Magsaysay y Gloria, Ambrosio dela Rosa y Nueza, Paulino Arevalo y Acal, Timoteo Alonzo y Labor, Deodato Locsin y Santos, Anastacio dela Cruz y Cerpenza, Ramon Crisologo y Torres, Donato Palmonares y Esteban, Estilito Rosales y Hermosa at Condrado Guevarra y Roquia, kayong labingdalawa ay nandirito ngayon sa hukumang ito dahil sa mga kasong pagtataksil, sedición at pagkokonspirya ng pag-aalsa laban sa pamahalaan. Sa harap ng mahal na inang katarungan ay bibigyan ko kayo ng pagkakataong magsalita upang aminin ang anumang nagawang kasalanan. Ano ang inyong pagmamakatwid sa mga akusasyong ito?"Katahimikan ang siyang tumugon. Walang niisa sa labindalawang lalaking inaakusahan ang sumagot sa harap ng unang juez. Binigyan pa sila nito ng ilang sandali para tumugon, ngunit nang wala pa ring narinig niisang salita mula sa kanila ay nagpatuloy na ang unang ju
last updateLast Updated : 2022-03-08
Read more

Tribunal (3)

"Mga mahal na hukom," anya ulit ng binatang abogado pagkatapos ang mga paglalahad ng mga testigo sa kanilang mga kuwento. "Ang mga taong ito ay tatlo lamang sa maraming taong natulungan ng kapatiran. Sila ang mga buhay na katibayan  sa mga mabubuting layunin at gawain ng pinaratangang kapatiran ng La Indio Independencia. Maging ako po ay natulungan noon ng kapatirang ito,sapagkat kung hindi dahil sa mga inambag nilang pangtustos sa aking escuela ay hindi niyo ako makikita sa inyong harapan ngayon bilang isang abogado. Kaya, mga mahal na hukom, kung nagbabalak man ng masama laban sa pamahalaan at sa buong bayan ang kapatirang ito, maglalaan pa ba  sila ng panahon, lakas at kwalta para matulungan lamang ang mga kagaya naming karaniwang tao sa lalawigang ito?"Nagsalita ang unang juez ng Ilocandia. "Sabihin na nating may mga mabubuti ngang nagawa ang La Indio Independencia, ngunit
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
31
DMCA.com Protection Status