Home / Fantasy / Lahid / Chapter 131 - Chapter 140

All Chapters of Lahid: Chapter 131 - Chapter 140

310 Chapters

Tribunal (4)

"Silenciar!" ang bulalas ng unang juez ng Sangrevida bilang pampanahimik niya at gumawa pa ng tatlong pagpukpok sa maliit na martilyo na yari sa matigas na kahoy. Napapigil naman dito ang nanlabang si Ambrosio dela Rosa,  ang isa sa mga nakaupong nasasakdal. "Hayaang magsalita ang nakaupong testigo," dagdag  ng unang juez na may parinig."Magpatuloy!"Ngunit, sa kabila nito, nagsalaysay sa halip ang alguacil mayor. "Batay sa iyong mga kuwento sa amin, Ginoong Trias, ay para bang malaki ang kaalaman mo sa mga diumano'y masasamang balak na ito, " wika ng heneral sa naging tingin niya. "Maaari mo bang ilahad sa hukumang ito kung anu-ano ang mga masasamang bagay na balak gawin ng iyong mga kapwa-kawani sa kapatiran?""Opo, mahal na hukom," tugon ni Leandro Trias. Nagpatuloy ito sa paglalahad. "Napag-usapan po sa mga nakaraang pulong namin a
last updateLast Updated : 2022-03-10
Read more

Hatol sa Traydor

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya alam kung ano ang nararapat niyang idama sa pagkalihis ng sana'y masamang kapalaran. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o maging mabahala sa pagkalimot ni Leandro Trias sa tunay niyang pangalan na naging mapalad na pagkakataong nagligtas sa kanya mula sa panghuhuli ng mga guardia civil sa mga naparatangang mga kawani ng La Indio Independiencia kung saan siya ring kinabibilangan niya. Sa halip kasi na Andracio de Castro, Alfonso de Castillo ang ibinigay na pangalan ni Trias sa mga otoridad na maling ipinangalan nito sa Bastong Loro, ang siyang palayaw ni Andracio sa loob ng kinasapiang kapatiran. Ngunit, ganoon man ang naging mabuting pag-ayon ng kapalaran sa kanya, di naman mapigilan sa damdamin ni Andracio ang lumulubhang pag-alala sa mga nadakip na kasamahan. Labindalawa sa mga kasamahang kaw
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

Hatol sa Traydor (2)

Sa katabing mesa ay may kinuhang nakatuping papel si Don Miguel. Inabot at binigay niya ito kay Andracio na agad namang binasa ng binatang encargador nang matanggap ito. Habang binabasa ni Andracio ang nilalaman ng papel na iyon ay nagsalitang muli ang apatnapu't walong gulang na don. "Kanina ko lamang natanggap ang liham na iyan mula kay Sarhento Loreto, ang kasamahang kawani natin na kumatawan sa mga tulisanes," paglahad ni Don Miguel kung kanino galing ang sulat na binabasa ni Andracio. Di naman umimik dito si Andracio na patuloy na binabasa ang ibinigay sa kanyang sulat. Ipinaliwanag naman ni Don Miguel kung saan patungkol ang liham na iyon na hindi na hinintay pang mabasa ng Bastong Loro. "Naglalaman ang sulat na iyan nang mga balita galing kay Sarhento Loreto mula sa kuta ng mga tulisan. Laman diyan ang balitang napag-usapan na raw ng mga pinuno ng mga tulisan ang tungkol sa napakalaking suliranin ngay
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more

Hatol sa Traydor (3)

Pagkarating niya sa Sangrevida mula Santa Barbara ay kanyang sinabihan ang lalaking cochero na ipatuwid-usad lang ang sinasakyang karwahe, patimog, papuntang Fuerte de San Nicolas. Pinabilis rin niya ang pag-usad nito dahil sa mga oras na iyon ay humahapon na't baka di na niya maabutan ang dadaluhing paghahatol ng hukom sa mga nadakip na kawani ng La Indio Independencia. Mula sa Calle Rodriguez ay matuling nilakbay ng  karwahe ang mga tatahaking kalye sa gitnang cabesera ng Sangrevida, kung saan nadaanan niya ang puting simbahan ng Catedral de San Pablo sa may Plaza Polistico at ang malaki't mataong mercado sa Calle Abelardo. Habang umuusad naman ito sa daan na umaayon sa bilis ng lakad ng humihilang kabayo, tahimik lamang na nakasakay dito ang binatang encargador ng La Guevarra Fabrica de Tabacos Cigarillos na si Andracio de Castro. Kanina
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more

Kasalanan

Isang pambihira't napakalaking puno ang agad mamamataan sa daan. Kahit sa kalayua'y talagang mababatid ang labis nitong kataasan na para bang sadyang inaabot ang patungong kalangitan. Ang yaong puno ay mayroon ding napakatabang katawan na binabalutan ng mga mahahaba't malalaking baging, na bukod pa rito ay makikita sa itaas ang mga mahahaba't malalawak na mga sangang binubuhayan naman ng mga mabeberdeng dahon na kung titingnang maigi ay para bang isang gubat na lumulutang sa himpapawid dahil sa kakapalan at kayabungan ng mga ito.Sa loob ng umuusad na malaking karwahe, ang malaking punong ito ang unang natanaw nang naroo't nakasakay na binata na ngayong si Julian Guevarra. Alam niyang nakarating na siya sa lugar na pupuntahan buhat makita ang napakalaking puno, ngunit sa halip na matuwa ay bumalot sa damdamin niya ang labis na pagkalumbay mulang ibinalik siya ng punong ito sa nakaraan, kung saan sumariwang muli sa puso't isipan niya ang masakit na p
last updateLast Updated : 2022-03-13
Read more

Kasalanan (2)

Nang makita itong muli ni Julian ay naalala niya ang mga kahindik-hindik na sinapit ng mga taong nagkasala at napurusahan ng kamatayan dito, lalong lalo na ang dalawang guardia civil na ginarote na nasaksihan niya noon. Muli na namang sumariwa sa kanya ang pagparusa sa dalawang taong pumatay sa kanyang butihing ama noon, at nadarama din niyang muli ang di maipaliwanag na galit noon na umusbong sa kanya nang masaksihan sa musmos niya mga mata ang pagbitay sa dalawang kriminal sa yaong platapormang kanyang nakita.Nagliwanag namang muli ang kanyang paningin nang nakita ang napakataas at napakagandang catedral ng Sangrevida. Ito ay ang Catedral de San Pablo. Maliwanag tingnan sa daplis ng silahis ng araw ang yaong catedral dahil sa pintura nito. Kulay crema ito, kulay na kumakatawan sa kabanalan at kalinisan sa paniniwalang Kristiyanismo. Binatay ito sa haliging gayak na tinawag na baroque
last updateLast Updated : 2022-03-14
Read more

Ang Kanta

Ang Mansion Gliriceda ay ang ikalawa sa pinakamalaking bahay sa buong Sangrevida. Nangangalawa ito sa pinakamalaking bahay sa bayan, ang tahanan ng alcalde mayor, ang Casa Escarlata. Ngunit mas malawak naman kung ikukumpara ang lupain ng Gliriceda kaysa sa Escarlata, na kung saan sa unahan pa ng yaong lupaing ito ay makikita ang Ilog Bantigaw, ang isa sa tatlong malalaking ilog na pumapalibot sa buong ayuntamiento. May dalawang palapag ang buong mansion. Ang unang palapag nito ay gawa sa adobe at mga korales, ang mga batong karaniwang ginagawang dingdingan at haligi ng mga bahay-na-bato. Maluwag ang buong looban ng palapag na ito na may mga ventanillas na ipinasimano sa bakal na kinabitan ng mga malinawaging bintanang niyari sa mga maninipis, makikinis at mapuputing punlong tinawag na kapis. May mga nakatayong malalaking poste namang makikita doon na mula sa mga matitigas na kahoy ng tugas na
last updateLast Updated : 2022-03-15
Read more

Ang Kanta (2)

Ang inuming tinatawag na basi ay ang alak na nagmumula sa mga halamang tubo. Ito ang pangunahing kalakal ng Agracia, isa sa mga pueblo ng Ilocandia. Karamihan sa mga taga Agracia ay sa pagtitinda ng mga kalakal mula sa tubo  ang pangunahing hanapbuhay kagaya ng inuming basi. Maraming bumibili nito dahil bukod sa masarap ay napakamura din nito at higit sa lahat nakakalasing. Hanggang sa ipinatupad na lamang bigla ng pamahalaan ng Agracia ang monopolyo sa yaong inumin. Sa monopolyo na ito, ipinagbabawal na ang paggawa, pagkalakal at pagtitinda ng mga inuming basi sa Agracia na walang pahintulot mula sa mga malalaking pagawaan na itinayo ng pamahalaan. At dahil dito, marami ang nagalit na mga manggagawa ng inuming basi, hanggang sa umalab at umabot na nga ito sa mga pag-aalsa upang iwaksi ang monopolyo. Bukod naman kasi sa kalakakan, ang inuming basi ay bahagi rin sa mga paniniwala ng mga taga Agracia
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Dinig

Walang mapatag na lupain sa Ilocandia ang hindi tinataniman. Ang pagsasaka at pagtatanim kasi ang pangunahing hanapbuhay ng mga Ilokano kaya naman sa mga kapatagan ng lalawigan ay may makikitang iba't ibang taniman. Subalit, sa lahat ng mga panananim na makikita sa lugar na ito ay mas pinangangahalagan ng mga magsasaka ang halamang tabako---ang halamang siyang pinagkukunan ng pangunahing kalakal kung saan kilala ang Ilocandia.Ang mga mababangong cigarillos nito.Ang La Guevarra Fabrica De Tabacos y Cigarillos o La Guevarra ang pinakamalaking pagawaan ng mga tabakong cigarillos sa buong Sangrevida. Unang binuksan ito noong taong 1857 at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin sa paggawa ng mga matataas na kalidad na mga cigarillos na inaangkat sa buong Filipinas at maging sa ilang bansa sa Europa. Ang pabrika ay bunga ng pagsasama ng malalak
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Dinig (2)

Mula sa mangilan-ilang gusaling nadaanan ng sinasakyang calesa ay nagawang matanaw rin ni Andracio ang isang tindahan ng mga baston. Naalala muli dito ng encargador ang kabataan niya. Sa mga nakasabit na bastong nakita ay naalala niya ang kahiligan niya sa pag-uukit at paggawa ng mga ito noon na siyang mga bagay na itinuro sa kanya ng yumaong ama. Bininiyaan naman siya ng kagalingan sa paggawa ng magagandang baston kaya naman kinuha siya ng isang Tsinong negosyante noon para magtrabaho sa  pagawaan nito. At ito ang naging trabaho niya noon bilang pantawid sa buhay ng sampung taong gulang pang si Andracio de Castro kasama ang kanyang naulilang maliliit pang mga kapatid. Hindi nagtagal, sa edad na labing anim na taon, sa pamamagitan ni Don Condrado Guevarra ay nakapagtrabaho siya bilang tagalista ng mga tala at inventorio sa pagawaan ng La Guevarra. Nakita ng don ang kahusayan niya sa gawaing ito. Naging bodeguero siya kal
last updateLast Updated : 2022-03-20
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
31
DMCA.com Protection Status