Nadatnan din roon ni Teodato ang katabing kausap ng Puno na isang di kilalang lalaki, na wari niya'y isang mayamang ginoo dahil sa kasuotan nitong mamahaling chachetta, dekwelyong camisa at tsaleko na karaniwang isinusuot ng mga ginoo sa gitnang bayan. Matanda na ito, marahil halos limampung taong gulang na kung pagbabatayan ang kanyang mukha. Kapansin-pansin rin ang makapal nitong mga kilay at mahabang bigote sa mukha.Sa pagkakita ni Ato sa kanila, masasabi niya na talagang magkakilala ang dalawang matandang lalaking nakaupo roon habang nag-uusap sa isa't isa.Ilang saglit pa ang dumaan bago nabatid ni Fernando ang pagdating ni Ato. Agad niyang tinawag at pinapalapit ang binatang tulisan sa kanyang mesa. "Teodato," tawag-batid ni Fernando Valenzuela, ang Puno ng mga tulisanes, sa pangalan ni Ato na may magalak na tinig. "Buti at nandito ka na. Halika, may ipapakilala muna a
Last Updated : 2022-04-03 Read more