Home / Fantasy / Lahid / Chapter 141 - Chapter 150

All Chapters of Lahid: Chapter 141 - Chapter 150

310 Chapters

Calisto

Ganoon pa rin ang ayos ng mga bagay-bagay sa loob ng cuarto ni Julian. Walang pinagbago, at katulad pa rin ito noong huling araw na nakita niya ang yaong cuarto.Sa pagpasok sa pinto, ang unang bubungad sa loob ay ang malaking cama. Ito'y isang malaking cama na kilala sa tawag na Cama de Ah Tay. Ipinangalan itong Cama de Ah Tay dahil ang ukit at gayak nito ay mula sa pamamaraang istilo ng isang tanyag na manlililok na Instik na tagagawa ng mga magagandang cama at muebles sa Ilocandia. Kilala din ang gawang cama na ito sa pangalan na calabasa dahil sa malagulay na kalabasang hugis na sandalan sa uluhan nito. Niyari ang buong kama sa pinakintab na kamagong at nilubirang ratan na may nakatirik na apat na poste sa bawat kwadro na sinadyang ilagay upang maging kabitan ng kulambo. Sa itaas naman ng mga posteng ito ay may magaganda
last updateLast Updated : 2022-03-21
Read more

Udyok

Sa timog bahagi ng Sangrevida kung saan makikita ang mga malalawak na palayan, dito makikita ang munting barrio ng Umag. Ang barrio ay nasa labas ng mga tisang kalye ng gitnang bayan, kaya walang makikitang mga yari sa batong gusali o mga magagandang bahay-na-bato ang nandoon. Ang mga karaniwang bahay na makikita lamang na nakatirik dito ay gawa sa kawayan, pawid, kogon at ilang kahoy na nanggaling sa niyog. Katapat ng mga bahay kubong ito ang malawak na kapatagan kung saan nakatanim ang mga mabeberde at manilaw-nilaw nang mga halamang palay na siyang bumubunga sa pang araw araw na bigas. Sa buong bayan ng Sangrevida, sa Barrio Umag inaangkat ang mga bigas na ititinda sa gitnang-bayan dahil ito kasi ang pangunahing kalakal na inaangkat ng mga magsasaka ng barrio bilang kanilang hanapbuhay.Sa malawak na barrio ding ito ay may makikitang isang maliit na capella. Ito ang kadalasang dausan
last updateLast Updated : 2022-03-22
Read more

Udyok(2)

"Patawarin mo ako, Isyong pero wala akong maisasagot sa katanungan mo," ang nalulungkot na sabi ni Padre Mariano. "Subalit, alam ko't batid natin na malala ang kalagayan niya,""Gaya ng sabi ko kay Norma, kailangan natin siyang dalhin kaagad sa isang pagamutan. Doktor ang kailangan niya. Ang hinala ko ay nagkaroon siya ng malubhang impeksyon sa kanyang sugat sa tagiliran,""Iyan din po ang sinabi ko kay Norma kanina pa, padre," wika ni Criscancio. "Pero ayaw niyang gawin namin ito. Hindi kasi siya nagtitiwala sa sinumang tao na taga gitnang bayan dahil sa katayuan ni Ato. Ngunit sa kasamaang-palad, nandoon lang sa gitnang bayan makikita ang mga magagaling na manggagamot,""Naisipan kong puntahan sana ang nabalitaan kong isang binatang doktor na kakarating lang sa Sangrevida. Isa po siyang Pilipinong doktor. Magbabasakali sana akong humingi ng tulong sa kanya ngunit pinigilan akong pumunta ni Norma d
last updateLast Updated : 2022-03-24
Read more

Udyok (3)

Isang binatang ginoo ang humarap kay Padre Mariano. Nasa mahigit bente anyos na ito, wari niya, dahil sa tindig nito at may kabataan pa ang pagmumukha. Nakasuot ito ng puting camisa de chino at nakapang-ibaba ng itim na pantalones. Hindi siya katangkaran at katamtaman lang ang kisig ng pangangatawan. Malinis ang pagkakagupit sa buhok ng ginoo na pinakintab ng di malamang pampakintab. Moreno ang pamamalat niya. Maliitin ang mabiluging mukha na may dalawang malalalim na mga mata at matambok na pisngi. Matangos din ang ilong nito at may kapulahan ang mga labi. Dala naman ng binatang lalaki ang mga makakapal na kilay ng mga Guevarra na siyang tandang pagkilala ni Padre Mariano noon kay Don Armando."Ikaw po ba si Dr. Julian Guevarra, ginoo?" ang tanong niya mulang makita ang binatang lalaki. Tumugon naman ito sa kanya. "Opo, ako nga po, padre."Dito nagpakilala ng kura. "Ang pangalan ko ay Jose Mariano Tan
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

Baryo

Kumagat ang gabi sa buong Sangrevida, at sa isang munting bahay kubo ng pamilyang Cabignan ay naroon pa rin ang binatang doktor na si Julian Guevarra. Matapos kasi ang matagumpay na pagkuha niya sa apat na parasitismo sa sugat ng pasyente ay napagpasyahan ni Julian na hindi muna umuwi upang bantayan ang kalagayan nito. Inaalam pa kasi niya ang taglay na init sa katawan ng nakalatay na lalaking pasyente niya, sabay pagsaliksik din kung mayroong kakaibang mangyayari dito at nang masigurado ding wala na itong iniindang anupaman sa kaloob-looban ng katawan.Nakakabingi ang katahimikan ng buong bahay. Si Julian nalang kasi ang naiwang kasama ng yaong pasyente mulang umalis saglit sina Norma at Criscancio, kasama ang kanilang anak, upang pumunta sa botika sa gitnang bayan para bumili ng mga kinakailangang gamot sa pagpapagaling ng maysakit nilang kamag-anak. Di niya napansing umalis na din pala ang matandang padre na nagdala sa kanya roon pagkata
last updateLast Updated : 2022-03-26
Read more

Baryo (2)

Dala ng matinding galit ay tumakbo si Julian patungo sa lalaking bumaril sa kanyang ama at nilabanan ito na may pagnais na kunin ang hawak nitong rebolber. Sa pilit niyang pang-aagaw sa baril, dito, ay namataan niya ang pintadong ahas sa kamay ng yaong lalaki. Dahil bata pa noon at hindi pa gaano kalakasan, patapon siyang iniwaksi ng lalaking inaagawan niya ng baril na sa pagkawaksi'y napadapa ang batang Julian tungo sa maputik na lupa. Ngunit hindi tumigil si Julian, tumayo siya agad at muling nanlaban, ngunit sa pagkakataong ito ay binaril na siya ng lalaking nakamaskara sa gawi ng kanyang kaliwang binti. Napadapa muli dito sa maputik na lupa si Julian at dahil sa nakuhang tama ng bala ay di na muling makatayo. Dama man ang matinding sakit ng kanyang tama ay pilit pa ring tumayo ang batang Julian buhat nais ihiganti ang napaslang na ama, hanggang sa lumapit sa kanya ang lalaking nakamaskarang may hawak na baril, kung saan kasabay ng malakas na pagkul
last updateLast Updated : 2022-03-27
Read more

Bato at Lupa

Sumapit na ang gabi at bumalot na ang dilim sa kalangitan ng buong Sangrevida. Walang buwang sumibol sa gabing iyon kaya ang tanging makikita lamang sa buong kalawakan ay ang makikinang at nagningningang mga bituin na tila mga magagandang diyamante na nagkalat sa kalangitan.Buhat sa gusaling pagawaan ng La Guevarra, nilakad lang ni Andracio ang daan papunta sa lugar na kanyang patutunghan. Mula sa mabatong daan mula doon ay narating niya ang isang tisang kalye, ang Calle Ponce. Nilakad niya ang maliit na kalyeng ito na tinitirikan sa gilid ng mga bahay-na-bato hanggang sa may isang esquinita. Maliwanag naman ang buong kalye na kanyang dinadaanan dahil sa makikitang mga nag-iilawang farola na nakatayo sa bawat gilid na umiilaw lang tuwing sasapit ang karimlan ng gabi. May mga ilang calesa at mga kariton pa siyang nadatnan na dumadaan pa rin sa kalyeng iyon. May mga ilan ring tao siyang nakikita n
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more

Bato at Lupa (2)

Ang bawat kasapi ng La Indio Independencia ay binibigyan ng mga palayaw o bansag bilang mga lihim na pangalan. Bilang isang tagong kapatiran, kinakailangan ito upang hindi sila matukoy ng pamahalaan at otoridad.Dumating ang tatlo pang kasapi ng La Indio Independencia, gaya ng walong nauna ay may kanya-kanya ring bitbit itong mga lampara. Ang lampara kasi ang sagisag ng buong kapatiran. Ito ay ang bagay na sumasagisag sa mga ilustrados, ang siyang mga kumakatawang kasapi ng kapatiran. At gaya ng mga lamparang ito, ang mga ilustrados ay may layuning magbibigay liwanag ng pag-asa sa lahat, bagkos sa liwanag naman talaga kinuha ang dagnay ng salitang ito.Ang dalawa sa tatlong dumating ay ang mga kilalang mangangalakal ng Sangrevida na sina Timoteo Alonzo, ang Butong Niyog at si Deodato Locsin, ang Kukong Agila. Kasama nila ang isa pang ginoo na di kilala ni Andracio at
last updateLast Updated : 2022-03-29
Read more

Bato at Lupa (3)

"Ngunit hindi tayo handa para diyaan, Fernan," abat ni Don Condrado ukol sa sinabi ng Batong Kawal. "Sa katayuan natin ay hindi pa hinog ang kapatirang ito para sa isang malawakang paghihimagsik," tugon ni Don Condrado sa Batong Kawal."Ngunit, hanggang kailan tayo maghihintay?! Hanggang kailan tayo magtatago ng ganito?! Kailan tayo lalaban sa kanila?! " mga bulalas na mga tanong ni Sarhento Fernan Loreto, dala ng kanyang damdamin. "Hihintayin pa ba nating umunang gumamit ng dahas ang mga Kastila laban sa atin bago tayo lumaban sa kanila? Ito na ang nakikita kong takdang panahon. Ito na ang panahon para lumaban na tayo kagaya sa ginawa ni Damian!""Hindi tayo dapat magpadalos-dalos, Fernan," tugon ulit ni Don Condrado Guevarra bilang pagtutol sa sarhento. "Sana'y naging aral na sa ating lahat ang nangyari kay Damian at sa kanyang nabigong himagsikan. Hindi pa sapat ang ating lakas para labanan ang pamahalaan. K
last updateLast Updated : 2022-03-29
Read more

Lawin

Isang bagong araw para sa panibagong kinabukasan.Ito ang naging aniya sa sarili habang tinatanaw mula sa ventanilla ng kanyang cuarto ang maganda at papasikat pang araw sa malawak na kalangitan ng Sangrevida. Sumilaw at nadama niya doon ang dala nitong kakaibang init na muli niyang nadarama matapos ang nagdaang tatlong buwan. Ito ay ang kakaibang init na dulot ng nakakasilaw na mga silahis ng haring araw na tila ba maiuuring tulad ang init na ito sa mahigpit na yakap ng isang ina. Bagkos, ang lugar ng Sangrevida ay itinuri naman din niyang kanyang inang bayan kung saan minamahal niya at handa niyang ipagtatanggol laban sa anupaman.Gumising siya ng maaga. Di pa dumating ang araw ay namulat na siya. At nang makitang nagsimula nang lumiwanag ang paligid sa labas, dito ay bumangon siya sa kanyang cama at tinungo ang kalapit na di nakasarhang ventanilla na kanyang dinudungawan n
last updateLast Updated : 2022-03-30
Read more
PREV
1
...
1314151617
...
31
DMCA.com Protection Status