"Magkano po ito?" tanong ni Graciela sa babaeng manininda ng mga tinapay. Nang makita ang mga bagong saltang tinapay mula sa inaapuyang pugon, agad niyang nilapitan ang gusali nito at inukol ang tanong na iyon. "Sampung sentimo lang yan," ang sagot naman ng babae na nakayamot pa ang mukha. Agad na namang tiningnan ni Graciela ang lalagyan ng kwalta, binilang niya muli ang mga lamang barya dito at kahit alam naman niyang pitong sentimo nalang, at nangarap siya na baka dumami ito sa muling pagbilang niya ngunit nalamang pitong sentimo lang talaga ang kabuuang laman nito. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo."Manang maaari bang pito nalang po ito? Pitong sentimo lang kasi ang dala ko," paghingi ng tawad niya sa tindera ng tinapay. Parang awa mo na! Gutom na ako! ang mga salitang halos isigaw niya sa tindera ngunit pinigil niya ang kanyang loob. Pero di siya pinagbigyan ng tindera. "Hay, hindi. Malulugi ako niyan. Bumili ka na lang sa iba," tugon ng tindera sa ka
Last Updated : 2022-04-13 Read more