Home / Fantasy / Lahid / Chapter 181 - Chapter 190

All Chapters of Lahid: Chapter 181 - Chapter 190

310 Chapters

Pulang Paniki

Sumapit na ang gabi at bumalot na ang dilim sa kalangitan. Walang buwang sumg iyoa ang tanging makikita lamang sa buong kalawakan ay ang makikinang at nagningningang mga bituin na tila mga magagandang diyamante na nagkalat sa kalangitan.Buhat sa gusaling pagawaan ng La Guevarra, nilakad lang ni Andracio ang daan papunta sa lugar na kanyang patutunghan. Mula sa mabatong daan mula doon ay narating niya ang isang tisang kalye, ang Calle Ponce. Nilakad niya ang maliit na kalyeng ito na tinitirikan sa gilid ng mga bahay-na-bato hanggang sa may isang esquinita. Maliwanag naman ang buong kalye na kanyang dinadaanan dahil sa makikitang mga nag-iilawang farola na nakatayo sa bawat gilid na umiilaw lang tuwing sasapit ang karimlan ng gabi. May mga ilang calesa at mga kariton pa siyang nadatnan na dumadaan pa rin sa kalyeng iyon. May mga ilan ring tao siyang nakikita na naglalakad na may mga dalang maliit na lampara at karamihan sa mga nakita niyang palakad-lakad ay mga nakaunipormeng kawal ng
last updateLast Updated : 2022-05-11
Read more

Pulang Paniki (2)

"Magandang gabi, mga kasama," pagbati ni Don Condrado sa lahat bilang kanyang panimula. Tumugon naman ng pagbati sa kanya ang lahat ng mga taong kasamang nakaupo sa mesa. "Nakausap ko na ang Tukang Lawin, na kararating lang mula sa Madrid. Dala na niya ang suportang pinansyal ng mga kapwa nating Pilipinong ilustrados doon. Dala na rin niya ang inilikha natin na naghihintay na lang sa ating hudyat," "Kung ganun, ito na ang pinakahihintay natin, Don Condrado. Ito na ang simula ng lahat ng ating mga binalak noon," wika ng isa sa mga matandang kasapi ng kapatiran na si Timoteo Alonzo, ang Butong Niyog."Marahil ito na nga iyon, Butong Niyog. Papakilusin na natin ang usad ng kapatirang ito,""Ganunpaman, mga kasama, hindi niyo ba napapansin? Naging mainit na ang mga mata ngayon ng buong pamahalaan. Sa bawat kanto ng Sangrevida ay may mga nagmamasid at nagbabantay nang mga kawal ng guardia civil. Nagiging ganito lang ito matapos ang bigong himagsikan ng mga obrero ng Hacienda Gonzales na p
last updateLast Updated : 2022-05-12
Read more

Batis

[Andracio]Para bang nalimutan na ni Andracio kung anong oras na't napansin na lamang niya sa bintana ng opisina na gumagabi na pala. Buong araw siyang naging abala sa pag-asikaso sa mga nakabinbing gawain sa La Guevarra at dahil na rin ito sa may tinutumbok silang kinauukulang bilang ng mga panibagong cigarillos na kinakailangang gamain para ipadala kaagad sa mga karatig bayan ng Sangrevida na nahinto ng ilang mga araw buhat mangyari ang 'di inaasahang pagkawala ni Don Condrado Guevarra. At dahil wala ang mga may-ari ay hinalilihan muna ni Andracio ang pamamalakad sa buong pagawaan kaya naman ay buong araw siyang naroon at nalibang sa dami ng mga gagawin gaya nang paglantaw sa kalakaran sa pagawaan, pagtatak ng mga selyo't pagpirma sa ilang mga mahahalagang papeles--- mga bagay na karaniwang ginagawa upang masiguradong walang palya ang mga ipapadala nilang cigarillos na siyang tanyag sa ibat ibang mga pamilihan.Sa pag alis ng encargador, ang katahimikan ng buong paligid ang kaagad b
last updateLast Updated : 2022-05-13
Read more

Silabluha

Marahil ay lubos nabighani ang Amang Bathala sa kagandahang hatid ng buwang sumisibol sa makarimlang kalangitan kaya naging mahinahon ang buong Look ng Nawaan. Ang mga malalakas at rumaragasang mga alon na karaniwang makikita sa yaong look ay tila nakakapanibago ang kalumanayan, kahit pa man sa ritmo ng mga along ito'y bumabayo sa paligid ang malakas na hanging amihang hatid ay nakakahindik na lamig na animo'y malalambot na mga kamay kung humahaplos sa sinumang balat na makakaramdam. Batid tunay at nangilabot si Anok sa 'di pangkaraniwang bungad na ito ng look. Kung kaya, habang sumasagwan siya sa sinasakyang bangka ay hindi mapigilang umusbong sa isipan niya ang magtaka kung bakit ganoon kabanayad ang asal ng napuntahang anyong-tubig na siyang taliwas sa mga naririnig niyang mga nakakagimbal na mga kuwento mula sa mga taong nakapaglayag na sa bahaging iyon. "Mukhang pinagpala tayo ni Amang Bathala ngayon mga kasama," imik ng isa mga kasama ni Anok habang nakaupo sa may giliran ng ba
last updateLast Updated : 2022-05-14
Read more

Okbod

Sa pagbuga ng isang malakas na ugong sa himpapawid ay agad naulinigan ito ng buong mamabumulwak ang tanyag na tarangkahan ng Narigson. Iyong pag ugong ay ang hudyat na ginagawa ng mga nagbabantay sa tarangkahan; isa para sa mga nagbabalik, dalawa para sa paparating na kalaban at tatlo para babalaan ang lahat na lisanin ang buong lungsod. Sa pagkatataong iyon ay isang paghuni lamang ang narinig nila mula sa (horn) na mula sa sungay ng kalabaw at ang paghudyat na ito'y siyang ipinagtaka ng lahat nang mga taong naroon malpit sa tarangkahan kung kaya may daling pag usisa sila kung sino ang pinagbukasang dumating sa lungsod. Tatlong kalalakihan ang makikitang pumasok. Lahat ay nakasakay sa kani kanilang mga kabayo. Mga kawal, siyang pagkilanlan ng mga ito dahil sa kanilang tindig at kasuotan, subalit malayo ang kanilang mga hitsura sa mga kagalang galang na katayuan dahil animoy nanggaling ang mga kalalakihan sa isang matinding digmaan buhat sa putikan at sugatan ang mga ito.Sila ang mga
last updateLast Updated : 2022-05-15
Read more

Gapos (1)

Wala sa tao ang paghuhusga. Ang tanging Diyos lamang ang may kakayahang husgahan ang sinuman.Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang rosaryong ibinigay ng Santo Papa sa akin magmula noong ako ay maordinahan bilang isang pari. Walang araw simulang mahawakan ko ang yaong rosaryo ang siyang nahiwalay ito sa akin. Para sa akin ay ito ang pinakamatatag na pananggalang sa anumang kasamaan nag-aabang. Walang baril. Walang haligi. Ang kasing tayog ng rosaryong siyang pagmamay-ari ng sugo ng Diyos upang pamunuan ang sangkatauhang naniniwalang lubos sa kanyang kadakilaan."Handa na po ang lahat, Padre" mga salitang siyang bumasag sa aking pagmuni-muni sa malawak na karagatang binaybay ng aming sinakyang barkong Cristiana. Sa dako roon ay makikita ang unti-unting paglubog ng haring araw kung kaya'y kumakagat na ring paunti-unti ang kadiliman. "Naihanda mo na ba ang mga kagamitan ko, Ferdinand?" siyang tanong ko sa aking kasamahang binatang lalaki."Aking tiniyak po ang lahat ay naroon na, Padre"
last updateLast Updated : 2022-05-16
Read more

Gapos (2)

Napatigil ako sa katanungan ng bampira. Anong kahuwaran ito at hindi alam ng yaong halimaw ang tungkol sa makapangyarihang bato. Simula pa noong bata palamang ako ay inaral ko na ang Luna Kristalis. Ako ang siyang humalili sa aking ama para ipagpatuloy ang kanyang sinimulan. Walang panahon ang hindi ko iginugol ang aking sarili sa paghahanap dito. Hanggang sa umabot ako sa hangganan ng aking kaalaman noong matuklasan ko na nasa kamay ito ng Santo Papa. At dahil dito, hindi ako nagpatumpik pa at sinimulan ko ang aking paglalakbay at pumasok sa pagiging pari hanggang sa naordinahan bilang isa sa kanila. Marahil ay masasabi kong ang pagkapari ko ay tawag ng aking sarili at hindi ang Diyos, ngunit walang nakakaalam at baka ang paghahanap sa Luna Kristalis ang Kanyang gawain.Buong buhay ko ay tungkol lahat sa maalamat na batong ito kung kaya napakainsulto sa akin na niisa sa mga halimaw ay walang nakakaalam patungkol sa bagay na ito. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at binigyan ko
last updateLast Updated : 2022-05-18
Read more

Misteryo

Isang kakaibang panaginip ang babangungot kay Graciela bunga nang mga nasaksihan niyang karahasan sa Sta. Lucia. Isang di malamang anino ang sumusunod sa kanya na may dalang tiyak na kamatayan. “Buhat sakay nang isang barko galing Maynila kay mararating ni Graciela ang lupang kapanganakan ng kanyang ina ang Isla del Fuego( modern day Siquijor) sa kanyang paghahanap sa kanyang lahi, ang mga mangagaway (Filipino equivalent to sorcerer/sorceress)” Malilibot sa kabanatang ito ang pagtatag ng pondasyon sa setting nang buong kuwento upang maukit ito sa imahinasyon ng mga mambabasa.“Dahil sa kasalatan ay mangangamba si Graciela para sa kanyang sarili. Sa hindi sadyang pagkakataon ay gagawa siya ng isang maliit na kamaliang siyang magiging dahilan upang makilala niya si Sergio Castillo, ang binatang magpapaibig sa kanya sa kuwento.” Sa pahina ding ito ay makikilala niya ang isang misteryosong babae, ang unang manggagaway na makikila niya sa Isla del Fuego. Makikilala sa pahinang ito ang is
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more

Teritoryo

Babalik sina Sergio, Graciela at Samuel sa Casa Flordeliza. “Dali-dali namang ginamot ni Sergio ang mga natamong sugat ni Graciela.” Habang ginagamot ay mararamdaman nina Sergio at Graciela ang kakaibang tibok sa kanilang puso na may dalang pagbatid ang namumuong pagtitinginan nila sa isat isa o marahil iyon anila ay dala lamang ito ng mga kakaibang kaganapan sa gabing iyon. Nang makita ni Graciela na hinimlay ni Samuel ang bangkay ni Martina ay agad niya itong pinuntahan. “Dahil si Martina lamang ang susi para buksan ang kaalaman tungkol sa Thanatos, inutusan niyang gaposin ito bago ginamitan ni Graciela ng kanyang kakayahan para buhaying muli si Martina.” Nagawa niya itong buhayin na laking pagkataka at pagkatakot ni Martina. Napag-alaman din na gaya ni Gidiana ay wala na itong kapangyarihang taglay dahil nalipat na ito kay Samuel matapos gamitin nito ang Kal-Akani na may kakayahang nakawin ang gaway ng sinuman. “Hindi naging madali ang pagimbestiga nila ngunit nagsalita rin si Ma
last updateLast Updated : 2022-05-20
Read more

Layunin

Magsisimula ang istorya sa pagbabalik ni Julian Guevarra, isang Pilipinong ilustrados mula Madrid. Mamumulat siya sa karahasan, diskriminasyon at pang-aapi ng mga Espanyol sa kapwa niyang mga Pilipino. Sisiklab ang kanyang pagnanais na kalabanin ang pamahalaan mulang mapagbintangan ang kanyang tiyuhin at bitayin ito. Malalambat siya sa isang lihim na pangkat na may nilulutong rebelyon. Malalaman niya na ang kanyang mga magulang ay pinaslang sa utos ng pamahalaan. Malalaman niya na hindi ang mga politikong Espanyol ang tunay na kalaban, kundi ang isang makapangyarihang nilalang na nababalot ng misteryo, salamangka at kababalaghan.Dahil rito ay mapapaslang siya, ngunit mabubuhay uli siya bilang isang bampira mulang kainin niya ang kapiraso ng puso ng kanyang maestro na si Calisto na siyang kauna-unahang bampira sa kasaysayan. Sa kanyang pagbalik ay maghihiganti siya at gagawin niya ang lahat lahat upang alamin at puksain ang sinuman itong nilalang na nagpapagalaw sa pangyayari sa Iloca
last updateLast Updated : 2022-05-21
Read more
PREV
1
...
1718192021
...
31
DMCA.com Protection Status