Ang pagbati lang iyon ang isinalita ng Bastong Loro kay Leandro Trias. Hindi pa niya kasi lubos na kilala ito bilang baguhan pa lamang siyang kasapi sa kapatiran. Hindi naman sila madalas na nag-uusap at sa tuwing may mga pulong lang sila nagkikita. Tinungo niya ang mesang may nakapatong sa ibabaw na mga maliliit na lampara."Bagkos, Julian, sa lahat ng mga tauhan natin sa La Guevarra, si Andracio lang ang nakakaalam sa pamamalakad ng buong fabrica. Kung sakaling wala ako, siya ang pinakamainam mong lapitan kung may patungkol sa La Guevarra. Ang katapatan ni Andracio ang lubos na hinahangaan kong katangian sa kanya kaya alam kong magiging matapat din siya sa iyo balang araw. Ang kailangan lang ay magtiwala ka sa kanya,""Kung ganun, tiyo, ay tatandaan ko po ito," may ngiting tugon ni Julian. "Nasa mukha naman ni Ginoong Andracio ang pagiging matapat at mapagkakatiwalaang tao kaya alam kong totoo ang mga sinasabi mong ito sa akin. Balang araw, siya rin ang magiging kanang kamay ko sa L
Last Updated : 2022-06-09 Read more