Home / Fantasy / Lahid / Chapter 211 - Chapter 220

All Chapters of Lahid: Chapter 211 - Chapter 220

310 Chapters

Plumang Itim

Dito na tuluyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Para namang nararamdaman din niya ang matinding sakit na dulot ng pagkakatusok ng matulis na bakal sa leeg ng matandang don kaya parang alam rin niya ang may hirap na pinagdadaanan nito. Muli niyang minulat ang kanyang mga mata, at buong tiningnan ulit ang ibinitay na don sa entablado. Kita pa niya ang malakas na pagdaloy ng mapupulang dugo mula sa leeg nito na bumahid papunta sa katawan ni Don Condrado. Inikot pa ulit ng kawal ang rayos ng garote, hinigpitan at idiniin pa lalo ito sa leeg ng yaong don hanggang sa lumabas na ito sa balunbalunan. Nakapaa lang sa lupa. Di na nila inalam pa kung ano ang nangyayari, kaya nang makakita ng pagkakataon, ang iba sa mga kawani ay nagsitakbuhan na at tumakas. Kahit nagkakagulo pa doon ay di tumigil sa pagtakbo ang mga ito at ang lahat ay nagnanais na mailigtas ang mga sarili mula sa nangyayaring digmaan. Madungis rin ang tindig dahil sa maruming kasuotan na halatang hindi nakaligo sa um
last updateLast Updated : 2022-06-10
Read more

Yungib

Kahit naghahari ang mga bulung-bulungan ng madlang naroon sa buong plaza, nadinig pa rin ni Andracio ang pagtatapos sa pagsasalita ng prayle. Matapos makapagbigay ng mga paalala at makapagbahagi ng ilang salita mula sa hawak na bibliya, umalis na rin sa harapan ang yaong pari, at bumaba na mula sa entablado. Pagkababa ng pari ay umakyat sa entablado ang isang kawal ng guardia civil na lumakad magmula sa tabi ni Hen. Pedro de Pascua. Humarap din ito sa mga taong naroon, sunod inilabas at binuklat ang isang nakarolyong papeles. Mulang makapaghanda sa harap ay nagsimula na rin itong magsalita na may pabulyaw na parinig sa mga taong nagtitipon roon."Ang dangal na mabuhay para sa bayan, Timong," sagot naman sa kanya ni Anastacio, ang Trompetang Bulaklak. "May dangal rin ang mabuhay para sa ipinaglalaban. Ito ay hindi pa katapusan ng lahat dahil nagsisimula pa lamang ang tunay na labanan. Hangga't nabubuhay pa tayo ay kaya pa nating lumaban para sa kanila. Tipunin natin muli ang ating mga s
last updateLast Updated : 2022-06-11
Read more

Hemos Nateis

May kakaibang kapangyarihan at katangian kasing taglay ito. May katangian ang punyal na ito ang iwaksi ang kapangyarihan ng sinumang manggagaway na masasaksak nito. Kaya isa itong mainam na sandata noon ng datu ng mga Sanggito laban sa mga kalaban. Ngunit ang lahat ng mga makapangyarihang bagay na yari ng tao ay may natatanging butas at hindi matatagumpayang buuin kailanman. At ang butas na ito ay siyang nakakamanghang malaman.Dalawamput isang taon ako noong huling araw na pagiging tao ko kaya hanggang ngayon ay nasa edad parin akong dalawamput isa dahil sa pagiging bampira ko. Kaya naman, kung totoo man ang mga sinabi ng nakamaskara, magagawa niya pa rin ang kanyang hangaring mapuksa sa mundo ang lahat ng mga bampira sa pamamagitan ng pag aalay niya sa aking buhay. Matapos sabihin ng matandang babae ang mga salitang iyon, umalis na siya kasama ang datu at ang mga mandirigmang katutubo."Dahil ang ginawa kong paraan na tinawag na Hemos Nateis Necromania ay ang natatanging paraang nakit
last updateLast Updated : 2022-06-12
Read more

Sabik

"Naging magkaribal po pala kayo ni Ama noon, Tiyo Dado. Hindi ko naisip na nangyari ang bagay na iyon sa pagitan ninyong dalawa," may tuwang sabi ni Julian buhat sa bagong nalamang nakuha niya sa tiyuhin. Pagpasok nito sa pinto, sinilip muna ni Julian at tiningnan ang tiyuhin sa loob. Nang hindi makasilip ng malinaw ay naisipan na rin niyang pumasok sa loob. Pagpasok ng batang Guevarra ay bumungad sa kanya ang kadiliman nang napuntahan. May nadatnan siyang isang pababang hagdanan na gawa sa nalumang kahoy ng narra kaya bumaba siya agad dito. Nung pababa naman siya ay biglang may narinig siyang isang malakas na kalabog na ang tunog ay tila ba mula sa nagkauntugang mga mabibigat na bato na siyang yumugyog pa sa buong silid na iyon.Nalungkot ulit ang batang Guevarra dahil sa nakuha niyang tugon. Talagang nananabik siyang makita ulit ang maestro na dalawang taon na sa kanya nagtuturo. Nangungulila siya sa mga pangaral at sa mga ipinapakitang talento nito na ibinabahagi sa kanya sa araw-ar
last updateLast Updated : 2022-06-13
Read more

Entrada

Natigil lamang ito nang mabatid ng yaong ginoo ang pagpasok nina Andracio. Sa paglapit ng binatang encargador sa nakaupong lalaking ito, dito lamang niya nakita at nakilala ang maykatandaang mukha ng yaong ginoo na siyang walang iba kundi ang siyang pinuntahan roong kasamahang kawani. Kumuha siya ng isang telang ginawang basahan at nilinis ang loob ng naroong malaking bañera. Kanyang inayos rin ang mga nagulong silya doon at ipinidpid pa niyang lalo sa sulok na kinalalagyan ang lamesa. Sinindihan din niya ang mga ilawing lintera na nakasabit sa ilang mga bahagi ng mabatong dingdingan, at dito na ay nagpaliwanag na sa buong aposento. Nilinis din niya ang mga alikabok at mga sapot ng gagamba sa buong looban, at sa pagtanggal niya sa mga ito ay dito niyang natantong malayungib pala ang kanyang kinaroroonang aposento.Siya ay ang nakilala niyang patnugot ng diyaryong La Libertad at ang kawani ng La Indio Independencia na kilala sa bansag na Tukang Lawin. "Kanina ko lamang natanggap ang li
last updateLast Updated : 2022-06-14
Read more

Akusado

"Masusunod," tugon ng negrito na kinausap ni Ato sa mga paalalang ibinilin sa kanya. "Maraming salamat, kaibigan," dagdag pasalamat naman ng negrito. Batid ni Ato ang kagalangan at katapangan ng yaong kaharap na lalaki. Huminto naman sa paglakad ang mga lumabas na lalaki matapos ang sandali at isa-isa silang lumapit sa labindalawang silyang naroo't nakalagay sa gitna. Pagkatapos nito, lahat sila ay tumayo paharap sa dalawang nakaupong tribunal bilang mga akusado sa nasabing mga paratang.Kinuha niya ang isa sa tatlong lampara at sinindihan ito. Matapos umilaw ang hawak niyang lampara, tumuloy na rin si Andracio patungo sa bodega ng bahay kung saan naroon ang tanging lagusan pababa sa lihim na yungib, sa ilalim ng bahay, na siyang lugar sa pagtitipon. Alam niya rin batay sa pakiramdam na isa itong masunurin at mapagkatiwalaang tao."Halika, umupo ka," pag-anyaya nang umupo ng alguacil mayor sa kanyang pamangkin. Umupo naman ang binatang panauhin niya sa silyang nasa harap ng isang malaki
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more

Banyaga

Walang ibang naramdaman ang Bastong Loro kundi ang pagkabigla at pagkagulat matapos ang mga narinig niya. Nang dahil naman sa mga damdaming ito ay di na umimik pa si Andracio. Hindi talaga siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Paulit-ulit na pumupukol sa kanyang isip ang ibinunyag ng matanda na patay na ang hinahanap niyang si Mateo Vicente. At ang nakakapagtaka pa ay sanggol pa lamang ito nung namatay kaya kung totoo ang sinasabi ng matanda ay malaking katanungan kay Andracio ngayon ang tunay na pagkatao ng kanyang nakilalang Mateo Vicente sa nakaraang pagpupulong sa Lampara noon. Sinundan ni Andracio ang itinurong daan sa kanya ng babaeng napagtanungan niya. Nadaanan pa niya sa pagsunod niyang ito ang ilang mga malalaking bahay na nakatirik sa gilid-gilid ng malawak na kalyeng iyon. Sa panuto ulit ng tagabasa, agad itinakip ng isa sa mga kawal ang isang kulay itim na pantabong tela sa mukha ni Don Condrado. Matapos matakpan ay hinawakan naman ng isa pang kawal ang ikutan ng rayos n
last updateLast Updated : 2022-06-16
Read more

Sino

“Mga kababayan ko,” pagsisimulang ani ng prayle matapos ang kagulat-gulat na tagpo sa harap ng mga tao. “Hindi natatapos sa kanya ang lahat ng ito! Ang pagiging bruha ay nananalaytay sa dugo. Alam kong mayroon pang mga kamag-anak ang bruhang ito na nandito sa ating bayan. Ang kamag-anak ng isang bruha ay mga bruha din dahil ang kadiliman ay dumadaloy sa kanilang pagkatao! Kaya upang mapuksa natin ng tuluyan ang mga ereheng ito, tulungan natin ang mga sibil at ipag-alam sa kanila ang mga kinaroroonan ng mga mangkukulam na mga ito! Damputin at ibalik natin sila sa impyernong pinananggalingan nila!,” bulalas pa ng prayle sa madlang naroon. At nang makaraang marinig ko ang isinumbat ng prayle sa lahat, naalala ko si Alana, ang kapatid ng namatay na bruha.“Talaga bang bruha si Alana, Ciano?” tanong ni tiya sa kanyang asawa. “Ano ka ba Dolores,” ani Tiyo Graciano. “Alam mo naman matagal nang naninilbihan sa atin si Alana. Siya pa nga ang nagbabantay palagi kay Carmelita.“Sino!?”“Alana Ma
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more

Pilosopo

Bigo akong makita sa gabing iyon ang aking ama. Hanggang sa naisipan ko nang umalis roon nang maubos ko na muli ang isang baso ng serbesa. "Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay malakas at maliksi pa ako" pagkuwento pa ni Viktor.Siguro nga, wari ko, ay palipat-lipat ito nang tinutuluyan upang hindi mamatyagan ng mga manglilipol-bampira o kung sino mang gustong mapatay siya. At malubha pa ito. Naging kahinaan ko ang pagiging marupok ng isang tao. Hindi ko matanggap sa mga sandaling iyon na ako ay bigo sa pinapangarap. "Alam ko ,noon pa, na isang bampira si Carmela. Simula ng tumapak siya sa bahay na ito ay alam ko kung ano talaga siya. Kaya malugod kong tinatanggap ngayon ang pagtatanggal niyo sa akin bilang kasapi ng Sinag Araw!" pagsiwalat ni Dolores sa kanyang naramdaman na naghagolhol pa sa pag iyak habang hawak ang nawalan ng malay na asawa.Nahimlay na ako noon sa aking higaan, nanghihina, tumatanda, hindi na makagalaw at tanging hinihintay ko na lamang ay si kamatayan up
last updateLast Updated : 2022-06-18
Read more

Maximo

Dinaanan namin ang isang malawak na kalye. Napadaan kami sa plaza ng bayan at simbahan na sa mga oras na iyon ay napakamatao. Nadaanan rin namin ang pagawaan ng tabako na pagmamay-ari ng aking pamilya. Nagkaroon nang pagawaang iyon ang aking pamilya dahil namana ito nang aking ina mula sa kanyang amang isanng Instik.Hindi siya nagsalita. Wala kahit isang pagkilos ang kanyang ginawa. Sinidlan ko ang baso ng tubig mula sa dala kong pitsel at aking ipinadampi sa kanyang bibig ito. Nang magkilos siya dahil sa uhaw na uhaw, pinainom ko sa kanya ang buong baso ng tubig kahit nababasa siya sa pag-inom niya rito. Sinidlan kong muli ng tubig ang baso at ipinainom uli siya. Nang makita ni Eduardo na pinapalo ng sibil ang isang batang lalaki, agad itong bumaba at pinigilan nya ito. Nadala rin ako sa kaganapang iyon at napaiyak dahil sa bugso ng kalungkutan. Naalala ko din at napawari sa akin sa mga sandaling iyon ang aking yumaong mga magulang.Uminom naman siya ulit at parang unti-unti ay napawi
last updateLast Updated : 2022-06-19
Read more
PREV
1
...
2021222324
...
31
DMCA.com Protection Status