"Naunawaan ko ang gusto mong iparating, Fernan, at may tama ka sa mga sinabi mo," wikang pasang-ayon ng Puno."Sang-ayon ako sa sinabi mo na hindi na natin makukuha pa ang minimithing kalayaan sa pamamagitan ng mga payapang paraan. Kailangan na nga nating gumamit ng dahas at makipagdigma, subalit, gaya ng sinabi ko, hindi pa tayo lubusang handa para gawin ito."Nagdadag ng panuto ang Puno."Hindi pa handa ang lahat. Marami pa tayong kinakailangan para matiyak na matatagumpayan natin ang isang digmaan. Kulang pa tayo sa tao. Hindi pa rin sapat ang mga pagsasanay natin sa pakikipagdigma. At isa pa, kulang na kulang din tayo sa mga sandata at armas na kailangang kailangan sa digmaan,"At ang matandang lalaki na ito ay walang iba kundi si Ginoong Flavio Macapagal, ang huling pinunong hinintay ni Ato sa lagusang iyon na kabilang sa mga tinatawag na Dies Hijos."Magandang gabi po, Ginoong Flavio," ang may dalang pagalang na pagbati ni Ato sa nilapitan niyang matandang lalaki. "Maraming sal
Last Updated : 2022-06-30 Read more