Home / Fantasy / Lahid / Chapter 221 - Chapter 230

All Chapters of Lahid: Chapter 221 - Chapter 230

310 Chapters

Litis

At kasabay ng bumayong malamig na hangin, muling bumalik sa pagiging uwak ang nakatalukbong itim na babae. Pagkatapos makapagbalatkayo sa pagiging uwak ay iginapaspas niya ang kanyang mga maiitim at malalawak na pakpak sa himpapawid. Lumipad nang mabilis palabas sa dungawan patungo sa karimlan ng gabi at tuluyang iniwan ang kinitang lalaki mula sa camapanario ng Catedral de San Pablo. Ngunit, matapos ang ilang sandali, nabuwag naman ang bumalot na katahimikang ito nang bumungad at dumapo bigla sa isa sa mga dungawan ang isang maitim na ibon. Isa itong uwak---malaki, maiitim ang mga balahibo, maiitim din ang mga binti at kuko pati na ang matulis na tuka nito. Bumalik naman muli ang lalaki sa kanyang pinanggalingan---umalis na ng banoglawin at bumaba ng campanario-- bitbit sa isipan ang isang utos na kailangang magawa niya sa madaling panahon.Wala na yatang hagdan ang mas makitid pa kaysa sa hagdanang yari sa kahoy na molave ng campanario ng Catedral de San Pablo. Sa isang daa't sampu
last updateLast Updated : 2022-06-20
Read more

Paroa

Hinalikan ako ng matandanng babae sa pisngi. Ngumiti lang ako sa kanya. " Ako pala ang si Tiya Dolores mo, asawa ng iyong Tiyo Graciano, natutuwa rin ako at nakilala kita, Carmela," pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa akin."Ikinagagalak ko rin po na kayo ay makilala, Tiya Dolores," ani ko sa kanya."Mahal?" pagtambad ni tiyo sa amin. "Ano ang inihanda mong pagkain ngayon sa amin?"“Carmela!,” isang pagtawag na yari sa malakas na bulong ang narinig ko mula sa kadilimang sulok ng hardin.Buhat sa pangyayaring iyon, buo na ang aking kaisipan. Hindi na ako dapat tumatakbo at nagtatago. Hindi ko hahayaang babalutin na lamang ako ng takot sa lahat ng sandali ng aking walang hanggang buhay. Hindi dapat masayang ang pagkamatay ng aking ina at ni Leopold.Walang iba ang nasa aking isipan ng marinig ko ito kundi ang buong pagtataka. Bahid sa mukha ni Pablo ang pagiging seryoso at ibang iba ito sa aking nakita kahapon na may kagalakan. Kinutoban ako sa kanyang sinabi na may halong pangamba da
last updateLast Updated : 2022-06-21
Read more

Bigkasin

Sumigaw si Manuela at Laura sa kaganapang iyon. Humihingi sila ng tulong."Pumunta ako noon sa Maynila upang makakuha pa ng mga impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng aking ama. At sa kasamaang palad, nahulog ako sa patibong ng magaling ninyong Supremo. Tinulungan akong makatakas noon ni Agapito, ngunit nakita kami ng inyong Supremo. Pinili niyang ako ay makatakas subalit ang naging kapalit naman nito ay ang kanyang buhay," anya pa ni Natalia na may kalungkutan bigla sa kanyang tinig.Pinilit ni Estrella ang iakyat ang sarili pabalik sa sanga ngunit dahil sa bigat niya ay unti-unting nababali ang sangang kanyang kinakalabitan. Hindi alam ni Manuela ang gagawin sa sandaling iyon at nag-alala na baka mahulog ang kanyang kapatid sa mataas na puno. At hanggang bumitiw na ang sanga mula sa punuan at isang malakas na bali ang maririnig rito. Pagkabali nito ay nahuhulog naman si Estrella pababa sa matigas na lupa.“Carmela, nandirito ako dahil gusto kong dumalaw at kamustahin ka. Hindi ako m
last updateLast Updated : 2022-06-22
Read more

Batis ng Katotohanan

Ang batis ang iniingat-ingatang lihim ng kaharian iyon. May katangian ang batis na iyon na bigyan ng imortalidad ang sinumang uminom sa tubig na iyon. Hindi nagawang uminom ni Ambrosio sa batis na iyon dahil ipinagbabawal ito para sa mga katutubo sa kadahilanang ito ay sagrado.“Malakas, maimpluwensiya at matatalino ang ang haring namuno sa buong kahariang iyon na siyang ipinagmamalaki ng mga mamamayang namumuhay roon. Ang mga haring iyon ay sina Haring Roman Vesta,Haring Eric Faust, Haring Marcus Dracula at Haring Gustavo Perova. Mapayapa at matiwasay naman ang pamumuno sa kaharian ng mga haring ito kaya malago at mayaman ang buong Transylvania.May punto ang lalaki sa kanyang sinabi. Umaga iyon nang mangyari ang diumano ay unang pag atake ng bampira. Kung bampira man iyon, sa aking pagkakaalam, tiyak ay masusunog ito dahil sa sikat ng araw kaya hindi nito magagawang mamiktima sa oras na iyon. "Pangalawa," ani ni Agustin at bumunot na naman ng laman sa monedero. Inilabas niya ang isang
last updateLast Updated : 2022-06-23
Read more

Gidang

Dito na natiyak ni Graciela na isa ngang manggagaway ang babaeng nakilala. Natuwa naman ang kalooban niya nang malaman ito."Mortiz, hindi ba?" ang muling tanong ni Manang Eudora---ang yaong babae. "Parang, ngayon ko lang yata narinig ang apelyido mo," sabi pa niya."Taga saan ka ba?""Galing pa po ako nang Maynila," tugon ni Graciela. "Sa katunayan po niyan ay kakarating ko lang po dito kanina sa Isla del Fuego,"Biglang napangisngis naman ng maiksing tawa si Manang Eudora sa tugong iyon ng dalagita. "Masyado nang makaluma ang pangalang Isla del Fuego. Siquijor na ang tawag ngayon sa islang ito," ang pagbigay dunong naman niya. Tumango naman na may pagngiti si Graciela buhat malaman ang panibagong dunong na iyon.Matapos namang bumuga ulit ng usok ng cigarillo si Manang Eudora ay nagtanong muli ito sa dalagita. "Kung ganun ay dumayo ka pa rito?" ang tanong ng manang. Nagbigay ulit ng pagtango ang dalagita bago ito sumagot. "Opo. Mag-isa lang po akong pumunta dito sa Isla del Fuego
last updateLast Updated : 2022-06-24
Read more

Kasapi

Ngunit nakita ko ang kabutihan sa kabila ng kanyang pagiging halimaw at nakita ko ang kanyang magandang ginagawa sa aking mga anak kaya kalaunan ay natanggap at nagtiwala ako sa kanya. Alam kong nilabag ko ang kodigo ng ating kapatiran, Supremo, ngunit hindi ko maaaring ibayo ang isang halimaw na tulad ni Carmela na walang bahid ng kasamaan. Kaya malugod kong tinatanggap ngayon ang pagtatanggal niyo sa akin bilang kasapi ng Sinag Araw!" pagsiwalat ni Dolores sa kanyang naramdaman na naghagolhol pa sa pag iyak habang hawak ang nawalan ng malay na asawa.Sa ngayon, ang gubat ang pinakaligtas na lugar na pagtataguan dahil hindi lamang sa maramang mapagtataguang puno at damo kundi dala na rin na mas malawak ang kabuuan nito kaysa sa sentro ng Santa Lucia.Kanina pa ako nag alala kina Carmela at Eduardo. Nagkahiwalay kami ng daan kanina paglabas ng simbahan. Dasal ko lamang ay huwag naman sanang naabutan at nadakip ang dalawa ng mga lalaking humahabol sa aming pagtakas.Binigyan ko lamang s
last updateLast Updated : 2022-06-25
Read more

Alagad ng Piata

Ang yaong timpla ng panahon ay siyang binubudyi ng mga magsasaka sa tuwing magbabalak silang magtanim o mag-ani. Kaya naman, sa araw na iyon, naisipang tunghan ni Clara ang kanilang lupang sakahan, kasama ang kasunod niyang kapatid na lalaking si Raul, para magtanim ng halamang mais. Pagtatanim ng mais at pagsasaka ng ilang mga gulay ang tanging bumubuhay sa pamilya nila. Hanggang sa biglang nagsulputan ang mga inahing manok mula sa mga hawla nito. Naglabasan ang mga ito mulang biglang masira't bumukas ang mga kulungan nito. May pagtili pang palipad lipad sa buong paligid ang mga manok lalong-lalo na sa kinaroroonan ng senyora. Hindi naman magkamayaw ang donya sa pagpapaalis sa mga ito na para bang siya ang gustong tukain. Dahil dito ay napatigil siya sa pamamalo sa umiiyak na dalagita. Naging abala bigla ang yaong donya sa pagpapaalis ng mga nakatakas na inahing manok na ito.Sila muna ang magtatanim sa araw na iyon dahil masama ang pakiramdam ng kanilang ama. Malamya pa ang araw ng
last updateLast Updated : 2022-06-26
Read more

Alkalde

"Kung ganun, ang heneral ng Nueva Seguida ang pinakaangkop sa atin upang ating suportahan para sa katungkulan bilang alcalde mayor,"Tinawag ko ulit ang aking mga magulang. Tumayo naman agad sina Andracio, Julian at Don Condrado mula sa pagkakaupo sa may hapagan nang makita ang mga nakaunipormeng kawal. Sinalubong din naman agad ni Don Condrado ang mga ito, ang di inaasahang mga taong mapaparoon sa Mansion Gliriceda.Sumagot naman ang aking ina sa pagkakataong iyon ngunit sinabi nito na hindi ako lalabas at baka mahulog ako sa hagdanan kapag bababa ako. Kaya, lumagi lamang ako sa aking higaan at naghihintay sa aking ina na wari ko ay magdadala ng kandila sa aking silid.Tumugon naman kay Ato si Pablo Hermano, ang taong nagbabantay na iyon. "Nandito, Ato. Pinapatawag ka niya, kanina pa. Pasok ka," anito. Binuksan niya ang pintuang yari sa pawid at pinapasok sa loob ang kakarating pa lang na si Ato. Pumasok naman din agad sa loob ang ipinatawag na tulisan kahit gulong-gulo pa rin ang isip
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more

Diyaryo

Wala na yatang mas sasariwa pa sa hanging bumabagwis sa loob ng makapal na kagubatan ng San Nicolas. Malinis at malamig ito na nagdudulot ng paggaan sa pakiramdaman tuwing madadama sa hubong balat ang binabayo nitong lamig kasabay ang nakakapaglumong buwan. Katahimikan ang siyang naghahari sa buong paligid, na talagang nakakabingi pakinggan. Nakakabuhay naman sa kalooban ang tingnan ang mga namumuhay ditong iba't-ibang uri ng mga mabeberdeng halaman at matataas na punongkahoy na tila ba nagpapaalala sa kasiyahang mayroon ang bawat buhay sa mundo. Sa liblib na bahagi ng kagubatan na ito ay para bang napapunta ka sa isang kakaiba ngunit napakagandang lugar, ang isang lugar na talagang malayong malayo kung maihahambing sa magulong pook gaya nang sa gitnang bayan.Kaya naman, di maitatanggi na sa lahat ng mga lugar na makikita sa malawak na kapatagan ng Sangrevida, ang gubat na ito ang pinakamadalas puntahan ng tatlumpu't dalawang taong gulang na binatang si Teodato Salinas.Sa araw na iy
last updateLast Updated : 2022-06-28
Read more

Labang

Sumapit na ang gabi at bumalot na ang dilim sa kalangitan. "Sino na ang narito?" ang tanong ni Andracio kay Leandro na siyang nagbukas ng pintuang pinasukan niya. "Sa ngayon ay ikaw pa lamang. Dumiretso kana roon at doon ka na lang maghintay sa iba," tugon naman ni Leandro Trias, ang Asong Bantay. Hindi na nagsalita pang muli si Andracio. Sinindihan niya ang isa sa labing anim na lamparang naroon sa isang mahabang mesang katapat ng pinasukan niyang pinto. Matapos nito ay lumakad na siya paloob sa madilim na unang palapag ng bahay patungo sa lagusan ng bodegang makikita roon sa may kanang bahagi. Sa bodegang ito, pagkapasok, ay bumungad sa kanya sa loob ang mga nakalatag na kahoy at mga muebles na nakalagay at nakaayos ayon sa uri at hanay. Ang malawak na batong silid na iyon ay siyang ginawang imbakan ni Leandro Trias ng kanyang mga nagawang muebles. Walang buwang sumg iyoa ang tanging makikita lamang sa buong kalawakan ay ang makikinang at nagningningang mga bituin na tila mga magag
last updateLast Updated : 2022-06-29
Read more
PREV
1
...
2122232425
...
31
DMCA.com Protection Status