Tila wala na itong buhay. Hindi ako kumibo, kakatunganga lamang at nakamasid sa malamang bangkay na ng aking ina. Biglang lumakas ang pintig ng aking puso, pumintig ito ng malakas dahil sa takot. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam kung ano ang maramdaman sa sandaling iyon, halong-halo ng takot, gulat, at kawalan ng loob.“Tayo na Carmela. Baka gabihin tayong makauwi,” pag-aanyayang umalis ni Manuela sa akin. Sabay kami umalis sa hardin patungo sa silong ng bahay kung saan naghihintay ang karwaheng aming sasakyan. Doo'y nakabulagta ang aking ina, walang kibo at hindi gumagalaw. Dumaloy mula sa kanyang ulo ang dugo at nabaharin nito ang sahig. At pagkasakay namin roon ay agad umusad ang sinasakyan naming karwahe at papuntan sa pamilihan ng Santa Barbara.Ito ang parehong cuarto ko noong nasa Roma pa. Sa Roma kung nasaan naroon ang bahay ng aking mga magulang. At iyon ang huling cuarto na natulugan ko, parehang gabi noong gabing napaslang ang aking mga magulang.“Carmela, nandirito a
Last Updated : 2022-07-18 Read more