Home / Fantasy / Lahid / Chapter 191 - Chapter 200

All Chapters of Lahid: Chapter 191 - Chapter 200

310 Chapters

Labi

Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Sa tindi ng sakit ay napahawak siya't hinilot sa dalawang kamay ang mga gilid ng noo para mawala man lang kahit kunti ang kanyang iniinda. Alam naman niya kung ano ang nagdulot nito sa kanya kung kaya ganun na lamang katindi ang pagsakit ng kanyang ulo. Ito ay dahil sa mga nakakalunong na alak na kanyang ininom kagabi habang siya ay nagluluksa.Buong araw nagkulong sa cuarto kahapon si Julian. Hindi siya lumabas at pumunta sa Plaza Polistico kung saan ibinitay sa harap ng maraming tao ang kanyang tiyuhing si Don Condrado. Mas pinili niya ang maglugmok sa cuarto upang makapag-isa kaysa sa makita ang naging magimbal na kamatayan ng kanyang nag-iisang tiyuhin. Hindi niya tanggap ang nangyari kay Don Condrado. Kailanman ay di niya ito matatanggap sa tanang buhay niya dahil para sa kanya, hindi makatarungan ang pagbitay kay Don Condrado. Kaya nga kagabi, nang dumating sa M
last updateLast Updated : 2022-05-22
Read more

Silabhiyaw

Marahil ay lubos nabighani ang Amang Bathala sa kagandahang hatid ng buwang sumisibol sa makarimlang kalangitan kaya naging mahinahon ang buong Look ng Nawaan. Ang mga malalakas at rumaragasang mga alon na karaniwang makikita sa yaong look ay tila nakakapanibago ang kalumanayan, kahit pa man sa ritmo ng mga along ito'y bumabayo sa paligid ang malakas na hanging amihang hatid ay nakakahindik na lamig na animo'y malalambot na mga kamay kung humahaplos sa sinumang balat na makakaramdam. Batid tunay at nangilabot si Anok sa 'di pangkaraniwang bungad na ito ng look. Kung kaya, habang sumasagwan siya sa sinasakyang bangka ay hindi mapigilang umusbong sa isipan niya ang magtaka kung bakit ganoon kabanayad ang asal ng napuntahang anyong-tubig na siyang taliwas sa mga naririnig niyang mga nakakagimbal na mga kuwento mula sa mga taong nakapaglayag na sa bahaging iyon. "Mukhang pinagpala tayo ni Amang Bathala ngayon mga kasama," imik ng isa mga kasama ni Anok habang nakaupo sa may giliran ng ba
last updateLast Updated : 2022-05-23
Read more

Korda

Para bang nalimutan na ni Andracio kung anong oras na't napansin na lamang niya sa bintana ng opisina na gumagabi na pala. Buong araw siyang naging abala sa pag-asikaso sa mga nakabinbing gawain sa La Guevarra at dahil na rin ito sa may tinutumbok silang kinauukulang bilang ng mga panibagong cigarillos na kinakailangang gamain para ipadala kaagad sa mga karatig bayan ng Sangrevida na nahinto ng ilang mga araw buhat mangyari ang 'di inaasahang pagkawala ni Don Condrado Guevarra. At dahil wala ang mga may-ari ay hinalilihan muna ni Andracio ang pamamalakad sa buong pagawaan kaya naman ay buong araw siyang naroon at nalibang sa dami ng mga gagawin gaya nang paglantaw sa kalakaran sa pagawaan, pagtatak ng mga selyo't pagpirma sa ilang mga mahahalagang papeles--- mga bagay na karaniwang ginagawa upang masiguradong walang palya ang mga ipapadala nilang cigarillos na siyang tanyag sa ibat ibang mga pamilihan.Sa pag alis ng encargador, ang katahimikan ng buong paligid ang kaagad bumalot kay
last updateLast Updated : 2022-05-24
Read more

Lupalop

Wala na yatang mas sasariwa pa sa hanging bumabagwis sa loob ng makapal na kagubatan ng San Nicolas. Malinis at malamig ito na nagdudulot ng paggaan sa pakiramdaman tuwing madadama sa hubong balat ang binabayo nitong lamig kasabay ang nakakapaglumong buwan. Katahimikan ang siyang naghahari sa buong paligid, na talagang nakakabingi pakinggan. Nakakabuhay naman sa kalooban ang tingnan ang mga namumuhay ditong iba't-ibang uri ng mga mabeberdeng halaman at matataas na punongkahoy na tila ba nagpapaalala sa kasiyahang mayroon ang bawat buhay sa mundo. Sa liblib na bahagi ng kagubatan na ito ay para bang napapunta ka sa isang kakaiba ngunit napakagandang lugar, ang isang lugar na talagang malayong malayo kung maihahambing sa magulong pook gaya nang sa gitnang bayan.Ang animnapu't dalawang taong gulang na padre ay tubong Barrio Umag at may amang tornatras o dugong Kastilang pinaghalo sa Instik, at may inang tubong Pilipino na tagabaryo Umag. Dahil anak ng isang maykayang tornatras, nakapag-
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more

Wika

Dumungaw naman ang isang kargador ng barko. Binuhat niya ang aking dalang sisidlan na kaybigat dahil sa mga damit na aking dinala. Sumunod naman ako sa kargador. Bumaba kami sa barko na dinaanan ang hagdanang yari sa makapal na tabla. Palakad-lakad akong naglibot sa buong halamanan.Pagkaraang makababa, bingyan ko siya ng kwalta bilang abuloy sa kanyang pagbubuhat sa aking sisidlan. Nagpasalamat naman siya agad ng buong tuwa, at bumalik sa loob ng barko.“ Sabihin mo iyan sa pinsan mo, hija. Makilala mo siya pagrating natin sa bayan. Halos magkasing edad lang kayo na kinatitiyak kong magkakaintindihan kayong dalawa,” wika ng aking tiyuhin sa akin na may sabay isang tawa.Natuwa naman ako sa sinabi ni Tiyo Graciano. Natuwa akong minasdan ang kargador na nabibigatan sa aking dalang malaking sisidlan na siyang kanyang binubuhat.Patuloy pa rin siyang nagkuwento tungkol sa iba pa niyang mga anak. Nagkuwento rin siya tungkol sa kabataan nila ng aking ina. Ito ang naging aliw namin sa paglal
last updateLast Updated : 2022-05-26
Read more

Bangis

Tumindi pa ang liwanag sa loob ng yungib dahil sa labing-isa nang lamparang umiilaw na nakapatong sa mesang kinauupuan ni Andracio. Tila kinain na ng madilaw na mga nasindihang liwanag ang buong kadilimang napuntahan at nakita kanina ng encargador sa kanyang pagrating.Lingid sa bagwis na dala ng hangin, ramdam na ng batang Julian ang buong panlalamig ng katawan, isang masaklap at kakaibang lamig ang kanyang naramdaman na di lamang nanunuot sa kanyang kalamnan. Unti-unting binabalot na rin ng kadiliman ang kanyang paningin, tatwang unti-unting hinihigop na rin ng karimlan ang kaluluwa niya. Si Kamatayan ang huling wari ng batang Julian ng makita ang lalaki. Marahil ay kukunin na nito ang kanyang buhay. Marahil ay ito na ang sundo niya na magwawakas sa kanyang buhay. Isang halimaw, walang ibang naisip maipagtulad si Julian sa nakitang ginoo kundi isang mabangis na halimaw.Nakagapos sa kadena ang mga kamay ni Don Condrado nang makita ito ni Andracio. Nakapaa lang sa lupa. ahit naghahar
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

Pahina

Dumaloy ang dugo mula sa aking dalawang daliri. Kakulay ito ng rosas. Dahan-dahan itong dumadaloy mula sa aking daliri mula sa sugat na dulot ng tinik. Di kalauna’y bumalik ang dumaloy na dugo ko pabalik sa sugat sa aking dalawang daliri. Pagkabalik ng dugo sa sugat ay humilom bigla ang sugat na para bang hindi man ako natinikan. Bumaba ako mula sa aking cuarto, lumabas ng bahay at nagtungo sa hardin upang alamin ang kasagutan sa aking mga katanungan. Hinanap ko roon ang halamang itinuro ng aking ina. Ang halamang namumulaklak ng kanyang itinatanging bulaklak, ang rosas. Nakita ko ito sa gawing gilid ng isang sulok sa hardin. Hinahalughog ko ang halaman nagbabasakaling may makita roon na siyang itinuro ng aking ina sa akin.“Tayo na Carmela. Baka gabihin tayong makauwi,” pag-aanyayang umalis ni Manuela sa akin. Sabay kami umalis sa hardin patungo sa silong ng bahay kung saan naghihintay ang karwaheng aming sasakyan. At pagkasakay namin roon ay agad umusad ang sinasakyan naming karwahe
last updateLast Updated : 2022-05-28
Read more

Kapitan Heneral

Hindi ko mapagtanto na sa lahat ng taong nandito sa Santa Lucia, ako ang pinili ng taong nagpadala nito upang makausap ukol sa panganib diumanong darating sa bayan. “Mula sa kaharian ng Transylvania ay may apat na magigiting na hari ang namumuno sa buong kaharian. Mula sa magkakaibang kaharian, naisipan nilang gawing isang kaharian ito kaya nabuo ang kahariang Transylvania,” panimula ng tagapagsalaysay sa kuwento. Nagsilabasan ang apat na lalaki mula sa likuran ng entablado na may kasuotang magagarang katulad ng isang hari.Nagpatuloy ang tagapagsalaysay sa kwento.“Malakas, maimpluwensiya at matatalino ang ang haring namuno sa buong kahariang iyon na siyang ipinagmamalaki ng mga mamamayang namumuhay roon. Ang mga haring iyon ay sina Haring Roman Vesta,Haring Eric Faust, Haring Marcus Dracula at Haring Gustavo Perova. Mapayapa at matiwasay naman ang pamumuno sa kaharian ng mga haring ito kaya malago at mayaman ang buong Transylvania.Sa karamihan ng mga taong maaring mas makakatulong
last updateLast Updated : 2022-05-28
Read more

Paglilitis

Ang tunay na pangalan ng Tinig Adarna, ang bagong kasapi ng La Indio Independiente, ay hindi Mateo Vicente kagaya ng pagpapakilala niya sa lahat. Hindi rin siya kapatid ni Damian Vicente, batay sa pagkilala ng mga kasapi sa kanya. Muli namang bumalik sa alaala ni Julian ang gabing tinutukoy ng dating maestro. Naaalala pa niya ang mga pamamaalam nito sa kanya--ang nobelang binabasa niya noon--at maging ang nakakagulat na bagay na nakita niya sa maestro sa gabing iyon ay sumulpot din pabalik sa kanyang alaala.Ang totoo, siya ay isang tunay na babae at nagpanggap lang bilang isang lalaki para makapasok sa lilim ng tagong kapatiran ng mga ilustrados. Siya ay Adelaida Vicente y Benitez, ang dalawampu't apat na taong gulang na biyuda nang nasirang si Damian Vicente, ang Tubong Ilokano at ang pinuno ng nabigong himagsikan sa bayan ng Nueva Seguida.At kasabay ng bumayong malamig na hangin, muling bumalik sa pagiging uwak ang nakatalukbong itim na babae. Mulang dinakip ng mga kawal ng guardia
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Pascuala

Lumiliwanag sa pula ang kanyang mga mata. Tila nabubuhay rito ang apoy na parang lumagalablab. At nang kumidlat muli, nakita ko ang kanyang mukha. Isa itong ordinaryong tao sa kanyang tindig at pananamit. Hindi ko alam at papaanong lumaki ng ganoon ang pagngiti ng aking labi. Napakasaya ng puso ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko mailarawan ang kasiyahang bumalot sa aking pagkatao na sa kaunaunahang pagkakataong bilang isang dalaga ay nakadanas humalik sa isang makisig na binata ngunit ang nakikita kong dahilan sa aking damdaming iyon ay ang mailabas ko ang tunay na aking naramdaman sa nag iisang taong aking minamahal.“Nasaan sina Ikaapat, Ikaanim at Ikawalong Sinag?” tanong ng prayle sa mga kasamahang naroon sa mesa nang makitang may tatlong bakanteng upuan roon. “Pinaabot ni Ikaapat na Sinag ang kanyang paghingi ng paumanhin sa inyo, Unang Sinag. Marahil ay patungo na siya rito,” wika ng isang matandang lalaking may mahabang bigote.Napansin ko na sa nagdaang oras ng aming paglalakba
last updateLast Updated : 2022-05-30
Read more
PREV
1
...
1819202122
...
31
DMCA.com Protection Status