Home / Fantasy / Lahid / Chapter 171 - Chapter 180

All Chapters of Lahid: Chapter 171 - Chapter 180

310 Chapters

Elena

"O! Nandito ka na pala!", bulalas ni Agent Marjon nang makita ang kaibigan na kararating lang sa opisina ng NICA.Nakasuot si Agent Alex Calisto ng isang puting teeshirt na ipinaloob niya sa isang itim na leather jacket. Nakapang ibaba rin ito ng itim na semi-fit denim jeans at sa mga paa niya naman ay suot ang puting magkapares na sneakers shoes. Mala-Robin Padilla ang dating ni Agent Alex kaya badboy siyang tingnan ngunit di hamak na mas bata pa ang agent kaysa sa aktor na nasa hindi higit sa tatlumpu lang ang gulang niya. Maganda ang gupit ng kanyang buhok, napakalinis tingnan, at mabalbasin ang panga nito. Matangkad rin si Agent Alex na mas mataas pa kaysa kay Agent Marjon ng mga ilang pulgada. Kung hindi naging pulis si Agent Alex, basi sa hitsura niya, malamang ay naging artista na ang NICA agent dahil sa pagkamestiso nito na dinagdagan pa ng magagandang mga mata at katangusan ng ilong.
last updateLast Updated : 2022-04-24
Read more

Elena (2)

"Agents," pagkuha ng atensyon ng direktor sa mga nasa meeting room sa pagkakapasok nito. Kasama niyang pumasok, ang isang babaeng may dalang maliit na leathercase. Sa tindig at anyo ng babae, masasabing isa itong maestra.Siya ang pinadalang tauhan ng Phil. Historical Association."This is Ms. Ana Diane Lacierda. Isang historian na nakabasi sa National Museum. Siya ang pinadala ng Philippine Historical Association para tulungan tayo sa kasong ito," pagpapakilala ni Gen. Trinidad sa kasama nitong babae. Nakauniporme ito ng kulay asul na blouse at slux. Maganda, maputi, matangkad at may kapayatan ito. Sa unang tingin ay maaakalang isang beauty queen ang pinakilalang historian na ito."Good morning," nakangiting pagbati ni Ms. Ana sa lahat ng mga nakaupo matapos maipakilala. Sa pagbati ay may sabay sulyap-tingin siya sa nakaupong si Alex."Ms. Lacierda, ito si Private Andrew Montejo," pagpapakilala ni Gen. Trinidad kay Private Montejo. Tumayo naman ang sunda
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more

Elena (3)

"Ang mga detalye ng mga planong naatasang gawin ng Omega Five were contained in a sealed and highly confidential documents. Naglalaman ang mga documents na ito ng mga pangalan ng mga target locations at implementations para sa malawakang military takeover sa ilang mga airports, oil depots, shipping ports, communication networks, guns and ammunitions, loose firearms of the citizenry, transportation networks and the mass media against the terror threats ng mga anti-Marcos opponents. Nang mafinalize ang master plan na ito, they distributed copies sa ilang high-ranking officials ng militar at sa intelligence network. Dahil highly confidential ang mga ito, the distributed copies were named after zodiac signs corresponding to the first letter or initial ng mga apelyido ng mga taong nakatanggap sa mga dokumentong nito. Until one day, biglang nalabas ang dokumento sa publikong Pilipino dahil kay Gen. Marcos Soliman, ang hepe ng National Intelligence Coordinating Agency noon na tumutol sa ma
last updateLast Updated : 2022-04-26
Read more

Dayang

"Agent 217, recall your location," ang narinig na pakla ni Alex Calisto mula sa kanyang earphone. Nakakonekta ang single earphone sa isang two-way radio transmitter na nakakabit ng patago sa itim na denim jeans niya na dinadala lamang niya tuwing may gagawing isang mahalagang misyon.Si Alex Calisto ay isang police agent at espionage ng National Intelligence Coordinating Agency.Ang ahensyang ito ay ang natatanging sangay ng gobyerno ng Pilipinas na may close coordination sa lahat ng security agencies sa buong mundo tulad ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika , Mossad, Secret Intelligence Service , InterPol at sa ibang intelligence services ng ASEAN countries na may mga pangunahing layuning pigilan ang terorismo.Ang NICA ay itinatag noong 1949, sa administrasyon ni President Elpidio Quirino sa ilalim ng kanyang Executive Order 235 na nagpapalawak sa kapangyarihang may relasyon sa intelligence work na dinagdag sa Commission of the Government Survey and Reorgan
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more

Dayang (2)

"Ilakip mo dito ang report sa laman ng dalang bag ng target kanina. Icheck niyo ng mabuti baka may makuha pa tayo," utos naman ni Alex matapos mai-scan ng mata ang mga dokumentong hawak niya."Sige. Ichechek ko ang report tungkol diyan. Ilalakip ko rin ito sa report mamaya sa meeting," patango tangong wika naman ng lalaki sa kanya. Ibinalik niya ang dokumento sa lalaki.At sa kalagitnaan ng kanilang usapan, biglang may tumawag sa pangalan ni Alex. "Alex?" pagtawag ng malalim na boses. Nakita ni Alex ang taong tumawag sa kanya at ito ay walang iba kundi ang Director-General mismo ng NICA na dumungaw mula sa pintuan ng kanyang opisina."Agent Alex, please come inside. We need to talk," anya naman ng Director-General at pumasok muli sa loob.
last updateLast Updated : 2022-04-29
Read more

Likha

"Hindi tayo dapat naririto"Ang malaanas na hayag ni Abtok nung bigla siyang makaramdam ng pangingilabot. Maliban kasi sa umiihip na malamig na hangin ay nanghindik din ang balahibo niya dahil sa purong kadilimang nakikita sa bawat sulok nang kanyang dinadaanan na tila ba ang buong palibot ay hindi nasisilawan ng kabilugan ng buwan kahit ito'y buong maliwanag namang nakamasid sa makarimlang langit. Ang tanging ilaw na dala lamang niya sa tinatahak na lugar yaon ay ang umaapoy na sulo [torch] na kanyang hawak sa kaliwang kamay, na bukod dito ay inda rin niya sa kanan ang kabigatan ng isang malaking palakol [stone axe] na siyang pasan din niya habang binabaybay ang lugar na iyon."Tayo ay may kalayuan na't lagpas na sa guhit-hangganan," siyang wika pa ni Abtok at may dala itong pagbabala sa lalaking nangunguna sa daanan—ang kasamahan na kung saang mga hinahakbanga'y kanyang masugid na sinusundan. "Masyado nang mapanganib ang tahakin pa natin ang madilim na bahaging ito kaya ang ma
last updateLast Updated : 2022-05-01
Read more

Likha (2)

Di nakaimik si Abtok sa tungaw ni Onop sa kanya."Hindi mo ba naisip na kaya nila tayo tinatakot na pumunta sa lugar na ito ay dahil may nandirito na ayaw nilang makita natin?" ang naging mapangbuyong katanungan ni Onop kay Abtok. "Ni minsan ay sumagi ba kahit kunti sa kulang-kulang mong pag-iisip na baka sa loob ng ilib na nakita ko ay maaaring makita na natin ang bagay na matagal na nating hinahanap?"Hindi pa rin kumibo si Abtok at piniling makinig na lamang muna sa mga ihahayag ng nakatatandang kapatid. "At kapag nahanap nga natin ang bagay na iyon, alam na alam mong isa lamang ang ibig sabihin nun," pagpaalalang sambit ni Onop. "'Sa awa ng Bathala, kapag mapalad nga tayong makita iyon, makukuha na natin sa wakas ang matagal na nating minimithing kalayaan mula sa kasumpa-sumpang lugar na ito,"Bumukas ang isipan ni Abtok sa mga sinabing iyon ni Onop. Nakuha niya ang gusto nitong ipatindi sa kanya kung saan ay abot-napagwari rin niyang maaari ngang tama ang itinuran sa kanya ng k
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Likha (3)

Mula sa di gaano kahabang paglalakad ay narating na rin sa wakas nang magkakapatid ang ilib na sadya nila. Hindi kalakihan ang bunganga nito—malabutas na kung maihahambing kung kaya pagpasok rito ay kailangan pa nilang yumuko. Unang pumasok sa ilib si Onop at sumunod naman sa kanya pagkatapos si Abtok. Pagpasok naman ni Abtok sa yaong ilib, ay kaagad napagbatid niya ang taglay na kainitan sa loob. Aniya naman niya sa sarili, marahil ay nababalakid sa pagsuong nila ang hanging dumadaloy doon kung kaya uminit ang kaloob-looban ng ilib. Bukod sa init ay bumungad rin sa kanya ang mga nakasabit na malalagkit at makakapal na pinaglumaang agiw [cobwebs] ng mga gagamba, kung saan, kung madaanang 'di sadya ay tatakluban halos ang kabuuan ang pagmumukha. May nadaanan pa siyang ilang malalaking daga at iba't ibang uri ng mga gapang-gapang [insects] tulad ng mga malalaking langgam, gamo-gamo at ilang maiitim na tipaklong na laking taka niyang nabubuhay pa pala sa lugar na iyon. Sa kalagitnaan
last updateLast Updated : 2022-05-05
Read more

Likha (4)

"Bahala ka sa buhay mo, Abtok! Lumabas ka mag-isa mo!" biglang sigaw ni Onop na punong puno ng galit. "Basta ako, magpapatuloy ako sa paghahanap. Hindi ako titigil hangga't hindi ako makakakita ni isang katiting ng Crisoveda. Bahala ka sa buhay mo kung nais mong umalis! Ngunit, sasabihin ko sayo, hindi kita babahagian nito kapag makakakita ako!"Tutugon na sana si Abtok sa kapatid subalit napatigil siya nang makitang nagpatuloy muli sa paglalakad si Onop sa lagusan. Hindi na niya nagawang mapigilan ang kapatid nung iniwan siya nito. Gustuhin man niyang ihakbang ang mga paa para sundan ito ay hindi naniya magawa buhat sa siya'y nanghihina na dahil sa iniindang matinding init. Ang tanging nagawa na lamang niya roon ay ang lantawin ang kapatid habang palayong palayo ito mula sa kanyang kinaroroonan. Sa una'y nakikita pa ni Abtok ang buong katawan ni Onop na naglalakad sa kadiliman ngunit sa pagpapatuloy nito sa kailaliman ng lagusan, ang nakikita na lamang niya sa kapatid ay ang ilaw sa
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Guro

Maririnig ang malakas at matinding paghihingal ng isang lalaki habang tumatakbo ito sa kalawakan ng school lobby. Sugatan pa ang kaliwang braso nito na tila natusok sa isang matulis na bagay kaya dumaloy at halos naligo na nang kanyang sariling dugo ang buong brasong iyon.Tumatakbo siya sa mga oras na iyon dahil may humahabol sa kanya. Wala namang nakapansin sa kanya kahit nasa eskwelahan pa siya dahil alas dose na ng hatinggabi iyon at wala ng makikitang mga guro at estudyante sa loob nito.Malayo rin sa guardhouse ang gusaling kinaroroonan niya kaya kahit sumigaw pa siya ng tulong ay hindi siya maririnig ng mga nakaposteng security guards ng eskwelahan.At ang natatanging magagawa lamang niya ay ang tumakbo at iligtas ang sarili sa humahabol na panganib.Mula sa faculty room, nakapagtakbo ang sugatang binatang guro na si Walter Miranda upang makalabas ng gusali. Narating man niya ang pintuan palabas dito ngunit hindi niya ito mabuksan. Huli na ng mabatid niyang kinadena pala ang mg
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
31
DMCA.com Protection Status