Napasigaw na lamang si Carmela ng makitang nasaksak ang kanyang nobyo kahit sinasakal siyang mahigpit ng halimaw. Hindi ako makagalaw sa bilis ng pangyayaring iyon. Nanigas ang aking nga binti mulang makita ang pangyayari. Tila nanonood lamang ako habang itinusok ng aking ama si Eduardo at walang awa pa niya itong inihagis sa malayo na siyang ikinabulagta at ikinabagsak nito sa lupa.
Muling nabaling ang aking paningin kay Carmela. Nakita kong may kinuha siyang isang bagay na nakaloob sa kanyang duguang kasuotan. Makintab ito, napakakintab kung kaya nakuha nito ang aking pansin. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong punyal.
Isang gintong punyal. May kakaibang hindik akong naramdaman sa bagay na ito nang matanaw ko itong hawak ni Carmela.
Paglabas ni Carmela sa punyal na ito, tumakbo ito nang napakabilis at agad niyang isinaksak ang yaong gintong punyal sa braso ng halimaw na sumasakal sa kanya. Pagkabaon ng matulis na patalim ay dagli siyang nabitawan kaagad ng h
Nabatid ko ang unti-unting pagbubukas ng liwanag sa kalangitan. Mula sa maiitim na ulap na hatid nang nagdaang gabi ay tila namumula na ang mga ito, hudyat sa paparating na haring araw para tapusin ang kadiliman. Sa kanyang pagsilaw, matatapos ang buong gabing nagdaan na puro karahasan at kamatayan ang hinatid. Walang iniwan ito kundi hinagpis at pangungulila sa buong bayan ng Santa Lucia na mauukit magpakailanman sa kasaysayan nito.Muli kong tiningnan ang mga maiitim na abong siyang naging katapusan ng aking napatay na ama. Naroon at naiwan sa kanyang mga abo ang kanyang kilala't yari sa gintong singsing at ang gintong punyal na isinaksak ko sa kanya. Hindi ko naisip na ang pinakamasamang bampira sa tanang panahon ay mauuwi't magiging abo lamang sa huli na tila pantaba na lamang sa lupang dinungisan niya ng dugo at luha. Marahil kung masasaksihan man niya ito ay tiyak magigimbal siyang lubos kapag kanyang malaman na magiging abo ang kanyang magiging huling hantungan. Ganunp
Mula sa pagharap ko kay Graciela, naagaw ulit angpansin ko kay Carmela na nasa may di kalayuan. Doon ay nakaupo ito sa lupa habang makikitang nakahiga sa kanyang mga bisig ang iniirog nitong si Eduardo. Nakita ko ang matinding pag-iiyak ni Carmela dalang siya ay nangangamba sa maaaring mangyari sa kanyang nasaksak na kabiyak. Kaya, mula kay Graciela, lumapit ako kaagad sa kanya para damayan ito."Carmela," ang mahinang pagtawag ko sa aking kaibigan mulang ako’y makalapit. Nakita kong namamaga na ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak at ramdam sa bawat hagulhol niya ang pangangamba’t pangungulila. Napansin ko rin ang kanyang sinugatang kamay na kanyang inilapit sa bibig ng nakalatay na binata at doon ko lamang napag-alaman na pinapainum niya si Eduardo nang taglay niyang isinumpang dugo. Natawag ko man ang kanyang ngalan ay tila hindi ito narinig ni Carmela. Patuloy lamang ito sa pag-iyak at abala sa pagliligtas sa duguan niyang minamahal."Eduardo, i
Kasabay sa paglilitaw ng araw sa kalangitan ay ang katapusan ng madugong digmaan ng mga isinumpa. Muling mabibigyan ng liwanag ang buong bayan ng Santa Lucia mula sa kadilimang bumalot dito kagabi. Natapos man ang madugong karahasan ay tiyak hindi na muling maibabalik pa ang tuwirang wari ng mga mamamayan mula sa matinding takot, hinagpis at kamatayang ng digmaang idinulot ng mga iba't-ibang halimaw.Makikita sa paligid ang pagkamatay ng buong bayan na siyang bunga ng paghimagsik ng kasamaan. Walang ni isang nakatayong mga gusali sa bayan ang hindi tinutupok ng apoy. Nagkalat rin ang mga patay na katawan sa bawat bahagi ng gitnang bayan na pawang pinagluluksaan nang kani-kanilang mga mahal sa buhay. Sa taglay kong kalakasan ang pandinig, nakakakilabot pakinggan ang iyak ng mga naghihinagpis sa buong lugar at damang dama ang sakit at matinding pagluluksa ng mamamayan roon na sinusugatan ang kanilang mga puso.Yaon ay ang bungang hatid ng naganap na digmaan na kailanman
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Habang binibihag at pilit kinukuha si Carmela ng mga taong nakamaskara ng uwak ay wala akong ginawa kundi ang magsisigaw lamang."Carmela!"Ang pangalan niya lamang ang sinisigaw ko sa mga sandaling iyon habang siya ay pilit pa ring hinihila ng mga di kilalang kalalakihan patungo sa isang lumiliwanag na lagusan. Ang lagusang iyon ay una ko pa lamang nakita sa tanang buhay ko. Ito ay bigla na lamang lumitaw na tila ba isang napakalaking butas sa gitna ng kawalan. Gustuhin ko mang sagipin si Carmela ngunit wala akong naiisip na gagawin. Wala sa akin ang aking pulang kuwintas at namumuno na ang haring araw sa buong kalangitan kaya kung pipilitin ko man ito ay tiyak malulusaw ako sa kawalan."Carmela! Bitawan niyo siya!" patuloy kong pagsisisigaw. Dama ko sa sarili ang lubos na pangangamba, at hindi lamang ito kundi pati ang tumitinding takot ko dahil sa nasasaksihang pangyayari. Nakita ko pa kung paano nawalan ng malay si Carmela
Magsisimula ako ng isang panibagong buhay. Ang buong akala ko ay tuluyan na akong mananatiling halimaw sa tanang buhay kom Ngunit iyon nga'y isang akala lamang, isang akalang pinagpapasalamat ko sa Panginoon na hindi mangyayari sa akin.Dalawang araw pagkatapos nang madugong digmaang naganap sa Santa Lucia, mula roon ay nilakbay ko ang pabalik sa Maynila. Sariwa pa rin sa aking alaala ang mga malagim na nangyari sa bayang iyon sa tuwing magugunita ko ito, at alam kong sa tanan ng aking buhay, kailanma'y hindi ko na ito malilimutan.Hindi ko naramdaman ang init ng araw kahit tirik itong buo sa maaliwalas na kalangitan. Simula noong ako'y maging isang bampira, dahil sa kataksilan ni Mercedes, ay hindi ko na muli naramdaman pa ang naglalapnos sa balat na init ng araw. Kahit ganito man ang aking pakiramdam at naninibago man sa kakaibang nadarama ay mapalad parin ako dahil hindi lahat ng bampirang katulad ko ay nagagawang makapaglakad sa ilalim ng araw na siyang ipinagpapas
"Nakahanda na ba ang lahat, Nay?" Ito ang aking katanungan sa aking ina nang makitang inaayos ang ilang kagamitan sa kariton. Yaon ay mga gamit naming pamilya, isinakay sa kariton, para dalhin sa aming pansamantalang pamamalagi sa karatig bayan na malayo sa Santa Lucia."Ito na yata ang lahat ng gamit natin, anak" siyang sagot naman ng aking ina. Ramdam ko pa sa kanyang ang nalulungkot na tinig. Alam kong bakas pa rin sa kanya ang mga nangyari dalawang araw na ang nakakalipas. Alam kong hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga nakakagimbal na paglusob ng mga halimaw na siyang nasaksihan niya sa gabing iyon.Aking hinaplos ang kanyang mukha nang makita ang kanyang panglulumo para bigyan siya kahit konting pagkapanalig sa kalooban."Huwag kang mag-alala, Nay" siyang sampit ko habang
"May nakalap ka na ba?"Ito ang aking katanungan kay Graciela mula noong ako'y makapasok sa silid na kinaroroonan niya. Ang tanging ilaw lamang na nagpapaliwanag sa loob ng silid na iyon ay ang sinindihang lampara na nasa lamesa katabi ng inuupuan ng yaong dalaga. Sa kanyang mga kamay ay hawak niya ang maskarang uwak na suot ng isa sa mga lalaking bumihag kay Carmela kung saan nang maabtan ko ay pilit pa rin niyang binabasa gamit ang kanyang taglay na kakayahan sa pagbabasakaling mahanap ang mga nangdukot sa aking kaibigan. Pagkarinig ni Graciela sa aking katanungan ay tiningnan niya lamang ako. Nagpakita siya sa akin nang isang nalulungkot na mukha kaya napagtatwa ko kaagad kung ano ang isasagot niya. Hindi man nagbikas ni isang salita ay alam kong bigo pa rin kaming dalawa sa aming nais mangyari nang binigyan niya lamang ako nang palingon-lingon sa ulo bilang sagot. Iyon ay ang ikalimang pagkakataon na naming sinubukang basahin ang maskara at hanggang ngayon ay hindi pa rin
Wala akong ibang naririnig sa paligid kundi ang aking malalakas na hingal habang ako'y tumatakbo sa kahabaan ng isang di malamang bulwagan. Walang ilaw rito. Walang kahit ano maliban na lamang sa bumabalot na kadiliman. Kahit nawawala na'y patuloy pa rin ako s pagtakbo na hangad ay ang makatakas mula sa hindi malamang lugar na ito. Nararamdaman ko na lang bigla ang panghihina nang aking mga binta dala ng pagod sapagkat may ilang oras na rin akong nagtatatakbo. Sugatan pa ang kaliwang braso ko na natusok sa isang matulis na bagay kaya dumadaloy na sa buong braso ko ang mapupulang dugo. Tumatakbo ako dahil may humahabol sa akin. Hindi ko alam kung sino o ano itong sumusunod sa akin, ngunit ramdam ko ang panganib na maaari niyang dalhin sa akin. Tila wala namang katapusan ang paselyong aking tinatakbuhan. Sa bawat hakbang ko ay para bang humahaba pa ito na ni di ko magawang matanaw ang bandang duluhan nito. Nangilabot naman ako noong marinig ko ang mabibigat na mga hakbang ng anong ito