Magsisimula ako ng isang panibagong buhay. Ang buong akala ko ay tuluyan na akong mananatiling halimaw sa tanang buhay kom Ngunit iyon nga'y isang akala lamang, isang akalang pinagpapasalamat ko sa Panginoon na hindi mangyayari sa akin.
Dalawang araw pagkatapos nang madugong digmaang naganap sa Santa Lucia, mula roon ay nilakbay ko ang pabalik sa Maynila. Sariwa pa rin sa aking alaala ang mga malagim na nangyari sa bayang iyon sa tuwing magugunita ko ito, at alam kong sa tanan ng aking buhay, kailanma'y hindi ko na ito malilimutan.
Hindi ko naramdaman ang init ng araw kahit tirik itong buo sa maaliwalas na kalangitan. Simula noong ako'y maging isang bampira, dahil sa kataksilan ni Mercedes, ay hindi ko na muli naramdaman pa ang naglalapnos sa balat na init ng araw. Kahit ganito man ang aking pakiramdam at naninibago man sa kakaibang nadarama ay mapalad parin ako dahil hindi lahat ng bampirang katulad ko ay nagagawang makapaglakad sa ilalim ng araw na siyang ipinagpapas
"Nakahanda na ba ang lahat, Nay?" Ito ang aking katanungan sa aking ina nang makitang inaayos ang ilang kagamitan sa kariton. Yaon ay mga gamit naming pamilya, isinakay sa kariton, para dalhin sa aming pansamantalang pamamalagi sa karatig bayan na malayo sa Santa Lucia."Ito na yata ang lahat ng gamit natin, anak" siyang sagot naman ng aking ina. Ramdam ko pa sa kanyang ang nalulungkot na tinig. Alam kong bakas pa rin sa kanya ang mga nangyari dalawang araw na ang nakakalipas. Alam kong hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga nakakagimbal na paglusob ng mga halimaw na siyang nasaksihan niya sa gabing iyon.Aking hinaplos ang kanyang mukha nang makita ang kanyang panglulumo para bigyan siya kahit konting pagkapanalig sa kalooban."Huwag kang mag-alala, Nay" siyang sampit ko habang
"May nakalap ka na ba?"Ito ang aking katanungan kay Graciela mula noong ako'y makapasok sa silid na kinaroroonan niya. Ang tanging ilaw lamang na nagpapaliwanag sa loob ng silid na iyon ay ang sinindihang lampara na nasa lamesa katabi ng inuupuan ng yaong dalaga. Sa kanyang mga kamay ay hawak niya ang maskarang uwak na suot ng isa sa mga lalaking bumihag kay Carmela kung saan nang maabtan ko ay pilit pa rin niyang binabasa gamit ang kanyang taglay na kakayahan sa pagbabasakaling mahanap ang mga nangdukot sa aking kaibigan. Pagkarinig ni Graciela sa aking katanungan ay tiningnan niya lamang ako. Nagpakita siya sa akin nang isang nalulungkot na mukha kaya napagtatwa ko kaagad kung ano ang isasagot niya. Hindi man nagbikas ni isang salita ay alam kong bigo pa rin kaming dalawa sa aming nais mangyari nang binigyan niya lamang ako nang palingon-lingon sa ulo bilang sagot. Iyon ay ang ikalimang pagkakataon na naming sinubukang basahin ang maskara at hanggang ngayon ay hindi pa rin
Wala akong ibang naririnig sa paligid kundi ang aking malalakas na hingal habang ako'y tumatakbo sa kahabaan ng isang di malamang bulwagan. Walang ilaw rito. Walang kahit ano maliban na lamang sa bumabalot na kadiliman. Kahit nawawala na'y patuloy pa rin ako s pagtakbo na hangad ay ang makatakas mula sa hindi malamang lugar na ito. Nararamdaman ko na lang bigla ang panghihina nang aking mga binta dala ng pagod sapagkat may ilang oras na rin akong nagtatatakbo. Sugatan pa ang kaliwang braso ko na natusok sa isang matulis na bagay kaya dumadaloy na sa buong braso ko ang mapupulang dugo. Tumatakbo ako dahil may humahabol sa akin. Hindi ko alam kung sino o ano itong sumusunod sa akin, ngunit ramdam ko ang panganib na maaari niyang dalhin sa akin. Tila wala namang katapusan ang paselyong aking tinatakbuhan. Sa bawat hakbang ko ay para bang humahaba pa ito na ni di ko magawang matanaw ang bandang duluhan nito. Nangilabot naman ako noong marinig ko ang mabibigat na mga hakbang ng anong ito
Isang bagong araw para sa panibagong kinabukasan.Ito ang naging sabi ko sa sarili habang tinatanaw mula sa ventanilla ng cuarto ang maganda at maaliwalas na araw sa malawak na kalangitan ng San Nicolas. Sumilaw at nadama ko rito ang dala nitong kakaibang init na muli kong nadarama matapos ang nagdaang tatlong araw. Ito ay ang kakaibang init na dulot ng nakakasilaw na mga silahis ng haring araw na tila ba maiuuring tulad ang init sa isang mahigpit na yakap. Parang nasa ibang mundo ako napadpad kung maihahambing lamang ang aking nararamdaman, hindi alintana ang mga kahindik-hindik na tanawin sa nawasak na karatig bayan nitong Santa Lucia.Nagising ako nang maaga. Mulang mangyari ang digmaan ng mga halimaw sa Santa Lucia ay paputol-putol na ang pagtulog ko at minsan pa'y nagigising na lamang ako bigla sa kalagitnaan ng gabi dahil sa mga masasamang panaginip. Hindi pa man sumibol ang araw ay mulat na ako sa higaan at para tanggalin ang pagkabagot ay ginawa ko na ang ilang
Panganib.Wala akong ibang kutob sa mga sandaling iyon kundi ang nakaambang panganib. Mulang matambangan ng mga alagad ng Savpuyri ay kanila akong ibinalik kaagad sa kulungan. Sinubukan kong manlaban ngunit noong ako'y dinadala nila pabalik ay naninigas pa rin ako't hindi ko maigalaw ang aking buong katawan. At noong ako ay naipasok na muli sa kulungan ay laking kapanagan naman ang umiral sa akin nang lumusaw bigla ang paninigas at makakaya ko nang igalaw muli ang aking katawan.Sa pag-alis ng dalawang lalaking naka maskarang uwak ay hindi ko mapigilan ang mangilabot sa makikita. Isang napakalaking lugar yaon na may nagsisiharapang mga de rehas na pintuan. Balot na balot ang paligid sa kadiliman at ang tanging nagbibigay ilaw lamang roon ay ang isang umaapoy na sulong inilagay nila sa harapan ng aking kulungan. Matatanto na may ilang matagal na ring nakatayo ang kulungang yaon dahil sa nangangalawang na ang nga rehas nito pati na ang ginagamit na kandado. Dagdagan pa a
Itinatag noong 1754, ang kampanaryo ng Catedral de San Pablo ay ang pinakamataas na istrukturang makikita sa buong bayan ng Sangrevida. May taas itong trenta metros na kung titingnan ang tutok nito mula sa lupa ay para bang humahalik na ito sa kalangitan. May lawak ang campanario nang sampung metros na may parisukat ang hugis at sa ibaba ay pinaligiran ito ng iba't ibang uri ng halamang ornamentales at mga makukulay na bulaklak na lalong nagpaganda dito. Yari ang kabuuan ng katawan nito sa makakapal na batong adobe, ilang batong korales, at matitigas na kahoy. Ang pondasyong nagpapatayo naman dito ay gawa sa purong adobe rin na inilibing sa lupa sa may lalim na labinglimang metros bilang pagpapatatag sa kampanaryo laban sa anumang delubyong darating gaya ng mga lindol at pagbagyo. Dahil katabi lang nito ang napakalaking Catedral de San Pablo, kinulayan din ito ng kulay crema na nan
Upang maparam man lang sandali ang kanyang nararamdamang pighati dahil sa nangyari kaninang umaga, kinagabihan, ay naisipan ni Andracio ang mag-inom at magpakalasing sa alak kaya tumungo siya sa Valiente, isang malaking bahay inuman sa Vinos Calleja. Gaya sa karaniwang madadatnan sa isang bahay inuman, di pa man siya nakapasok sa loob ay naririnig na niya sa silong ang napakaingay na mga kantahan, kuwentuha't tawanan ng mga nag-iinuman pati na ang sumisingaw ditong bantot na likha ng pinaghalong alak at usok ay naaamoy na rin ni Andracio pagkarating niya. Malakas pa rin ang ulan sa gabing iyon. Di tumila magmula pa kaninang umaga kaya nung makarating na ay pumasok siya agad sa loob ng Valiente para maibsan ang dinadamdam na lamig dahil sa pagkabasa. Pagpasok ng Bastong Loro sa Valiente, bumungad agad sa kanya sa loob ang napakaraming tao na sa pinagsamang iba't ibang pagtipon-tipon ng mga ito ay tila napupuno na ang kabuuan ng bahay inuman. Inaasahan na ito sapagkat simulang maisara
Kaya naman, upang mapigilan niyang lumabas ang pinaghalong suklam at galit at baka mangdilim pa ang kanyang paningin, tinapos na ni Andracio ang kanyang huling inuming vino, nagbayad at dali dali siyang tumayo sa kinauupuang silya, palabas na nang bahay inuman. Pagkarating sa entrada ay natanaw niyang malakas pa rin ang ulan sa labas, na batay sa buhos ay di yata titila hanggang sa kinabukasan. Sumukob na muna ang Bastong Loro sa isang sulukang gilid sa may silong ng Valiente para patilain bahagya ang ulan. Dama niya rin ang lamig ng hangin doon kaya kanyang niyakap ang sarili para mainitan.Sa paghihintay na mapahina ang ulan, naalala muli ni Andracio si Julian, ang pamangkin ni Don Condrado. Hindi niya ito nakita sa buong araw na iyon kung kaya napaisip siya kung nasaan ito. Hindi rin ito pumunta sa kanyang clinica sa Barangay Umag ayon sa mga pinagtanungan niyang mga tagaroon. Malamang katulad