Itinatag noong 1754, ang kampanaryo ng Catedral de San Pablo ay ang pinakamataas na istrukturang makikita sa buong bayan ng Sangrevida. May taas itong trenta metros na kung titingnan ang tutok nito mula sa lupa ay para bang humahalik na ito sa kalangitan. May lawak ang campanario nang sampung metros na may parisukat ang hugis at sa ibaba ay pinaligiran ito ng iba't ibang uri ng halamang ornamentales at mga makukulay na bulaklak na lalong nagpaganda dito. Yari ang kabuuan ng katawan nito sa makakapal na batong adobe, ilang batong korales, at matitigas na kahoy. Ang pondasyong nagpapatayo naman dito ay gawa sa purong adobe rin na inilibing sa lupa sa may lalim na labinglimang metros bilang pagpapatatag sa kampanaryo laban sa anumang delubyong darating gaya ng mga lindol at pagbagyo. Dahil katabi lang nito ang napakalaking Catedral de San Pablo, kinulayan din ito ng kulay crema na nan
Upang maparam man lang sandali ang kanyang nararamdamang pighati dahil sa nangyari kaninang umaga, kinagabihan, ay naisipan ni Andracio ang mag-inom at magpakalasing sa alak kaya tumungo siya sa Valiente, isang malaking bahay inuman sa Vinos Calleja. Gaya sa karaniwang madadatnan sa isang bahay inuman, di pa man siya nakapasok sa loob ay naririnig na niya sa silong ang napakaingay na mga kantahan, kuwentuha't tawanan ng mga nag-iinuman pati na ang sumisingaw ditong bantot na likha ng pinaghalong alak at usok ay naaamoy na rin ni Andracio pagkarating niya. Malakas pa rin ang ulan sa gabing iyon. Di tumila magmula pa kaninang umaga kaya nung makarating na ay pumasok siya agad sa loob ng Valiente para maibsan ang dinadamdam na lamig dahil sa pagkabasa. Pagpasok ng Bastong Loro sa Valiente, bumungad agad sa kanya sa loob ang napakaraming tao na sa pinagsamang iba't ibang pagtipon-tipon ng mga ito ay tila napupuno na ang kabuuan ng bahay inuman. Inaasahan na ito sapagkat simulang maisara
Kaya naman, upang mapigilan niyang lumabas ang pinaghalong suklam at galit at baka mangdilim pa ang kanyang paningin, tinapos na ni Andracio ang kanyang huling inuming vino, nagbayad at dali dali siyang tumayo sa kinauupuang silya, palabas na nang bahay inuman. Pagkarating sa entrada ay natanaw niyang malakas pa rin ang ulan sa labas, na batay sa buhos ay di yata titila hanggang sa kinabukasan. Sumukob na muna ang Bastong Loro sa isang sulukang gilid sa may silong ng Valiente para patilain bahagya ang ulan. Dama niya rin ang lamig ng hangin doon kaya kanyang niyakap ang sarili para mainitan.Sa paghihintay na mapahina ang ulan, naalala muli ni Andracio si Julian, ang pamangkin ni Don Condrado. Hindi niya ito nakita sa buong araw na iyon kung kaya napaisip siya kung nasaan ito. Hindi rin ito pumunta sa kanyang clinica sa Barangay Umag ayon sa mga pinagtanungan niyang mga tagaroon. Malamang katulad
Sa nakaraang sampung taon...."May bumabagabag ba sa iyo, Julian?" ang may ngiting tanong sa kanya ni Don Condrado habang silang dalawa ay sumasakay sa isang karwahe.Nakita kasi nito na hindi kumikibo sa kinauupuan ang labindalawang taong gulang pa noong si Julian. Nagtanong naman ito ulit nang walang makuhang tugon mula sa bata, batid ang dahilan kung bakit ganoon ang inaasal ng pamangkin."Nalulungkot ka pa rin ba sa pagkawala ng iyong maestro?" tanong ni Don Condrado. Ang tinutukoy niyang maestro ay si Jose Calisto de San Gabriel, isang dayuhang manlalakbay, na dalawang linggo nang hindi nagpapakita kay Julian. Sa tanong na ito ay binasag na ng batang Guevarra ang kanyang pananahimik at nagsalita na sa kanyang tiyuhin. "Sa tingin niyo po ba, Tiyo Dado, babalik pa si Ginoong Calisto?" anito na mararamdaman sa boses ang kababaan ng loob. Pinunan naman ni Don Condrado ang bata nang wasto at to
Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Sa tindi ng sakit ay napahawak siya't hinilot sa dalawang kamay ang mga gilid ng noo para mawala man lang kahit kunti ang kanyang iniinda. Alam naman niya kung ano ang nagdulot nito sa kanya kung kaya ganun na lamang katindi ang pagsakit ng kanyang ulo.Ito ay dahil sa mga nakakalunong na alak na kanyang ininom kagabi habang siya ay nagluluksa.Buong araw nagkulong sa cuarto kahapon si Julian. Hindi siya lumabas at pumunta sa Plaza Polistico kung saan ibinitay sa harap ng maraming tao ang kanyang tiyuhing si Don Condrado. Mas pinili niya ang maglugmok sa cuarto upang makapag-isa kaysa sa makita ang naging magimbal na kamatayan ng kanyang nag-iisang tiyuhin. Hindi niya tanggap ang nangyari kay Don Condrado. Kailanman ay di niya ito matatanggap sa tanang buhay niya dahil para sa kanya, hindi makatarungan ang pagbitay kay Don Condrado. Kaya nga kagabi, nan
Sa pagkaalala niya sa tanong na ito na hindi niya napunan ng sagot noon, sa mga sandaling iyon ay may naisip ng sagot si Julian para sa yumaong tiyuhin.Oo, Tiyo Dado, anya ng wari niya kaharap ang salamin. Ang pagkawanggawa sa kapwa. Ang pagtulong sa kanila. Ito ang makabuluhang bagay na aking nagawa. At malamang ito rin ang makabuluhang bagay na iyong nagawa.Pagpatak ng hapon at nang makapaghanda na, lumabas na rin sa cuarto si Julian. Bumaba siya agad sa balustrada upang tunghan na sa ibaba ang mga labi ni Don Condrado at pagkababa naman niya'y tumambad sa kanya roon ang di inasahang dami ng tao na pawang mga nakikiramay para sa yumao. May isang matabang babae naman ang biglang lumapit, pagkababa niya, at yumakap ng mahigpit sa kanya. "Julian," anito nang makita siya dama ang pagkumbaba at pakikiramay sa tinig. Nakilala naman ni Julian ang yaong matabang babae na siyang walang iba kundi ang bunsong kapatid ng kanyang ina na si Delfina de Pascua y Chavez. Nasa mga g
Sa unang araw....Kinaumagahan---mula nung makausap niya kahapon si Julian Guevarra---ay maagang pumunta sa Santa Barbara si Andracio de Castro. Pupunta siya nang Santa Barbara upang dalawin ang kapwa-kawani niya sa La Indio Independencia na si Don Miguel de Leon na siyang naroroo't nagtatago sa tahanan ni Maestro Leonidas Galencia. Kasabay naman sa balak niyang pagdalaw na ito ay ang kanyang kagustuhang makausap din ang kasamahan niyang may bansag na Tukang Lawin para kunin ang anumang kaalaman nito tungkol sa isang bagay na nabanggit sa kanya kahapon ni Julian Guevarra.Ang bagay tungkol sa tinatawag na Alanus.Mula sa mahigit dalawang oras na paglakbay galing Sangrevida at sakay ng isang karwahe na hiniram pa niya sa pabrika ng La Guevarra,buhat nito ay narating ni Andracio ng matiwasay ang bayan ng Santa Barbara. Pa
"Baka ibang Mateo Vicente ang hinahanap mo, hijo," sabi ulit sa kanya ng matanda nang wala itong makuhang tugon mula kay Andracio. Dumagdag pa ng sabi ito. "Pero, kung tagarito sa Nueva Seguida ang hinahanap mo, wala nang ibang may pangalang Mateo Vicente ang nandito maliban sa namatay kong pamangkin na naikuwento ko,"Gulat at pagtataka pa rin ang iniinda ni Andracio sa mga pagkakataong iyon.Di na siya nagpatuloy pa at tinapos na ang naging usapan nila ng matandang lalaki."Baka iba nga pong Mateo Vicente ang hinahanap ko," pakli ni Andracio bilang pantapos, kahit di naman talaga totoong ibang tao ang hinahanap niya. At dito na nakahanap ng pagkakataon si Andracio para makapagpaalam."Sige po. Maraming salamat na lang po," aniya sa matanda bilang paalam niya dito.Isinara muli ng matandang lalaki ang pinto nung nakapagpaalam na si Andracio. Pagkat
Sa ikalawang araw...Kagabi ay nagawang maalala ni Andracio ang isang bagay nung iniisip niya ang mga katanungang gumugulo sa kanya. Naalala niya na ang kanyang hinahanap na si Fernan Loreto, bukod sa pagiging kawani nito sa La Indio Independencia, ay siyang pinuno rin pala ng mga insurrectos o rebelde sa bayan ng Santa Barbara---buhat mahagip muli ang kaalamang ito ukol sa dating sarhento na naibahagi sa kanya noon nang yumaong si Don Condrado. Nung ito'y kanyang maalala, pumasok din sa wari ni Andracio ang pangalan ng isang tulisan, at ito ay walang iba kundi ang noo'y kababata't matalik niyang kaibigan na si Roberto Mangcalas. Kabilang ang kaibigan niyang ito sa pinag-isang pangkat ng mga tulisan sa bayan ng Santa Barbara--- ang siyang pangkat na pinamumunuan ni Fernan Loreto---kaya naisip kaagad ni Andracio na baka may maibibigay na alam sa kanya si Roberto Mangcalas ukol sa kasalukuyang kinaroroonan ng Batong Kawal.At sa ikalawang araw