Share

Tulong

Isang bagong araw para sa panibagong kinabukasan.

Ito ang naging sabi ko sa sarili habang tinatanaw mula sa ventanilla ng cuarto ang maganda at maaliwalas na araw sa malawak na kalangitan ng San Nicolas. Sumilaw at nadama ko rito ang dala nitong kakaibang init na muli kong nadarama matapos ang nagdaang tatlong araw. Ito ay ang kakaibang init na dulot ng nakakasilaw na mga silahis ng haring araw na tila ba maiuuring tulad ang init sa isang mahigpit na yakap. Parang nasa ibang mundo ako napadpad kung maihahambing lamang ang aking nararamdaman, hindi alintana ang mga kahindik-hindik na tanawin sa nawasak na karatig bayan nitong Santa Lucia.

Nagising ako nang maaga. Mulang mangyari ang digmaan ng mga halimaw sa Santa Lucia ay paputol-putol na ang pagtulog ko at minsan pa'y nagigising na lamang ako bigla sa kalagitnaan ng gabi dahil sa mga masasamang panaginip. Hindi pa man sumibol ang araw ay mulat na ako sa higaan at para tanggalin ang pagkabagot ay ginawa ko na ang ilang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status