Sa pagkaalala niya sa tanong na ito na hindi niya napunan ng sagot noon, sa mga sandaling iyon ay may naisip ng sagot si Julian para sa yumaong tiyuhin.
Oo, Tiyo Dado, anya ng wari niya kaharap ang salamin. Ang pagkawanggawa sa kapwa. Ang pagtulong sa kanila. Ito ang makabuluhang bagay na aking nagawa. At malamang ito rin ang makabuluhang bagay na iyong nagawa.
Pagpatak ng hapon at nang makapaghanda na, lumabas na rin sa cuarto si Julian. Bumaba siya agad sa balustrada upang tunghan na sa ibaba ang mga labi ni Don Condrado at pagkababa naman niya'y tumambad sa kanya roon ang di inasahang dami ng tao na pawang mga nakikiramay para sa yumao. May isang matabang babae naman ang biglang lumapit, pagkababa niya, at yumakap ng mahigpit sa kanya. "Julian," anito nang makita siya dama ang pagkumbaba at pakikiramay sa tinig. Nakilala naman ni Julian ang yaong matabang babae na siyang walang iba kundi ang bunsong kapatid ng kanyang ina na si Delfina de Pascua y Chavez. Nasa mga g
Sa unang araw....Kinaumagahan---mula nung makausap niya kahapon si Julian Guevarra---ay maagang pumunta sa Santa Barbara si Andracio de Castro. Pupunta siya nang Santa Barbara upang dalawin ang kapwa-kawani niya sa La Indio Independencia na si Don Miguel de Leon na siyang naroroo't nagtatago sa tahanan ni Maestro Leonidas Galencia. Kasabay naman sa balak niyang pagdalaw na ito ay ang kanyang kagustuhang makausap din ang kasamahan niyang may bansag na Tukang Lawin para kunin ang anumang kaalaman nito tungkol sa isang bagay na nabanggit sa kanya kahapon ni Julian Guevarra.Ang bagay tungkol sa tinatawag na Alanus.Mula sa mahigit dalawang oras na paglakbay galing Sangrevida at sakay ng isang karwahe na hiniram pa niya sa pabrika ng La Guevarra,buhat nito ay narating ni Andracio ng matiwasay ang bayan ng Santa Barbara. Pa
"Baka ibang Mateo Vicente ang hinahanap mo, hijo," sabi ulit sa kanya ng matanda nang wala itong makuhang tugon mula kay Andracio. Dumagdag pa ng sabi ito. "Pero, kung tagarito sa Nueva Seguida ang hinahanap mo, wala nang ibang may pangalang Mateo Vicente ang nandito maliban sa namatay kong pamangkin na naikuwento ko,"Gulat at pagtataka pa rin ang iniinda ni Andracio sa mga pagkakataong iyon.Di na siya nagpatuloy pa at tinapos na ang naging usapan nila ng matandang lalaki."Baka iba nga pong Mateo Vicente ang hinahanap ko," pakli ni Andracio bilang pantapos, kahit di naman talaga totoong ibang tao ang hinahanap niya. At dito na nakahanap ng pagkakataon si Andracio para makapagpaalam."Sige po. Maraming salamat na lang po," aniya sa matanda bilang paalam niya dito.Isinara muli ng matandang lalaki ang pinto nung nakapagpaalam na si Andracio. Pagkat
Sa ikalawang araw...Kagabi ay nagawang maalala ni Andracio ang isang bagay nung iniisip niya ang mga katanungang gumugulo sa kanya. Naalala niya na ang kanyang hinahanap na si Fernan Loreto, bukod sa pagiging kawani nito sa La Indio Independencia, ay siyang pinuno rin pala ng mga insurrectos o rebelde sa bayan ng Santa Barbara---buhat mahagip muli ang kaalamang ito ukol sa dating sarhento na naibahagi sa kanya noon nang yumaong si Don Condrado. Nung ito'y kanyang maalala, pumasok din sa wari ni Andracio ang pangalan ng isang tulisan, at ito ay walang iba kundi ang noo'y kababata't matalik niyang kaibigan na si Roberto Mangcalas. Kabilang ang kaibigan niyang ito sa pinag-isang pangkat ng mga tulisan sa bayan ng Santa Barbara--- ang siyang pangkat na pinamumunuan ni Fernan Loreto---kaya naisip kaagad ni Andracio na baka may maibibigay na alam sa kanya si Roberto Mangcalas ukol sa kasalukuyang kinaroroonan ng Batong Kawal.At sa ikalawang araw
"Kilala naman natin si Fernan. Kung may isang salita na maihahambing sa kanya, ito ay ang salitang matapang. Gagawin niya talaga ang lahat-lahat para maging matagumpay ang paglusob na ito upang ipakita sa mga kasamahan niya sa Dies Hijos na totoo ang kanyang paniniwala---ang paniniwalang ito na ang tamang panahon para sa isang malawakang rebolusyon. At siempre, ito ay nangyayari dahil sa pagkaguho ng kapatiran ng mga ilustrados, ang huling palad ng lahat sa mapayapang paraan ng pakikipagbaka para sa ating kasarinlan""Ngunit, masyadong mapangahas ang balak niyang ito. Ang paglusob na gagawing ito ni Fernan ay maaaring magpapasiklab sa mga susunod na madudugong labanan dito sa buong Ilocandia. At karahasan ang mararanasan ng lahat kapag mangyayari ito,""Buo na ang isip ng pinuno, Andong," wika ni Roberto. "Maging ang pinakamataas na pinuno namin ay di nagawang mabago ang isip niya,""Kung gayun, ano ang bal
Mula sa madilim, gawa sa bato at makitid na lagusan ng Tatag Bato---ang pinakamalaking kuta ng mga insurrectos o rebelde sa buong Ilocandia, dito nakita ni Teodato Salinas o Ato na pumasok ang isang pangkat ng mga kalalakihan.Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas. Sa paglapit nama't pagkasilaw sa kanila ng hawak niyang lintera, nagawang masilayan dito ni Ato ang mga tindig at pagmumukha ng mga lalaki. Batid niya na magkakasing-edad lamang ang mga ito---marahil ay nasa mga mahigit kwarenta anyos ang gulang batay sa nangangayayat na nitong mga mukha. Nakasuot sila ng mga naluluma na't narumihang kulay puti at gawa sa bulak na camisa de chino, nakapang-ibaba ng nakukupas na mga pantalones at ang ilan sa kanila'y nakasuot pa ng mga salakot sa ulo. Pagkakita ni Ato sa kanila, agad naman niyang sinalubong at binati ang nakilalang matandang lalaki na siyang nanguna sa nilalakad ng pangkat na iyon
"Noong nakaraang araw ay inutusan ko ang isa nating kapatid na pumunta sa pantalan ng San Bernardo. Pinapunta ko siya roon para mag-abang, magmasid at bantayan ang mga nadakip na kawani ng La Indio Independencia, ang nasirang kapatiran ng mga ilustrados na ating kaugnayan. Sila ang labing-isang kawani ng kapatirang ito na dadalhin sa daongan ng San Bernardo---mula Fuerte de San Nicolas---para isakay sa isang bapor doon bilang pagpapatupad sa kaparusahang nahatol sa kanila na itapon silang lahat sa Dapitan. Ngunit, mula sa buong araw na pag-aabang ay bumalik na lamang ang ating kapatid na ito na bitbit ang isang nakakabahalang balita. Aniya, wala siyang nakitang ni isa sa mga kawani ng La Indio Independencia na sumakay o pumasok sa nakadaong roon na bapor. Kahit sa paglayag na ng bapor na ito paalis sa pantalan ay wala pa rin siyang namataan ni mukha o anino man mula sa labing-isang kawaning iyon, at ito ay isang bagay na talagang nakakapagtaka,"Nakita ni Ato ku
Muling umabat sa pinag-uusapan ang Batong Kawal."Saan matatagpuan ang pinakamalaking imbakan ng mga armas sa Ilocandia?" tanong ng Batong Kawal."Imbakan?" ang nagulat na tanong ni Simon, nililinaw ang pagkakarinig sa salita.Nagulat din sa tanong na iyon ang iba pang mga pinuno sa Dies Hijos.Sumagot naman si Simon kay Fernan. "Nasa San Bernardo ang pinakamalaking imbakan ng mga armas. Dito muna kasi dinadala at iniimbak ang mga bagong armas mula sa mga barkong naghahatid sa mga ito,""Bakit, Fernan?" nagtatakang tanong ng Puno sa Batong Kawal."Ano ang binabalak mong gawin?""Balak kong lusubin ang imbakan ng mga armas sa San Bernardo," sagot ni Fernan."Kukunin ko ang lahat ng mga armas doon,""Nahihibang ka na ba?" bulalas sa kanya ni Flavio Macapagal. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Isang
"Kaya, matulog ka na," ani Fernando kay Ato. "Hindi mo na ako kailangang bantayan pa dito. Umuwi ka na nang sa ganu'y makapagpahinga ka ng maayos. Maaga pa ang alis natin bukas,"Tumango lang si Ato bilang sagot.Sa pag-alis ng Puno sa Ulo ng Bato, naiwan nang mag-isa roon si Ato. Di na niya sinundan pa ang yaong Puno. Sa ilang dumaang sandali, isa-isa na niyang hinipan ang apoy sa mga lampara't mga lintera na nakasindi doon. At nang magawa na niyang mapatay ang lahat ng mga ilawin--- maliban sa isang lintera na kinuha niya mula sa kanang haliging pinagsabitan nito---nakita niya kung paano tumaklob ulit ang kadiliman sa pinakamahalagang lugar ng kuta. Binalot pa din at nanatili ang katahimikan sa buong silid na siyang tanging maririnig lamang ni Ato sa mga pagkakataong iyon.At matapos ang lahat ay lumakad na rin ang binatang tulisanes, palabas ng Ulo ng Bato.Mag-aalas dies na nun ng gabi kaya katah