Share

Hamon

Sa nakaraang sampung taon....

"May bumabagabag ba sa iyo, Julian?" ang may ngiting tanong sa kanya ni Don Condrado habang silang dalawa ay sumasakay sa isang karwahe.

Nakita kasi nito na hindi kumikibo sa kinauupuan ang labindalawang taong gulang pa noong si Julian. Nagtanong naman ito ulit nang walang makuhang tugon mula sa bata, batid ang dahilan kung bakit ganoon ang inaasal ng pamangkin."Nalulungkot ka pa rin ba sa pagkawala ng iyong maestro?" tanong ni Don Condrado. Ang tinutukoy niyang maestro ay si Jose Calisto de San Gabriel, isang dayuhang manlalakbay, na dalawang linggo nang hindi nagpapakita kay Julian. Sa tanong na ito ay binasag na ng batang Guevarra ang kanyang pananahimik at nagsalita na sa kanyang tiyuhin. "Sa tingin niyo po ba, Tiyo Dado, babalik pa si Ginoong Calisto?" anito na mararamdaman sa boses ang kababaan ng loob. Pinunan naman ni Don Condrado ang bata nang wasto at to

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status