Share

Amor Infirmitas Est

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Habang binibihag at pilit kinukuha si Carmela ng mga taong nakamaskara ng uwak ay wala akong ginawa kundi ang magsisigaw lamang.

"Carmela!"

Ang pangalan niya lamang ang sinisigaw ko sa mga sandaling iyon habang siya ay pilit pa ring hinihila ng mga di kilalang kalalakihan patungo sa isang lumiliwanag na lagusan. Ang lagusang iyon ay una ko pa lamang nakita sa tanang buhay ko. Ito ay bigla na lamang lumitaw na tila ba isang napakalaking butas sa gitna ng kawalan. Gustuhin ko mang sagipin si Carmela ngunit wala akong naiisip na gagawin. Wala sa akin ang aking pulang kuwintas at namumuno na ang haring araw sa buong kalangitan kaya kung pipilitin ko man ito ay tiyak malulusaw ako sa kawalan.

"Carmela! Bitawan niyo siya!" patuloy kong pagsisisigaw. Dama ko sa sarili ang lubos na pangangamba, at hindi lamang ito kundi pati ang tumitinding takot ko dahil sa nasasaksihang pangyayari. Nakita ko pa kung paano nawalan ng malay si Carmela

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status