Share

Kuwintas (1)

Ito na ang aking katapusan.

Ang makaharap ang mapupulang mga mata ,mga malalaking malapaniking pakpak at mahalimaw na anyo ng aking ama ay tila nakikita ko na ang sarili kong kamatayan. Hindi ko magawa ang makatayo mula sa pagkadapa ko sa lupa dahil nangangatog sa takot ang aking buong katawan. Ang tanging ginawa ko lang ay ang tingalain at masdan ang nakakatakot na anyo ng aking ama na lumulutang sa aking harapan gamit ng pagbabagwis ng kanyang mga malapaniking pakpak.

Ang marinig ang pagtawa niya ay tila nagpapatigas rin sa aking mga kalamnan na ni hindi ako makagalaw ni isang pagkilos. Ang bawat halakhak na naririnig ko mula sa kanya ay tumatatak ng talaga sa aking isipan na siyang nagpapausbong ng malubha sa aking takot.

Ang pagtawang iyon ay maaaring ang huling tinig na madidinig

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status