Home / Fantasy / Lahid / Buenvenido

Share

Buenvenido

last update Last Updated: 2021-11-15 17:43:47

Narating na namin sa wakas ang bahay ng mga Agoncillo. Yari sa konkreto ang ibaba nito at ang itaas naman ay yari sa pawig at kahoy na pinakintaban.

Sa kabuoan,ma ganda at napakalaki ng bahay na iyon.

May mga malalaking bintana ito na may mga mga nakasabit na mga kurtina. Malawak rin ang lupa nito na siya namang napapalibutan ng mga mabeberdeng halaman at puno. Ligtas at maginhawa anng buong paligid kaya naisip ko sa aking pagrating na magiging maayos ang paninirhan ko rito.

Pumarad ang karwahe sa tapat ng bahay. Unang lumabas si Tiyo Graciano at inalalayan akong bumaba palabas ng karwahe. Nang makalabas ako, sinalubong ng isang bata anng aking tiyuhin.

"Tatay!" masayang pagsalubong ng isang bata sa kanyang ama at yumakap ito sa kanya. Isang batang babae ito na nasa edad na anim. Maganda, kayumanggi katulad ng ama, at may kapayatan. Agad naman siyang kinarga ng aking tiyuhin sa kanyang mga braso.

"Matagal po kayo," ani ng bata kay Tiyo Graciano. Napatawa na lamang ang aking tiyuhin sa kanyang sinabi. Ako nama'y natutuwa rin sa mag-ama.

"Matagal ba kami, Carmelita?" ani Tiyo Graciano sa anak. " Ilang sandali lang ako nawala,ah,"

"Matagal po," sumbat ng kanyang batang anak. "Hinihintay ko nga po kayo,"

Natawa ulit ang aking tiyuhin at naalala rin niya na naroon ako. "Carmelita, ito ang pinsan mo, si Carmela. Naalala mo ba iyong ikinuwento ko sa iyo? Ito siya," pagpapakilala sa akin ni Tiyo Graciano sa kanyang anak.

"Magandang araw sa iyo, Carmelita. Naku! Napakaganda mong bata," pagbati ko kay Camelita. Ngumiti ito sa akin. "Halos magpareho po tayo ng pangalan," aniya sa akin. " Para po kayong prinsesa. Maganda at maputi,"

Natuwa ako sa kanyang paglalarawan sa akin. Hinalikan niya bigla ang aking mga pisngi. Natawa naman si Tiyo Graciano na makitang gusto ako ng aking pinsan.

"May pasalubong akong dala sa iyo, anak," ani Tiyo Graciano sa kanya. "Talaga po? Saan po!?" laking tuwa ni Carmelita matapos maalala ng kanyang ama ang dala nitong pasalubong. "Hindi ko talaga makakalimutang makapagdala ng pasalubong sa aking pinakamamahal na bunso," ani ng aking tiyuhin at hinalikan niya ang bata sa pisngi.Binaba na rin niya si Carmelita mula sa kanyang pagkakarga.

"Nandoon kay Alana, kunin mo. Alam kong matutuwa ka sa pasalubong ko," ani niya sa bata na agad tumakbo patungo sa babaeng alalay na kasamang sumalubong sa akin kanina.

"Ipinangalan ko siya mula sa iyo," ani Tiyo Graciano sa akin.

Kinuha nga naman talaga sa pangalang Carmela ang pambatang pangalan na Carmelita.

"Bienvenido!," isang masayang pagbati ang tumambad sa akin mula sa pintuan ng bahay. Hinawakan ng babae agad ang aking mga kamay at nakatingin sa akin na may malalaking ngiti sa mukha.

"Ikaw ba si Carmela?" tanong niya sa akin. "Oo, ako si Carmela," sagot ko naman sa kanya. At bigla niya akong niyakap sa tuwa.

"Manuela, mag ingat ka. Baka nasasaktan mo na sa higpit ng pagkakayakap mo kay Carmela," ani ni tiyo sa babaneg yumakap sa akin. Bumuwag naman sa pagkakayakap si Manuela sa akin.

"Ako'y ipagpaumanhin mo, Carmela. Labis lang talaga akong natutuwa na sa wakas ay nagkita na rin tayo. Inakala ko na kahit sa pagtanda ay hindi ko na talagang magagawang makita ka pero ngayon, ito na, ito na sa aking harapan," wika ni Manuela sa akin na may bakas pa rin ng tuwa sa kanyang mukha.

Tanto ko na magkaedad lang kami ni Manuela. Walang katulad ang kanyang kagandahan. Kayumanggi siya. Makintab at mahaba ang kanyang maitim na buhok. Gaya ng iba pa sa bayang ito, nakasuot siya nang baro't saya na yari sa isang malambot na tela. Maganda ang kanyang labi at nakakagalak rin ang kanyang mga mata.

"Ako rin ay natutuwa na nakilala ka, Manuela, marami akong nalaman tungkol sa iyo mula sa iyong ama," wika ko kay Manuela.Nilipat niya ang tingin sa kanyang ama. " Si Tatay talaga, mapagkuwento. Naku! Huwag kang maniwala sa kanya ng ipinahambog ko sa aking mga kaibigan ang pagrating mo. Hindi iyon totoo," ani niya sa akin.

Laking tawa naman ni Tiyo Graciano.

"Isa kang magandang dilag, Carmela," ani ng isang babae namang tumambad sa akin mula sa pinto ng bahay. Matanda na ito ngunit maganda pa rin. Katulad ni Manuela, nakabaro't saya rin siya. Maitim rin at makintab ang kanyang buhok ngunit maayos itong nakahubli sa kanyang likod.

Hinalikan ako ng matandanng babae sa pisngi. Ngumiti lang ako sa kanya. " Ako pala ang si Tiya Dolores mo, asawa ng iyong Tiyo Graciano, natutuwa rin ako at nakilala kita, Carmela," pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa akin.

"Ikinagagalak ko rin po na kayo ay makilala, Tiya Dolores," ani ko sa kanya.

"Mahal?" pagtambad ni tiyo sa amin. "Ano ang inihanda mong pagkain ngayon sa amin?"

"Ipinaghanda ko kayo ng mainit na sinigang na manok. Pinaramihan ko ito ng sampalok upang maging maasim. Tiyak kong magugustuhan ito ni Carmela," sagot ni Tiya Dolores.

"May inihanda rin po akong kare-kare para kay Carmela. Hindi ko lang po alam kong kumakain siya nito," wika rin ni Manuela sa kanyang ama."Siya sige," ani Tiyo Graciano sa lahat. "Pumasok na tayo sa loob at ako ay nagugutom na. Alam ko rin na nagugutom na si Carmela,"

Ngumiti lang ako sa kanila.

"Bernado," pagtawag niya sa kutsero. "Opo Senyor?" sagot naman nito sa kanyang pagtawag. "Ipasok mo ang mga gamit ni Carmela sa kanyang cuarto," utos ni Tiyo sa kanyang kutsero. "Opo senyor," ani naman ng kutsero at agad dinala ang aking malaking sisidlan ng damit.

Matapos iyon ay sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Ang bagong bahay na titirhan ko.

Maganda ang loob ng bahay. Makikintab ang mga mwuebles, mga upuan at mga platerang yari sa yakal. Pati ang kanilang hagdanan paitaas ng bahay at ang buong sahig nito ay pinakintaban din na yari naman sa matigas at makapal na kahoy. Sa bawat sulok ay may mga likhang pagguhit na may mga malalim na kariktan kung titingnan. May mga gayak rin silang mga mapuputing at makikinis na porselana at mga sari-saring kagamitang yari sa bakal.

Nang makarating kami sa comador, maraming pagkain ang nakahanda sa mahabang platera. May mga sinabawan, may mga piniprito at mayroon ring mga ibat-ibang prutas ang naroon. Lumikmo kami sa mga upuang naroon sa platera. Nakaupo si Tiyo Graciano sa pang-unahang gitna ng platera,nasa kaliwa niya naman si Tiya Dolores habang nasa kanan kami ni Manuela na magkatabi. Kasama ang aliping si Alana, dumating naman si Carmelita, na pinaupo rin sa mesa na katabi ng aking tiyahin.

Nagdasal muna si Tiyo Graciano at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Pinaglingkuran ako ni Manuela na nilalagayan ng kanin ang aking pinggan. Sinabihan ko naman siya na maglagay lang ng kaunti ngunit dinamihan naman niya ito. Inabot niya sa akin ang niluto niyang karekare para sa akin.

"Sana ay kumakain ka ng karekare, Carmela," anya ni Manuela sa akin. Sasagot sana ako sa kanyang winika subalit inunahan ako ng aking tiyuhin sa pagsasalita.

"Bakit naman hindi, Manuela. Karekare ang itinatanging kainin ng ina ni Carmela. Hindi malayong hindi siya kumakain rin nito, tama ba ako,hija?" pagsaysay ni Tiyo Graciano sa akin.

Agad ko namang tinugonan ang kanyang pahayag. " Tama si Tiyo. Paminsan-minsan mga lutong nayon ang niluluto ng aking ina, at madalas itong karekare ang kanyang iniluluto para sa amin," wika ko sa kanila.

"O, tama ako," anya ni Tiyo Graciano at sumubo ito ulit ng pagkain. Inalalayan namam ni Tiya Dolores si Carmelita upang makakain ito. " Kung ganun, naging tinatangi mo na rin ito, Carmela. Tugma ang aking inuluto para sa iyo," nagtutuwang wika ni Manuela nang malaman iyon.

Pinilit ko na lamang kainin ang pinaghirapang lutuin ni Manuela.Hindi naman sa wala itong lasa, simula noong naging kakaiba ako ay wala na talaga akong malasahan sa mga pagkain kahit pinakamasarap pa iyan. Isang bagay lang talaga ang aking nalalasahan.

Hindi kalauna'y dumating na rin ang dalawa pang anak ni Tiyo Graciano. Nagmano ang mga ito sa ama at ina bilang tanda ng paggalang sa mga magulang. Pinakilala naman ni Tiyo Graciano ang mga anak niyang mga ito; si Estrella at si Laura.

Si estrella ay nasa edad labing isang taon. Maganda,kayumanggi, matangkad para sa kanyang edad at napakapayat. Si Laura naman ay nasa edad na siyam. Siya ay pinakamabilog sa magkakapatid. Maganda rin at kayumanggi. Sumabay silang sumalo sa aming pagkain.

"Seǹor," pagtambad ng isa pang alipin kay Tiyo Graciano. " May panauhin po kayo,"

"Sino iyan, Magda?" tanong ni Tiyo Graciano sa kanya na habang kumakain. "Si Seǹor Agapito po," sagot naman ng aliping si Magda. "Papasukin mo, Magda. Susunod ako," pag-utos ni tiyo sa kanya. Susunod na sana si Magda sa inutos ng aking tiyuhin nang gumitla ang panauhin sa comador.

"Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Tumayo agad si Tiyo Graciano upang puntahan ang kanyang panauhin. "Pitoy!" pagbati nito sa kaibigan. Inakbayan naman ito ni tiyo.

" Matagal ka nang hindi bumibisita rito. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?" anya ng aking tiyuhin sa bisita. "Ay, naku, Ciano, galing akong Tsina. Kararating ko lang noong isang araw," sagot naman ng panauhin sa kanya.

"Naging abala maging Instik upang lumago ang negosyo," biro pa nito na agad namang tinawanan ni Tiyo Graciano.

"Halika, sabayan mo kami sa aming salo-salo," pag-anyaya ni tiyo sa matandang lalaki. " Sinalubong namin ang pagdating ng anak ni Auring,"

"Anak ni Aurora?" tanong nito bigla nang malaman iyon.

"Oo, Pitoy, nandito iyong anak na babae ni Auring na galing Italya," sagot naman ni Tiyo Ciano. " Um, Carmela," pagtawag naman ng aking tiyuhin sa akin. Agad akong tumayo at nagtungo sa kanila.

"Magandang araw sa iyo, Seǹor. Ako po si Carmela Salvanza y Agoncillo, ikinagagalak ko pong makilala ka," pagpapakilala ko sa panauhin. Inabot ko ang aking kanang kamay sa kanya nama'y hinalikan niya ito.

"Magandang araw rin sa iyo, Seǹorita. Ako si Agapito Ramirez y Quintos, natutuwa rin akong makilala ka," anya ng panauhin sa akin. "Buenvenido y Santa Barbara, Senorita!," pagbati niya ng maligayang pagdating sa akin sa wikang Kastila.

"Gracias," pasalamat ko naman sa wikang Kastila.

May katandaan na ang lalaking panauhin. Ngunit kong ano man ang katandaan ng kanyang mukha ay siya namang di makikita sa kanyang katawan. May kakisigan pa rin ito. Maputi, matangkad at matangos ang ilong gaya ng mga ibang Espanyol. Isa siyang insulares na negosyante kaya ganoon nalang ang kanyang bihasa sa pagsasalita ng wikang indiyo. Nakasuot siya ng mga katulad na kasuotan ng mga taga Europa. Nakabota at may hawak itong maliit na latigo na kalimitang ginagamit ng mga henete ng kabayo.

"Hindi ko alam na mayroon palang anak si Aurora na kasing ganda niya," anya niya sa akin. "Ganyan rin ang sinabi ko sa kanya, pagkarating niya rito," wika naman ni Tiyo Graciano na pinagalawahan ang sinabi ni Don Agapito.

"Nagkakilala na po ba tayo, Don Agapito?" tanong ko bigla kay Senor Agapito. Naitanong ko iyon sa kanya dahil ang mukha niya'y parang nakita ko na sa aking pinalalagian noon.

"Aking batid ay hindi pa, Senorita. Ang kagandahan mo ay bago pa sa aking paningin." sagot naman ni Don Agapito. "Baka nasampit lamang ng iyong ina ang kanyang pangalan, Carmela, kaya baka naringgan mo lang ito sa kanya. Matalik na magkaibigan ang iyong ina at si Agapito noon," anya ni Tiyo Graciano sa akin.

"Baka ng ay tama ang iyong tiyuhin, senorita. Baka ay natukoy lamang ako ng iyong ina sa iyo,"

"Batid ko nga po ay marahil, senor," ani ko kay Don Agapito. Ipinakita lamang ng Don ang kanyang ngiti sa akin. "Kuhang kuha mo ang ngiti at mga mata ng iyong ina, Carmela," wika niya. "Maraming salamat, senor. Batid ko rin po ang mga bagay na iyan  na inayon ni Tiyo Graciano," ani ko naman sa kanya.

Matapos nang aming usapang iyon ay isinalin ni Don Agapito ang kanyang tingin muli sa aking tiyuhin.

"Um, Ciano," anya niya kay Tiyo Graciano. "May isang bagay akong nais sabihin sa iyo kaya ay naparito ako,"

"Ano iyon, Pitoy?"

"Gusto ko sanang imbitahin at aanyayahin ang iyong buong pamilya sa aming piging sa makalawang araw. Ipagdidiriwang namin ang ika singkwentang taon ng aming pagawaan," sagot ni Don Agapito kay Tiyo Graciano.

"Magandang pagkakataon iyan, Pitoy!," bulalas ng aking tiyuhin sa imbitasyon ng panauhin. " Asahan mong kami ay dadalo sa pagdiriwang na iyan,"

"Masaya kong malaman iyan, Ciano. Talaga ay aasahan ko ang pagdalo ninyu. Hindi ka dapat mawala sa mahalagang piging na ito," wika ni Don Agapito. "Ganoon pa man ay yaon lamang ang aking pinunta rito. Ninais ko lamang na ako mismo ang mag-aanyaya upang makadalo kayo nang iyong pamilya,"

"Kung ganoon, Pitoy, salamat sa pag-iimbita mo sa amin," pasalamat naman ng aking tiyuhin. "Hindi kita bibiguing dadaluhin,"

"Asahan ko iyan, Ciano," anya ni Don Agapito. "Siya sige, yaon lamang ang aking gustong sabihin. Aalis na ako at pupunta pa ako ng bayan," pagpapaalam ng panauhin sa aking tiyuhin.

"Paalam sa inyu,"

"Nawa'y mag-ingat ka po, Don Agapito," ani ko sa kanya bilang pagpapaalam. "Paalam sa iyo, senorita," pagpapaalam rin niya sa akin at muli ay hinalikan ang aking kamay.

Sinamahan siya ni Tiyo Graciano patungo sa silong ng bahay. Sakay ang kanyang dalang kabayo, umalis ang aking nakilalang senyor patungong bayan.

Related chapters

  • Lahid   Kaibigan

    Ang centro ng bayang Santa Barbara ay isang napakaabalang lugar. Puno ng mga tao na siyang nagbubuhay sa ingay ng bayan. Nagpunta kami sa pamilihan ng mga gulay. May isang kalye sa bayan na siyang kinaroroonan ng mga nagtitinda nito.Nagkalat ang mga nagtitinda sa paligid ng makarating kami roon. May mga nakahilerang mga anigo sa gilid ng kalye na may mga naglalamang sari-saring gulay at prutas. Kadalasang nagtitinda roon ay mga kababaihang mga Pilipino. Nakatapis at nabaro lamang ang ilan. May mga nagsisindi rin ng tabako sa kanilang mga bibig na bumubuga ng usok sa mga ilong nila. Mayroon ring nagtitinda ng mga karne tulad ng baboy, manok at baka, at mayroon ring mga isda na kalimitang nabibingwit sa ilog na malapit sa bayan.Sinamahan ko si Manuela sa kanyang pagpunta rito. Naatasan siya ng kanyang ina upang mamili ng mga sangkap na

    Last Updated : 2021-11-16
  • Lahid   Bruja

    Hindi mahulugan ng karayom ang kalagitnaan ng plaza. Maraming taong pumalibot dito na nakikiusyoso sa mga nangyayaring naroon. Nagkamayaw silang makita at mapanood ang pangyayaring minsan lang masasaksihan sa buong bayan. At ito ay ang pagbitay sa isang mangkukulam.Pinalibutan ng mga tao ang isang pinataas ng platapormang yari sa makakapal at matitigas na tabla. Sinadyang pinataas ito upang makita ng buong taong naroon ang ganapang iyon. Sinadya ring pinataas ang plataporma upang bigyang taas rin ang pagitan ng lupa sa bibitayin. Sa bandang likuran naman ng platapormang iyon,may isang posteng nakatirik na yari sa makapal at mahabang kahoy ng narra na pinakoan pa ng isa pang mahaba na posteng nakahiga sa itaas nito na lumampas sa kalawakan ng plataporma. May nakabiting makapal na lubid rin ito na may binuong pabilog sa dulo para sa ulo. Karaniwang ginagamit ang platapormang iyon sa pagbi

    Last Updated : 2021-11-16
  • Lahid   Lihim

    Isang malaking bayan ang Santa Barbara. Ito ang naging sentro ng mga kalakalan ng mga malalayong lugar sa timog ng Maynila. Maraming mga manglalakbay ang dumadayo rito upang makapagpahinga mula sa malayong paglalakbay papunta o pauwi ng Maynila.Ang Hilaria ang isa sa mga pinupuntahan ng mga dayo sa bayan. Ito rin ang pinupuntahang libangan ng mga sibil ng lipunan pati na ang mga nasa maitaas na antas. Ito’y isang bahay aliwan na tuwing gabi ay may mga sayawan at kantahan. Bumubuhos rin ng mga serbesa ang bahay aliwang ito kaya naman ganoon na lamang ito kakilala sa buong bayan.Hindi lamang ito isang bahay aliwan, sa likod naman nito ay may pinaalkilang mga murang cuarto. Malalaki ang silid roon at mainam at malambot ang mga higaan. Dito ko naisipang tumuloy muna upang hindi malayo sa lipunan. Nasanay na ako kasing nakakasalamuha

    Last Updated : 2021-11-16
  • Lahid   Natalia

    Napakainit ang simoy ng gabing iyon kaya naisipan kong magpahangin sa halamanan ng bahay. Mula sa asotea sa itaas, tumalon ako pababa palabas. Pagtalon ko, matiwasay naman akong nakababa at agad tumungo sa halamanan.Malalim na ang gabi sa mga oras na iyon kaya tulog na ang lahat ng mga tao sa bahay. Nakahati ang buwan sa sandaling iyon at pinalilibutan ng mga nagniningningang mga bituin. Dumaan ako sa kwadra ng mga kambing upang hindi ko magising ang mga alilang mambabahay na natutulog sa gawing daanan sa halamanan. Nang marating ang kwadra,naalala ko kung paano naging hapunan ko ang isa sa mga kambing na naroon kanina. Kailangan kong maibsan ang uhaw para sa araw na iyon. Kailangang sariwa dahil masarap ito. Kaya nayari ko ang isang kambing at napatay na tuyo ang buong ugat. Nagtaka tuloy ang korderong nangangalaga sa mga kambing sa nakapagtatakang nangyari sa isa sa mga ito. Kahit na ganoon, mas mainam na ito ang nagaganap maibsan ko lamang ang pagkauha

    Last Updated : 2021-11-29
  • Lahid   Simbahan

    Sa SimbahanMaaliwalas ang kalangitan sa maaraw na umagang iyon. Sa aking pagmulat ng aking aking mga mata, wala ako tanging inaalala yaon si Natalia lamang. Hiniling kong sana ay ligtas siyang nakaalis at kung saan man siya naroon ngayon. Naalala ko ang sinabi niya kagabi sa akin. Isang nakababahalang kaalaman. Nandito ang kanyang ama na matagal na niyang pinagtataguan. Nandito ang kanyang ama na walang kapantay ang kasamaan ayon sa kanyang mga ikinukuwento sa akin.Inisip ko kung ano ang mga dahilan kung bakit nandirito sa bayang ito ang ama ni Natalia. Inaalala ko ang mga kagimbal-gimbal na mga kuwento sa akin ni Natalia patungkol sa kanyang ama na siyang nagpaalala sa akin sa maaring mangyari sa buong bayan ng Santa Barbara. Wala akong tanging maisip kapag ang ama na niya ang maririnig ko kundi kapahamakan at kamatayan. Ganunpaman,iisa lamang ang tangi kong gagawin ngayon at alam kong nandito ang pinakamasamang halimaw sa bayan, ito ay

    Last Updated : 2021-11-29
  • Lahid   Rosas

    Isang magandang hapon iyon kaya naisipan kong magpahangin at maglibang sa hardin. Hindi ko pinagtatakhan kung bakit noong kabataan ng aking ina ay lagi siyang naglalaro at napupunta rito. Talaga namang nakakaginhawa sa damdamin ang hanging bumabagwis sa iyo at nakakagalak sa mata ang mga mabeberde at makukulay na mga halamang naroon.Palakad-lakad akong naglibot sa buong halamanan. May mga paro-paro pa akong nakikitang palipadlipad sa mga magagandang buka ng mga bulaklak. Nililibang ko ang aking sarili sa mga halamang naroon na inaasam ang bawat sandali.At hanggang sa may nakita akong isang halamanan ng rosas. Maraming namumukadkad na mga pulang bulaklak ang naroon sa mga tangkay ng halaman. Sa aking pagkakaalam, ito ang pinakagustong bulaklak ng aking ina. Ang mapupulang rosas.Tinungo ko ang halaman at naisipang magpitas ng isang bulaklak nito. Nakakita ako ng isang magandang bukad at iyon ay aking pipitasin ko. Ngunit nang pitasin ko it

    Last Updated : 2021-12-03
  • Lahid   Ang Prayle

    Isang malakas na katok ang aking narinig mula sa pintuan ng aking silid. Nag-aayos ako ng aking mga kalat sa loob nang marinig iyon. Walang atubili ko namang pinagbuksan kung sinuman ang kumakatok rito. At nang mabuksan ko ito, tumambad sa akin si Lucio, ang sakristan ng prayle.“Lucio, bakit? Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa pintuan. “Claudio, pinapunta ka ni Padre Paterno sa kanyang cuarto,” sagot naman ng batang sakristan na nasa sampung taong gulang ang edad.“Bakit raw niya ako pinatawag?”“Hindi ko alam. Basta napag-utusan niya akong ipatawag ka sa kanya,”sagot ni Lucio. “Siya sige kung ganun, pupunta ako sa kanya,” anya ko sa kanya. Matapos iyon ay umalis ang sakristan sa pintuan ng aking silid.Lubos ang aking pagtataka kung bakit ako ipinatawag ng kura. Wari ng isip ko na baka tungkol ito sa nangyari

    Last Updated : 2021-12-03
  • Lahid   Muling Pagkikita

    Gaya nang napagtantuhan ni Manuela, dapithapon na nang makauwi kami sa bahay. Maraming gulay at mga sangkap ang pinabili ni Tiya Dolores sa kanya kaya natagalan kami sa pamilihan. Bawat isa sa amin ay nagdala ng buslo. At nang makarating at makauwi, may nakahintong karwahe sa may tapat ng bahay. Yaon may dumating yatang panauhin si Tiyo Graciano na hindi mapapagtakhan dahil isang maimpluwensiyang negosyante ito. Nang huminto ang aming karwahe ang silong ng bahay, pumasok agad kami ni Manuela dala ang buslong may mga laman ng mga pinamili namin. Nagtungo kami sa cucina kung saan naghihintay ang tagapagluto na si Soyang at ibinigay namin sa kanya ang mga gulay at sangkap na aming binili. Nang maibigay at mailagay sa mesa ng cucina ang mga buslong dala namin ni Manuela, bumalik kami sa sala at nakita namin roon ang isang binatang lalaki na nakatayo malapit sa silid-aklatan ng bahay.“Ginoong Edurado?” ang aking nasampit nang makilala ang lalaking

    Last Updated : 2021-12-03

Latest chapter

  • Lahid   Keso

    Isang araw na siyang hindi nakakain at sigurado akong nagugutom at nauuhaw na iyon sa madilim na kulungang doon. Kaya naisipan kong dalhan ang lalaki ng pagkain at tubig pagkatapos kong kumain. Pinilit ng tatlong tulisan na kunin ang aking dalang pera. Nanlaban ako kaya binubog nila ako upang makuha lamang ang kwaltang nais nilang kunin mula sa akin. Napagbatid din ni Pedro ang ilang nagsisidatingang mga tao roon; may ilang mga kababaihang nakasuot ng magaganda't magagarang traje de boda na naghahagikhikan pa sa isa't isa habang papasok sa loob ng mansyon at may nakikita rin siyang mga papasok na mga kalalakihan roon na nakasuot ng iba't ibang isitilo ng chachetta at pantalones na sa mga kilos at tindig ay kagalang-galang tingnan. "Alas siete na pala," anya ni Don Condrado sa sarili nang malaman na ang oras. Sa di malamang dahilan, tumigil ang mga tulisan, umalis na sinunod ang ninais ng napakagandang babaeng iyon. Wari ko, hindi yata nila matanggihan ang tila isang anghel na dilag ka

  • Lahid   Fuente Maria

    Suot ang maganda at gawa sa bulak na chachetta na itim na pinalooban niya ng puting polo at kurbatang itim, ay inayos ito ni Julian sa paglabas niya ng sinakyang karwahe. "Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Ang mga arko namang ito ay bumuo ng malalaking debatong kaha kung saan may mga butas na siyang ginagawang tanawan at lusutan ng mga bumabaril mula sa loob ng fuerte. Nabaliw ito dahil sa labis na pagnanasa nitong maging pinakatanyag na pintor sa bansa kaya halos ginugol na niya ang buong sarili sa pagpipinta ng kung anu-anong mga larawan. Tiningnan niya ang inventario doon kung tugma ba ang mga nakasulat ayon sa pagsusuring ginawa niya. "Natutuwa ako, Carmela, at masaya kang makilala sila," wika ni Natalia sa akin na may bakas ng tuwa sa kanyang mukha para sa akin. Alam niyang sa bayang ito magsisimula ang bukang liwayway ng aking bagong buhay. Ang alak ang nagbibigay gaan sa aking loob bukod sa isang pang likidong parehong nil

  • Lahid   Camenao

    "Iyon lang ang masasabi mo?" ang napabulalas na tanong ni Venancio, ang ama ni Sergio, bulalas man ngunit nasa mahinang tinig. Sa pagkakataong iyon ay para bang nalalasap sa dulo ng kanyang dila ang lamang matatamis nito na siyang napapalunok naman sa natitirang laway sa bibig niya. May sakit po kasi ngayon ang nanay ko at wala akong maiuuwi ngayon kung wala po akong mababaleng pera ngayon. akbo lang siya nang takbo, at habang hinihingal na ay may palingon-lingon niyang tinitingnan ang kanyang bandang likuran na tila ba may tinatakbuhan siyang di makita-kitang bagay sa lilim ng kadilimang naroon. Kumalam na ulit ang kanyang tiyan. "Hindi! Umalis ka na!" At sinipa si Clara ulit ng matabang donya. Nang matumba ang dalaga, kinuha siya bigla ng senyora, kapit ang kanyang suot na puting baro. Matagal lumipas ang pagkalam nito. Pinagpawisan na rin ang noo niya dala nang matinding nararamdamang gutom. Mulang siya ay magising ay inayos muna ni Graciela ang sarili niya, tumayo siya sunod at in

  • Lahid   Katiwala

    Ang lahat ng ito ay karaniwang ginagawa sa pabrika ni Andracio bilang isang encargador. Paulit ulit kong tinawag ang aking mga magulang ngunit pawang katahimikan lamang ang sumagot rito. Sa bahagi ring ito makikita ang isang malaking bodega, na may pintuang malahugis arko na may mga magagandang ukit na binubuo ng mga bulalak at mga ibon. Huminto ito sa tapat ng mansyon, at pagkalabas niya nang karwahe ay napansin niya kaagad sa may labasan ng casa ang mga nakaunipormeng puro Kastilang kawal ng mahistrado na buong tindig roon na nakabantay at walang bahid ni anumang damdaming makikita sa mga pagmumukha. At nang lumingon ako upang makita kung sino iyong tumambad sa akin ay doon ko natantong ako ay tama sa pagwari ko. Halos walang tao ang nasa mercado sa araw na iyon. "Bago natin ibalik ang mangkukulam na ito sa impyerno," wika ng padre sa lahat. Hindi dahil maulan at malamig kundi dahil ang mga manininda at negosyante sa pamilihang iyon ay mga ilang tagahanga at natulungang tao ni Don A

  • Lahid   Otoridad

    Nagpasalamat din si Julian sa kanila at tinanggap ng buong loob ang ibinigay ng mga babae sa kanya. Wala naman siyang ibang naisip na maaaring gawin upang matapos ang pagdudurusa ng lalaki--dulot ng matinding nararamdamang sakit--kaya dala ng awa ay pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagdiin lalo ng nakatusok na kahoy sa dibdib. Marahil hindi pa alam ng mga taga Mansion Gliriceda ang pagkawala ng kanilang señorito o hindi rin napagbatid maging nang mga tauhang nagtratrabaho sa pabrikang pagmamay-ari nito.Nang mahagip bigla sa isipan ni Andracio ang pangalan ni Julian, naalala na naman niya muli ang isang bagay. Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas.Ang lahat ng ito ay inalisan at tinanggalan niya ng alikabok, mga nakabiting agiw at dumi na apat na araw nang nalikom doon. Marahan siyang umakyat sa hagdanan, di inalintana ang madilim at makitid na mga hakbang, hanggang sa narating na nga niya ang tutok nito. "Ubos

  • Lahid   Ang Sitio

    Hindi ko mapipilit na sumagot siya sa akin sapagkat hindi naman niya ako kilala."Hindi ko ginustong mangyari ito sa akin. Hindi maaaring nilinlang ako noon ng aking kaibigang si Felina. Binuo ako ng isang bampirang nangangalang Mercedes,"ani pa niya sa akin. Hindi ko magawa ang makatayo mula sa pagkadapa ko sa lupa dahil nangangatog sa takot ang aking buong katawan. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dahil kung hindi, tiyak mamamatay ako sa kamay ng aking kaaway na walang kalaban-laban. Tinuruan niya akong mamuhay ng karaniwan sa kabila ng sumpang aking dinadanas at sa hanggang tuluyan ko nang napigil ang aking pagkauhaw sa dugo ng tao. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari. Buhat nga makahiga, binubulong ko lamang sa aking isip na iwala ang mga masasamang wari pero ang mga bakas pa rin ng takot ang tumatatak sa aking isipan. "Si Aurora talaga, kahit nakapag-asa

  • Lahid   Cigarillos

    Ang Serapica lang ang tanging masasakyan kung papatungo sa Dapitan kaya hindi maaaring hindi sumakay sa bapor na iyon ang mga nadakip na ilustrados. Wala akong winari simula nang lumisan ako kundi ang kalimutan ang lahat ng aking mga naranasan sa Santa Lucia. Sumunod naman ako sa kargador. Kakaiba ang aking naramdaman sa kanya na hindi ko alam kung bakit gusto kong alamin ang lalaking dumaan.Sumiklab naman ang galit sa pakiramdam ni Andracio nang marinig ang mga pahambog na ito mula sa taksil. Bumaba kami sa barko na dinaanan ang hagdanang yari sa makapal na tabla. Pagbanggit niya sa pangalan ng aking alila noon,naalala ko at pumasok muli sa aking wari ang kung papaano ko napatay si Mercedes. Sa marahang pagbaba ng yumao sa kanyang lupang himlayan, biglang naagaw ang pansin ni Julian nang may makita siyang isang babae na lumapit doon. Isang nahahating maskarang puti naman ang kanyang hawak hawak sa kaliwang kamay na siyang bigay rin sa kanya ni Delfina bago ito umalis, sapagkat ang ya

  • Lahid   Obispo

    Alam ni Padre Mariano na tama ang mga naging pahayag sa kanya ni Criscancio. Tanto ko, ang mahalagang pagpupulong na ito ay marahil tungkol sa mga alagad ng dilim na nagkalat na sa bansa na siya naman talagang pangunahing paksa ng lahat ng pulong. Walang ibang laman ang nasa isipan ng encargador habang siya'y nakasakay sa calesa kundi ang mga salitang natanggap niya sa dalaga. Hinablot ko ang kanyang munting katawan na siyang napunan ko ang pagkahulog mula sa aking mga bisig. Agad namang lumabas ang mag-amang Guevarra pagkatutok ng mga baril sa kanila, at pagkalabas ay walang anu-ano'y bigla na lamang tinadyakan at ginulpi ng dalawang lalaki si Don Armando. Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Kinuha ko ang platong may lamang ulam at kanin at gamit ang kutsara ay pinasubo ko ito sa kanya. Ang punong manggagaway an gang makapangyarihan sa lahat ng mga manggagaway. Mula sa pagkakaupo sa cama ay tinunghan si

  • Lahid   Sedulang Pula

    Sa paglagak ng pangpitong basong may lamang vino, biglang natalos ni Andracio sa kanyang pandinig ang isang kilalang boses. Sila ang mga dayuhang kasabay kong naglayag, mga dayuhang una pa lamang tatapak sa isla na ipinangalan ng mga Kastila sa isang hari. Natatabunan naman ng malakas na kulog ang kanyang mga nagdudurusang sigaw sa pagtawag sa pangalan ng ama na sa bawat paggapang ay ang tanging nagagawa lamang niya. "Manuela, mag ingat ka. Baka nasasaktan mo na sa higpit ng pagkakayakap mo kay Carmela," ani ni tiyo sa babaneg yumakap sa akin. Mararamdaman naman pagkapasok sa doble puerte ang bayo ng malinis na hanging nanggagaling sa labas na umihip mula sa apat na malalaking bintanang naroon. "Alam mo namang may kakayahan akong hindi kayang gawin ng iba," sagot naman niya sa akin. Malapit lang naman ang pabrika sa kanyang bahay kaya nilakad lamang ni Andracio ang pagpunta rito. Pagkarinig sa yaong pangalan ay hindi na naghintay pa ang prayle at kanya nang sinamahan ang bata pabalik

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status