Home / Fantasy / Lahid / Kaibigan

Share

Kaibigan

last update Huling Na-update: 2021-11-16 14:48:04

Ang centro ng bayang Santa Barbara ay isang napakaabalang lugar. Puno ng mga tao na siyang nagbubuhay sa ingay ng bayan. Nagpunta kami sa pamilihan ng mga gulay. May isang kalye sa bayan na siyang kinaroroonan ng mga nagtitinda nito.

Nagkalat ang mga nagtitinda sa paligid ng makarating kami roon. May mga nakahilerang mga anigo sa gilid ng kalye na may mga naglalamang sari-saring gulay at prutas. Kadalasang nagtitinda roon ay mga kababaihang mga Pilipino. Nakatapis at nabaro lamang ang ilan. May mga nagsisindi rin ng tabako sa kanilang mga bibig na bumubuga ng usok sa mga ilong nila. Mayroon ring nagtitinda ng mga karne tulad ng baboy, manok at baka, at mayroon ring mga isda na kalimitang nabibingwit sa ilog na malapit sa bayan.

Sinamahan ko si Manuela sa kanyang pagpunta rito. Naatasan siya ng kanyang ina upang mamili ng mga sangkap na kakailanganin para sa nalalapit a hapunan. Kahit may mga alipin na maaring utusan,hindi ninais ni Tiya Dolores na hindi makagawa ang kanyang dalagang anak ng mga kadalasang ginagawa ng mga babae.

Nanais ko namang sumama sa kanya upang ako’y makapaglibot sa bayan. Marami akong nakikitang mga dayuhang nagtitinda rin doon. May mga Instik, Arabo, at Indiyanong nagtitinda sa paligid. Ang mga paninda nila ay mga tela, palamuti, korales, mga perlas at mga mahahaling porselana at mga lagayan.

“Doon sa inyo, sa Italya, Carmela, namimili ka rin ba gaya ng ginagawa ko ngayon?” isang tanong na tinambad sa akin ni Manuela habang lumalakad kami sa kalyeng iyon. “Oo naman, Manuela. Ngunit sa Roma, hindi ganito ka dami, kaingay at katao roon,” sagot ko naman sa kanya.

Napansin ko na nakasuot pa rin pala ako ng kasuotang pang Europa na may mabubukad at mahahabang saya mayroon rin mahahabanag manggas ng aking blusa na yari sa makapal na tela na madalas ginagamit sa mga taglamig roon. Kaya medyo ay nakadama ako ng init sa aking looban. Nakasuot rin ako ng mahabang sambalilo na siyang nagapapainit rin sa aking ulo. May dala naman akong pamaypay na siyang kadalasang dinadala ng mga babae sa Europa.Nakalimutan ko na iba pala ang klima rito sa Filipinas kung ihahambing sa Italya na dapat ay nakasuot ako ng mas manipis at maluwang na damit.

“Ngunit mas masaya dito, kung aking itatanto. Marami kang mapagpipilian rito at makakatawad ka pa na bumili,” anya ni Manuela sa akin habang bitbit ang isang malaking buslo.

“Ganoon rin ang aking pagtingin rito, Manuela,” ani ko sa aking pinsan.

“Pinapangarap ko talagang makarating ng Europa, buong buhay ko,”

“Ay naku Manuela, hindi malayong marating mo doon. Igihin mo lang ang pag-aaral sa beatro upang makapag-aral ka rin roon gaya ng aking ina,” wika ko kay Manuela na pinapalakas ang kanyang loob para sa kanyang pinapangarap gawin. “Sana nga Carmela, magdilang  anghel ka sana sa akin,” ani naman niya.

At sa paglalakad naming iyun ay nakita na namin ang aming hinahanap upang bilhin. “Iyon ang mga kamatis, Manuela,” pagturo ko sa isang bangkenetang may mga itinitindang kamatis. Agad naman kaming nagtungo sa bangkenetang iyon. namili kami ni Manuela ng mga mabibilog at mapupulang mga kamatis.

Ngunit biglang nalipat ang aking pansin sa dumaan mula sa aking likuran. Kahit nakatalikod ay parang nakilala ko ang babaeng dumaan roon. Nakasuot siya ng damit na maykatulad sa akin. Naarawan rin ang kanyang mapula at makulot na buhok. Nagpaalam muna ako kay Manuela na may titingnan lamang at agad sinundan ang hininalang babae. Pumaliko ito sa isang eskeneta, at nang sinundan ko ay nawala na ito sa aking paningin.

“Hindi mo dapat ako sinusundan,” wika ng tinig ng isang babae na may halong kapintasan. Napangiti lamang ako nang mapakinggan ang boses ng sinumang nasa aking likuran. Alam ko kung kaninong tinig ang aking narinig sa sandaling iyon. tinig pa lamang ay kilalang kilala ko na ito.

“Natalia,” ani ko nang humarap ako sa kanya. Niyakap ko agad ang babaeng aking nakita. “Hindi mo dapat sinusundan ang mga hinihinalang tao. Maari mo itong ikapahamak,” anya ng babae habang nakayakap ako sa kanya. Kumalas ako sa aking pagkakayakap at tumingin ako sa hindi ko inaasahang tao.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. “Bakit nandito ka?” isang kasunod na tanong ang aking nawika agad sa kanya. “Hindi ako makapagtiis na isipin ka, Carmela, habang malayo ka. Nasanay na akong kasama ka araw-araw kaya hindi ko talaga kayang hindi makita ang ni hibla ng iyong buhok. Kaya naisipan kong sumakay rin sa barkong sinakyan mo,” sagot ni Natalia, ang aking kaibigan.

“At paano ka naman nakasakay?” tanong ko ulit sa kanya na may pagtaka.

 Hindi lahat ay agad makakasakay sa barko, alam ko ito. Kailangang bumili ka muna ng bilyete bago ka makasakay at hindi lahat ay nakakabili nito agad-agad.

“Alam mo namang may kakayahan akong hindi kayang gawin ng iba,” sagot naman niya sa akin. Nakuha ko ang kanyang ibig ipahiwatig. May mga kakayahan kaming hindi wari sa isang tao na siyang itinatago namin. Pinag-iingatan rin namin ito ng mabuti para na rin sa aming kaligtasan.

“Ikaw talaga, Natalia. Isasama naman kita kung inibig mong sumama sa akin,” ani ko sa kanya na may tuwa. “Kilala mo naman ako, Carmela, minsan napupuna ko lamang ang mga bagay kapag huli na,” wika ni Natalia sa akin at may kunting tawa rin.

“Saan ka namamalagi ngayon?”

“Nangungupahan ako ng cuarto sa isang lumang bahay-paupahan na hindi malayo rito. Ninais ko namang bantayan ka sa pagdalo mo rito,” sagot ni Natalia sa akin. “Bakit hindi ka sa bahay ng aking tiyuhin manuluyan para kasama mo ako? Magiging masaya iyon” pagyaya ko sa kanya. “Sinadya ko talagang huwag mangialam sa iyo at minabuti kong mag-iba upang hindi ko maantala ang iyong mga araw na makikilala mo ang iyong mga kaanak,” sagot niya sa akin.

“Aywan ko sa iyo, Natalia ngunit salamat sa iyong pag-alala sa akin. Isa ka ngang tunay na kaibigan. Malaki ang aking utang na loob sa iyo,” wika ko sa kanya na may halong ngiti dahil natutuwa akong makita ang isang napakahalagang kaibigan.

Yumakap na naman ako sa kanya.

Si Natalia ang nagpamulat muli sa aking upang mabuhay. Siya ang naging ilaw ko upang tahakin ang mudong madilim na aking tinahak noon. Hindi ko matatawaran ng kahit ano ang kanyang pagtulong sa akin upang malagpasan ang isang bagay na hindi ko naintindihan noon. Siya ang nagsilbing aking ina, kaibigan at kakampi sa panibagong kabanta ng aking pagkatao. Kaya ganoon na lamang kahalaga siya sa aking buhay.

“Batid ko’y may kasama ka,” anya ni Natalia sa akin. “ Kasama ko ang aking pinsan, si Manuela,” sagot ko naman sa kanya.

“Halika, ipapakilala kita,”

“Hindi na Carmela,” pagtanggi niya sa aking pag anyaya na sila’y magkakilala ni Manuela. “ Hindi na muna sa ngayon. Sa susunod na pagkakataon na lamang. Gaya ng sabi ko, ayaw kong maantala ang iyong pagbisita upang magkakilala kayo ng iyong mga kaanak,”

“Kung ganoon ay nauunawaan kita, Natalia,” anya ko sa kanya. “Natutuwa ako, Carmela, at masaya kang makilala sila,” wika ni Natalia sa akin na may bakas ng tuwa sa kanyang mukha para sa akin.

“Hindi ko nga alam, Natalia, kung bakit ako ganito kasaya. Sadya sigurong kay lakas ng lukso ng aking pagkakilanlan sa kanila,”

Ngumiti lamang si Natalia sa akin. Alam ko na sa mga ngiting iyon, nalaman niya ang naramdaman kong saya sa aking pagpunta sa bayang ito. Alam niya na sa ako’y muling nagbabago at kinalimutan na ang masamang panaginip na nangyari sa akin. Alam niyang sa bayang ito magsisimula ang bukang liwayway ng aking bagong buhay.

“Carmela!,” pagtawag sa akin ni Manuela. Lumingon ako sa kanyang pagtawag at sinabing “Nandiyan na ako,” sa kanya na pasigaw upang marinig niya ako sa kabila ng dami ng taong naroon. Paglingon kong muli ay wala na si Natalia sa aking harapan. Talagang pinanindigan niya ang hindi pag antala sa akin rito sa bayan. Nagtungo ako kay Manuela upang alamin kung ano’t bakit niya ako tinawag.

“Carmela, tingnan mo ang mga uri ng kwintas na ito,” anya sa akin na ipinakita ang mga kwintas na ibenebenta ng isang Instik. “Aliin kaya ang mas maganda rito? Itong pula o itong berde ang kulay? Ano sa tingin mo?”

“Mas katangitangi sa iyo ang kulay berdeng iyan, naangkop sa iyong ganda,” sagot ko naman sa kanya. Isinukat naman niya sa kanyang leeg ang berdeng kwintas na yari sa jade. Matapos niyang sukatin ay agad niya itong binili.

“Anong mayroon at bumili ka ng magandang kwintas?” tanong ko sa kanya. Binigay niya ang babayaring kwalta sa tinderong Instik. “ Ano ka ba Carmela, nakalimutan mo na ba?” sagot lang niya sa akin.

“Nakalimutan ang ano?”

“Kailangan nating magmaganda para sa piging ni Don Agapito.Nakalimutan mo na ba na inimbita niya tayo sa kanyang diwang sa makalawang araw?” anya ni Manuela sa akin.

Matapos makabayad ay nagsimula na naman kaming maglakad sa baybayin ng kalyeng iyon.

Tama si Manuela. Nawala nga sa aking isip ang diwang ni Don Agapito ngunit malayo pa iyon, sa makalawang araw pa naman at bakit ganoon na lamang inihanda ito ni Manuela.

“Naalala ko nga iyon, Manuela ngunit hindi ba maaga pa upang maghanda tayo para diyan?” ani ko sa aking pinsan. “ Ano ka ba? Dapat paghandaan natin iyon dahil alam ko lahat ng mga mayayaman rito sa bayan ay dadalo sa piging na iyon.Kailangan natin ng mga palamuting kagaya nito upang tumingkad tayo roon,” sagot ni Manuela sa aking katanungan na may katugmaan nga naman siya.

“Ganoon ba talaga kalaki ang piging ni Don Agapito?”

“Ay naku, Carmela, hindi ka nga taga rito,” wika ni Manuela na may pakli ng tawa. “Sa lahat ng mga negosyante rito sa Santa Barbara, pinakarespetado si Don Agapito. Sa kanya ang pinakamalaking pagawaan ng tabako rito. May malawak rin silang hacienda na nabili nila mula sa isang paring Dominiko. At sila ang kauna-unahang nagkaroon ng mansion sa bayang ito,”

“Hindi ko alam na mayroong ganoong kaibigan pala si Tiyo Graciano,” ani ko kay Manuela nang maisip na magkaibigang matalik sina tiyo at ang don. “Mula pa pagkabata ay magkaibigan na talaga si Itay at si Don Agapito. Minsan nga kapag nagsasama sila, tinutukso si Itay ng kape dahil tinutukso ring gatas iyong kasama niya dahil nakita mo naman siguro ang kaputian ni Don Agapito na talagang puting pang-Europa. Noong naging gobernadorcillo si Don Agapito, ginawa niya si Itay bilang cabeza de barangay. At hanggang bumitiw siya sa katungkulang iyon, nanatili pa ring cabeza ang aking ama pa ngayon,” pagkuwento sa akin ni Manuela tungkol sa kanyang ama.

“Ganoon nga talaga kamaimpluwensyang tao si Don Agapito. Hindi makita sa kanyang pag-uugali ang pagiging respetado sa bayan,” ani ko kay Manuela.“Kaya nga Carmela, dapat natin paghandaan ang piging niya. Kaya naman samahan mo ako sa patahian at mamili tayo ng damit na susuotin sa araw na iyon,” wika ni Manuela sa akin.

“Ikaw na lang Manuela, may mga damit pampiging naman akong mga dala,”

“Ay naku Carmela, hindi nababagay ang mga makakapal na damit mong kagaya nito rito,” wika ni Manuela na hinawakan ang aking kasuotan. “Kaya samahan mo ako at bibili tayo ng damit na susuotin natin sa piging ni Don Agapito,” wari niya sa akin at kakakalagkarin niya sana ako patungo sa patahiang pupuntahan niya.

Hindi pa kami nakalakad ng malayo ay napigilan kami sa matinding sigaw ng isang babae. Sa kinaroroonan nito, nagsiliparan ang mga panindang manok at nagkagulo rin ang mga nagtitinda roon. Maririnig rin ang pagkawasak ng mga babasagin at mga anigo na natapon sa lupa ang mga panindang yaon.

May nagsusuntukan roon. Tatlo laban sa isa. Dehado ang isang lalaki na hinahawakan ng dalawa pa habang sinusuntok ng isang kalbong lalaki. Kahit hindi naglaban ay patuloy parin itong sinusuntok ng makalbong lalaki.

Hindi na ako napigilan ni Manuela at nagtungo ako sa pangyayari upang tingnan ito. Nakita ko kung paano sinuntok sa sikmura ng makalbong lalaki ang hinahawakang lalaki. Ininda lamang nito ang mga malalakas na suntok ng kalbong lalaki. Walang gustong pumigil nito na takot na baka ay masali sila sa kaguluhan.

Hindi ako nakapagpigil sa king nakikita kaya agad kong sinaklolohan ang nadehadong lalaki.

“Tumigil kayo!,” anya ko sa kanila upang tigilan ito. “Tigilan niyo iyan, kung hindi, tatawag ako ng guardia civil at ipadadakip ko kayo,”

Nakuha ko naman ang pansin ng kalbong lalaki. “Huwag kang makialam rito, Binibini, away ng mga lalaki ito,” wika lamang nito sa akin at ipinagpatuloy ang pagsusuntok sa lalaki.

“Ngunit, Ginoo. Ang tunay na lalaki ay hindi lumalaban sa isang hindi naglalaban na lalaking kagaya niyan,” wika ko sa kanya. “Paano mo nasasabing matapang ka kung hinahawakan ng iyong mga kaibigan ang lalaking iyan upang makasuntok ka? Hayaan mo siya. Magsuntukan kayo para patas,” anya ko sa kalbo.

Pilit akong kuyugin ni Manuela ngunit hindi niya ito nagawa. “Carmela, huwag ka nang makialam,” pabulong niyang wika sa akin na hinahawakan ang aking braso. Bumakas sa lalaki ang pagkainis at siya ay lumapit sa akin.

“Anong alam mo sa pagiging lalaki, binibini? Bakit? Lalaki ka ba na nagsusuot lamang ng kasuotang pambabae? Patingin nga kung babae ka bang talaga,” aniya ng kalbo sa akin ng sinabayan niya ng isang malakas at nakakabinging tawa. Tumawa rin ang mga kasamahan niya habang hinahawakan ang lalaking pinagtulungan nila.

Maraming taong nakiusyoso sa sandaling iyon. Pinalibutan kami ng mga ito.

“Ang sabi ko, tumigil ka na. Hayaan mo na ang lalaki,” wika ko sa kanya na may isang masamang hatid na tingin sa kanya. Mula sa pagtawa, napigilan bigla ang kalbong lalaki nang tumingin ito sa aking mga mata. Tinitigan ko ng maigi ang kanyang mga mata at siya naman ay nakatutok rin sa akin.

“Tigilan mo ito. Lumakad ka na at isama mo ang iyong mga kasamahan. Hayaan mo na ang lalaking iyan,” pag-utos ko sa kanya habang tinititigan ang kanyang mga mata. Nakatunganga lamang ang kalbong lalaki habang naririnig ang winika ko sa kanya. Para siyang naparalisa sa aking mga titig. Hindi kalauna’y kumibo ito. Sinabihan niya ang kanyang dalawang kasamahan na bitawan ang lalaki. Tumutol man ang mga ito ngunit napag-utos sila ng kalbong lalaki. Hinayaan nila ang pinagtulungang lalaki at umalis sa pinangyayarihan. Nagsipawi na rin ang mga taong naroon.

Makaraang makaalis ang mga lalaki, agad kong tinungo ang na bugbog na lalaki. Hindi ito makatayo dahil sa sakit ng mga suntok na natamo sa kanyang kasukasuan. Nabalot siya ng pasa at bugbog sa katawan.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya nang aking sinkalolohan. “Dadalhin ko namin sa pagamutan,”

Pilit mang tumayo ngunit hindi siya makatayo dahil sa sakit na natamo niya sa pagkabugbog. Dama ko ang pagkaawa sa lalaki. Kaya aakbayan ko siya upang makatayo.

Tutulungan ko sana siyang makatayo ngunit may biglang pumigil sa akin. May naamoy akong isang bagay na ayaw kong maamoy dahil alam ko na tiyak mawawala ako sa aking sarili. Isang bagay na napakabango sa akin. Ito ang natatanging kahinaan ko, ang mapupulang dugo ng tao.

May dumaloy na dugo mula sa kanyang bibig. Ang mga natamo tin niyang sugat ay may nagdadaloy na ring dugo. Doon sa sandaling iyon lamang ko namalayan ang mga bagay na ito.

Bigla akong napaatras at lumayo agad sa pinangyayarihan. Tinakpan ko ang aking ilong upang tumigil sa pag amoy sa dugong iyon. Mabilis akong lumakad palayo roon at baka hindi ko mapigilan ang aking sarili. Sumunod naman sa akin si Manuela.

Nang makalayo na ay huminga ako ng malalim. Hindi ko akalain na hindi ko pa rin napipigilan ang aking pagkatangi sa dugo.

“Napahanga mo ako roon, Carmela,” anya ni Manuela sa akin. “Akalain mo, napasunod mo ang mukhang bakulaw na iyon?”

Hindi ito napansin ang aking pagpipigil sa sarili. Hindi ko rin naman gustong makita niya iyon kaya agad akong tumugon sa kanyang sinabi.

“Hindi ko alam kung papaano iyon nangyari. Hindi ko inakala na susundin niya ako,” wika ko kay Manuela. Muli ay naging maayos ang aking pakiramdam. Bumuga muna ako ng hangin sa aking paghinga. Doon ay napansin ako ni Manuela.

“Ayos ka lang ba, Carmela?” tanong niya sa akin na may pag-alala. Agad ko naman siyang sinagot. “ Ayos lang ako, Manuela. Sadyang maalikabok lang talaga ang daanan rito,” sagot ko sa kanya.

“Kung gayon, umalis na tayo rito. Puntahan na natin ang patahiang sinasabi ko sa iyo,” pag-anyayang umalis ni Manuela sa akin. Nagsimula na akong maglakad muli at kami’y nagtungo sa patahiang nais puntahan ni Manuela.

Ang kinaroroonan ng patahian ay isang bahay lamang. Yari sa bato ang ibaba nito at yari naman sa matigas na kahoy ang itaas. Tisa ang bubuong nito at may mga magagandang kurtinang nakasabit sa mga malalaking bintana. Sa labas nito, makikita ang nakasabit na karatolang may mga titik na “Flora” na yari sa yakal na pinakintaban ng silak.

Nang makarating kami roon at makapasok, pinapili agad kami ng mananahing tinawag ni Manuela na Aling Concha sa kanyang mga naitahing magagandang damit. Payak, magaganda at napakakonserbatibo ang mga damit na tahi niya. Isinukat ni Manuela ang kanyang napili, isa itong baro na yari sa seda na may mga magagandang dibuhong hinabi sa tela. Isinukat rin niya ang saya na yari sa malambot na tela ay may mga nakahabing kakaibang sa mga linya nito na ayon sa mananahi, ang telang ginamit niya ay mula pa sa Arabia. Maganda ito tingnan kay Manuela na nagpahubog sa kanyang katawan. Kaya nung humingi siya ng sabi sa akin tungkol dito, agad kong sinabi na bagay ito sa kanya. Kinuha naman niya ito at bibilhin.

“Pumili ka na, Carmela,” anya sa akin habang tinutulugan ko siyang magtanggal sa kasuotang kanyang isinukat. Nang matanggal, pumili naman ako ng damit na naroon. Sa unang pagkakataon, pumipili ako ang damit na baro at saya. May mga maninipis at makulimlim. May mga matitingkad ang kulay. May mga payak at ordinaryo lamang.

“Itong damit na ito ang natatangi sa iyo,senorita,” wika ng mananahi sa akin na si Aling Concha at inabot niya sa aking ang isang kasuotang maganda na may mga burdang perlas. Isinukat ko naman ito sa isang kwarto. Nang maisuot, hindi ko maabot ang likod nito upang sarhan kaya nagpatulong ako kay Manuela dito.

“Tanggalin mo muna ang kwintas mo para maisara ko nang maayos ito sa iyong leeg,” anya niya sa akin habang nasa aking likuran. Tatanggalin na niya sana ang suot kong kwintas na yari sa puting ginto na may batong rubio nang pinigilan ko siya nito.

“Manuela, hindi ko tinatanggal sa akin ang kwintas na ito. Napakahalaga nito sa akin,” wika ko kay Manuela nang sinubukan niyang tangagalin ang aking suot na kwintas. “Siya sige, pipilitin ko ito uoang sumara sa iyo,” aniya sa akin na tila naunawaan ang aking sinabi at hinila ng malakas ang kasuotan pataas sa aking leeg.

“Ayan! Perfecto!”  sampit ni Manuela nang mahila ang damit sa akin. Tiningna ko nang mabuti ang aking sarili sa salaming naroon. Tiningnan ko ng mabuti ang aking sarili sa mahabang salamin dahil sa unang pagkakataon, nakapagsuot ako ng baro at saya.

“Napakabagay sa iyo ang kasuotang yari sa piǹa na iyan. Lalo ka pang gumanda, seǹorita,” wika na mananahi sa akin nang makita niya ako.

Agad naman akong nagpasalamat sa kanyang pagpuri sa akin.

Naging masaya naman ang babaeng mananahi dahil sa sinabi kong kukunin ko na ang naisuot kong baro at saya. Alam ko rin na masaya siya sa mga oras na iyon dahil dalawang kasuotan ang kanyang nabenta.

Binayaran ni Manuela ang mananahi para sa mga damit habang ako ay naiwan sa silid, pinipilit hubarin ang suot.Hindi ko maabot ang likod ng baro uoang mahubad ko na ito at hindi makahingi ng tulong dahil abala sina Manuela at ang mananahi sa mga bayayarin namin.

Ilang sandali ay may pumasok sa panahian. Isang babae. Isang babae na nakasuot ng manipis na baro na may sayang umaabot sa bukong-bukongan at may pulang tapis rin ito na pumalibot sa kanyang saya. Kayumanggi at makulot ang buhok nito na mabuhaghag kung titingnan. Tila isa ito sa mga infieles o mga katutubong hindi yumakap sa Kristiyano na makalimitang makikita sa labas ng bayan gaya ng bundok o patag. May bitbit itong mga telang habi sa piǹa.

“Gandito ka na pala, Emala,” anya ng mananahi sa kanyang pagdating. “Kanina ko pa hihintay ang tela,”

“Pagpasensyahan mu ako, Aling Concha,” paghingi ng babae nang danyos sa mananahi. “May pinuntahan muna akong importanteng bagay sandali,”

“Ah siya sige, ilagay mo na lamang ang mga tela sa may mesa malapit diyaan,” ani ni Aling Concha,ang mananahi. Inilagay naman ng babaeng katutubo ang kanyang dalang mga tela sa mesa na malapit sa may bintana.

Nakita niya akong naghirap mahubad ang isinukat na baro. Tinunguhan niya ako.

“Hayaan mo akong ika’y tulungan, seǹorita,” anya sa akin at hinayaan ko namang tulungan niya ako. Hinubad niya ang baro sa aking katawan. At nang mahubad na ito ay pinasalamatan ko siya ng buong ngiti.

“Maraming salamat,” wika ko at hinawakan ko ang kanyang mga kamay bilang pagrespeto sa kanyang pagtulong. Ngunit datapwat ay matuwa sana siya sa aking pasasalamat, pabigla niyang inalis ang aking mga kamay sa kanya. Bumakas sa kanyang mukha ang malaking pagkagulat. Tiningnan niya ako sa kanyang nagdidilatang mga mata. At umalis ito ng mabilis sa aking harapan at bago paman siyang tuluyang makaalis, nagpaalam muna ito sa mananahi na may nababahalang tingin sa akin.

Bumuo ang aking isipan sa kanyang inasal. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla sa akin na siyang mabilis niyang pag-alis. Gayunpaman, lumapit na sa akin si Manuela.

“Halika ka na, Carmela,” pag-anyayang umalis niya sa akin. “At baka hinahanap na tayo ng itay,”

Yumango naman ako sa kanyang pag-anyaya. Dala ang aming nabiling mga damit, nagpasalamat muna kami sa mananahi bago makaalis. Inanyayahan pa nga niya kaming bumalik sa sumusunod. At nang makapagpaalam ay sabay kaming lumabas sa panahiang iyon.

Ngunit sa aming paglabas---------

“Nahanap na ang mangkukulam! Nahanap na ang mangkukulam!” isang paulit-ulit na sigaw ng isang lalaki sa mga karatig paligid habang tumatakbo na parang nag-uudyok sa mga mamamayang naroon. At nang marinig ang kanyang pagsigaw, nagkadumapa ang maraming tao sa iisang patutunghan na sinusundan ang lalaking sumigaw. At nang malaman namin kong saan sila patungo, papunta ang mga ito sa plaza, ang centro ng bayang Santa Barbara.

Kaugnay na kabanata

  • Lahid   Bruja

    Hindi mahulugan ng karayom ang kalagitnaan ng plaza. Maraming taong pumalibot dito na nakikiusyoso sa mga nangyayaring naroon. Nagkamayaw silang makita at mapanood ang pangyayaring minsan lang masasaksihan sa buong bayan. At ito ay ang pagbitay sa isang mangkukulam.Pinalibutan ng mga tao ang isang pinataas ng platapormang yari sa makakapal at matitigas na tabla. Sinadyang pinataas ito upang makita ng buong taong naroon ang ganapang iyon. Sinadya ring pinataas ang plataporma upang bigyang taas rin ang pagitan ng lupa sa bibitayin. Sa bandang likuran naman ng platapormang iyon,may isang posteng nakatirik na yari sa makapal at mahabang kahoy ng narra na pinakoan pa ng isa pang mahaba na posteng nakahiga sa itaas nito na lumampas sa kalawakan ng plataporma. May nakabiting makapal na lubid rin ito na may binuong pabilog sa dulo para sa ulo. Karaniwang ginagamit ang platapormang iyon sa pagbi

    Huling Na-update : 2021-11-16
  • Lahid   Lihim

    Isang malaking bayan ang Santa Barbara. Ito ang naging sentro ng mga kalakalan ng mga malalayong lugar sa timog ng Maynila. Maraming mga manglalakbay ang dumadayo rito upang makapagpahinga mula sa malayong paglalakbay papunta o pauwi ng Maynila.Ang Hilaria ang isa sa mga pinupuntahan ng mga dayo sa bayan. Ito rin ang pinupuntahang libangan ng mga sibil ng lipunan pati na ang mga nasa maitaas na antas. Ito’y isang bahay aliwan na tuwing gabi ay may mga sayawan at kantahan. Bumubuhos rin ng mga serbesa ang bahay aliwang ito kaya naman ganoon na lamang ito kakilala sa buong bayan.Hindi lamang ito isang bahay aliwan, sa likod naman nito ay may pinaalkilang mga murang cuarto. Malalaki ang silid roon at mainam at malambot ang mga higaan. Dito ko naisipang tumuloy muna upang hindi malayo sa lipunan. Nasanay na ako kasing nakakasalamuha

    Huling Na-update : 2021-11-16
  • Lahid   Natalia

    Napakainit ang simoy ng gabing iyon kaya naisipan kong magpahangin sa halamanan ng bahay. Mula sa asotea sa itaas, tumalon ako pababa palabas. Pagtalon ko, matiwasay naman akong nakababa at agad tumungo sa halamanan.Malalim na ang gabi sa mga oras na iyon kaya tulog na ang lahat ng mga tao sa bahay. Nakahati ang buwan sa sandaling iyon at pinalilibutan ng mga nagniningningang mga bituin. Dumaan ako sa kwadra ng mga kambing upang hindi ko magising ang mga alilang mambabahay na natutulog sa gawing daanan sa halamanan. Nang marating ang kwadra,naalala ko kung paano naging hapunan ko ang isa sa mga kambing na naroon kanina. Kailangan kong maibsan ang uhaw para sa araw na iyon. Kailangang sariwa dahil masarap ito. Kaya nayari ko ang isang kambing at napatay na tuyo ang buong ugat. Nagtaka tuloy ang korderong nangangalaga sa mga kambing sa nakapagtatakang nangyari sa isa sa mga ito. Kahit na ganoon, mas mainam na ito ang nagaganap maibsan ko lamang ang pagkauha

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Lahid   Simbahan

    Sa SimbahanMaaliwalas ang kalangitan sa maaraw na umagang iyon. Sa aking pagmulat ng aking aking mga mata, wala ako tanging inaalala yaon si Natalia lamang. Hiniling kong sana ay ligtas siyang nakaalis at kung saan man siya naroon ngayon. Naalala ko ang sinabi niya kagabi sa akin. Isang nakababahalang kaalaman. Nandito ang kanyang ama na matagal na niyang pinagtataguan. Nandito ang kanyang ama na walang kapantay ang kasamaan ayon sa kanyang mga ikinukuwento sa akin.Inisip ko kung ano ang mga dahilan kung bakit nandirito sa bayang ito ang ama ni Natalia. Inaalala ko ang mga kagimbal-gimbal na mga kuwento sa akin ni Natalia patungkol sa kanyang ama na siyang nagpaalala sa akin sa maaring mangyari sa buong bayan ng Santa Barbara. Wala akong tanging maisip kapag ang ama na niya ang maririnig ko kundi kapahamakan at kamatayan. Ganunpaman,iisa lamang ang tangi kong gagawin ngayon at alam kong nandito ang pinakamasamang halimaw sa bayan, ito ay

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Lahid   Rosas

    Isang magandang hapon iyon kaya naisipan kong magpahangin at maglibang sa hardin. Hindi ko pinagtatakhan kung bakit noong kabataan ng aking ina ay lagi siyang naglalaro at napupunta rito. Talaga namang nakakaginhawa sa damdamin ang hanging bumabagwis sa iyo at nakakagalak sa mata ang mga mabeberde at makukulay na mga halamang naroon.Palakad-lakad akong naglibot sa buong halamanan. May mga paro-paro pa akong nakikitang palipadlipad sa mga magagandang buka ng mga bulaklak. Nililibang ko ang aking sarili sa mga halamang naroon na inaasam ang bawat sandali.At hanggang sa may nakita akong isang halamanan ng rosas. Maraming namumukadkad na mga pulang bulaklak ang naroon sa mga tangkay ng halaman. Sa aking pagkakaalam, ito ang pinakagustong bulaklak ng aking ina. Ang mapupulang rosas.Tinungo ko ang halaman at naisipang magpitas ng isang bulaklak nito. Nakakita ako ng isang magandang bukad at iyon ay aking pipitasin ko. Ngunit nang pitasin ko it

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Lahid   Ang Prayle

    Isang malakas na katok ang aking narinig mula sa pintuan ng aking silid. Nag-aayos ako ng aking mga kalat sa loob nang marinig iyon. Walang atubili ko namang pinagbuksan kung sinuman ang kumakatok rito. At nang mabuksan ko ito, tumambad sa akin si Lucio, ang sakristan ng prayle.“Lucio, bakit? Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa pintuan. “Claudio, pinapunta ka ni Padre Paterno sa kanyang cuarto,” sagot naman ng batang sakristan na nasa sampung taong gulang ang edad.“Bakit raw niya ako pinatawag?”“Hindi ko alam. Basta napag-utusan niya akong ipatawag ka sa kanya,”sagot ni Lucio. “Siya sige kung ganun, pupunta ako sa kanya,” anya ko sa kanya. Matapos iyon ay umalis ang sakristan sa pintuan ng aking silid.Lubos ang aking pagtataka kung bakit ako ipinatawag ng kura. Wari ng isip ko na baka tungkol ito sa nangyari

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Lahid   Muling Pagkikita

    Gaya nang napagtantuhan ni Manuela, dapithapon na nang makauwi kami sa bahay. Maraming gulay at mga sangkap ang pinabili ni Tiya Dolores sa kanya kaya natagalan kami sa pamilihan. Bawat isa sa amin ay nagdala ng buslo. At nang makarating at makauwi, may nakahintong karwahe sa may tapat ng bahay. Yaon may dumating yatang panauhin si Tiyo Graciano na hindi mapapagtakhan dahil isang maimpluwensiyang negosyante ito. Nang huminto ang aming karwahe ang silong ng bahay, pumasok agad kami ni Manuela dala ang buslong may mga laman ng mga pinamili namin. Nagtungo kami sa cucina kung saan naghihintay ang tagapagluto na si Soyang at ibinigay namin sa kanya ang mga gulay at sangkap na aming binili. Nang maibigay at mailagay sa mesa ng cucina ang mga buslong dala namin ni Manuela, bumalik kami sa sala at nakita namin roon ang isang binatang lalaki na nakatayo malapit sa silid-aklatan ng bahay.“Ginoong Edurado?” ang aking nasampit nang makilala ang lalaking

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Lahid   Isang Samahan

    Sinag ArawMalalim na ang gabi ng naglakbay kami ni Padre Paterno patungo sa Maynila. Naitanong ko naman sa kanya kung bakit sa ganitong oras pa niya naisipang magtungo roon. Ang isinagot lamang niya sa akin ay may dadalawin lamang siyang isang mahalagang pulong. Hindi naman ako nagtanong muli sa kanya. Naisip ko na marahil isa itong pulong sa simbahan. Alam ko naman na sa isang kura na kagaya ni Padre Paterno, may mga araw rin siya kung magpupunta sa isang kapulungan na mag ukol sa simbahan.Narating na namin ang Maynila. Una ko itong salta sa lugar na ito kaya namamahangha ako sa malawak at magandang pook na iyon. Kahit gabi na, may mga tao pa ring abala sa kanilang mga ginagawa. May mga nadaanan kaming mga kababaihang nagtatabako sa isang madilim na gilid ng kalye. May mga lasing pa kaming nadaanan na naglalakad. May mga bukas pa ring tindahan roon na may mga mamimili pa sa mga ganoong oras. Mayroon ring mga naglalakbay na karwahe sa da

    Huling Na-update : 2021-12-03

Pinakabagong kabanata

  • Lahid   Keso

    Isang araw na siyang hindi nakakain at sigurado akong nagugutom at nauuhaw na iyon sa madilim na kulungang doon. Kaya naisipan kong dalhan ang lalaki ng pagkain at tubig pagkatapos kong kumain. Pinilit ng tatlong tulisan na kunin ang aking dalang pera. Nanlaban ako kaya binubog nila ako upang makuha lamang ang kwaltang nais nilang kunin mula sa akin. Napagbatid din ni Pedro ang ilang nagsisidatingang mga tao roon; may ilang mga kababaihang nakasuot ng magaganda't magagarang traje de boda na naghahagikhikan pa sa isa't isa habang papasok sa loob ng mansyon at may nakikita rin siyang mga papasok na mga kalalakihan roon na nakasuot ng iba't ibang isitilo ng chachetta at pantalones na sa mga kilos at tindig ay kagalang-galang tingnan. "Alas siete na pala," anya ni Don Condrado sa sarili nang malaman na ang oras. Sa di malamang dahilan, tumigil ang mga tulisan, umalis na sinunod ang ninais ng napakagandang babaeng iyon. Wari ko, hindi yata nila matanggihan ang tila isang anghel na dilag ka

  • Lahid   Fuente Maria

    Suot ang maganda at gawa sa bulak na chachetta na itim na pinalooban niya ng puting polo at kurbatang itim, ay inayos ito ni Julian sa paglabas niya ng sinakyang karwahe. "Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Ang mga arko namang ito ay bumuo ng malalaking debatong kaha kung saan may mga butas na siyang ginagawang tanawan at lusutan ng mga bumabaril mula sa loob ng fuerte. Nabaliw ito dahil sa labis na pagnanasa nitong maging pinakatanyag na pintor sa bansa kaya halos ginugol na niya ang buong sarili sa pagpipinta ng kung anu-anong mga larawan. Tiningnan niya ang inventario doon kung tugma ba ang mga nakasulat ayon sa pagsusuring ginawa niya. "Natutuwa ako, Carmela, at masaya kang makilala sila," wika ni Natalia sa akin na may bakas ng tuwa sa kanyang mukha para sa akin. Alam niyang sa bayang ito magsisimula ang bukang liwayway ng aking bagong buhay. Ang alak ang nagbibigay gaan sa aking loob bukod sa isang pang likidong parehong nil

  • Lahid   Camenao

    "Iyon lang ang masasabi mo?" ang napabulalas na tanong ni Venancio, ang ama ni Sergio, bulalas man ngunit nasa mahinang tinig. Sa pagkakataong iyon ay para bang nalalasap sa dulo ng kanyang dila ang lamang matatamis nito na siyang napapalunok naman sa natitirang laway sa bibig niya. May sakit po kasi ngayon ang nanay ko at wala akong maiuuwi ngayon kung wala po akong mababaleng pera ngayon. akbo lang siya nang takbo, at habang hinihingal na ay may palingon-lingon niyang tinitingnan ang kanyang bandang likuran na tila ba may tinatakbuhan siyang di makita-kitang bagay sa lilim ng kadilimang naroon. Kumalam na ulit ang kanyang tiyan. "Hindi! Umalis ka na!" At sinipa si Clara ulit ng matabang donya. Nang matumba ang dalaga, kinuha siya bigla ng senyora, kapit ang kanyang suot na puting baro. Matagal lumipas ang pagkalam nito. Pinagpawisan na rin ang noo niya dala nang matinding nararamdamang gutom. Mulang siya ay magising ay inayos muna ni Graciela ang sarili niya, tumayo siya sunod at in

  • Lahid   Katiwala

    Ang lahat ng ito ay karaniwang ginagawa sa pabrika ni Andracio bilang isang encargador. Paulit ulit kong tinawag ang aking mga magulang ngunit pawang katahimikan lamang ang sumagot rito. Sa bahagi ring ito makikita ang isang malaking bodega, na may pintuang malahugis arko na may mga magagandang ukit na binubuo ng mga bulalak at mga ibon. Huminto ito sa tapat ng mansyon, at pagkalabas niya nang karwahe ay napansin niya kaagad sa may labasan ng casa ang mga nakaunipormeng puro Kastilang kawal ng mahistrado na buong tindig roon na nakabantay at walang bahid ni anumang damdaming makikita sa mga pagmumukha. At nang lumingon ako upang makita kung sino iyong tumambad sa akin ay doon ko natantong ako ay tama sa pagwari ko. Halos walang tao ang nasa mercado sa araw na iyon. "Bago natin ibalik ang mangkukulam na ito sa impyerno," wika ng padre sa lahat. Hindi dahil maulan at malamig kundi dahil ang mga manininda at negosyante sa pamilihang iyon ay mga ilang tagahanga at natulungang tao ni Don A

  • Lahid   Otoridad

    Nagpasalamat din si Julian sa kanila at tinanggap ng buong loob ang ibinigay ng mga babae sa kanya. Wala naman siyang ibang naisip na maaaring gawin upang matapos ang pagdudurusa ng lalaki--dulot ng matinding nararamdamang sakit--kaya dala ng awa ay pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagdiin lalo ng nakatusok na kahoy sa dibdib. Marahil hindi pa alam ng mga taga Mansion Gliriceda ang pagkawala ng kanilang señorito o hindi rin napagbatid maging nang mga tauhang nagtratrabaho sa pabrikang pagmamay-ari nito.Nang mahagip bigla sa isipan ni Andracio ang pangalan ni Julian, naalala na naman niya muli ang isang bagay. Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas.Ang lahat ng ito ay inalisan at tinanggalan niya ng alikabok, mga nakabiting agiw at dumi na apat na araw nang nalikom doon. Marahan siyang umakyat sa hagdanan, di inalintana ang madilim at makitid na mga hakbang, hanggang sa narating na nga niya ang tutok nito. "Ubos

  • Lahid   Ang Sitio

    Hindi ko mapipilit na sumagot siya sa akin sapagkat hindi naman niya ako kilala."Hindi ko ginustong mangyari ito sa akin. Hindi maaaring nilinlang ako noon ng aking kaibigang si Felina. Binuo ako ng isang bampirang nangangalang Mercedes,"ani pa niya sa akin. Hindi ko magawa ang makatayo mula sa pagkadapa ko sa lupa dahil nangangatog sa takot ang aking buong katawan. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dahil kung hindi, tiyak mamamatay ako sa kamay ng aking kaaway na walang kalaban-laban. Tinuruan niya akong mamuhay ng karaniwan sa kabila ng sumpang aking dinadanas at sa hanggang tuluyan ko nang napigil ang aking pagkauhaw sa dugo ng tao. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari. Buhat nga makahiga, binubulong ko lamang sa aking isip na iwala ang mga masasamang wari pero ang mga bakas pa rin ng takot ang tumatatak sa aking isipan. "Si Aurora talaga, kahit nakapag-asa

  • Lahid   Cigarillos

    Ang Serapica lang ang tanging masasakyan kung papatungo sa Dapitan kaya hindi maaaring hindi sumakay sa bapor na iyon ang mga nadakip na ilustrados. Wala akong winari simula nang lumisan ako kundi ang kalimutan ang lahat ng aking mga naranasan sa Santa Lucia. Sumunod naman ako sa kargador. Kakaiba ang aking naramdaman sa kanya na hindi ko alam kung bakit gusto kong alamin ang lalaking dumaan.Sumiklab naman ang galit sa pakiramdam ni Andracio nang marinig ang mga pahambog na ito mula sa taksil. Bumaba kami sa barko na dinaanan ang hagdanang yari sa makapal na tabla. Pagbanggit niya sa pangalan ng aking alila noon,naalala ko at pumasok muli sa aking wari ang kung papaano ko napatay si Mercedes. Sa marahang pagbaba ng yumao sa kanyang lupang himlayan, biglang naagaw ang pansin ni Julian nang may makita siyang isang babae na lumapit doon. Isang nahahating maskarang puti naman ang kanyang hawak hawak sa kaliwang kamay na siyang bigay rin sa kanya ni Delfina bago ito umalis, sapagkat ang ya

  • Lahid   Obispo

    Alam ni Padre Mariano na tama ang mga naging pahayag sa kanya ni Criscancio. Tanto ko, ang mahalagang pagpupulong na ito ay marahil tungkol sa mga alagad ng dilim na nagkalat na sa bansa na siya naman talagang pangunahing paksa ng lahat ng pulong. Walang ibang laman ang nasa isipan ng encargador habang siya'y nakasakay sa calesa kundi ang mga salitang natanggap niya sa dalaga. Hinablot ko ang kanyang munting katawan na siyang napunan ko ang pagkahulog mula sa aking mga bisig. Agad namang lumabas ang mag-amang Guevarra pagkatutok ng mga baril sa kanila, at pagkalabas ay walang anu-ano'y bigla na lamang tinadyakan at ginulpi ng dalawang lalaki si Don Armando. Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Kinuha ko ang platong may lamang ulam at kanin at gamit ang kutsara ay pinasubo ko ito sa kanya. Ang punong manggagaway an gang makapangyarihan sa lahat ng mga manggagaway. Mula sa pagkakaupo sa cama ay tinunghan si

  • Lahid   Sedulang Pula

    Sa paglagak ng pangpitong basong may lamang vino, biglang natalos ni Andracio sa kanyang pandinig ang isang kilalang boses. Sila ang mga dayuhang kasabay kong naglayag, mga dayuhang una pa lamang tatapak sa isla na ipinangalan ng mga Kastila sa isang hari. Natatabunan naman ng malakas na kulog ang kanyang mga nagdudurusang sigaw sa pagtawag sa pangalan ng ama na sa bawat paggapang ay ang tanging nagagawa lamang niya. "Manuela, mag ingat ka. Baka nasasaktan mo na sa higpit ng pagkakayakap mo kay Carmela," ani ni tiyo sa babaneg yumakap sa akin. Mararamdaman naman pagkapasok sa doble puerte ang bayo ng malinis na hanging nanggagaling sa labas na umihip mula sa apat na malalaking bintanang naroon. "Alam mo namang may kakayahan akong hindi kayang gawin ng iba," sagot naman niya sa akin. Malapit lang naman ang pabrika sa kanyang bahay kaya nilakad lamang ni Andracio ang pagpunta rito. Pagkarinig sa yaong pangalan ay hindi na naghintay pa ang prayle at kanya nang sinamahan ang bata pabalik

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status