CHAPTER 3
MABUTI na lamang at nagkataon na wala kaming pasok sa store ngayong araw. May importanteng pupuntahan kasi ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kaya pansamantala muna itong isasara ng dalawang araw.
Sumakto naman ang pagkakataon dahil ngayong gabi ay babalik ulit ako sa Azula Hotel para sa aking final interview with the Young Master.
Kinakabahan ako. Sobra!
Sana makapasa ako sa final interview. Sana matanggap ako sa trabaho. At sana hindi monster ang mga taong pagtatrabahuhan ko.
Pero may monster bang ganoon kayaman?
Malamang wala.
"Bakla congrats!!! Sabi ko naman kasi sa'yo think positive lang always. Basta galingan mo pa at maging attentive ka lang lagi para matanggap ka. Dapat globe lang lagi, go lang ng go!"
Natawa naman ako sa kasiglahan ni Alexis.
"Thanks Lexi!"
"Ayarn ang gusto ko. Lexi dapat at hindi Alexis."
Napailing na lang ako. Napaka-arte talaga. Akala mo babae, eh may l***t naman. Babaeng may l***t?
"Basta ikaw na muna ang bahala kina Moneth at Ranz ah. Pagtapos naman ng interview, uuwi rin agad ako. Kung may masasakyan pa."
"Ako na ang bahala sa sistereret at brotherlalu mo. H'wag mo masyadong isipin dito. Pero kapag sobrang gabi na at delikado na sa daan pauwi, baka pwedeng pakiusapan mo muna 'yung future boss mo na doon ka muna magpalipas ng gabi. Umuwi ka na lang ng maaga kinabukasan."
"Susubukan ko. Magtetext na lang ako sa'yo kung anong balita ah. Mag-iingat kayo dito."
"Ikaw ang mag-ingat, bakla ka. Basta, best of luck! At kapag hindi ka tinanggap no'ng future boss mo, isupalpal mo sa pagmumukha 'yang boobs mo. Tiyak sure win ka sa part na 'yon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "Gaga! Ang laswa talaga ng bunganga mong bakla ka." Sabay bato ko sa kanya ng nahawakan kong sapatos. Tumatawang nasakap naman nito iyon dahil kung hindi, sapol na sapol sa feslak.
"Sige na, aalis na ako. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kina Moneth."
"Bye-bye! Goodluck bakla!"
Kumaway na ako saka lumabas ng bahay. Naglakad ako patungo sa labasan para doon sumakay ng taxi papunta sa San Isidro.
Kung mag tricycle lang kasi ako, baka abutin pa ako ng s'yam s'yam sa daan. Ayokong malate dahil baka hindi pa ako nakakatapak sa Hotel ay fired na agad ako.
Naging mabilis naman ang byahe dahil wala masyadong traffic.
Mukhang umaayon sa akin ang panahon.
7:35 pm pa lang nang makarating kami sa harap ng Azula Hotel. At katulad ng una kong punta dito kahapon, kumikinang na naman ito sa kaliwanagan.
Mukhang hindi uso dito ang pagtitipid sa kuryente.
Mula sa mga poste sa paligid ng Hotel hanggang sa mataas ng building at maging ang katabi nitong mamahaling restaurant ay nagliliwanag.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako ng taxi at naglakad palapit sa glass door ng Hotel.
"Magandang gabi Manong guard!"
"Uy, ikaw pala Miss. Binabati kita sa iyong pagka-pasa. Goodluck ulit sa iyong final interview."
"Maraming salamat Manong guard."
"Mabuti pa sa waiting area ka na lang muna magpalipas ng oras. Saglit na lang naman ay darating na sina Boss. Si Mr. Smith na ang bahalang tumawag sa iyon kung ready na."
Itinuro ni Manong guard ang waiting area sa loob ng Hotel.
"Salamat ulit Manong guard."
"Kuya Fred na lang, iha."
"Arissa na lang din po, Kuya Fred."
"Good luck Ms. Arissa."
Bumalik na ulit ito sa kanyang post. Naglakad naman ako patungo sa waiting area para roon maghintay.
May ilang kababaihan ang nakaupo sa kabilang bahagi ng waiting area. They look sophisticated. Iba talaga kapag mayaman ka, lahat ng gusto mong bilhin, nakukuha mo ng walang kahirap-hirap. Mula sa pampaganda hanggang sa magagandang kasuotan.
Sana all! Linyahan ng mga kapos-palad na katulad ko.
Pero kaya nga nagsusumikap ako para mabili rin naming magkakapatid lahat ng pangangailangan at naisin namin. Darating din tayo d'yan, sa ngayon tiis-tiis muna. Wala pa kasi tayo sa exciting part.
Habang hinihintay ko ang pagtawag sa akin ni Mr. Smith, inabala ko na lang muna ang sarili ko sa paglalaro ng mobile games sa aking cellphone.
Dahil nakatutok ang aking paningin at atensyon sa nilalaro, hindi ko namalayan na dumating na pala ang hinihintay ko. Kung hindi pa ako nilapitan ni Mr. Smith ay hindi ko pa malalaman. Kaya rin pala nagkagulo kanina ay dahil dumating ng sabay-sabay ang tatlong magpipinsang Cordova.
Hindi ko sila kilala pero mukhang sikat ang mga ito.
Sa gara at yaman naman kasi eh, mula pa nga lang sa mga ari-arian, paano pa kaya sa looks, diba? Sure na nag-gagandahang kalalakihan ang mga ito, kaya malamang maraming magkakagustong paibigin ang nasabing magpipinsan.
"Nasa Top floor ang opisina ng Young Master. Doon din gaganapin ang final interview mo. Sige na, magtungo ka na roon dahil naroroon na sila."
Sila?
So, marami ang mag-iinterview sa akin?
Sana makapasa ako sa kanila. Kailangan ko talaga ang trabahong ito.
"Sige po, salamat po."
"Sana ikaw na nga ang hinahanap kong babaeng makakatagal sa Young Master."
Napakunot ang noo ko nang hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Mr. Smith bago ako nito tinaboy paalis, patungo sa opisina ng magiging Boss ko.
Sa pag-akyat pa lang ng elevator patungo sa top floor, dinaga na agad ng kaba ang aking dibdib.
Ngayon lang ako kinabahan ng ganito katindi.
Geeezzz...
Bakit kaya? Sana naman walang kinalaman sa application ko.
Narinig ko na ang pagtunog ng elevator, indicating na naririto na ako sa tamang floor. Lumabas na ako at iisang pinto lamang ang bumungad sa akin.
"Ito na siguro 'yung office 'no?"
Kumatok muna ako bago sana buksan ang pinto nang bigla na lang itong bumukas.
"Come on in." Utos ng maawtoridad na baritonong boses mula sa loob.
Nakakatakot ang boses nito pero buong buo at lalaking lalaki. Ang gwapo ng boses! Gwapo rin kaya ang nagmamay-ari?
Pagpasok ko sa loob, inilibot ko agad ang paningin sa buong lugar. Kapansin-pansin ang mga librong nakapalibot sa buong kwarto. Maayos at nasa tamang posisyon ang pagkakasalansan ng mga ito sa mahabang bookshelf.
Bookworm ba ang nag-oopisina dito?
At hindi katulad sa unang room na napasukan ko kahapon, kompleto sa mga kagamitang pang-opisina ang kwartong ito.
May mesa sa gitna at isang swivel chair. Nakakalat doon ang mga nakasalansang papeles. May ilang libro rin at ballpen holder na puno ng mga kagamitang pansulat. Maliwanag din sa loob dahil nakabukas ang kurtina ng glass window.
Sa kabilang banda naman ay isang maliit na mesa, isang mahabang couch at tatlong single sofa.
Teka—nasaan 'yung nagsalita kanina?
"You must be Arissa Montecarlos? Am I right?"
Ang boses na iyon.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at natagpuan ko ang isang lalaking naka-upo na ngayon sa swivel chair. Nakadekwatro ito at may pinaglalaruang ballpen sa kabilang kamay.
Kanina pa ba s'ya d'yan?
Pero wala naman ang lalaking ito kanina. Saan ito nanggaling? Pasulpot-sulpot na lang bigla. May lahi ba itong kabute?
Walang emosyong nakatitig ito sa akin, pero hindi nakabawas iyon sa kagwapuhan nitong taglay. Pula na may pagkabrown ang kulay ng buhok nito. Matangos na ilong at makapal ang kilay, na bumagay sa masungit nitong aura. Mapula ang manipis na labi. Matangkad din ito na halos kapantay lang siguro ako ng balikat nito.
All in all, gwapo ito. Wala nga lang emosyon ang magagandang mata—OH EM GIE! Totoo ba ang nakikita ko? Kulay ginto ang mata nito.
I blink, not just twice but trice. At nang tingnan ko ulit ang mata ng lalaki, brown na may pagka-pula na ulit ang kulay nito.
Namalik-mata lang ba ako? Hindi kaya nai-engkanto na ako dito?
Pero infairness, ang ganda ng mata n'ya.
"Ah, o-opo. Ako nga po. By the way, magandang gabi po."
"Walang maganda sa gabi."
Ay, ang sungit naman pala. Pero ang cute nitong magtagalog ah, may slang.
Napansin ko pa talaga iyon 'no?
"Excuse me po, meron kaya, ako." Sabay halakhak ko.
Pero agad ding napatigil at natahimik nang mapansin ni hindi manlang nagreak sa joke ko o tumawa ang lalaking nasa aking harapan.
"Not funny."
Napahiya naman ako sa winika nito. Sabi ko nga, hindi ako funny.
"You're applying for the position of?"
"Secretary po, malamang. Wala namang ibang hiring dito kundi secretary lamang."
Tumango-tango ito na para bang sumasang-ayon sa sinabi ko. Napangiwi ako ng hindi manlang nagbago ang expression nito—pokerface. Parang hindi manlang ito naapektuhan sa pambabara ko.
"Well, that makes sense. If papipiliin ka ng ibang position anong gusto mo?"
"Po? Ibang posisyon? Na gusto ko?"
"Yes."
"Ahmm... 69 po siguro?!" Nag-aalangang sagot ko pa.
"69—W-WHAT?" Tumaas ang isang kilay nito. Mas sumungit pa ang itsura na para bang may mali akong nasabi.
May mali ba? Position daw 'di ba? 69 is position naman eh. Gusto ko kaya iyon itry, pagta-try-an na lang ang kulang. Just kidding!
Boyfriend nga wala, iyon pa kaya?
Ah! Baka dapat Vocalist or Main Dancer ang sinagot ko. Baka hindi n'ya na gets iyong 69.
"69 position po. Pwede rin naman pong Main Vocalist na lang, marunong naman po akong kumanta."
Hindi nga lang ako marunong kumanta sa ibang mic, iyong mic na ginagawa bang lollipop ng iba.
Char!
"Ginagago mo ba ako babae?"
Nagulat ako sa pagtayo nito at sa paglakas ng boses.
Umiling-iling ako. "Hindi po. S-Sorry po—" Napatigil ako nang biglang may humalakhak mula sa may sofa.
"HAHAHAHAHA! Damn, girl!"
Sabay kaming napatingin ng lalaking kasama ko sa kinaroroonan ng tumatawa. Natagpuan namin ang isang lalaking may kulay gintong buhok.
Eto na naman, may sumulpot na naman sa kung saan. Wala namang nagbukas ng pinto kanina para pumasok, o baka hindi ko lang napansin.
Magulo ang buhok nito at maging ang suot na polo ay gusot din, kaya nagmukha tuloy itong pilyo. Isama mo pa ang mapaglaro nitong ngisi na nakakapanindig balahibo.
Katulad ng naunang lalaki, matangkad din ito. Siguro magkasing tangkad lang sila?! Pareho ring gwapo at talagang mapapalingon ka kapag dumaan ito sa harapan mo.
Hindi katulad ng lalaking nasa gilid ko na nakataas na ang kilay at mukhang nagsusungit, ang lalaking bagong dating ay mukhang friendly naman, but in a not good way.
Mukha kasi itong pilyong playboy. Iyong tipong bait-baitan sa'yo para kaibiganin ka, tapos kapag nakuha na ang loob mo, paglalaruan ka na.
Pero malay din naman natin, 'di ba?
At isa pa sa kapansin-pansin sa dalawang nag-gagwapuhang nilalang na kasama ko ay ang kulay ng balat ng mga ito.
Their both skin color is pale. Sa sobrang puti parang wala ng dumadaloy na dugo sa katawan.
At para ring hindi nabibilad sa arawan. Sabagay mayaman.
Ano kayang ginagamit nilang skincare at sabon? Matry ko nga baka sakaling pumuti rin ako tulad nila.
Kulay ocean blue naman ang kulay ng mga mata nito. Napakagandang tingnan. Siguro hindi sila pure na mga pilipino dahil kakaiba ang kanilang kutis at kulay ng mga mata.
"Didn't know that a woman like you..." Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "...looks so innocent, pero matabil din pala ang bibig. But, I like what you're thinking. 69, HUH!"
Mas lalo pa itong ngumisi na nagbigay kilabot sa akin. Joke lang naman iyon eh. Bakit kasi kung anu-ano ang sinasagot ko? Virgin and pure pa po ako, promise!
Inaantok na yata ako kaya hindi na nagpa-function ng maayos ang utak ko.
"Teka—sino ba kayong dalawa? Saka kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa kita kilala, pero kilala n'yo naman ako." Sabay turo ko sa lalaking nasa likuran ko na may masamang tingin.
Pumitik ang daliri ng lalaking may gintong buhok.
"Good question." Naglakad ito palapit sa akin, hanggang sa maramdam ko na ang paghinga nito sa may tenga ko. Natigilan ako at hindi naka-kibo. Narinig ko pa ang mahina nitong tawa bago tuluyang magpakilala. "Nice to meet you, Ms. Montecarlos. I am Tyron Ryven Cordova."
Nakakakilabot ang boses.
Nakahinga lang ako nang lumayo na ito sa akin. "And that retarded guy behind you is my cousin, Sage Trevour Cordova. Pagpasensyahan mo na, allergic kasi 'yan sa babae." He pointed out the guy with a pokerface before winking at me.
Natigilan ako.
"Ibig sabihin kayo ang pamilyang pagtatrabahuhan ko?"
CHAPTER 4NANG MALAMAN ko na sila ang mga Cordova—iyong apelyedo ng pinag-aapply-an ko ng trabaho, parang gusto kong magpalamon ng buhay sa lupa. Paano kung hindi nila ako tanggapin, di ba?Knowing na kung anu-anong pinagsasagot ko kanina nang tanungin ako ng lalaking nag-ngangalang Sage Trevour. Iyong lalaking walang emosyon at parang laging galit sa mundo. Sabi nga ni Tyron Ryven, allergic daw ito sa babae. Meron bang gano'n?Pero hindi ko na dapat isipin iyon, ang dapat kung intindihin ay ang pag-aapply ko. Sayang ang malaking sahod kung hindi ako makakapasa. Malaking tulong iyon sa aming magkakapatid."Ah, actually..." napapakamot ito sa ulo. "Wala pa iyong taong pagtatrabahuhan mo, mismo. Malaki ang galit niyon sa mundo kaya chill and relax ka lang muna, dear. We're just here to interview you and talk about the contract.""And speaking of the contract—pwede ba tapusin na natin ang usapang ito? May pasok pa ako." Iyamot na wika ni Mr. Sage saka muling naupo, but this time ay sa
CHAPTER 5BINIGYAN ako ng isang araw para asikasuhin ang mga papers ko para sa transfer. Kailangan ko kasing manatili sa Villa dahil iyon ang nasa kontrata. Hindi naman pwedeng babyahe ako papunta ng San Roque para pumasok sa school tapos byahe na naman patungong Villa para gawin ang trabaho ko.Masyadong hassle iyon at aksaya sa oras.Kaya naman kailangan ko rin lumipat ng school. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral dahil two years na lang graduating na ako.Mabuti na lamang at may malapit na University sa Villa, doon ako pinalilipat ng pag-aaral. Doon rin siguro pumapasok si Sage.Nagresign na rin ako sa Ministop na pinagtatrabahuhan ko. Masyadong malayo ang ang Villa ng mga Cordova sa San Roque kung saan kami nakatira, kaya heto kailangan ko munang magpaalam pansamantala sa lugar na kinalakhan ko. Kailangan ko kasi talaga ng trabahong ito para maibigay ang mga pangangailangan ng dalawa kong kapatid.Dahil nga sa trabahong ito, nabayaran ko na ang mga utang namin. Pati na rin tu
CHAPTER 6TINULUNGAN ako ni Kuya Migs, iyong driver na naghatid at nagsundo sa akin, na magpasok ng mga dala kong gamit sa loob ng mansion.At katulad nga ng sinabi ni Boss Travis kahapon, huwag akong umasa na masaya ang magiging pagdating ko dito sa Villa.Sobrang tahimik.At wala manlang katao-tao dito.Sobrang laking mansion pero walang tao? Nagpatayo pa sila ng ganito kalaking mansion kung wala rin naman palang titira.Iba talaga ang nagagawa kapag may pera."Kuya Migs, tama ba itong pinuntahan natin?" Tanong ko habang nililibot ng tingin ang buong palapag."Oo naman. Bakit mo naitanong iyan?""Eh kasi naman Kuya... bakit walang tao? Nasaan ang mga maids or butler? Wala ring guards? Paano kung bigla na lang may mag-akyat bahay dito? Sa mahal ng mga gamit dito hindi iyon imposible. Tsaka.... nasaan ang Young Master?" Pabulong lang ang pagkakasabi ko ng huling katagang iyon. Feeling ko kasi may nakakarinig sa akin kahit na wala naman dahil kami lang ang naririto.Ang creepy talaga.
CHAPTER 7KATULAD nga ng sinabi ni Nanay Wilma, sinamahan ako ni Yna sa paglilibot sa buong mansion."Dito sa unang palapag, naririto ang kusina, dining area at ang lobby. Sa lobby o living area malimit mong makikita si Sir Tyron kapag naririto s'ya. Kung hindi naglalaro ng cards, natutulog naman ito sa sofa.""Hindi ba uso sa kanya ang kwarto?"Natawa si Yna sa sinabi ko."Kapag kasi nalilibang si Sir Tyron sa paglalaro, minsan nakikita na lang namin na nakapikit na s'ya. Kapag kasi naglaro ito ng umaga, aabutin na ito ng gabi bago matapos.""Grabe naman.""At bawal itong istorbohin kapag naglalaro. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag inistorbo mo s'ya sa kanyang ginagawa.""Bakit? Nangangain ba ng buhay?""Oo.""H-Hoooyyyy!""Joke lang.""Akala ko talaga.""Pero kakainin ka talaga n'ya ng buhay... sa ibang paraan nga lang. Iyong tipong uungol ka sa sarap.""YNA!!"Luminga-linga pa ako dahil baka marinig s'ya ni Nanay Wilma. Baka sabihin pa nitong pinag-uusapan namin ang tatlo
CHAPTER 8NANGINIG AKO sa takot. Sino ang taong nasa veranda? Sino ito?Si Sir Travis ba ito? Si Tyron? O si Sage? Pero bakit hindi ko namalayan na pumasok ito kanina? At mas lalong wala akong narinig na dumating kanina. Saka kung ito ang boss ko, dapat tinawag na ako nito pagkarating pa lang n'ya.Kahit takot at nanginginig ang tuhod ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa nakabukas na veranda.Bilog na bilog ang maliwanag na si Luna. Gusto ko mang pagmasdan ang buwan ng matagal, hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman.Ngunit sa sunod kong hakbang papalapit, bigla na lang itong nawala.Dali-dali agad akong tumakbo papalabas ng veranda ngunit walang tao roon. Ni anino ng lalaking nakita ko kanina ay hindi ko na mahagilap. Para itong hanging bigla na lang dumaan at naglaho."OH MY GOODNESS!"Bulalas ko na patuloy pa rin sa paghahanap. Sumilip ako sa ibaba pero wala. Kahit sa kabilang bahagi kung saan makikita ang mahabang hallway at fountain sa labas ay wala ring bakas ng taong
CHAPTER 9PARA AKONG dinaganan ng isan-daang bakal pag-gising ko kinaumagahan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na naging dahilan para tamarin akong bumangon. Ngayon lang ako nagising ng maliwanag na. Sabagay, hindi nga pala ako natutulog sa gabi dahil pang gabi palagi ang shift ko sa store. At kung pang umaga naman, hindi rin ako tinatanghali ng bangon dahil kailangan madaling araw pa lang gising na. Aasikasuhin ko pa kasi ang umagahan naming tatlo bago pumasok sa school.Kaya naman ngayon, nakabawi-bawi ako ng tulog. Napasarap din ang pagtulog ko dahil sa komportable at malambot na kama. Maliwanag na sa labas at ang sinag ng papasikat pa lang na araw ay kumakaway na sa akin.Hindi ko nga pala tinanggal ang tali ng kurtina, kaya pumapasok dito sa loob ang liwanag mula sa labas ng bintana.Tanghali na ba?Bumango na ako ng kama kahit pa tinatamlay. Inayos ko muna ang bedsheet at unan bago magtungo sa closet para kumuha ng damit.Maliligo muna ako baka sakaling mahimasmasan at mawala a
CHAPTER 10AGAD NA napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal pa na nanlalaki ang mga matang kinapa ko ang aking buong katawan. Chine-check if buhay pa ba ako o baka kaluluwa na lang dahil namatay na ako kagabi.Pero buo naman at... at...Natigilan ako nang maalala kung anong nakita ko sa may hagdan sa itaas.Sure ako na lalaki ito.At sure rin ako na totoo ang nakita ko at hindi guni-guni lang.Ang pula nitong mga mata. Madilim sa third floor dahil walang bukas na ilaw doon tuwing gabi, kitang kita ko kung paano ito tumingin sa akin. Nakakatakot pero at the same time ay nakakamangha ang pagka-pula nito.Mala-ruby sa ganda ang pula nitong mga mata."AAHHHHH! Ano ba naman Arissa! Nakakita ka na nga ng multo, pinuri mo pa."Pero multo nga ba iyon?Naalala ko pa na sumigaw nga pala ako bago ako natuluyan.... natuluyang himatayin.Sino ba naman kasing normal na tao ang hindi hihimatayin sa takot kung makakita ka ng ganoon, sa kalagitnaan ng gabi. Tapos nag-iisa ka pa. Ewan ko na lang talaga
CHAPTER 11TULALA AKO habang nakatitig sa mga papeles na nasa aking harapan.Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ni Sir Travis. Matapos iyong mga sinabi n'ya kanina, bigla na lang itong nawala sa harapan ko. Sa sobrang bilis ng pag-alis nito parang hanging bigla na lang itong naglaho.At iyon nga, pag-alis ng boss ko, nakarinig na lang ako ng boses from somewhere na kailangan kong magtungo sa opisina n'ya sa ikalawang palapag para gawin ang trabaho ko.Ewan ko ba, pero parang may sariling buhay ang katawan ko at sinunod agad iyong narinig ko. Kahit na lutang at tulala ang isip ko sa mga nangyayari.At ayun, nagising ang diwa ko at natagpuang naririto na ako sa aking table. Dito sa loob ng opisina ng salbahe at mapanlait kong boss."TSK!"Inis na sinalansan ko ang mga papers na dapat pirmahan ng magaling kong boss.Nahuhurumintado pa rin ang sistema ko dahil sa mga panlalait na pinagsasabi ng lalaking iyon kanina. Kung hindi ko lang s'ya boss at kung hindi ko lang kailangan ang traba
EPILOGUETRAVIS' P.O.VVAMPIRES?Vampires are the most dangerous and heartless creatures that fictional books and movies had. Para sa mga tao, vampires didn't exist in this world. Dahil sa mga kwento at palabas lang nabubuhay ang mga ito.Pero ang totoo, matagal na panahon nang may nabubuhay na bampira sa mundong kanilang ginagalawan. Nakakubli sa mata ng mga tao, nagbabalat-kayo.At isa ang pamilya namin sa mga bampirang nakikisalamuha sa mga tao.Our great great great grandfather teach us to live in this world like a real human. Natuto kaming hindi pumatay ng mga inosenteng tao upang punan ang aming uhaw sa dugo. Mula sa mga ligaw na hayop sa gubat ang dugo at karneng aming iniinom at kinakain. Ang alam ng maraming tao ay walang puso ang mga katulad namin, ngunit nagkakamali sila. Patay man kami kung titingnan, ngunit tumitibok pa rin ang puso namin. We're still know how to care about other people. We also use to save people who needed our help when it comes to danger.Sinanay kam
CHAPTER 60"MOMMY, where are we going po? Bakit po may mga dala tayong maleta? Aalis po ba tayo? Kasama po ba natin sina Tita at Tito?"Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Zion habang paulit-ulit na tinatanong iyon sa akin."Baby dadaan muna tayo sa doktor ni Mommy dahil may iko-consult lang po ako. Then after that pupunta tayo sa restaurant para magpaalam saglit kina Tita at Tito mo, okay po ba?"Kahit naguguluhan sa biglaan naming pag-alis ay tumango pa rin si Zion.Ilang saglit na lang ay malalaman mo na rin, baby."Saan po tayo pupunta, Mommy?""Sa lugar kung saan mo makikilala ang Daddy mo, baby."Ang sinabi ko'y naging dahilan upang manlaki ang mga mata ng aking anak. Bilog na bilog rin ang pagkakabuka ng bibig nito sa gulat."D-daddy po, Mommy ko? Makikilala ko na po ang Daddy ko?"Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito.Pasensya ka na baby ah, ngayon lang naalala ni Mommy. Pero siaiguraduhin kong hindi na tayo malalayo pa sa Daddy mo, baby ko.Wala akong pake kung ipagtabuyan p
CHAPTER 59NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan. Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro. Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes
CHAPTER 58MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan. "Mommy where we'll go first?""Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?""Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."Arissa laugh at what her son said.Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon."Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?""Yes po, Mommy!""Okay! We will eat in Jollibee.""Yehey!"Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustur
CHAPTER 57NAKATITIG lamang ako sa anak ko at hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nito. At nang matauhan ay doon lang ako nakapag-isip ng sasabihin."Alam mo baby, pareho kayong pogi kaya napaghahalataang magkamukha kayo," nag-aalangang sagot ko."Ganoon po ba 'yon, Mommy?""Oo po baby. Tingnan mo kayo ng Tito Ranz mo, pareho kayong pogi kaya magkamukha kayo.""Hindi po ba dahil sa magkadugo kami ni Tito Ranz kaya kami magkamukha?"Natameme ako sa sinabi ng aking anak."Ah, ano kasi baby, syempre isa rin iyon sa rason. Pero hindi naman natin kilala 'yang nasa picture kaya bakit natin s'ya magiging kadugo 'di ba? Pareho lang talaga kayong pogi kaya nagkakahawig kayo.""So, pogi po si Mr. Cordova para sa'yo, Mommy?"Napakunot ang noo ko."Mr. Cordova?""Sikat po s'ya Mommy. Kilala po ang family nila dito sa atin. Hindi mo po alam?"Naningkit ang aking mga mata bago dahan-dahang umiling.Sobra ba akong busy sa work at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito sa baya
CHAPTER 56MAKARAAN ANG TATLONG TAON...Sa tatlong taong lumipas, napakarami nang nagbago. Sa buhay naming magkakapatid hanggang sa sarili ko. Nakapagpatayo na kami ng maayos at malaking bahay, buo at tumatakbo na rin ng maayos ang negosyo ko na restaurant. Nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo at ngayon naman ay ang dalawa ko namang kapatid ng ga-graduate ng college.Ngunit kahit na maganda na ang pamumuhay namin kaysa noon, pakiramdam ko'y may malaking kulang pa rin sa buhay ko. Sobrang daming tanong na hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang dami kong tanong dahil wala akong matandaan sa mga nakalipas na taon. Basta ang natatandaan ko na lang ay umalis ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Alam ko na maayos at maganda ang trabaho ko, dahil kung hindi, wala sana kaming malaking bahay at sariling negosyo ngayon. Nagising na lang ako na nakabalik na ako dito sa bahay nang walang kahit anong
CHAPTER 55DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Arissa. Puting kwarto. Puti ang kwarto na s'yang bumungad sa kanyang mga mata. "Nasaan ako?" Pinilit n'yang bumangon ngunit muli pa rin s'yang napahiga dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan. Nakaramdam din s'ya ng matinding hapdi sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.Napatingin si Arissa nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng pang-doctor na coat. Kasunod nito sina Tyron at Sage. Tila may malalim at seryosong pinag-uusapan ang mga ito ngunit ng mapatingin sa kanya ay para bang isang taon din silang hindi nagkita-kita."Ty? Sage? Nasaan ako? Anong nangyari?"Nagkatinginan ang dalawa. Nang hindi makasagot ang mga ito, ang doctor na ang nagsalita."Mabuti naman at nagising ka na iha. I'm Doc. Ken and I'm your personal doctor. Ako ang inatasan ng Young Master na tumingin sa kalagayan mo. Wala ka bang nararamdaman? Masakit pa ba ang mga sugat mo sa katawan?""Ahmm... medyo mahapdi lang po ang mga sug
CHAPTER 54THIRD PERSON'S P.O.VNAPAPIKIT si Arissa nang makaranig ng malakas na ingay mula sa loob ng kwarto. Tila nagwawala ang taong nasa loob niyon at nagpupumilit na makawala sa kadenang nakagapos dito.Inabot din ng ilang minuto ang tinagal ng malakas at marahas na kaguluhan sa loob ng kwarto, bago ito nawala na parang hanging dumaan lang.Dahan-dahang naglakad si Arissa palapit pa sa pintuan."T-travis?"Walang ingay na maririnig maliban sa mga yabag ng paghakbang n'ya papalapit. Nakapagtataka.Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa ika'tlong palapag ng mansion. Sa sobrang tahimik ay tila nakakabahala at nakakatakot. Katahimikan na para bang nagsasabing pagkalipas nitong isang hindi pangkaraniwang ingay na naman ang magaganap.Natatakot man si Arissa, tinatagan n'ya ang loob para sa dalawang taong pinakamamahal n'ya. Ang lalaking nahihirapan ang sitwasyon na nasa loob ng kwarto, maging ang munting anghel na nasa loob ng kanyang sinapupunan na walang kamuwang-muwang
CHAPTER 53NAAALALA ko pa kung bakit ako napunta sa lugar na ito, kung bakit kahit hindi ko pa lubos na kilala ang mga Cordova na pagtatrabahuhan ko, nagbakasakali pa rin ako na baka matanggap ako. At natanggap nga ako sa trabahong ito. Pumasok ako sa kontratang ito, para sa mga kapatid ko, at para sa kinabukasan naming tatalo.Hindi ko aakalain na sa loob ng ilang taong pagtatrabaho bilang sekretarya ng Young Master, mapapalapit ang loob ko sa kanila—mas lalo na sa kanya. Hindi ko rin napaghandaan ang pagkahulog ko sa masungit na lalaking 'yo. Kaya nga kahit ang utos n'ya na ipinagbabawal, ay nasuway ko dahil makulit nga ang puso ko, 'di ba?Sa sobrang kulit, hindi ko rin napaghandaan na mangyayari ang bagay na'to.Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga impormasyong sinabi sa akin ni Tyron. Kaya pala. Kaya pala sa ilang araw na nagdaan, mag weird na pagbabago sa kilos, pananalita, pag-uugali at mga usual na ginagawa ko. Iyong mga weird na cravings at pagduduwal sa umaga. Ang pa