Share

CHAPTER 6: PAGSUBOK

Author: Marx Salas
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Pumasok kami sa loob at mapapansin na sobrang laki ng pasilidad.

“Ang lawak sa loob. Parang conference hall pero sobrang laki,” namamanghang sabi ni Dane.

May mga kwarto kung saan ka pwedeng magparehistro upang makakuha ng mga misyon. Pumunta kami doon at isang babae ang sumalubong sa amin.

“Bago lang po ba kayo dito? “

“Opo,” tugon namin sa babae.

“Pasok po kayo rito sa silid na ito para mailista ko na ang mga pangalan nyo.”

Sama-sama kaming nagpunta sa silid at malawak din ang loob nito. Madaming kaming mga nakasabay na nagpapalista pero hindi naman kami natagalan sa pila dahil mabilis lang ang proseso.

“Sumunod po kayo sa akin at ihahatid ko kayo sa ikalawang palapag. Nandoon ang mga misyon na maari niyong makuha.”

Sambit ng babae kaya agad kaming naglakad. Ipinaliwanag niya rin sa amin ang sistema rito.

“Kada misyon na inyong matatapos ay makakatanggap kayo ng puntos na pagbabasihan ng inyong mga karanasan. Mas mataas na puntos, mas mahihirap na trabaho ang pwedeng niyong gawin. Pero syempre mas malaki rin makukuha niyong pera.”

Nag-ikot kami sa pasilidad upang maging pamilyar sa lugar na ito. Habang naglalakad, tinawag ko si Jas upang kausapin. May nais kasi akong sabihin sa kaniya na sikreto ngunit ayaw ko muna ipaalam ito sa aming mga kaibigan.

“Jas teka samahan mo ko bibili lang ako ng maiinom sa labas.”

Mabilis naman itong pumayag.

“Sige. Pero sabihan muna natin sila baka kasi hanapin nila tayo mamaya.”

Sumang-ayon ako kaya’t nagpaalam muna kami kila Mercury.

“Dre papasama lang ako kay Jas. Bibili lang kami ng inumin sa labas.”

“Aruy ne dre. Kakarating lang natin sa mundong ‘to tapos inaaya mo na agad si Jas na magdate? Haha. Sige dre ‘di muna namin kayo aabalahin,” pang-iinis na sabi ni Mercury.

Mamulamula ang aking mukha habang tumatanggi sa kaniyang sinasabi.  Habang si Jas naman ay nasa aking tabi’t palihim na tumatawa. Hindi naman ito gaanong pinansin ni Jas dahil sanay na rin syang iniinis sa akin. Madalas din kasi kaming magkasama noon. Pero hanggang ngayon, hindi nya pa rin alam na may gusto ako sa kaniya.

“Sira! Bibili lang ako inumin kaso baka ayaw nyo sumama kaya si Jas nalang inaya ko.”

Sambit ko sa kaniya at tuluyan na nga kaming umalis. Buti na lang ay hindi sila nagtaka sa aking sinabi dahil wala naman talaga ako perang pambili.

Panandalian kaming nagpahinga ni Jas sa kapiterya ng pasilidad.

“Dito muna tayo magpahinga Jas. Kakaunti lang tao rito kaya wala gaanong makakarinig sa sasabihin ko sayo.”

“Sige. Ano ba ‘yang sasabihin mo?” tanong niya sa akin.

“May gusto lang sana akong sabihin. Ahm… Tungkol ito sa isa pang sinabi sa akin ng Diyosa.”

Tahimik lang na nakikinig sa aking paliwanag si Jas habang nakatingin sa aking mga mata. Dahil sa tagal ng kaniyang pagtitig sa akin, medyo nailang ako at nahirapang magsalita. Nagpatuloy pa rin ako sa aking sinasabi bagama’t nahihiya talaga ako sa kaniya.

“Nabanggit kasi ng Diyosa na binigyan nya rin daw ako ng kaunting porsyento ng kapangyarihan nya na tumupad ng kahilingan. Sayo ko lang sinabi ito dahil hindi ko pa alam kung gaano ito kaepktibo. Pero nagamit ko na ‘to one time habang nagkaklase tayo sa room. ‘Di ba naaalala mo ba ilang araw bago tayo mapunta rito no’ng pinapasagot ka sa math. Kinausap mo ko tapos sabi mo tulungan kita. Kaya ayon natupad wish mo. Kaso parang nawala ka sa sarili mo kaya siguro hindi mo na ‘yon natatandaan.”

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat kahit parang wala siyang masyadong maalala sa mga nangyari.

“Gusto ko ulit itong subukan. Kaya try mo na magwish ulit sa akin. Magwish ka na gusto mo nang makabalik sa mundo natin.”

Pumayag naman siya kaagad.

“Ano ba kailangan kong gawin para matupad wish ko?” tanong  niya.

Naalala ko ang kondisyon na sinabi ng Diyosa para mas matupad ang kanilang kahilingan.

“Kailangan mo maging sobrang determinado sa hiling mo para mas maging epektibo ito sabi ng Diyosa.”

Humiling na siya sa akin.

“Please, bumalik na sana tayo sa mundo natin. Maging maayos na sana ulit ang lahat.”

Lumipas ang ilang sandali, wala pa ring nangyayari. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matupad ang kahilingan ni Jas.

“Siguro sobrang imposible pa talaga bumalik sa atin sa ngayon. Subukan nalang natin ulit sa susunod.”

Panandalian muna kaming sumuko at bumalik na sa aming mga kaibigan. Nagkita-kita muli kami sa harapan ng pasilidad.

“Musta date nyo ni Jas dre?” pang-aasar na salubong sa akin ni Mercury.

“Sira ka talaga. Nga pala, kamusta na paghahanap niyo ng misyon?”

May napili na silang misyon na gagawin. Nakasulat dito na kailangan daw naming pumatay ng sampung mababangis na lobo at dalhin ang ulo nito dito bilang patunay.

”Makakatanggap daw tayo ng tatlong gintong pabuya. Sapat na para mabayaran natin ang utang natin kila Mang Serio at Aling Marita,” sambit ni Set.

Ngunit lahat kami ay nangangamba dahil wala naman kaming kaalaman pagdating sa pakikipaglaban. Bagamat alam na namin kung anong mahika ang meron kami, hindi naman namin alam kung paano ito magagamit.

Naglakad lakad kami sa bayan upang makahanap ng kasagutan. Tumingin kami kung may mga libro na naglalaman kung paano namin magagamit ang aming mga mahika.

“Ayon Mac. Mukhang tindahan ‘yon ng libro,” wika ni Dane. Agad kaming tumungo roon.

Sa una ay tila hindi kaaya-ayang pumasok sa loob nito. Ngunit wala na rin kaming ibang pagpipilian kaya’t tumuloy na rin kami. Maaliwalas naman ang loob at maayos ang kalidad ng mga libro. Nang sandaling ito, wala kaming pera na pambayad kaya naman nakaisip ng paraan si Set.

“Manong kayo po ba nagbabantay dito? Pwede po ba namin basahin yung mga libro?”

Umiling ang lalaki pero agad na umisip ng paraan si Set.

“Bakit naman po manong? Paano kami makakapamili ng libro na bibilhin kung hindi naman namin makikita ‘yong nakasulat?”

Dahil sa pangungulit ni Set, pumayag na ang lalaki na basahin namin ang ibang libro. Ngunit ito’y nagbigay ng kondiyson.

“Sige na nga. Pero sandali lang ah. Bibigyan ko lang kayo ng kalahating oras. Kapag sumobra na kayo kailangan niyo na iyang bayaran.”

Pumayag kami sa kondisyon ni Manong at agad kaming nagsaliksik. Nalaman namin na ang ugat sa paggamit ng mahika ay ang imahinasyon. Nakita din namin sa libro na ang apoy ay mas nakakalamang sa hangin ngunit ang hangin naman ay mas nakakalamang sa lupa, habang ang tubig ay nakakalamang sa apoy. Pero hindi pa rin ito ang magdedesisyon sa laban dahil nakadepende pa rin ang panalo sa kaalaman at taktika na gagamitin ng salamangkero.

Hindi ko mahanap sa libro kung papaano magagamit ang mahika ng liwanag at dilim na mayroon ako.

“Oy dre, bakit kaya walang libro tungkol sa puti at itim na mahika rito?” tanong ko kay Mercury.

‘Teka dre parang ma nabasa ako kanina tungkol diyan eh. Wait.”

Hinanap ulit niya ang libro na kaniyang nabasa kanina.

“Eto oh dre. Sabi dito, kakaunti lang daw ang mga tao na may puti at itim na mahika. Kaya itinuturing silang espesyal. Kaya siguro wala rin ditong libro na tungkol sa mga mahika na ‘yon”

Hindi pa rin ako sumuko at nagpatuloy ako sa paghahanap. Isang libro na nakatago sa pinakalikuran ng istante ang aking napansin. Manipis lang ito ngunit ng akin itong buksan, naglalaman ito ng mga sikretong mahika.

Nakita ng lalaki na hawak ko ang libro. Ang libro pala na ito ay ipinagbabawal kaya naman agad nya itong sinubukang kuhanin mula sa akin.

“Ibigay mo sa akin ‘yan bata. Ipinagbabawal na makita ng normal na tao ang ganyang libro,” sigaw ng nagbabantay.

Dahil sa gulat, mabilis akong tumakbo sa labas. Sumunod naman kaagad sila Mercury sa akin at nagtago kami sa isang bilihan ng damit.

“Teka lang dre hintayin mo kami,” naghihingalong sambit nila Mercury.

Binuksan ko ito at ako’y natuwa dahil ito’y naglalaman kung paano gamitin ang puting mahika. Ngunit hindi ito naglalaman ng kahit kaunting impormasyon patungkol sa itim na mahika.

Tinawag ko si Jas para ito’y makita dahil parehas kaming nagtataglay ng puting mahika.

“Jas tignan mo ‘to. ‘Diba parehas tayong may puting mahika?”

Binasa namin ang libro. Napagtanto namin na hindi naman pala gaanong mahirap ang paggamit ng mahika. Kailangan mo lang palawakin ang iyong imahinasyon upang ito’y mapagana. Halos sa lahat na librong aming nabasa, ganito ang karaniwang nilalaman.

Upang magamit ang mahika, kailangan mong isipin na ito’y nasa iyong palad. Gamitin mo ang iyong imahinasyon at isipin kung anong nais mong gawin mula rito. Maari kang gumawa ng kahit anong armas o bagay depende sa iyong imahinasyon. Kung ang mahika mo ay apoy at nais mong gumawa ng espada, kailangan mo lang umisip ng espada na gawa sa apoy upang ito’y matupad. Basta't kailangan na alam mo ang istraktura at kung paano ito binubuo.

“Buti na lang madami na tayong alam tungkol sa pagbuo ng mga bagay-bagay. Hindi na tayo gaanong mahihirapan,” pahayag ni Jas.

Habang binabasa ko ang maliit na libro, napansin ko na may iba pang mga impormasyon na nandito. Sibukan ko itong intindihin pero masyado itong komplikado. Pinakita ko ito kay Jas.

“Basahin mo Jas. Naiintindihan mo ba? Ako kasi kanina ko pa binabasa pero hindi ko rin maintindihan.”

“Hindi eh. Siguro importante ‘yang mga nakasulat diyan kaya komplikado ‘yong pagkakasulat,” sambit niya.

Gayunpaman, nagpatuloy na kami sa aming misyon dahil alam na namin kung paano kami makikipaglaban. Itinabi ko na ang libro sa aking bulsa. Nagkekwentuhan kaming pumunta sa gubat habang sinusubukang bumuo ng mga bagay gamit ang aming mahika.

Bumuo sila ng aramas na aming gagamitin. Oo nga pala, marami pang pamamaraan kung paano magagamit ang mahika. Pwede kang gumawa ng isang salamangka gamit ang mahika, ngunit kailangan mong kabisaduhin ang bawat salita mula sa mga libro.

Related chapters

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 7: UNANG PAKIKIPAGLABAN

    Sa mundo ng Aragona, ang mga libro na naglalaman ng mga salita upang makabuo ng salamangka ay tinatawag na Grimoire. Naglalaman ito ng mga konkretong teksto na kailangang kabisaduhin ng isang salamangkero kung nais nyang makagawa ng salamangka. Ang salamangka ay higit na mas malakas kaysa sa mga s*****a na gawa lang ng imahinasyon. Dahil ang salamangka ay gawa ng mga magagaling na salamangkero, napatunayan na itong epektibo kaya naman nakalagay na ito sa mga Grimoire. Malapit na kaming makarating sa gitna ng kagubatan. “Naririnig niyo ba? Saan kaya nanggagaling ang ungol na ‘yon?” tanong ko sa kanila. HIndi lang mababagsik na lobo ang nilalang na naninirahan dito. Madami pang mababagsik na hayop at halimaw ang gumagala sa kagubatan upang makahanap ng makakain. Nagsitaasan ang aming mga balahibo dahil sa sobrang nakakatakot na awra na mararamdaman sa gubat. “Ano ba ‘to bakit ganito dito? Parang may namamatay o pinapatay dito araw-araw,

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 8: PANANDALIANG KASIYAHAN

    Matinding sikat ng araw mula sa bintana ang bumungad sa aking umaga.“Teka anong oras na ba?” tanong ko sabay tumingin sa aking mga kaibigan.“Maaraw na pero tulog pa rin sila. Mamaya ko na nga lang sila gigisingin. Bababa muna ako sa kusina para tulungan sila Aling Marita.”Lahat sila ay mahimbing pang natutulog samantalang ako ay bumaba na sa kusina upang tumulong sa pag-aayos ng makakain.“Magandang umaga po Mang Serio at Aling Marita.”Sumunod na bumangon si Mercury nang mapansin niyang wala na ako sa kama.“Mac nasa baba ka na ba?” ani niya habang nakadungaw sa pinto ng kwarto.“Oo dre. Pumunta ka na rin dito para matulungan mo kami,” tugon ko sa kaniya kaya naghanda na siya para makababa.Pahikabhikab itong naglakad sa hagdan.“Haayyy. Inaantok pa rin ako dre sobrang nakakapagod kahapon.”Habang nagkekwentuhan, napahinto kami ng ma

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 9: BIGLAANG PAGSULPOT

    Maraming tao ang nagtipon-tipon sa gitna ng plaza. Nais nilang manood sa mga nagtatanghal ng mahika. May isang lalaking nakasuot ng magarbong damit ang biglang nagpakilala sa gitna. “Kamusta mga tao dito sa Siana? Ako nga pala si Steban. Ngayong gabi ay hahanap kami ng mga magboboluntaryong sumali sa aming paligsahan. Huwag kayong mag-alala, maganda ang aming ipapamigay na premyo. Ang kailangan nyo lang gawin ay ihanda ang inyong mga sarili at mahika dahil ang kompetisyon na ito ay palakasan at pagalingan.” “Sino may gusto sumali sa inyo? Ako sasali ako kayo ba?” Pagkatanong ko nito, hindi na sila nagdalawang-isip pang sumali. “Sige. Sali na rin kami mukhang maganda naman ‘yong premyo eh,” tugon ni Set. Dagdag pa ng lalaki na nagngangalang Steban, “Mamimigay ako ng iskolarsip para sa isang mamahaling paaralan sa masuswerteng tao na mananalo sa paligsahan.” Ang paaralan na tinutukoy niya ay tinatawag na Akademya ng mga B

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 10: PAGSIBOL NG GERA

    Maraming kabayo ang dumaan sa aming harapan. Sakay nito ang alkalde ng Siana na si Mang Crispin. Kasama niya ang ilan sa kaniyang mga tauhan upang tumungo sa Kapitlyo ng Leonardo.“Bilisan niyo! Kailangan nating makarating kaagad sa kapitolyo para makahingi ng tulong.”Nakahinga kami ng maluwag dahil ilang sandali na lang ay maari nang dumating ang tulong mula sa kapitolyo.Nang makarating sa kapitolyo, isang umuugong na tunog mula sa tambuli ang sumalubong kila Mang Crispin.“Ibukas ang tarankahan! Nandito ang alkalde ng Siana,” sigaw ng isa sa guwardiya ng Hermosa, ang kapitolyo ng Leonardo.Tumungo agad sila Mang Crispin sa kastilyo ni Haring Timoteo, ang hari ng Leonardo.“Anong kailangan niyo at pumunta kayo rito ng ganitong oras sa aking kastilyo?” tanong ng hari.Lumuhod si Mang Crispin at ipinaliwanag ang nangyayaring pagsalakay sa bayan ng Siana.“Sinasalakay po ang Siana ng is

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 11: HINDI IMBITADONG TAUHAN

    Sumakit bigla ang aming ulo. Isang tinig ang aming narinig mula sa aming isipan. Boses ito ng Diyosa na si Anna. May nais itong sabihin ngunit limitado lang ang oras na pwede namin siyang makausap. “Naririnig niyo na ba ako?” tanong nito. Tumugon naman kami kaagad. “Opo. Kayo na po ba yan Diyosa?” “Sawakas! Pasensya na kung medyo natagalan. Isa kasi sa Opisyal ni Luosito ang sumalakay sa aking palasyo. Sa dami ng kaniyang mandirigma na ipinadala, natagalan ang aking mga tauhan na talunin ang mga ito. Buti na lamang ay tuluyan na silang umatras.” Tumayo si Nads at hinanap kung saan nagmumula ang boses. Nagagalit pa rin ito sa Diyosa dahil sa biglaang pagkuha nito sa amin. “Paano kami makakabalik sa mundo namin? Ayaw naming mamamtay dito. Ibalik mo na kami!” “Sandali. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Habang nagsasalita ang Diyosa, naghanap kami nang maari naming mapagtaguang bahay. Baka kasi madamay pa kami sa gerang n

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 12: PAGPAPAHIRAP

    Mula sa itaas ng malaking bahay, isang umiilaw na espada ang sumilaw sa aming paningin. Bitbit ito ng isang lalaki na may malaking pangangatawan. Tumalon ito mula sa itaas at itinusok sa lupa ang espada. Nagdulot ito nang malakas na puwersa na nagpatalsik sa mga salamangkero.Ito pala ay ang Heneral na si Heneral Cleo. Hindi kami kilala ng Heneral, pero alam niya na hindi kami kaaway. Nakita kasi niya na iniligtas namin ang pamilyang hinahabol ng mga salamangkero.Itinaas muli nito ang espada bago bumulong ng isang salamangka. Umapoy ang dulo ng espada at mala-dragong apoy ang biglang lumabas. Nilamon nito ang mga salamangkero hanggang sa abo na lang ang natira sa mga ito.“May nasaktan ba sainyo?” tanong ng Heneral.“Wala naman po,” tumugon kami at dali-daling inilabas nila Jas sa bayan ang pamilyang aming iniligtas. Naiwan ako sa tabi ng Heneral para maghanap pa ng taong nangangailangan nang tulong.Sinubukan akong p

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 13: PAGKALUGMOK

    Ang nagwawalang kalangitan ay unti-unti nang kumakalma. Humihina na rin ang matinding buhos ng ulan. Mabagal ngunit mabibigat ang aking mga hakbang. Sa bawat yabag ay madadama ang matinding galit na bumabalot sa aking katawan. Pinilit kong lumapit sa kinaroroon ni Pikasyo, kahit alam ko na sobrang delikado ng aking gagawin. Nang mga sandaling ito, hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali. Sa ‘di kalayuan, napansin ako ni Luosito habang ito’y nagmamasid pa rin sa mga ulap. Nabaling ang interes nito sa akin. “Interesante, napaka-interesante. Nais kong makita kung ano ang magagawa ng batang ito. Nararamdaman ko na isang magandang eksena ang maari kong masaksihan ngayon.” Inipon ko sa aking binti ang buo kong lakas sabay inihanda ang aking mga kamao. Tatangkain ko sanang atakihin si Pikasyo. Bagama’t alam ko na wal

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 14: PAGKAWALA SA SARILI

    Pagkayaring magbago ng aking anyo, pagewang-gewang akong naglakad papunta kay Pikasyo. Pilit nya akong inilalayo gamit ang kanyang mahika. Pero kahit gaano karaming salamangka ang kanyang bitawan, nilalamon lang ito ng awrang nakapalibot sa akin. “Bakit mayroon kang itim na mahika? Hindi ba’t ang mga tauhan lang ni Lusiper ang mayroong niyan? Paanong nagkaroon nito ang isang normal na taong tulad mo?” natatarantang tanong nito. Misteryo pa rin para sa amin kung ano ang itim na mahika at kung para saan ba talaga ito. Sa mundo ng Aragona, kakaunting tao lang ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng itim na mahika. Hindi tumigil si Pikasyo sa pag-atake sa pag-asang matataboy niya ako. Nagamit na n’ya ang kalahating porsyento ng kaniyang lakas. Pero hindi niya pa rin ako nagagawang galusan. Mas lalo pa itong natarant

Latest chapter

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 33: PASUKAN

    Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 32: PAGHAHANDA

    Sa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 31: IKATLONG PAGSUSULIT

    Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 30: PAGKAKAAYOS

    Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 29: PAGGALING

    Habang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 28: MUNTIKANG PAGBABALIK

    “Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 27: TAGLAY NA LAKAS

    Sa mga eksaminer na magsasagawa sa amin ng pagsusulit, si Tyra talaga ang pinakamahusay sa kanilang lahat. Kaya naman siya ang inutusan ni Steban na sumukat sa pisikal na lakas ng aking mga kaibigan na lalaki. Subalit hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi ako kasama sa unang sumalang. Bagamat gano’n, hindi ko na lamang ito pinansin at itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagsuporta sa aking mga kaibigan. “Mga babae na ang sasalang pero bakit ikaw Mac hindi ka namin kasunod?” tanong ni Mercury. “Hindi rin ako sigurado, pero siguro si Steban ang nagplano nito,” tugon ko sa kaniya. Umalis na sa gitna si Tyra upang magpahinga samantalang pinalitan naman siya ng isa pang babaeng eksaminer. Lahat ng eksaminer na nandoon ay babae maliban kay Steban.

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 26: IKALAWANG PAGSUSULIT

    Kaming magkakaibigan ay nagmula sa mundo kung saan hindi laganap ang gera. Mapayapang namumuhay ang mga tao at ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad kasabay ang ekonomiya. Simula ng mapunta kami sa mundo ng Aragona, hindi namin alam noong una kung paano kami makikiangkop sa kakaibang sistema ng mundong ito. Dahil sa aking makasariling desisyon, nadamay ko ang aking mga kaibigan kahit dapat ako lamang ang mapupunto sa mundong ito. Hanggang sa ngayon, ito ang nilalaman ng aking isipan. Kailangan ko silang maibalik sa aming mundo kahit Diyos pa ang pumigil sa akin at humarang sa aming kapalaran. Lumapit silang lahat kaya sinimulan ko nang ipikit ang aking mata at pinakinggan ang kanilang hiling. Hindi ko maramdaman ang mainit na pakiramdam na lumalabas sa akin sa tuwing tumutupad ako ng kahilingan. “Mac, ayaw ba gumana?” tanong ni Mercury. “Ayaw ata eh pre. Sa tuwing gumagana kasi ito may nararamdaman akong parang mainit na pakiramdam. Pero ngayon wala akong maramdaman,” wika ko sa

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 25: UNANG PAGSUSULIT

    Dali-daling nilapitan si Edwin ng kaniyang mga kaibigan at dinala sa klinika ng paaralan. Nagulat ang doktor sa klinika sa linis ng ginawa kong pagpapatulog kay Edwin. Hindi siya nagtamo ng malalang pinsala na tila ba walang nangyari sa kaniya. Sa kabilang banda ay dinala kami ni Steban sa kaniyang opesina at dito kami kinausap. Bagamat namangha siya sa nakita ay hindi niya ito pwedeng ipahalata. Bilang punong-guro ng paaralan ay kailangan niyang maging patas. “Heneral Cleo. Ikaw ang gagawin kong tagapag-alaga nila kaya lahat ng gagawin nila rito ay ikaw ang mananagot. Ayos lang ba ‘yon sayo?” tanong ni Steban. Tumingin ito sa amin. Akala namin ay magagalit ito pero sa halip ay natuwa pa ito at malugod na tinanggap ang sinabi ni Steban.

DMCA.com Protection Status