Madilim, mapuno at umuulan. Madadama na madami ang nakapalibot sa amin na mga nilalang. Nanlilisik ang mga mata at nanggagalaiti ang mga ngipin. Nagmamasid ang mga ito habang naghihintay ng pagkakataon na sumalakay. Ito ang kauna-unahang eksena na aming nasaksihan sa mundong ito.
Agad kaming tumakbo palabas ng gubat kasama ang aking mga kaibigan na sina Jas Martinez, Dane Santiago, Nads Vivar, Mercury Manuel at Set Saja.
Marahil kayo ay nagtataka kung nasaan kami at kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. Kaming magkakaibigan ay napadpad sa mundo kung saan wala kaming kaalam-alam sa pamumuhay at sistema ng mga naninirahan dito. Pero bago ang lahat, isisiwalat ko muna ang mga tunay na nangyare.
Hi, I’m Mac Salas isang high school student. Normal naman ang naging buhay ko, masaya dahil madami akong naging kaibigan. Ngunit may isang bagay na pakiramdam ko ay kulang. May isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko alam, ngunit lagi ko ‘tong hinahanap.
Araw ng biyernes, habang ako ay nasa paaralan.
“Dre bakit ka nakatulala diyan sa tapat ng hagdan, tara na sumunod na tayo kila Kurt nandoon na sila sa canteen. Bahala ka baka tapos na sila kumain niyan pagdating natin,” sambit ni Set na may halong pagtataka sa ikinikolos ko.
Nang mga sandaling ito, isang kakatwang bagay sa pader ang aking nakita. Pero sa mga oras na iyon, hindi ko alam na iyon pala ang magpapabago ng takbo ng buhay ko pati narin ng aking mga kaibigan.
Ilang oras bago ko ito makita, kasalukuyan kaming nagkaklase sa science, nag-aya si Set na sabay-sabay na kaming pumunta mamaya sa canteen.
“Mac sabay na tayo pumunta mamaya sa canteen. Hintayin mo ko may aayusin lang ako.”
Tinanguan ko siya. “Sige dre.”
Pagsapit ng break time, tumungo na kami ni Set sa canteen. Ngunit habang naglalakad sa hagdan, ako’y may nakitang tila itim na tela sa pader. Sa laki nito, nakakapagtakang hindi ito napupuna ng mga nagsisidaan.
Dahil sa pagtataka, tinanong ko si Set,
“Dre bakit kaya may tela dito? Halloween na ba? Hindi ba September palang? Sino kaya naglagay nito dito?”
Naguguluhang sumagot si Set,
“Huh? Anong tela? Ano bang pinagsasabi mo dre? Okay ka lang ba?”
Pilit kong sinasabi sa kaniya na may tela talaga sa pader. Pero lagi niyang itinatanggi na nakikita nya ito. Subalit sigurado ako sa aking nakikita.
Hindi na kinaya ng pasensya ni Set kaya naman nauna na syang umalis at pumunta sa Canteen. Nanatili ako doon at saktong papadaan si Mercury.
Hinarang ko siya at tinanong kung nakikita niya rin ba ang itim na tela sa pader.
“Mercury teka may tatanong lang ako sayo. Kanina kasi kasama ko si Set tapos tinatanong ko sya kung nakikita nya ba ‘tong itim na tela sa pader. Bakit sinasabi nya na hindi nya nakikita eh ang laki-laki nga ng tela.”
Napakulot ang noo nito dahil sa pagtataka,
“Loko dre tigil mo, anong tela? Wala namang nandiyaan sa pader eh. Nantitrip ka na naman ne? Bala ka nga diyan aalis na ko hinahanap pa ko ni sir Legaspi.”
Agad umalis si Mercury habang naiwan ulit ako dahil puno parin ng katanungan ang aking isipan. Siguro nababaliw na ako. Pero dahil sa sobrang kuryosidad, sinubukan kong hawakan ang tela. Binuksan ko ito at laking gulat ko dahil tila ba may malaking espasyo sa loob. May nakita akong butas na kasing laki ng tela. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko.
“Wtf! Ano nangyare bakit tumagos kamay ko dito?”
Natatakot man, hindi padin ako tumakbo at sa halip ay pinagmasdan ko pa itong maigi. Sa hindi inaasahan, isang malakas na pwersa ang humatak sa buo kong katawan. Nawalan kaagad ako ng malay.
Nang mga sandaling ito, hindi ko pa alam kung saan ako napunta. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, isang tila karayom ang pumasok sa aking ulo. Nagdulot ito ng matinding sakit. Maraming impormasyon ang bigla na lang pumasok sa aking isipan.
Sa dami nito, hindi ko na matandaan lahat ng detalye. Pero ang mga impormasyon na ito ay patungkol sa mundo ng Aragona. Isang mundo na binubuo lamang ng isang malaking kontinente. Tinatawag nila itong Asarta. Madaming bansa ang matatagpuan dito. Pwede itong maihalintulad sa ating mundo, ngunit dito ang mahika ay matatagpuan kahit saan. Ang mga tao ay nagtataglay nito. Pero hindi lahat ay may kakayahang gamitin ito.
Lumipas ang ilang oras ay nagising na ako. Pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata ay nanlaki ito sa nakita. Isang magandang babae ang nasa aking harapan. Hindi maitatanggi ang kagandahan nito dahil sa kaniyang mahaba at maitim na buhok. Sinabayan pa ito ng kaniyang maamong mukha. Maraming lalaking nakapalibot sa kaniya. Nakabalot ang kanilang mga katawan sa puting tela. Magsasalita pa lang ako ng biglang nagsalita ang babae.
“Alam ko madami kang katanungan, subali’t wala akong sapat na oras para sagutin lahat iyan. Sa ngayon ay makinig ka muna sa aking mga sasabihin. Ako si Anna, Diyos na nagbibigay ng biyaya ng mundong ito.”
Habang nagsasalita ang babae, gulong-gulo ang isipan ko sa mga nangyayare. Sa isip-isip ko,
“Diyos? Teka ito na ba yung sinasabi nilang reincarnation? Adik ako sa anime pero ni minsan di ko inakala na mangyayare talaga to. Woah, pero di narin masama sino ba naman may ayaw na mareincarnate tapos magkaroon ng super powers diba haha.”
Nagpatuloy sa pagsasalita ang Diyosa na si Anna.
“Binigyan kita ng talent at kalakasan sa paggamit ng mahika. Magagamit mo ito sa oras nang kapahamakan.”
Habang nakikinig, napagtanto ko na sobrang delikado pala ng nais ipagawa sa akin ng Diyosa.
“Dinala kita sa mundong ito upang magmasid sa kilos ni Luosito, Diyos ng digmaan. Nagkaroon sila ng alitan ni Carlos ang Diyos ng puting mahika kaya nadadamay pati ang buhay ng mga nilalang sa mundong ito. Nais kong tulungan mo ako na pigilan si Luosito. Ang mga tao sa mundo mo ay may makabagong teknolohiya kaya naman hindi nakapagtataka na matataas ang intelkuwal ng mga taong naninirahan doon. Kaya nais kong gamitin ang iyong mga kaalaman at maging isa sa aking mandirigma. Ang ginawa kong pagpili ay may isa lang na basehan, gamit ang aking kapangyarihan ay hinanap ko ang tao na may pinakamataas na potensyal pagdating sa mahika at ikaw ang aking nakita.”
Dahil sa pagpapaliwanag ng Diyosa, nabigyan na ng linaw ang ilan sa aking mga katanungan. Bago matapos ang aming pag-uusap, sinasabi sa akin ng Diyosa na pwede akong humiling. At kapag nagawa ko ang misyon na ibinigay nya sa akin ay bibigyan nya ulit ako ng isa pang pagkakataon na humiling.
Napahawak ako sa ulo habang nag-iisip ng malalim.
“Ano nga ba dapat kong hilingin?”
Kailangan kong mag-isip ng maayos dahil maaring masayang ang pagkakataon na ito.
Marahil karamihan ng tao ay hihiling ng kayamanan, ngunit hindi ko habol ang materyal na bagay. Ayaw ko din naman humiling ng walang hanggang buhay dahil nakalulungkot kung ako ay buhay pa habang ang mga kaibigan ko ay wala na. Isang bagay lang naman ang ninanais ko at ito ay ang makasama ko ang aking mga kaibigan sa bawat problema.
Habang nag-iisip, biglang isang magandang ideya ang pumasok sa aking isipan.“Paano kaya kung isama ko mga kaibigan ko dito?”Sigurado ako na magiging interesado din sila dahil alam ko na sobrang naiinip na sila sa normal na buhay. Ngunit hindi ko naisip na ito pala ang isa sa pinakamalaki kong pagkakamali na gagawin.“Maari nyo po ba akong ibalik sa mundong pinaggalingan ko? Nais ko po sanang tanungin ang mga kaibigan ko kung gusto nila akong akong tulungan. Naisip ko po kasi na masyadong mahirap ang pinapagawa nyo sa akin ng mag-isa. At isa pa nga po pala, kung sakali mang naisin na nilang umalis sa mundong ito, ibalik nyo na po sana sila sa mundong pinanggalingan namin.”Nang marinig ito ng Diyosa, napangiti ito at nagwika,“Sige tutuparin ko ang iyong kahilingan, ngunit sa isang kondisyon. Kapag natapos na ang lahat o kung sakali mang ibabalik ko na sila sa mundo nyo, buburahin ko lahat ang kanilang memorya.&
Napaatras ang dalawa ng ako’y papalapit na sa kanila. “Sino ka? Huwag kang lalapit! Sisigaw ako kapag lumapit ka,” natatakot na pagtaboy sa akin ni Set. “Ako to dre si Mac Salas kaibigan nyo.” Pilit kong sinasabi sa kanila na ako si Mac ngunit ayaw padin nila maniwala. “Ah, alam ko na. May isa akong sikreto na silang dalawa lamang ang nakakaalam,” bulong ko sa sarili. Ang sikretong ito ay tungkol sa babaeng aking napupusuan. Siya ay si Jas, isa sa matatalik naming kaibigan. Intinatago ko ito sa lahat dahil natatakot ako na masira ang aming pagkakaibigan dahil dito. Imbis kila Mercury at Set. Tiwala naman ako na hindi nila ipagsasabi ito kahit kanino. “May sikreto ako na kayo lang nakakaalam ‘di ba? Naaalala nyo ba ‘yong sinabi ko sainyo noong nagpunta tayo sa plaza last time? Tayong tatlo lang magkakasama noon tapos pupunta sana tayo ng Balanga. ‘Di ba sinabi ko sainyo na may gusto ako kay Jas.” Pagkasabi ko nito, kumalma
Dumating kami sa panuluyan bandang alas-nuwebe ng gabi. Bago pumasok, nagpakilala sa amin ang lalaki. “Tawagin nyo nalang akong Serio, ito yung tinutukoy ko na panuluyan namin ng asawa ko. Mamaya pagpasok nyo baka makita nyo sya loob, kausapin nyo na lang siya kung may kailangan kayo.” Sa hindi maipaliwanag na kadahilan, parang hindi mapakali si Mang Serio. Kanina pa sya tingin ng tingin sa paligid na para bang may iniiwasan. Siya ay nagpa-alam muna sa amin at nagwika, “Oh sya, mauna na kayong pumasok sa loob at doon ako dadaan sa likuran,” kinakabahang sabi nito. Hindi pa nakakalakad ay biglang bumukas ang pinto. Isang babae ang lumabas. Nakangiti ito ngunit nanggagalaiti ang mga mata. Pagalit itong sumigaw ng malakas, “Seriooooo!!! Anong oras na bakit ngayon ka lang dumating huh?! Siguro nambababae ka na noh?” Nawala ang aming pangamba at pagtataka sa ikinikilos ni Mang Serio dahil sa aming nasaksihan. Palihim kaming napangiti
Mabibilis na tapik ang aking naramdaman sa aking bandang likuran. Umaga na pala kaya ginigising na ako ni Set upang mag-almusal. “Uy dre bangon na nandoon na silang lahat sa baba. Ikaw nalang hinihintay.” Naalimpungatan ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Sa aking pagtayo, natanaw ko mula sa bintana ang madaming tao na abala sa kanilang mga ginagawa. Ang ilan ay nagtatayo ng maliit na silungan kung saan nila ilalagay ang kanilang mga paninda. Habang ang iba ay may dala-dalang mga armas. Nagtaka ako dahil normal lang ba ang magdala ng armas kung saan-saan? “Set, mga sundalo ba ‘yong mga lalaki na ‘yon? Bakit kaya may bitbit silang mga espada? Yung iba may dala pang mas malalaking armas.” Sumilip din si Set sa bintana upang makita, “Hindi ko alam eh dre. Hayaan mo na sila, tara na bumaba na tayo baka nagsisimula na silang kumain.” Sumama na ako kay Set pababa. Masayang nag-uusap sila Mercury at Dane habang hinihintay si Mang Serio. Noon
Pumasok kami sa loob at mapapansin na sobrang laki ng pasilidad. “Ang lawak sa loob. Parang conference hall pero sobrang laki,” namamanghang sabi ni Dane. May mga kwarto kung saan ka pwedeng magparehistro upang makakuha ng mga misyon. Pumunta kami doon at isang babae ang sumalubong sa amin. “Bago lang po ba kayo dito? “ “Opo,” tugon namin sa babae. “Pasok po kayo rito sa silid na ito para mailista ko na ang mga pangalan nyo.” Sama-sama kaming nagpunta sa silid at malawak din ang loob nito. Madaming kaming mga nakasabay na nagpapalista pero hindi naman kami natagalan sa pila dahil mabilis lang ang proseso. “Sumunod po kayo sa akin at ihahatid ko kayo sa ikalawang palapag. Nandoon ang mga misyon na maari niyong makuha.” Sambit ng babae kaya agad kaming naglakad. Ipinaliwanag niya rin sa amin ang sistema rito. “Kada misyon na inyong matatapos ay makakatanggap kayo ng puntos na pagbabasihan ng inyong mga karanasan.
Sa mundo ng Aragona, ang mga libro na naglalaman ng mga salita upang makabuo ng salamangka ay tinatawag na Grimoire. Naglalaman ito ng mga konkretong teksto na kailangang kabisaduhin ng isang salamangkero kung nais nyang makagawa ng salamangka. Ang salamangka ay higit na mas malakas kaysa sa mga s*****a na gawa lang ng imahinasyon. Dahil ang salamangka ay gawa ng mga magagaling na salamangkero, napatunayan na itong epektibo kaya naman nakalagay na ito sa mga Grimoire. Malapit na kaming makarating sa gitna ng kagubatan. “Naririnig niyo ba? Saan kaya nanggagaling ang ungol na ‘yon?” tanong ko sa kanila. HIndi lang mababagsik na lobo ang nilalang na naninirahan dito. Madami pang mababagsik na hayop at halimaw ang gumagala sa kagubatan upang makahanap ng makakain. Nagsitaasan ang aming mga balahibo dahil sa sobrang nakakatakot na awra na mararamdaman sa gubat. “Ano ba ‘to bakit ganito dito? Parang may namamatay o pinapatay dito araw-araw,
Matinding sikat ng araw mula sa bintana ang bumungad sa aking umaga.“Teka anong oras na ba?” tanong ko sabay tumingin sa aking mga kaibigan.“Maaraw na pero tulog pa rin sila. Mamaya ko na nga lang sila gigisingin. Bababa muna ako sa kusina para tulungan sila Aling Marita.”Lahat sila ay mahimbing pang natutulog samantalang ako ay bumaba na sa kusina upang tumulong sa pag-aayos ng makakain.“Magandang umaga po Mang Serio at Aling Marita.”Sumunod na bumangon si Mercury nang mapansin niyang wala na ako sa kama.“Mac nasa baba ka na ba?” ani niya habang nakadungaw sa pinto ng kwarto.“Oo dre. Pumunta ka na rin dito para matulungan mo kami,” tugon ko sa kaniya kaya naghanda na siya para makababa.Pahikabhikab itong naglakad sa hagdan.“Haayyy. Inaantok pa rin ako dre sobrang nakakapagod kahapon.”Habang nagkekwentuhan, napahinto kami ng ma
Maraming tao ang nagtipon-tipon sa gitna ng plaza. Nais nilang manood sa mga nagtatanghal ng mahika. May isang lalaking nakasuot ng magarbong damit ang biglang nagpakilala sa gitna. “Kamusta mga tao dito sa Siana? Ako nga pala si Steban. Ngayong gabi ay hahanap kami ng mga magboboluntaryong sumali sa aming paligsahan. Huwag kayong mag-alala, maganda ang aming ipapamigay na premyo. Ang kailangan nyo lang gawin ay ihanda ang inyong mga sarili at mahika dahil ang kompetisyon na ito ay palakasan at pagalingan.” “Sino may gusto sumali sa inyo? Ako sasali ako kayo ba?” Pagkatanong ko nito, hindi na sila nagdalawang-isip pang sumali. “Sige. Sali na rin kami mukhang maganda naman ‘yong premyo eh,” tugon ni Set. Dagdag pa ng lalaki na nagngangalang Steban, “Mamimigay ako ng iskolarsip para sa isang mamahaling paaralan sa masuswerteng tao na mananalo sa paligsahan.” Ang paaralan na tinutukoy niya ay tinatawag na Akademya ng mga B
Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Sa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug
Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman
Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula
Habang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin
“Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap
Sa mga eksaminer na magsasagawa sa amin ng pagsusulit, si Tyra talaga ang pinakamahusay sa kanilang lahat. Kaya naman siya ang inutusan ni Steban na sumukat sa pisikal na lakas ng aking mga kaibigan na lalaki. Subalit hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi ako kasama sa unang sumalang. Bagamat gano’n, hindi ko na lamang ito pinansin at itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagsuporta sa aking mga kaibigan. “Mga babae na ang sasalang pero bakit ikaw Mac hindi ka namin kasunod?” tanong ni Mercury. “Hindi rin ako sigurado, pero siguro si Steban ang nagplano nito,” tugon ko sa kaniya. Umalis na sa gitna si Tyra upang magpahinga samantalang pinalitan naman siya ng isa pang babaeng eksaminer. Lahat ng eksaminer na nandoon ay babae maliban kay Steban.
Kaming magkakaibigan ay nagmula sa mundo kung saan hindi laganap ang gera. Mapayapang namumuhay ang mga tao at ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad kasabay ang ekonomiya. Simula ng mapunta kami sa mundo ng Aragona, hindi namin alam noong una kung paano kami makikiangkop sa kakaibang sistema ng mundong ito. Dahil sa aking makasariling desisyon, nadamay ko ang aking mga kaibigan kahit dapat ako lamang ang mapupunto sa mundong ito. Hanggang sa ngayon, ito ang nilalaman ng aking isipan. Kailangan ko silang maibalik sa aming mundo kahit Diyos pa ang pumigil sa akin at humarang sa aming kapalaran. Lumapit silang lahat kaya sinimulan ko nang ipikit ang aking mata at pinakinggan ang kanilang hiling. Hindi ko maramdaman ang mainit na pakiramdam na lumalabas sa akin sa tuwing tumutupad ako ng kahilingan. “Mac, ayaw ba gumana?” tanong ni Mercury. “Ayaw ata eh pre. Sa tuwing gumagana kasi ito may nararamdaman akong parang mainit na pakiramdam. Pero ngayon wala akong maramdaman,” wika ko sa
Dali-daling nilapitan si Edwin ng kaniyang mga kaibigan at dinala sa klinika ng paaralan. Nagulat ang doktor sa klinika sa linis ng ginawa kong pagpapatulog kay Edwin. Hindi siya nagtamo ng malalang pinsala na tila ba walang nangyari sa kaniya. Sa kabilang banda ay dinala kami ni Steban sa kaniyang opesina at dito kami kinausap. Bagamat namangha siya sa nakita ay hindi niya ito pwedeng ipahalata. Bilang punong-guro ng paaralan ay kailangan niyang maging patas. “Heneral Cleo. Ikaw ang gagawin kong tagapag-alaga nila kaya lahat ng gagawin nila rito ay ikaw ang mananagot. Ayos lang ba ‘yon sayo?” tanong ni Steban. Tumingin ito sa amin. Akala namin ay magagalit ito pero sa halip ay natuwa pa ito at malugod na tinanggap ang sinabi ni Steban.