"For I am with you, no one will attack and harm you, for many people in this city belong to me."
Acts 18:10
***
Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako --si Bianca!
Si Laila. Siya ang pinakamatalino sa barkada. Hangang-hanga kami sa kanya dahil sa dedikasyon at sipag niya sa pag-aaral. Sa kanya kami nagpapaturo kapag nahihirapan kami sa lessons o kapag may iniwang gawain ang professor na hindi naman itinuro. Minsan nga, kapag tinatamad yung iba sa aming gumawa ng assignment, siya na ang gumagawa. Sabi ng mga kaibigan namin, hindi siguro sila makaka-survive sa College kung wala siya. Magkakaiba man kami ng kurso, Laila always finds a way para makatulong sa amin.
Si Janine. She's a bitchy partygoer. Marami sa schoolmates namin ang naiinis sa kanya kasi maarte raw siya. Marami na rin siyang nakasabunutan at nakasampalan. Wala ngang panama ang mga iyon sa kanya. Marami-rami na rin ang naagawan niya ng boyfriend. Marami na siyang pinaiyak na mga lalaki. Pero kahit na ganoon, madalas mang bad girl ang image niya, at hindi siya naiintindihan ng karamihan, she has a good heart. Sa tingin ko, defense mechanism niya lang yung bad girl image niya para maitago lahat ng fears at weaknesses niya. She is indeed a person whom you can trust, at puwede mo siyang sabihan ng sikreto mo. 'Pag may sinabi ka sa kanya, she will not spill it, believe me!
Si Eve. Siya yung tipong sobrang prangka. Hindi siya natatakot to speak her thoughts. Minsan nga, wala nang pakundangan yung bibig niya. Kapag pinagsabihan mo naman, deadma lang. Iniintindi na lang namin siya kasi marami na rin naman siyang naitulong sa amin. Siya yung taga-kumpronta kapag may naririnig na tsismis tungkol sa amin, lalo na kung tungkol kay Janine. Si Janine kasi yung pinakamalapit sa kanya; kumbaga, best friend niya. Halos magkapareho kasi sila ng ugali. Ayaw niyang naa-agrabyado ang kahit na sino sa amin. Sobrang tapang niya, at natatakot sa kanya kahit na yung mga lalaki.
Si Alden. Siya ang boyfriend ni Eve. Kung si Eve yung tipong parang leon, si Alden naman yung parang tupa sa barkada namin. Minsan nga napapaisip ako kung nagagalit kaya siya. Hindi ko pa kasi nakitang na-bad trip siya o narinig na sumigaw siya. Paano kaya siya magalit? Lagi kasi siyang kalmado at malumanay kung magsalita. Marami ngang nagtataka kung bakit sa dinami-rami ng babaeng puwede niyang mahalin, si Eve pa yung napili niya. Sa relationship nila ni Eve, totoo nga siguro yung kasabihang, "Opposites attract." Sa katunayan, nagkagusto nga siya sa akin at nagtangkang manligaw noong high school kami. Hindi ko lang pinansin kasi wala naman sa isip ko iyon. Alam ni Eve yung tungkol doon. Madalas nga niya akong pagselosan at minsan niya na ring nasabi sa aking ang tanga-tanga ko kasi hindi ko sinagot si Alden dati.
Si Dan. Siya yung first runner-up sa pagiging "Mr. Nice Guy" sa barkada namin. Alam ninyo na kung sino yung title holder. He's caring like Alden. Mas matanda siya sa amin ng tatlong taon kaya siya yung tumatayong kuya ng barkada. Madalas kaming magkasama. Magaan ang loob ko sa kanya. Maraming nagsasabing bagay raw kami. Natatawa na lang kami kapag nakaririnig kami ng ganoong komento sa iba. Sabi niya, kapatid lang ang turing niya sa akin. Ganoon din naman ang tingin ko sa kanya.
Si Jomari. I have known him since we were kids. Siya yung tipong seryoso sa maraming bagay. Lagi siyang nandiyan kapag kailangan mo ng tulong. Tahimik siya madalas at malalim kung mag-isip. Kumbaga, he's a man of few words. Pero kahit na ganoon, madali naman siyang nalalapitan. Sa totoo lang, hindi siya suplado. Akala lang ng iba ganoon siya kasi nga hindi siya pala-salita. 'Pag nakilala mo naman siya nang lubos, masasabi mong napakabuti niyang kaibigan at handa ka niyang ipagtanggol kahit kanino.
Ako... Ako naman si Bianca. Kahit na sabihin nating may kanya-kanya kaming role sa barkada, in the end, ako yung nagiging shock absorber ng lahat. Iyan ang papel ko. Ako yung hingian nila ng advice. Sa akin sila tumatakbo kapag 'di nila kaya yung bigat ng isang sitwasyon, kung may problema sila sa pamilya, sa love life, sa eskwela at kung anu-ano pa. Sa akin sila kumukuha ng lakas, lalo na ngayong humaharap kami sa matinding problema. Ano yung problema?
Sa maniwala kayo't sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo; kung makapag-aasawa ka ba ng foreigner at makapupunta ka sa ibang bansa, 'di kaya ng matandang mayamang madaling mamatay at makapagmamana ka ng limpak-limpak na salapi; o kung ano ang magiging career mo in the future, kung magiging successful ka ba sa buhay mo, kung yayaman ka kaya tulad ni Henry Sy. Hinuhulaan nito ang PETSA NG KAMATAYAN MO at KUNG PAANO KA MAMAMATAY.
SI LAILA. Paranoid siya nang magpunta sa tambayan namin.
Kasalukuyan pa naman kaming nagkakasiyahan. Nagtatawanan sila kasi may bading na humipo sa puwet ni Dan habang nakapila kami sa canteen at bumibili ng makakain. Sabi ni Dan, kundi nga lang maganda yung bading, inupakan niya na iyon. Kinuha noon ang number niya; ibinigay niya ang kay Alden, kaya lalo silang nagtawanan. Naka-ready lang daw ang bibig ni Eve anytime na makipag-text si Alden sa magandang bading. Sabi ni Alden, hindi siya magkaka-interes sa kahit na sino bukod kay Eve kasi good boy raw siya. Hinalikan ni Eve ang mga labi niya. Nakita kong nag-make face si Dan at muntik nang maisuka ang kinakain.
Nagtaka ang lahat sa kakaibang ikinilos ni Laila. Inilapag niya ang mga dala-dala niyang libro sa mesa, umupo sa tabi ko, at tinitigan ako. Kinilabutan ako sa titig niyang iyon. Hindi ko na natuloy yung pagkain ko ng hotdog sandwich kasi natakot ako bigla. Nabasa ko sa mga mata niyang may 'di maganda siyang pinagdadaanan. Ano kaya ang problema niya?
"Mamamatay na ako bukas!" sabi niyang takot na takot.
Nakuha niya ang atensyon ng lahat, lalo na ni Dan, na nasa tapat namin at kasalukuyang kumakain ng paborito nitong burger. "Huh?" pagtataka nito.
"Isang mad man! Sasaksakin ako!" bulalas ni Laila.
Napakunot-noo ako kasi, sa totoo lang, nawirduhan ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang iba, at iba-iba rin ang reaksyon nila: may nagtataka at naguguluhan, mayroon namang natawa na lang.
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong ni Jomari sa kanya. "Nakatulog ka ba nang maayos kagabi? O baka gutom ka lang?" dagdag nito. Nagawa pa nitong alukin si Laila ng kinakaing tinapay, pero tumanggi ito.
"Hindi ako gutom," sabi ni Laila. "Mamamatay na ako bukas!" ulit niya.Sino nga ba naman ang hindi maguguluhan? Si Laila, na halos araw-araw na lang puro words of wisdom ang lumalabas sa bibig, biglang magsasalita ng kakaiba? Na ano raw? Na mamamatay na siya? Kailan, bukas? Paano naman mangyayari iyon? Wala namang makapagsasabi kung kailan tayo mamamatay e! Bigla na lang iyong dadating, animo'y simbilis ng kidlat. At sa oras na tamaan ka, wala ka nang kawala.
Tumitig si Laila sa kawalan na parang isang baliw. "Sabi ni Jude mamamatay na ako bukas. Sabi niya... Sabi niya... Sabi niya nakita niya kung paano ako patayin! Sabi niya sasaksakin ako ng isang baliw!" sabi niya habang tulala.
"Bakit ba kasi nagpapapaniwala ka sa sinasabi ni Jude?" singit naman ni Eve na nakakiling sa braso ni Alden, mukhang diskumpiyado.
"Don't believe him. He's a freak!" si Janine, kasunod ang malutong nitong pagtawa.Pinansin ko ang mukha ni Jomari. Hindi ito natuwa sa komento ni Janine tungkol kay Jude, pero nanatili na lang na tahimik. Ganoon naman siya madalas. Sabi niya nga sa akin, sumusunod siya sa prinsipyong, "Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang."
Mula sa kawalan, lumipat ang tingin ni Laila sa akin na katabi ko noong mga sandaling iyon. "Bianca, natatakot ako," sabi niya.
Gusto kong pagaangin ang nararamdam niya, pero ewan ko ba! Napipi na yata ako. Gusto ko pa naman sana siyang sabihan ng, "For I am with you, no one will attack and harm you, for many people in this city belong to me," na madalas niyang sinasabi sa amin. Naniniwala kasi siyang as long as God is with us, no one can bring us harm. Naniniwala rin ako roon, pero wala akong nagawa noong sandaling iyon kundi titigan siya at humiling na sana nga hindi totoong mamamatay na siya bukas.
Sinundan iyon ng pagsabi niya ng, "A-a-ayaw ko nang pumasok! Magkukulong na lang ako sa bahay!" Tumayo siya sa kinauupuan at nagmadaling umalis dala-dala ang mga libro niya. Hindi na namin siya napigilan.
Nakita kong umikot ang mga mata ni Eve. "Pathetic!" bagama't hindi narinig ng iba, nabasa ko iyon sa bibig niya. Si Janine naman, may pahabol pang, "Freak!" para kay Laila.
Nagkatinginan kami ni Dan. "Sundan natin," sabi ko sa kanya. Itinigil niya ang pagkain at iniwan na lang yung burger sa mesa. Binigay ko naman kay Jomari ang hawak kong hotdog sandwich. Tumayo kami ni Dan sa kinauupuan at nagtangkang habulin si Laila, pero mabilis siyang nawala at 'di namin alam kung saan siya hahanapin sa laki at lawak ng University.
"Text her," utos ni Dan. "I'll text her, too."
Kinuha ko ang cell phone ko mula sa bulsa ng pambabang uniporme ko at tinext si Laila, "Wer r u?" Pero lumipas ang ilang oras, hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanya.
Ang bulung-bulungang manghuhula... SI JUDE. Kilalang-kilala ko siya. Sa katunayan, kababata ko siya. Bata pa lang kami, nakakakita na siya ng mga hindi pangkaraniwang bagay sa paligid. May mga panaginip din siyang nagsisilbing babala. Halos lahat ng kakilala namin, natatakot sa kakayahan niya. May iba namang kinukutya siya at sinasabing anak daw siya ng demonyo. Naging biktima rin siya ng pambu-bully noong Grade School at High School kami. Ngayon namang College, iniilagan siya. Malungkot siguro ang buhay niya. Kaunti lang din kasi yung kumakaibigan sa kanya. Hindi na rin naman niya gustong makipag-kaibigan sa iba. Wala nga yata siyang ibang pinagkakatiwalaan bukod kay Jomari na pinsan niya at sa akin na kapit-bahay nila.Tulad ni Jomari, tahimik at malalim ang personalidad ni Jude; wirdo para sa karamihan. Hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa mga tao maliban na lang
Noong gabing iyon, nanaginip ako. Naglalakad daw ako sa isang palapag ng University. Nakasalubong ko si Jude. Binati ko siya, pero hindi niya ako pinansin. Maya-maya, lumitaw si Laila sa panaginip ko. Nilapitan niya ako.“Bianca!” pagtawag niya sa akin.“Nagpahula ako,&r
Naabutan kong papasok na si Jude sa University nang magdesisyon akong umuwi muna. Ayaw pa nga niya akong kausapin noong una kahit hinarang ko na siya, pero buti na lang, pumayag din sa bandang huli.Tinanong ko siya tungkol sa ginawa niyang hula kay Laila, at sinabi niyang, “Nakita ko sa pangitain... Naglalakad siya palabas ng bahay. Mag-aabang na sana siya ng ma
Nanaginip ako. Nakatayo kami nina Laila at Janine sa isang tulay. Yari sa bato ang tulay; magaspang ito at bitak-bitak. Nagbahagi si Laila ng impormasyon tungkol sa tulay, na isandaang taon na itong nakatayo rito. Makasaysayan daw ang tulay sabi niya. Hindi raw iyon basta-basta magigiba, parang pagkakaibigan namin.Dumungaw ako sa ibaba; gumaya sila. Nakita kong malinaw ang tubig. Ganoon din ang sinabi nila. Sabi ni Janine gusto niyang maligo. Naka-e-engganyo kasing maligo, lalo na kung malinaw ang tubig. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumalon sa tulay! Napasigaw kami ni Laila!Tumingin kami pareho ni Laila sa ibaba ng tulay. Hindi namin nakita si Janine sa ibabaw ng tubig. Nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Nalunod na kaya siya? Patay na kaya siya? Sinigaw namin ang pangalan niya; tinawag namin siya, pero hindi siya sumagot.Maya-maya, lumitaw si Jani
Ayokong pag-isipan nang masama si Jomari, peroshit! Nandiri talaga ako sa ginawa niya sa akin. Hinawakan ko ang leeg ko at nanalanging sana panaginip lang din ang ginawa niyang paghalik sa akin. Nang mailibing si Laila, si Janine naman ang binantayan namin. Balisang-balisa si Eve habang tinitingnan niya si Janine. Tinabihan ko siya. NasaParadisokami. Nakahimlay si Janine sa kabaong. Maganda ang ayos nito. Nagkaroon ng misa matapos magbigayan ngtestimonials. Nakakatawang marinig na puno na ngayon ng magagandang salita ang mga bibig ng mga taong umaway at sumumpa kay Janine noon. Ganoon siguro talaga kapag namatay na ang isang tao. Hindi na maaalala ng iba yung mga pangit na bagay na nagawa mo. Hindi ko alam kung mas mainam iyon sa karaniwang gawi na naaalala lang yung kabutihan mo kapa
Nang mabalitaan naming patay na si Eve, pinuntahan namin nina Dan at Jomari si Alden sa isang presinto sa Tagaytay kung saan siya dinala. Kasama ko si Dan, samantalang nagsabi si Jomari sa pamamagitan ngtext messagena susunod na lang siya sa amin. Wala kasi siya sa bahay nila nang puntahan ko siya.Habang nasa biyahe kami ni Dan sakay ng kotse niya, nakatulog ako at nanaginip. Naglalakad ako sa isangbuilding; hindi ko alam kung saan. Sabi ng isip ko, nasa isanghotelako. Umakyat ako sa hagdanan papunta sasecond floor. Naglakad ako sa pasilyo at huminto sa isang silid.Bumukas ang pinto at nakita ko si Eve, umiiyak."Pabayaan mo na kami!"sabi niya."Mahal ko si Alden!"Hindi ako na
Lumabas ako ng presinto para magpahangin. Ginusto ko rin noon na pumunta sa Tagaytay, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Inisip ko noon na kung may pagkakataong magout-of-town tripkami ng barkada, yung masaya at kumpleto... hindi yung ganito.'Di nagtagal, dumating si Jomari at tinabihan ako."Ok ka lang?" tanong niya."Ok lang," sagot ko, kahit na nagtatampo pa rin ako kay Dan."Sabi ni Dan, sorry raw. Nahihiya siyang lumapit sa iyo kaya ako na lang ang magsasabi. Stressed lang daw kasi siya kaya niya nasabi iyon."Ngumiti ako. "Ok lang," sabi ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Tumingin ako sa malayo. Ninamnam ko ang preskong hangin bago ako nagsalita. "Si Laila... si Janine... si Eve... Mayroon pa bang susunod na mamamatay?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko! Unti-un
Labinlimang minuto makalipas ang hatinggabi, eksaktong pagdating ko sa presinto, naabutan kong nagkakagulo ang mga tao. Lakas-loob akong nagtanong sa isang pulis na nakasalubong ko."Ano po'ng nangyayari?" tanong ko sa pulis na naabutan kong papalabas."May lalaki roon sa loob, bumula yung bibig. May nakain yatang hindi maganda. Tumawag na kami ng ambulansya," sagot nito.Kinabahan ako bigla. "Si Alden!" isip ko.Nagtangka akong pumasok, pero hinarang ako ng isang pulis at hindi ako pinayagan dahil nga sa nangyayaring komosyon. Sinabihan din ako ng isa pang huwag akong pahara-hara sa daan at ilalabas na yung lalaking nagsuka kani-kanina lang. Tumayo na lang ako sa gilid at hinintay na ilabas nila kung sino man yung tinutukoy nilang lalaking bumula ang bibig."Sana hindi si Alden... Sana hindi si Alden," panalangin ko.Ilang sandali pa, inilabas na nila yung lalaki. Nasurpresa ako nang makita ko kung sino ang inilalabas sa presinto. Hindi nga s
Bandang alas nuebe ng gabi nang magkaroon ng misa para kay Jomari. May ilang mga kamag-anak niya ang nagsalita ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa na roon si Jude."Siya yung madalas kong kasama... sa gimik, mga kalokohan, pagbabasa ng FHM... panonood ng porn... Hindi, joke lang. Hindi ako nanonood ng porn. Pinapakuwento ko lang kay Jomari kung anong meron doon sa video. Tapos, sa pag-akyat ng ligaw kay Bianca... "Nagtinginan ang lahat sa akin nang banggitin ni Jude ang pangalan ko. Hinagod ng katabi ko sa kaliwa, isa sa mga tita nina Jomari at Jude, ang likuran ko."Everything will be ok, Bianca," sabi nito. Tumango ako. Sana nga ganoon kadali lahat.Nagpatuloy ako sa pakikinig kay Jude."Itong pagkamatay niya... Hindi ko matanggap e! Tinatanong ko yung sarili ko... Ano ba ito? Panaginip ba ito? Ginu-good time ba ako ni Jom? Ano ba? May surprise ba in the end? Na nandito nga itong kabaong niya sa likuran ko. Nagdedeliver ako ng eulogy rito... Pero 'di ko alam kung eulogy nga
Isang panyo... Isang panyong kulay rosas at may bulaklaking disenyo. Nabigla ako nang iabot iyon sa akin ng lalaki. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago ko napagdesisyunang kunin ito dahil napagtanto kong sa akin pala ang panyo."A... Y-y-your welcome," naging tugon ko nang kunin ko iyon.Mariin akong nakatingin sa estranghero sa harap ko. "Sino ba ito?" ang nasa isip ko."That helped me... a lot," sabi niya at doon ko napag-isip-isip kung sino nga ba siya.Siya... Siya siguro yung lalaking naroon sa roof top kahapon."Buti naman kung ganoon," tugon ko sabay ngiti."Nakakahiya! Nakita mo pa akong umiiyak kahapon," sabi niyang tila nahihiya, and at the same time ay natatawa.So siya pala talaga yung lalaki sa roof top. Kaso, bakit naman siya mahihiya? Wala naman sigurong masama kung umiyak ang isang tao lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, 'di ba? Sa ganitong sitwasyon, mas makatutulong ang pag-iyak kaysa sa pagtawa, pag-ngiti o pagpapakitang masaya ka kahit hindi."Normal nam
Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya, pero anong magagawa ko? Iyon ang katotohanan! At gustuhin ko man, alam kong hindi na maibabalik si Jomari sa katawan niya."Shit!" Napasigaw siya. "Nalaman ba kung sino yung walang hiyang sumagasa sa akin?""Inaalam pa," mahinang tugon ko."Gaano naman katagal bago malaman iyon? Baka naman ten years na akong patay, wala pa ring nangyayari!""Nabigla ako sa nangyari, Jom," sabi ko.Natahimik siya bigla. Binasag ang katahimikan ng pagtatanong niya ng,"Nami-miss mo ba ako?""Hindi," agaran kong isinagot. Pero alam ng Diyos kung gaano ko siya nami-miss!"Hindi mo ako nami-miss? Heartless ka talaga," pagtatampo niya."Paano naman kita mami-miss? Nandito ka naman sa tabi ko, 'di ba?" katwiran ko. Natigilan siya."A... tama. I'm your guardian angel."Guardian angel... Sana nga. Sana huwag niya na akong iwan kahit kailan. Sana bantayan niya na lang ako. Dahil alam ko, hangga't nasa tabi ko siya, ligtas ako."Ano'ng pakiramdam ng mamatay?" tanong ko
Nababalot ng kakarampot na liwanag ang paligid. Sa kailaliman ng gabi, dalawang babae ang nagnanais na maisalba ang kanilang buhay. Kapit na kapit ang kanilang mga kamay habang tinatahak ang madilim na daan. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagtakbo nang walang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sila. Bumitiw ang nakatatanda sa nakababata."Magtago ka roon, dali!" utos ng babae sa kanyang kasama. May katamtaman siyang pangangatawan. Hindi rin naman ganoon katangkaran. Mala-anghel at maamo ang kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, nakikitaan ko siya ng bahid ng takot --takot na hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata sa kasama niya. Itinuro niya ang isang kotse sa madilim na sulok ng kalsada. Humahalo ang itim na kulay ng sasakyan sa kadiliman.Tiningnan siya ng kasama na puno ng pag-aalala. "Paano ka, ate?" tanong nito. Teka... Kilala ko siya, si Rhee!Umiling ang babae, tila gustong iparating na huwag siyang intindihin. "Basta, magtago ka roon! Kung sakaling mahuli ako, hindi ka ni
Memories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming pinagsamahan, iyon na lang yung pinanghahawakan ko ngayon. "Jom!!!" Flashback... Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya noong gabing iyon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang d
PANIMULAMemories...Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming p
Nang isakay kami ni Jomari sa ambulansya, nagkaroon ako ng panaginip. Sa panaginip ko, nakita ko ang masayang mukha ni Star at ng mga babaeng nakalaya na rin sa walang hanggang kadiliman. Sa panaginip ko, hinawakan ni Star ang mga kamay ko at umusal ng salitang, "Salamat." Natapos na ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin sa kamay ni Zach. Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon ang gugugulin bago ako makalimot sa nangyari. Maraming buhay ang nawala; mga buhay na nasayang dahil sa pansariling interes ng iilan. Sa kabila noon, gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa panahong nandoon ako sa kagipitan, sa bingit ng panganib. Salamat sa mga taong nakapaligid na alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Siguro nga na sa lahat ng nauto ni Zach at ng mga nagpauto sa kanya, ako yung pinaka masuwerte. Mapalad ako dahil hanggang ngayon ay dama ko pa yung hangin, yung hanging nagbibigay-buhay; 'di gaya ng ibang pinagkaitan na ng pagkakataon para masilayan an
Ikinagulat ko iyon."Nagtapang-tapangan kami e! Sumugod kami rito agad ni Norman. Hindi pupuwedeng hindi kita sagipin agad. Ayokong mangyari sa iyo yung nangyari sa mga babaeng pinatay nila. May ginawa kaming plano kaso nahuli nila kami nung nakapasok kami rito. Nagkabarilan! Yung kasama ni Zach, may dalang baril. Napatay si Norman."Yung baril... Yun yata yung ipinukpok niya sa mukha ko kanina. Si Renz... yung isa pang kampon ni Satanas na kasama ni Zach! Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nakakayang pumatay ng tao nang ganun-ganun na lang?"Papuputukan na sana ako nung kasama ni Zach. Tinutok niya na sa akin yung baril, kaso hindi natuloy.""Ano'ng nangyari?""Sinaksak siya ni Zach. Nakita ko, Bianca! Sinaksak siya sa likod. Maraming beses! Hindi nakalaban yung isa. Nakakasuka!""Oh my God!""Itinapon ni Zach yung baril, yung kutsilyo, tapos hinamon niya ako ng suntukan. Para siyang baliw! Hindi raw niya ako papatayin kaagad. Kukumpletuhi
Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero paano kung may katabi ako? Paano kung si Star pala ay nandito? Si Star... at ang ibang babaeng nasa pangitain ko... Paano kung nandito rin sila sa mala-impyernong lugar na ito?Hinanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa ak