Home / Paranormal / Mamamatay Na Ako... Bukas! / MNAB - Kabanata II: Janine

Share

MNAB - Kabanata II: Janine

Author: Maja Rocha
last update Last Updated: 2021-08-31 21:20:43

Noong gabing iyon, nanaginip ako. Naglalakad daw ako sa isang palapag ng University. Nakasalubong ko si Jude. Binati ko siya, pero hindi niya ako pinansin. Maya-maya, lumitaw si Laila sa panaginip ko. Nilapitan niya ako.

“Bianca!” pagtawag niya sa akin. “Nagpahula ako,” sabi niya.
“Nagpahula?” tanong ko.
“Kay Jude!” masiglang sagot niya. “May nakita kasi ako sa locker ko,” sabi niya.
“Ano iyon?” tanong ko.
“Ito o,” inabot niya sa akin ang isang maliit at pulang papel. Nakatiklop iyon. Nang buklatin ko, may nakasulat doon.

Gusto mo bang malaman kung paano ka mamamatay?

Nagulat ako sa nabasa ko kaya nabitawan ko iyon at nalaglag sa lupa.

Pinulot ni Laila iyon habang nagtatanong, “Gusto mo rin bang magpa-hula?” At nang umahon siya, nakita kong duguan ang ulo at mukha niya! Napasigaw ako dahil sa takot.

Kinaumagahan, ginising ako ng isang tawag sa cell phone ko. Maaga pa; 5:35 ang oras nang tingnan ko ang alarm clock. Nabaling ang tingin ko sa bintana; may kaunting liwanag sa kalangitan. Napabangon ako sa kinahihigaan. Kumikirot ang ulo ko. ‘Di ko alam kung dahil sa napanaginipan ko o dahil sa maling paggising ko.

Nakita kong naka-flash sa screen ang pangalan ni Jomari nang kunin ko ang cell phone kong nakapatong sa ibabaw ng drawer at katabi ng alarm clock. Katabi ng drawer ang kama ko.

“Hello?” pupunghap-punghap na sagot ko habang nakaupo sa kama. Hindi ako sanay na magising ng ganitong oras.
“Bianca, patay na si Laila,” ibinalita niya. Biglang na-blangko ang utak ko.
“Ano?!” Hirap pang mag-proseso ang utak ko, kaya pinaulit ko sa kanya ang sinabi niya.
“Wala na si Laila,” sabi niya.

Nagising ang natutulog na diwa ko dahil sa balitang iyon. Hindi ako makapaniwala. “Ano?! Jomari, huwag ka ngang ganyan!” naiirita kong sinabi.

“Laila’s dead!” matigas niyang pagkakasabi, mukhang gusto talaga akong kumbinsihing wala na nga ang kaibigan namin. Nagpatuloy siya, “Tinawagan ako ni Dan kanina, umiiyak. May tumawag daw sa kanyang pulis kanina. Kinontact siya ng pulis kasi nakita sa na-recover na cell phone ni Laila na siya yung huling nag-text sa kanya.”

Habang sinasabi ni Jomari iyon, naramdaman kong umaagos na sa pisngi ko yung mga luha ko. Magkasama pa kami ni Laila kahapon! Nag-usap pa kami! Bakit... bakit ganoon? Bakit wala na siya?!

“Nasaan na si Laila ngayon? Alam na ba ng parents niya? Nasaan ka? Si Dan?” pasinghot-singhot na itinanong ko.
“Nandito kami sa Paradiso,” sagot niya.

Paradiso. Iyon yung sikat na morgue, at the same time, funeral house rin dito sa lugar namin.

“Hindi pa siguro alam ng parents niya. Hindi ko lang alam kung nasabi na ni Dan, pero nabanggit niya kaninang hindi niya alam kung paano sasabihin kasi ang alam niya, out of the country raw yung parents ni Laila, at hindi naman niya alam yung contact number. Kasama ko si Dan; kami lang nandito. Kinontact na namin sina Alden. Papunta na raw sila. Puntahan mo na kami, ngayon na.”

Parang sasabog yung dibdib ko sa mga sinabi ni Jomari. “Sige, susunod ako. Susunod ako riyan! Hintayin ninyo ako,” sabi kong humihikbi. Pinahid ko ang mga luha ko pagkatapos.

Hindi na ako naligo. Dali-dali akong kumuha ng damit sa damitan ko, at isinuot ko na lang kung ano’ng nahablot ko. Nagbihis ako agad at nagtali ng buhok. Dinala ko yung pitaka ko, tapos inilagay ko iyon sa bulsa kasama ng cell phone ko. Umalis ako sa bahay nang hindi nagpaalam. Tulog pa rin kasi sina mama at papa kaya wala rin akong mapagsasabihan.

Napatingin ako sa bahay nina Jude pagkalabas ko. Sumagi sa isip kong kakausapin ko siya at tatanungin uli tungkol sa ginawa niyang hula kay Laila 'pag nagkaroon ako ng pagkakataon. Sumakay na ako sa jeep at bumiyahe iyon. Nagmadali akong nagpara at bumaba sa jeep nang mapadaan na iyon sa Paradiso.

Nakita kong nasa labas si Dan. Namumula ang mga mata niya, halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Niyakap ko siya pagdating ko, at tumakas na naman sa mga mata ko yung mga luha ko.

“Bianca, wala na si Laila,” sabi niyang pasinghot-singhot.

“Gusto ko siyang makita!” sabi ko. Agad-agad kaming pumasok sa Paradiso, at dumiretso sa isang silid kung saan nakalagak ang mga labi ni Laila. Naroon sa loob si Jomari.

Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko nang makita kong nakahiga roon si Laila. Natatabunan ng puting kumot ang katawan niya, hindi kasama ang mukha. Napatakip ako ng bibig at umiyak nang makita kong wala nang buhay ang kaibigan namin. Nilapitan ko siya at tinawag ang pangalan niya, “Laila! Laila!”

Inalog ko ang katawan niya, pero hindi siya rumesponde. “Ano ba’ng nangyari?” tanong ko sa mga kasama ko sa silid. Hindi ako sinagot nina Dan at Jomari, at nagpalitan lang sila ng tingin.

‘Di nagtagal, dumating sina Alden, Eve at Janine. Nasa labas na kami ng silid, kami nina Dan at Jomari, nang dumating sila. Niyakap ako ni Janine na umiiyak pagdating na pagdating pa lang nila. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Alden. Si Eve naman, nakasuot ng shades; pakiwari ko gusto nitong ikubli ang lumuluhang mga mata. Pero ako? Wala akong pakialam. Hindi ako nahihiyang makita ng mundo ang pagluluksang ginagawa ko para sa kaibigan ko. Pumasok na sila sa silid at ilang sandali pa, nakarinig ako ng malalakas na pag-iyak. Alam kong galing kina Janine at Eve iyon.

 “Oh my God! Oh my God! Laila!” pagtangis ni Janine.

Nagulat kaming lahat sa pagkamatay ni Laila. Habang naghihintay kami ng darating na kamag-anak nito, napag-usapan namin yung tungkol sa naging hula ni Jude, at hindi inakala ng barkada na magkakatotoo ang sinabi nito.

Ang sabi ni Dan, kagabi, nagkausap pa raw sila ni Laila sa text, at nagpapasundo raw yung kaibigan namin sa kanya. Bukod kasi kay Alden, siya yung may kotse sa amin. Ayaw naman daw abalahin ni Laila si Alden, at hindi ito komportable na makipag-usap sa iba dahil sa nangyaring pag-freak out nito.

Coding ang kotse nina Laila, at hindi naka-duty ang driver nila 'pag coding. Hindi naman din kasi siya sanay na mag-commute. Wala ring maghahatid sa kanya kasi out of the country pala yung parents niya. Nagpaalam din kasi yung dalawang kasambahay nila. Yung isa, may sakit ang anak kaya hindi muna makapapasok. Yung isa naman, umuwi sa probinsya kasi dumating yung kapatid na nasa abroad.

Ang reply naman ni Dan, hindi niya masusundo si Laila gamit ang kotse, kasi coding din ang kotse niya. Kung gusto raw nito, dadaanan na lang niya ito at magco-commute sila. Pumayag naman si Laila at nagsabing daanan siya ng alas-tres ng madaling araw dahil iyon yung call time niya.

Nawala na raw sa isip ni Dan na nagpapasundo si Laila, at puyat din siya dahil nag-inuman sila ni Jomari kagabi. Naalimpungatan na lang siya nang may tumawag na pulis sa kanya bandang alas singko ng madaling araw at iniimbita siya dahil patay na ang kaibigan namin.

“Kasalanan ko ito e! Kung nasundo ko lang siguro siya, hindi siya magkakaganoon!” pagsisi ni Dan sa sarili niya.
“Are you dumb, Dan?” tanong ni Eve sa kanya. “Bakit sinisisi mo ang sarili mo? Kung mayroon mang dapat sisihin dito, walang iba kundi yung pumatay sa kanya!”
“Yung mad man...” isip ko.

May rumorondang tanod noong mga oras na nakita ang katawan ni Laila. Dalawang oras na siguro ang nakalipas mula nang mangyari ang krimen. Iyon ang tumawag sa mga pulis. Sabi ng mga pulis, kung sinumang pumatay kay Laila, hindi na nila iyon naabutan sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

“Ang dami niyang saksak sa katawan. Walang awa ang gumawa sa kanya nun!” nanlulumong sinabi ni Jomari.

Sumang-ayon ako. Wala talagang awa! Walang puso at walang kaluluwa! Anong klaseng tao siya? Isa nga talaga siyang baliw!

Habang nagpapakalma ang iba, niyaya ko sina Dan at Jomari na lumabas ng Paradiso para magpahangin. Naikuwento ko sa kanila yung panaginip ko.

“Kanina nanaginip ako. Naglalakad daw ako sa isang floor sa University. Hindi ko alam kung anong floor, tapos nakasalubong ko si Jude.”
“Napanaginipan mo ang pinsan ko?” tanong ni Jomari.
“Binati ko raw siya, pero ‘di niya ako pinansin. Maya-maya, nandoon na si Laila. Nilapitan niya ako at may ipinakita siyang papel.”
“Anong papel?” tanong ni Dan.
“Kulay pula. May nakasulat. Sa pagkakatanda ko, ang nakalagay e ‘Gusto mo bang malaman kung paano ka mamamatay?’ Parang ganoon.”

Nagkatinginan sina Dan at Jomari. Nagpatuloy ako,

“Nabitawan ko yung papel kasi natakot ako. Pinulot iyon ni Laila. Pag tingin ko sa kanya, duguan na siya.”
“Baka naman marami kang iniisip, Bianca, kaya ganoon yung napanaginipan mo,” palagay ni Dan.
“Siguro nga,” sagot ko.
“Bakit kaya nandoon si Jude sa panaginip mo?” tanong ni Jomari.
“Baka siya yung naglagay ng papel sa locker ni Laila,” isip ko. Napataas ako ng magkabilang balikat. “Hindi ko alam.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
clara pascual
grabe ung hula
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata II.I: Janine

    Naabutan kong papasok na si Jude sa University nang magdesisyon akong umuwi muna. Ayaw pa nga niya akong kausapin noong una kahit hinarang ko na siya, pero buti na lang, pumayag din sa bandang huli.Tinanong ko siya tungkol sa ginawa niyang hula kay Laila, at sinabi niyang, “Nakita ko sa pangitain... Naglalakad siya palabas ng bahay. Mag-aabang na sana siya ng ma

    Last Updated : 2021-08-31
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata III: Eve

    Nanaginip ako. Nakatayo kami nina Laila at Janine sa isang tulay. Yari sa bato ang tulay; magaspang ito at bitak-bitak. Nagbahagi si Laila ng impormasyon tungkol sa tulay, na isandaang taon na itong nakatayo rito. Makasaysayan daw ang tulay sabi niya. Hindi raw iyon basta-basta magigiba, parang pagkakaibigan namin.Dumungaw ako sa ibaba; gumaya sila. Nakita kong malinaw ang tubig. Ganoon din ang sinabi nila. Sabi ni Janine gusto niyang maligo. Naka-e-engganyo kasing maligo, lalo na kung malinaw ang tubig. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumalon sa tulay! Napasigaw kami ni Laila!Tumingin kami pareho ni Laila sa ibaba ng tulay. Hindi namin nakita si Janine sa ibabaw ng tubig. Nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Nalunod na kaya siya? Patay na kaya siya? Sinigaw namin ang pangalan niya; tinawag namin siya, pero hindi siya sumagot.Maya-maya, lumitaw si Jani

    Last Updated : 2021-11-27
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata III.I: Eve

    Ayokong pag-isipan nang masama si Jomari, peroshit! Nandiri talaga ako sa ginawa niya sa akin. Hinawakan ko ang leeg ko at nanalanging sana panaginip lang din ang ginawa niyang paghalik sa akin. Nang mailibing si Laila, si Janine naman ang binantayan namin. Balisang-balisa si Eve habang tinitingnan niya si Janine. Tinabihan ko siya. NasaParadisokami. Nakahimlay si Janine sa kabaong. Maganda ang ayos nito. Nagkaroon ng misa matapos magbigayan ngtestimonials. Nakakatawang marinig na puno na ngayon ng magagandang salita ang mga bibig ng mga taong umaway at sumumpa kay Janine noon. Ganoon siguro talaga kapag namatay na ang isang tao. Hindi na maaalala ng iba yung mga pangit na bagay na nagawa mo. Hindi ko alam kung mas mainam iyon sa karaniwang gawi na naaalala lang yung kabutihan mo kapa

    Last Updated : 2021-12-01
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata IV: Alden

    Nang mabalitaan naming patay na si Eve, pinuntahan namin nina Dan at Jomari si Alden sa isang presinto sa Tagaytay kung saan siya dinala. Kasama ko si Dan, samantalang nagsabi si Jomari sa pamamagitan ngtext messagena susunod na lang siya sa amin. Wala kasi siya sa bahay nila nang puntahan ko siya.Habang nasa biyahe kami ni Dan sakay ng kotse niya, nakatulog ako at nanaginip. Naglalakad ako sa isangbuilding; hindi ko alam kung saan. Sabi ng isip ko, nasa isanghotelako. Umakyat ako sa hagdanan papunta sasecond floor. Naglakad ako sa pasilyo at huminto sa isang silid.Bumukas ang pinto at nakita ko si Eve, umiiyak."Pabayaan mo na kami!"sabi niya."Mahal ko si Alden!"Hindi ako na

    Last Updated : 2021-12-04
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata IV.I: Alden

    Lumabas ako ng presinto para magpahangin. Ginusto ko rin noon na pumunta sa Tagaytay, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Inisip ko noon na kung may pagkakataong magout-of-town tripkami ng barkada, yung masaya at kumpleto... hindi yung ganito.'Di nagtagal, dumating si Jomari at tinabihan ako."Ok ka lang?" tanong niya."Ok lang," sagot ko, kahit na nagtatampo pa rin ako kay Dan."Sabi ni Dan, sorry raw. Nahihiya siyang lumapit sa iyo kaya ako na lang ang magsasabi. Stressed lang daw kasi siya kaya niya nasabi iyon."Ngumiti ako. "Ok lang," sabi ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Tumingin ako sa malayo. Ninamnam ko ang preskong hangin bago ako nagsalita. "Si Laila... si Janine... si Eve... Mayroon pa bang susunod na mamamatay?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko! Unti-un

    Last Updated : 2021-12-09
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata V: Dan

    Labinlimang minuto makalipas ang hatinggabi, eksaktong pagdating ko sa presinto, naabutan kong nagkakagulo ang mga tao. Lakas-loob akong nagtanong sa isang pulis na nakasalubong ko."Ano po'ng nangyayari?" tanong ko sa pulis na naabutan kong papalabas."May lalaki roon sa loob, bumula yung bibig. May nakain yatang hindi maganda. Tumawag na kami ng ambulansya," sagot nito.Kinabahan ako bigla. "Si Alden!" isip ko.Nagtangka akong pumasok, pero hinarang ako ng isang pulis at hindi ako pinayagan dahil nga sa nangyayaring komosyon. Sinabihan din ako ng isa pang huwag akong pahara-hara sa daan at ilalabas na yung lalaking nagsuka kani-kanina lang. Tumayo na lang ako sa gilid at hinintay na ilabas nila kung sino man yung tinutukoy nilang lalaking bumula ang bibig."Sana hindi si Alden... Sana hindi si Alden," panalangin ko.Ilang sandali pa, inilabas na nila yung lalaki. Nasurpresa ako nang makita ko kung sino ang inilalabas sa presinto. Hindi nga s

    Last Updated : 2021-12-19
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata V.I: Dan

    Napatakip siya ng bibig, "Oh my God! Ibig sabihin siya yung sinasabi nilang bumula raw yung bibig? Tinanong ko kasi yung isang pulis, pero hindi niya sinabi kung sino."Tumango ako. "Naabutan ko pa sila kanina kaya kasama ako noong dinala si Dan sa ospital.""Oo nga. Nabanggit ni Dan kanina na umuwi ka raw sa inyo." Nagtanong siya, "Nasaan na si Dan ngayon?""Naiwan sa ospital. Tinawagan ni Jomari yung kapatid ni Dan, pero unattended daw. Ayaw ko sanang iwan si Dan kaso nagpumilit si Jomari na magpahinga raw muna kami.""Si Jomari, nasaan na?" tanong niya."Nasa labas. Sabi ko sandali lang ako rito at may sasabihin ako sa iyo. Hindi maganda ito, Alden. Sa tingin ko, si Jomari, gusto ka niyang lasunin," sabi ko.Nagulat si Alden, "Ano?! Why?"Umiling ako. "Hindi ko pa alam ang motibo niya. Napag-usapan kasi namin sina Laila, Janine at Eve. Sabi niya sa akin, ikaw na raw ang sunod na mamamatay. Kung paano at kailan, hindi niya alam. Si Jude l

    Last Updated : 2021-12-19
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   MNAB - Kabanata VI: Jomari

    Sabay-sabay kaming lumaki nina Jude at Jomari. Kababata ko sila. Laging kinatatakutan si Jude dahil sa mga hula at pangitain niya. Hindi siya kinakaibigan ng iba kasi nagdadala raw siya ng sumpa. Mamalasin daw ang lahat ng lalapit sa kanya. Madalas siyang kinukutya at sinasabing anak siya ng demonyo. Siguro raw pamilya sila ng mga mangkukulam.Si Jomari ang nagtatanggol kay Jude sa mga nanlalait at hindi naniniwala rito. Madalas siyang umuuwing puno ng sugat at pasa dahil sa pakikipag-basag ulo. Madalas siyang pinagagalitan at sinasabihang huwag na lang pumatol sa mga naninira sa kanila para wala nang gulo.Noong lumalaki na kami, nabawasan ang pakikipag-basag ulo ni Jomari. Dumami na ang mga kaibigan niya. Napasama na rin siya sa barkada namin. Nakita kasi ng iba kung gaano siya kabuting kaibigan. Nabawasan na rin ang mga kumukutya kay Jude. Hanggang sa tuluyan na ngang nawala iyon, pero nanatili pa rin ang mga bulung-bulungan. Nakakuha siya ng iilang taga-hanga, pero

    Last Updated : 2021-12-20

Latest chapter

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata III.I

    Bandang alas nuebe ng gabi nang magkaroon ng misa para kay Jomari. May ilang mga kamag-anak niya ang nagsalita ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa na roon si Jude."Siya yung madalas kong kasama... sa gimik, mga kalokohan, pagbabasa ng FHM... panonood ng porn... Hindi, joke lang. Hindi ako nanonood ng porn. Pinapakuwento ko lang kay Jomari kung anong meron doon sa video. Tapos, sa pag-akyat ng ligaw kay Bianca... "Nagtinginan ang lahat sa akin nang banggitin ni Jude ang pangalan ko. Hinagod ng katabi ko sa kaliwa, isa sa mga tita nina Jomari at Jude, ang likuran ko."Everything will be ok, Bianca," sabi nito. Tumango ako. Sana nga ganoon kadali lahat.Nagpatuloy ako sa pakikinig kay Jude."Itong pagkamatay niya... Hindi ko matanggap e! Tinatanong ko yung sarili ko... Ano ba ito? Panaginip ba ito? Ginu-good time ba ako ni Jom? Ano ba? May surprise ba in the end? Na nandito nga itong kabaong niya sa likuran ko. Nagdedeliver ako ng eulogy rito... Pero 'di ko alam kung eulogy nga

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata III

    Isang panyo... Isang panyong kulay rosas at may bulaklaking disenyo. Nabigla ako nang iabot iyon sa akin ng lalaki. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago ko napagdesisyunang kunin ito dahil napagtanto kong sa akin pala ang panyo."A... Y-y-your welcome," naging tugon ko nang kunin ko iyon.Mariin akong nakatingin sa estranghero sa harap ko. "Sino ba ito?" ang nasa isip ko."That helped me... a lot," sabi niya at doon ko napag-isip-isip kung sino nga ba siya.Siya... Siya siguro yung lalaking naroon sa roof top kahapon."Buti naman kung ganoon," tugon ko sabay ngiti."Nakakahiya! Nakita mo pa akong umiiyak kahapon," sabi niyang tila nahihiya, and at the same time ay natatawa.So siya pala talaga yung lalaki sa roof top. Kaso, bakit naman siya mahihiya? Wala naman sigurong masama kung umiyak ang isang tao lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, 'di ba? Sa ganitong sitwasyon, mas makatutulong ang pag-iyak kaysa sa pagtawa, pag-ngiti o pagpapakitang masaya ka kahit hindi."Normal nam

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata II.I

    Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya, pero anong magagawa ko? Iyon ang katotohanan! At gustuhin ko man, alam kong hindi na maibabalik si Jomari sa katawan niya."Shit!" Napasigaw siya. "Nalaman ba kung sino yung walang hiyang sumagasa sa akin?""Inaalam pa," mahinang tugon ko."Gaano naman katagal bago malaman iyon? Baka naman ten years na akong patay, wala pa ring nangyayari!""Nabigla ako sa nangyari, Jom," sabi ko.Natahimik siya bigla. Binasag ang katahimikan ng pagtatanong niya ng,"Nami-miss mo ba ako?""Hindi," agaran kong isinagot. Pero alam ng Diyos kung gaano ko siya nami-miss!"Hindi mo ako nami-miss? Heartless ka talaga," pagtatampo niya."Paano naman kita mami-miss? Nandito ka naman sa tabi ko, 'di ba?" katwiran ko. Natigilan siya."A... tama. I'm your guardian angel."Guardian angel... Sana nga. Sana huwag niya na akong iwan kahit kailan. Sana bantayan niya na lang ako. Dahil alam ko, hangga't nasa tabi ko siya, ligtas ako."Ano'ng pakiramdam ng mamatay?" tanong ko

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata II

    Nababalot ng kakarampot na liwanag ang paligid. Sa kailaliman ng gabi, dalawang babae ang nagnanais na maisalba ang kanilang buhay. Kapit na kapit ang kanilang mga kamay habang tinatahak ang madilim na daan. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagtakbo nang walang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sila. Bumitiw ang nakatatanda sa nakababata."Magtago ka roon, dali!" utos ng babae sa kanyang kasama. May katamtaman siyang pangangatawan. Hindi rin naman ganoon katangkaran. Mala-anghel at maamo ang kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, nakikitaan ko siya ng bahid ng takot --takot na hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata sa kasama niya. Itinuro niya ang isang kotse sa madilim na sulok ng kalsada. Humahalo ang itim na kulay ng sasakyan sa kadiliman.Tiningnan siya ng kasama na puno ng pag-aalala. "Paano ka, ate?" tanong nito. Teka... Kilala ko siya, si Rhee!Umiling ang babae, tila gustong iparating na huwag siyang intindihin. "Basta, magtago ka roon! Kung sakaling mahuli ako, hindi ka ni

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata I

    Memories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming pinagsamahan, iyon na lang yung pinanghahawakan ko ngayon. "Jom!!!" Flashback... Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya noong gabing iyon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang d

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   Pinatay Siya... Kahapon! (MNA... B! and PK... M! Series) - Teaser

    PANIMULAMemories...Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming p

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - XVII (Ang Pagwawakas)

    Nang isakay kami ni Jomari sa ambulansya, nagkaroon ako ng panaginip. Sa panaginip ko, nakita ko ang masayang mukha ni Star at ng mga babaeng nakalaya na rin sa walang hanggang kadiliman. Sa panaginip ko, hinawakan ni Star ang mga kamay ko at umusal ng salitang, "Salamat." Natapos na ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin sa kamay ni Zach. Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon ang gugugulin bago ako makalimot sa nangyari. Maraming buhay ang nawala; mga buhay na nasayang dahil sa pansariling interes ng iilan. Sa kabila noon, gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa panahong nandoon ako sa kagipitan, sa bingit ng panganib. Salamat sa mga taong nakapaligid na alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Siguro nga na sa lahat ng nauto ni Zach at ng mga nagpauto sa kanya, ako yung pinaka masuwerte. Mapalad ako dahil hanggang ngayon ay dama ko pa yung hangin, yung hanging nagbibigay-buhay; 'di gaya ng ibang pinagkaitan na ng pagkakataon para masilayan an

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata XVI.I

    Ikinagulat ko iyon."Nagtapang-tapangan kami e! Sumugod kami rito agad ni Norman. Hindi pupuwedeng hindi kita sagipin agad. Ayokong mangyari sa iyo yung nangyari sa mga babaeng pinatay nila. May ginawa kaming plano kaso nahuli nila kami nung nakapasok kami rito. Nagkabarilan! Yung kasama ni Zach, may dalang baril. Napatay si Norman."Yung baril... Yun yata yung ipinukpok niya sa mukha ko kanina. Si Renz... yung isa pang kampon ni Satanas na kasama ni Zach! Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nakakayang pumatay ng tao nang ganun-ganun na lang?"Papuputukan na sana ako nung kasama ni Zach. Tinutok niya na sa akin yung baril, kaso hindi natuloy.""Ano'ng nangyari?""Sinaksak siya ni Zach. Nakita ko, Bianca! Sinaksak siya sa likod. Maraming beses! Hindi nakalaban yung isa. Nakakasuka!""Oh my God!""Itinapon ni Zach yung baril, yung kutsilyo, tapos hinamon niya ako ng suntukan. Para siyang baliw! Hindi raw niya ako papatayin kaagad. Kukumpletuhi

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata XVI

    Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero paano kung may katabi ako? Paano kung si Star pala ay nandito? Si Star... at ang ibang babaeng nasa pangitain ko... Paano kung nandito rin sila sa mala-impyernong lugar na ito?Hinanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa ak

DMCA.com Protection Status