Mula nang dumating nang walang anumang alaala mula sa party ng kanyang matalik na kaibigan, si Elise ay nagkakaroon ng kakaibang panaginip. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kakaiba ang kanyang mga panaghinip. Natatagpuan niya na lang ang sarili sa isang madilim na kwarto kasama ang isang napakagwapong estranghero. At bawat araw ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog dito. Subalit alam niya na ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng estrangherong iyon ay hindi bahagi ng kanyang reyalidad. Hanggang sa nagpakita sa kaniya ang isang lalaking kamukhang-kamukha nito at bumago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit, ano ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Ano ang mga lihim na pilit nitong itinatago sa kanya?
view morePAGKATAPOS ng tagpong iyong sa pagitan nila ni Damian ay hinidi ito nagpakita sa kanya ng ilang araw. Siguro iyon na din ang katapusan ng kung ano mang namamagitan sa kanila. Naisip din niyang hindi din makakabuti para sa kanya ang magkaroon ng koneksyon sa misteryosong lalaking iyon. Parte lamang to ng kanyang panaghinip at wala ng iba. Anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ay hanggang doon na lang iyon.Simula noon ay ipinangako na niya sa sariling kakalimutan na ang mga panaghinip na iyon. Ang dapat niyang gawin ay ang bigyang pansin ang kanyang malagim na reyalidad. Subalit, ang babaeng nakita niya sa panaghinip na iyon, hinidi niya maintindihan kung bakit ito naging parte ito ng panaghinip niya. Parang pamilyar ito ngunit alam niyang imposible dahil hindi niya pa ito nakakasalamuha sa totoong buhay. Martes ng umaga. Wala siyang gaanong tulong dahil inihabol niya ang essay niya at ni Sherry. Maaga din siyang nagising dahil kailangan niya pang i-print ang mga iyon. Kaya
~*~ MALABO pa ang lahat nangyari sa isipan ni Elise matapos ang nangyari sa birthday party ni Sherry. Ang huling naalala niya ay ang pagbaba niya ng taxi pauwi sa kanilang dorm. Pagkatapos noon ay wala na. Ang sabi ni Agatha, natagpuan na lang daw siya nito sa harap ng kanilang dorm -lasing at parang wala sa sarili. Parang katulad noong natagpuan siyang walang malay sa isla. Pakiramdam niya ay parang may kung anong nakaharang sa kanyang isipan at pinipigilan siyang alalahin ang lahat. Madaling isipan na dahil iyon sa kalasingan niya iyon ngunit sa loob loob niya ay ramdam niyang may misteryong pilit na itinatago sa kanya. Napabiling siya sa kinahihigaan. Sabado at wala silang pasok kaya naman kahit na mag-aalas nuwebe na ay wala pa rin silang balak ni Agatha na bumangon sa kani-kanilang kama. “ Alam mo dapat talaga sinamahan kita sa birthday party ng bruhang si Sherry e. Kung andon ako siguradong, iningudngud ko na ang mukha niya sa dancefloor.” “ Okay lang. Hindi mo naman kasal
~*~ BINATI si Elise nang dumadagundong na musikang nanggagaling sa loob ng club. Dinig na dinig din niya ang boses ng mga taong nasa loob nito. Bumuntong hininga siya ng malalim bago pumasok. Sumuot kaaagad ang amoy ng alak sa kanyang ilong. Halos mabulag din siya sa mga pula at asul na lightbeams. Ngunit ang una niyang napansin ay kung gaano ka iba ang suot niya sa mga taong naroon. Parang gusto niyang tumakbo palabas ng club dahil na rin sa natatanggap niyang tingin. Binalot siya ng pinaghalong pagkahiya at kaba nang mga oras na iyon. Napayuko na lamang siya sa sariling kahihiyan. Sinadya ni Sherry na ipahiya siya! Kung hindi ba naman siya tanga at kaagad na naniwala dito. Nakita niya agad sa gitna ng dancefloor sina Sherry at mga kaibigan nito . Unti-unti niyang inihakbang ang mga paa kahit palapit sa kinaroroonan ng mga ito kahit na gustong-gusto na niyang magtago na lamang sa cr at hindi na magpakita kailan man. " Andito ka na pala , Elise! How are you finding the party?" ng
~*~ MATIWASAY na natutulong sa tabi ni Elise si Damian. Tanging ang nakatalukbong na kumot lang ang nakatakip sa hubu't hubad nitong katawan. Hinaplos niya ang pisngi nito at dinama ang init ng paghinga nito sa kanyang balat. Nitong mga nakaraang araw ay naiisip niyang mas mabuting manatili na lang siya sa panaghinip na ito. Dito kasama niya si Damian. Dito tila ba nawawala pansamantala ang lungkot at sakit na nararamdaman niya sa reyalidad. Dito walang Sherry o Jules na gumagambala sa kanya. Ngunit alam niya sa kanyang kaibuturan na pansamantala lang ang nararamdaman niyang kapayapaan dito. Bukas gigising ulit siya para harapin ang kanyang reyalidad. Doon na tinamaan si Elise ng pagod sa kanilang p********k. Namigat ang kanyang mga talukap ngunit nilabanan niya ito. Nais niyang manatili pa sa kanyang panaghinip. " Kailangan mo ng bumalik, Elise," ani ni Damian at hinawakan ang kanyang kamay saka ito masuyong hinalikan. " Ayoko ko pa. Gustong kong magtagal dito." " We both k
~*~ NANG mapamulat si Elise ay agad na sinalubong ng pamilyar na tanawin. Nakahiga siya sa pamilyar na kama. Ang silid na iyon- ganoon pa rin ang itsura nito nang huli siyang naroon. Medyo madilim pa rin ang paligid at aninag nya ang bilog na buwan sa malaking bintana. Nakasuot pa rin siya ng puting bestida. Nilibot niya ang paningin - wala ang lalaki. Nag-iisa siya sa kwartong iyon. Niyakap niya ang sarili. Malamig ang hangin ng gabing iyon. " Kanina ka pa ba?" Unti-unti na siyang nasasanay sa presensya ng estrangherong iyon. Nagsalubong ang kanilang mga mata.Kakapasok lang nito sa kwarto. binigyan siya nito ng pilyong ngito ng humagod ang kanyang paningid sa katawan nito. tanging ang tuwalyang nakapupulot sa bewan ang suot nito. kitang kita niya ang magandang hubog ng katawan nito at mamasa masang balat. " Dont stare at me like that. Alam ko namang nabibighan ka sakin., " anito at tumaas-baba ang kilay nito. Napaismid naman siya sa kinikilos nito. Mahangin pa rin ito hanggang
~*~ DISMAYADO si Elise nang magising siya kinaumagahan. Hindi nagpakita sa kanyang panaghinip ang lalaki. " Shit! Anong ginagawa ko?" Parang nais niyang iumpog ang ulo sa salamin na nasa kanyang harap. Bakit hinahanap niya ang misteryosong lalaking iyon sa kanyang panaginip? Nababaliw na ba siya ng tuluyan? At ngayon heto siya, dismayado dahil hindi man lang lumitaw ang lokong iyon. Sinipat-sipat niya din sa salamin ang bahagi ng kanyang leeg na hinalikan nito kagabi at hinaplos iyon. Bakit parang totoo ang lahat? Ang init ng labi nito sa kanyang labi. Ang paraan ng paghagod nito sa kanyang balat. " Hindi na to tama, Elise," saway niya sa sarili. "Panaginip lang iyon at at wala nang iba." Bago pa man mawala ang kanyang katinuan nang umagang iyon ay pumasok na siya sa isa sa mga bakanteng cubicle sa shower room. Pinihit niya ang shower at nagsimulang bumuhos sa kanyang katawan ang malamig na tubig. Ang lamig na dulot niyon sa kanyang balat ay nagpabalik sa kanyang katinuan.
___________ NANG lingunin niya ulit ang kinaroroonan nina Jules ay wala pa rin ipinagbago ang posisyon ng mga ito subalit nahagip ni Sherry na nakatitig siya sa mga ito at tinutuya siyang sinulyapan. Agad niyang inilayo ang paningin sa mga ito. Mabuti na lang at dumating na si Francesca at may dalang inumin nila ni Agatha. Kinuha niya ang kanyang cup at agad na ininum ang kalahati niyon. Medyo nagulat ang kanyang mga kaibigan sa inasal niya ngunit ngunitian niya lang ang mga ito na parang walang nangyari. " Sayaw tayo!" Pagkatapos ay hinawakan siya ng kanyang mga kaibigan at iginiya patungo sa dan cefloor.Mabuti na lang at malayo sa kinaroroonan nina Jules. May mga lalaki din na nakisama sa kanila at may ilan din namang binigyan siya ng kakaunting interes. Bawat pagtungga niya ng alak , pakiramdam ni Elise ay gumagaan ang ulo niya. " Alis muna ako. E-refill ko lang tong cup," aniya at tumungo sa stool kung saan naka-display ang mga inumin. Self-service at tanging siya na mism
________ HINDI napigilan ni Elise ang bahagyang pagkadismaya nang imulat niya ang kanyang mga mata. Minsan lang siyang magkaroon ng wet dreams tapos medyo bitin. Gusto niya sanang magtagal pa sa panaginip na iyon. Kaagad niyang hinanap ang kanyang cellphone. Nakpkap niya ito sa ilalim ng kanyang unan. Alas-syete na ng umaga. " Damn it!," she cursed under her breath. 7:30 ang unang klase niya at mayroon na lang siyang eksaktong 30 na minuto upang maghanda.Mabilis siyang nagtungo sa shower room, mabuti na lang at hindi pa peak hours. May bakante pang mga cubicle kaya hindi na niya kailangan pang pumila. Wala siyang inaksayang oras at kagaad na naligo. Pagkatapos ay nagtooth brush na din siya. Habang sinisiipat niya ang kanyang repleksyon sa salamin ay kaagad na nagtungo ang kanyang paningin sa kanyang leeg. Doon siya hinalikan ng lalaki sa kanyang panaginip at preskong presko pa sa kanyang isip ang ginawa nila kagabi. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ganoon n
__________ ALAS-OTSO na ng gabi sila nakabalik sa kanilang dormitoryo. Nang makababa si Elise ng an at agad silang sinalubong ni Agatha. Patakbo pa itong lumapit sa kanila. “ Ako na ang magdadala ng maleta mo, Elise,” anito saka inagaw sa kamay niya ang maleta. “Huwag na, Agatha. Kaya ko naman e…” “ Ay ano kaba? Maliit na bagay lang ‘to saka parang madidislocate na yang kamay mo e.” “ Huwag mong masyadong kulitin yan, Agatha. She had been through hell yesterday.” “ Bakit? Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong nito. Pilit namang iniiwasan ni Elise ang mga mata ni Agatha.Kilala niya ito paniguradong bobombahin siya nito ng mga tanong. Wala pa naman siya sa mood para sumagot. Ang tanging gusto niya lang sa mga oras na iyon ay matulog. “ Mamaya na natin pag-usapan ‘yan sa kwarto. Ipasok na muna natin ang gamit ko sa loob," pinandilatan niya si Francesca, sinenyasan siyang huwag magsalita ng anuman tungkol sa nangyari. Mukhang nakuha naman ni Francesca ang nais niyang ipahiwat
_________ SINIPAT ni Elise ang kanyang repleksyon sa malaking vanity mirror. Ang suot niyang dress ay medyo malaki sa kanyang pigura ngunit komportable siya sa mga ganoong kasuotan kaya ipinagsawalang bahala na lang niya iyon. Debut ng kaibigan ngayon niyang si Frances at inimbitahan nito ang buong klase nila na i-celebrate iyon sa isang sikat na private island resort. Inakupahan lang naman ng parents nito ang buong resort sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Wala silang babayaran dahil sagot din ng mga ito ang ammenities ng resort. Ito ang unang beses niyang dadalo sa ganoong engrandeng okasyon at medyo kinakabahan siya. Masquarade ball ang tema ng party at talaga namang pinaghandaan iyon ng lahat ng kanyang mga kaklase. Usap-usapn din ng mga ito ang okasyong iyong nitong mga nakalipas na araw. Syempre, excited ang lahat dahil engrande talaga iyon. Nagmula ang kasi si Frances sa mayaman at prominenteng pamilya. Nag-iisang anak lang din ito kaya hindi na nakakapagtaka kung ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments