Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

last updateHuling Na-update : 2022-08-28
By:   Delicate8  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
41Mga Kabanata
3.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng Mahal Na Birhen at ang korona nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa halip na ipakulong, inalok pa ng pari na tumira si Minggay sa kanila. Pumayag naman si Minggay dahil sawa na siya sa hirap. Pagod na siyang maging palaging gutom. Ngunit ang hindi niya alam, ito pala ay may malagim na kapalit.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Part 1 - Puno Ng Banaba

1998. Bayan ng Villapureza.Hawak ni Mama Linda ang notebook na naglalaman ng listahan ng mga pangalan. Katapat ng bawat pangalan ang presyong ibinayad ng mga ito para sa bawat gramo ng shabu na kanilang binili. Marami rito ang tig-isang daan, mayroon din tig-dalawang daan at pinakamataas na ang tatlong daan. Salubong ang kilay ni Mama Linda habang iniisa-isa niyang sumahin sa pamamagitan ng calculator ang kabuuhang kita nila para sa pagbebenta ng bawal na gamot. Umabot lang ito ng 1,900 pesos. Masyadong maliit kumpara sa dating arawang kita nila na umaabot ng siyete hanggang otso mil. Epekto kasi ito ng mas pinalakas na kampanya ng lokal na gobyerno kontra ilegal na droga. Ang karamihan sa regular na parokyano nila Mama Linda ay lumipat muna ng ibang bayan para magpalamig at magtago sa mga pulis."Minggay, anak, mag-iisang linggo na yatang ganito ang benta natin. Ano bang nangyayari? Si Estong ba nakatok mo na sa bahay niya? Hinahanapan ako nu'n noong isang araw pa kaso sabi ko ngayo...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Maehak Wahaki
halaka ang ganda ng kwento, napaka misteryoso nito.......kakaiba.....
2024-12-05 20:01:13
0
41 Kabanata
Part 1 - Puno Ng Banaba
1998. Bayan ng Villapureza.Hawak ni Mama Linda ang notebook na naglalaman ng listahan ng mga pangalan. Katapat ng bawat pangalan ang presyong ibinayad ng mga ito para sa bawat gramo ng shabu na kanilang binili. Marami rito ang tig-isang daan, mayroon din tig-dalawang daan at pinakamataas na ang tatlong daan. Salubong ang kilay ni Mama Linda habang iniisa-isa niyang sumahin sa pamamagitan ng calculator ang kabuuhang kita nila para sa pagbebenta ng bawal na gamot. Umabot lang ito ng 1,900 pesos. Masyadong maliit kumpara sa dating arawang kita nila na umaabot ng siyete hanggang otso mil. Epekto kasi ito ng mas pinalakas na kampanya ng lokal na gobyerno kontra ilegal na droga. Ang karamihan sa regular na parokyano nila Mama Linda ay lumipat muna ng ibang bayan para magpalamig at magtago sa mga pulis."Minggay, anak, mag-iisang linggo na yatang ganito ang benta natin. Ano bang nangyayari? Si Estong ba nakatok mo na sa bahay niya? Hinahanapan ako nu'n noong isang araw pa kaso sabi ko ngayo
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Part 2 - Ang Korona Ng Mahal Na Birhen
Maagang gumising si Minggay kinabukasan. Naghilamos muna siya at saka inangat ang panaklob na nakapatong sa ibabaw ng lamesa upang tingnan kung may pandesal ba sa ilalim nito o kahit na anong puwedeng gawing pang-almusal. Wala siyang nakita. Tulog pa ang mga kapatid niya at mukhang wala na naman silang makakain pagkagising kaya magtitiis na lang muna sila sa tig-isang takal ng kape. Kung tutuusin, bawal pa sa kanila ang ganoong inumin. Masyadong matapang ang kape para sa mga katulad nilang bubwit pa ang sikmura, pero mas maigi na raw iyon sabi ni Mama Linda. Mabuti na raw na kahit papa'no madampian man lang ng kahit kaunting init ang kanilang katawan sa umaga. Pagkalabas ng bahay, nakita niyang nakaupo ang Mama Linda niya sa pahabang bangko na nasa bakuran ng katapat na bahay. Sa tabi niya ang may-ari at nakatayo sa harap nila ang tatlo pang mga babae. Libangan na ng Mama Linda niya ang makipag-tsismisan tuwing umaga at hindi buo ang araw nito kapag hindi nakakasagap ng sariwang ba
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Part 3 - Golden Key Pendant
Hindi halos nakatulog si Minggay buong magdamag. Panay ang baling niya sa higaan. Natatakot ang puso niya pero sa isip niya, pagkakataon na ito para guminhawa ang buhay nilang lahat. Pagsapit ng alas-kuwatro ng madaling araw bumangon na rin siya at inihanda ang backpack na pagsisidlan niya ng korona ng Mahal Na Birhen. Pagkatapos, kumain na siya ng ininit na sopas na binili niya sa karinderya noong nagdaang gabi. Labis-labis ang kabog ng dibdib niya kahit walang iniinom na kape. Hindi lang kasi simpleng pagnanakaw ang gagawin niya. Hindi na rin siya nagpaalam sa mga kapatid at Mama Linda niya. Baka kasi mahirapan lang siyang umalis. Dumaan muna siya nang mabilisan kay Tangkad, ang kaibigan niyang puno para humingi ng proteksyon at gabay. Hindi niya alam kung bakit dito siya nanghihingi ng patnubay kaysa sa Diyos. Marahil ay mas dama niya kasi ang presensya at malasakit ng halaman. Ang punong iyon kasi ang natatangi niyang naging kanlungan."Tangkad, gabayan mo naman ako. Medyo delik
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Part 4 - Ikalawang Palapag
Hindi makakain nang maayos si Minggay. Bukod kasi sa nakatitig sa kanya si Father na para siyang organismong ino-obserbahan sa ilalim ng microscope, nasisilaw din siya sa kuwintas nito na may hugis susi na pendant. Bumabanda kasi ang liwanag ng araw dito papunta sa kanyang mata."Ay, sorry," nahihiyang sabi ng pari nang mapansin niyang panay ang kurap ni Minggay at saka niya ipinasok ang kuwintas sa loob ng kuwelyo.Father Antonio Komendador ang pakilala ng pari kay Minggay, pero Father Tonyo na lang daw ang itawag sa kanya. Siya ay isang 30 year old chinito na apat na taon ng naninilbihan sa simbahan at mahilig mag-jogging tuwing umaga o hapon. Maayos at pantay ang pagkaka-gel ng buhok ni Father Tonyo at ang mga ngipin nito, mukhang ikinula sa sobrang puti. Maraming babae ang nagkakagusto rito, pero nasa paglilingkod daw kay Hesus ang totoong misyon niya sa buhay."Ikaw, may pamilya ka pa ba? Saan ka nakatira? Teka, ilang taon ka na nga ulit?" Sunod-sunod ang tanong ni Father Tonyo h
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Part 5 - Mga Rebulto
Amoy baul ang mga damit na ibinigay kay Minggay. Hindi rin maiwasan dahil matagal nang nakatambak ang mga iyon sa bodega. Mga donasyon ng kung sino-sino para sa mga nasalanta ng bagyo at nasunugan na hindi na naipamahagi ng simbahan dahil kulang sila sa tao. Pero ayos pa rin ito sa kanya dahil siguradong mawawala din ang amoy ng mga ito kapag nalabhan na.Hanggang ngayon hindi pa rin makapagdesisyon si Minggay kung tama ba na manatili pa siya sa simbahan. May pamilya siya sa labas na malamang hinahanap na siya. Ang usapan nila ni Mama Linda, kukunin lang niya ang korona at pagkatapos sisibat na siya. Pero halos makalimutan niya ang buhay niya sa labas ng simbahan nang mabusog siya sa sobrang sarap ng tanghalian nila kanina. Lechong kawali na may dalawang sawsawan: gravy at toyomansi. Tapos sinigang na baboy ang sabaw niya na may panghimagas pang leche flan at puto. Siguro iyon ang unang beses na nabusog nang ganoon si Minggay sa tanang buhay niya.Ang higaan niya ngayon ay isang malam
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Part 6 - Almusal
Ito ang unang gabi ni Minggay sa Casa Del Los Benditos at unang beses niyang matutulog sa isang napakalambot na kama na may malambot at mabango ring mga unan. Dito hindi na rin niya kailangan mag-electric fan. Bubuksan lang niya ang mga bintana at siguradong dadaloy ang sariwang hangin galing sa hardin ng simbahan.Pagkaligo, isinuot ni Minggay ang isang pinaglumaang pajama na may disenyo ng mga oso at sorbetes. Medyo masikip ang pajama pero masaya si Minggay dahil para siyang bumalik sa pagkabata. Dati, kung anong suot niya sa buong araw, iyon na rin ang suot niya sa pagtulog. Wala kasi siya masyadong damit. Isa pa, mabuti na rin daw iyon para makakatipid sila ng tubig sa paglalaba sabi sa kanya ni Mama Linda."Hay, sana nandito kayo," sambit ni Minggay sa sarili. Nakatingin siya sa kisame at nakikita ang mukha ng mga kapatid niyang gutom na gutom. Dasal niya na sana huwag silang pabayaan ng nanay nila.Unti-unti, bumibigat na ang kanyang mga mata. Maya-maya pa, humikab siya at tuluy
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Part 7 - Dasal
Napahawak si Minggay sa pader paglabas niya ng bahay. Nagulat siya sa inasal ng pari. Nanginginig ang laman niya sa hiya at galit. Bakit ganoon na lang ang naging reaksyon sa kanya ni Father Eman? Hindi naman niya sinasadya na mabunggo ito. Para kasi kay Minggay, ang mga pari ang dapat na maging ehemplo ng kahinahunan at kabutihang asal. Malayong-malayo si Father Eman kay Father Tonyo na siyang kabaliktaran nito. Napabuntong-hininga na lang tuloy si Minggay at tinungo si Mary Beth at Lila sa simbahan gaya ng iniutos sa kanya."Oh, bakit ka nandito?" Tanong sa kanya ni Mary Beth na abalang nagtitistis sa mga tunaw na kandila sa altar."Eh, si Father Eman kasi. Nagalit sa akin," nahihiyang sagot ni Minggay. Kinuha niya ang isang basahan na nakalagay sa balde at nagsimulang punasan isa-isa ang mga santo."Bakit naman? Nagkita na pala kayo?" "Oo, nakilala ko na rin siya. Hindi kaagad maganda una naming pagkikita. Nabunggo ko kasi siya pero 'di ko naman sadya 'yun. Ilang beses na nga ako
last updateHuling Na-update : 2022-08-16
Magbasa pa
Part 8 - Picture Frame
Nakaupo sa magkabilang dulo ng lamesa sina Father Eman at Father Tonyo. Alas tres na ng madaling araw at nasa loob sila ng meeting room sa unang palapag. "Itigil mo na ang kahibangang ito, Father Tonyo. Sa malao't madali may makakadiskubre sa mga ginagawa natin at kapag nangyari 'yun katapusan na na nating lahat," mahinahon ang boses ni Father Eman. Sa harapan niya ang isang bote ng red wine na nangangalahati na ang laman. Nitong mga nagdaang mga buwan napapadalas ang kanyang pag-inom."Itigil ang alin, Father Eman? Ginagawa ko lang naman ang huling habilin sa atin ni Father Greg. Sa akin niya ipinagkatiwala ang misyon. Alam mo naman siguro ang mangyayari kung hindi ko pinagpatuloy ang sinabi niya. Matinding trahedya ang dadanasin ng mundo kung hindi natin susundin ang mga sinabi niya. Alam kong alam mo 'yan dahil kinausap ka rin niya bago siya mamatay." Hindi direktang nakatingin si Father Tonyo kay Father Eman habang nagsasalita. Abala kasi ito sa pagpirma ng mga liham na ipapadala
last updateHuling Na-update : 2022-08-16
Magbasa pa
Part 9 - Sanctuary
Apat na araw na ang lumipas at hindi pa rin nagpapakita sa kanila si Mr. Aragon, ang tutor nila Mary Beth, Lila at magiging tutor na rin ni Minggay. Pero tumawag ito kay Father Tonyo at sinabing hindi muna siya makakabiyahe dahil tinamaan siya ng trangkaso. Kaya naman naisipan na lang ng pari na isama si Lila at Minggay sa Sanctuary Of The Abandoned Elders para magpamahagi ng mga donasyon mula sa mga parokyano at maninimba. Si Mary Beth naman ay naiwan para maglinis ng mga altar sa simbahan.Umarkila sila Father Tonyo ng jeep. Medyo dagsa rin kasi ang mga donasyon nitong nakaraang tatlong buwan at hindi nila ito napamahagi noon dahil nga kapos sila sa tao. Lima sila sa loob ng jeep. Sa unahan, nakaupo sina Father Tonyo katabi si Manong Jerry na hardinero at ang driver. Sa likod naman, nakasiksik sina Minggay at Lila kasama ang mga sako-sakong lumang damit, unan, kumot at adult diapers. Papunta sila sa Isabela kung saan nakatayo ang sanktwaryo.Tatlong oras din ang iginugol nila sa biy
last updateHuling Na-update : 2022-08-16
Magbasa pa
Part 10 - Gulong
Maigi na lang at hindi nag black out sa buong sanctuary. Sumabog lang ang mga fluorescent lamps sa ceremony hall pero hindi nito naapektuhan ang daloy ng elektrisidad sa buong pasilidad. Lumipat sila sa isa pang bulwagan, pero mas maliit ito doon sa mas naunang pinagdausan nila ng programa."I'm so sorry. That will be the end of our presentation and program today," paliwanang ni Ate Mira sa mga matatanda at staff na mukhang nahimasmasan na. Ang grupo naman ni Father Tonyo, nasa isang sulok, nalilito pa rin sa kung ano ba talaga ang nangyari."I think, kailangan na natin magpaalam sa kanila." Kalmado si Father Tonyo sa kabila ng napunit na manggas nito dahil sa pagpupumiglas ng lolo na binuhat niya kanina.Kinausap ni Father Tonyo si Ate Mira at sila ay nagkamayan. Pinagmamasdan ni Minggay ang nagwalang lolo at nakita niya itong mistulang bata na nakatalungko sa ilalim ng lamesa. Wala itong bukambibig kundi, "Kinuha nila si Binoy. Kinuha nila si Binoy. Kinuha nila si Binoy." Pagsakay
last updateHuling Na-update : 2022-08-16
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status