author-banner
Delicate8
Delicate8
Author

Novels by Delicate8

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng Mahal Na Birhen at ang korona nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa halip na ipakulong, inalok pa ng pari na tumira si Minggay sa kanila. Pumayag naman si Minggay dahil sawa na siya sa hirap. Pagod na siyang maging palaging gutom. Ngunit ang hindi niya alam, ito pala ay may malagim na kapalit.
Read
Chapter: Part 40 - Bago
Pagkaraan ng isang buwan."Sir, puwede po ba makausap kayo sandali?" Hiling ni Minggay sa guro. Sampung minuto na ang nakakalipas nang matapos ang klase nila.Hinubad ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant at ipinakita iyon kay Mr. Aragon. "Naaalala niyo pa ba 'to? 'Di ba po ang ganda? Nakita niyo na po 'to, 'di ba? Tingnan niyo pong maigi. Ayan po. Titigan niyo po."Marahang idinuyan-duyan niya ang kuwintas. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Ang nakasabit na pendant na susi, kumikislap sa tuwing nasisinagan ng papalubog na araw mula sa bintana. "Bakit... Na... Sa'yo... 'Yan?"Nabitawan ni Mr. Aragon ang hawak na libro at unti-unting nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga tupi niya sa noo ay pumatag at ang mga mata ay tumigil sa pagkurap. "Ganyan nga po, Sir. I-relax niyo lang po ang katawan niyo. Masarap pong magpahinga paminsan-minsan. Nakakapagod po ang puro trabaho," udyok ni Minggay. Hini-hypnotize niya ang teacher matapos malaman mula kay Nana Con
Last Updated: 2022-08-28
Chapter: Part 39 - Ugat
Nilakad-takbo ni Minggay ang daan papunta kay Tangkad. Hindi na siya nagtakip ng mukha gaya ng ginagawa niya noon sa tuwing mapapadaan sa lugar nila. Wala na siyang pakialam kung may makakilala sa kanya. Una, dahil nasa ospital na rin naman si Mama Linda. At pangalawa, wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang kayang sabihin at gawin sa kanya ng ibang tao. Sa tindi nang pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw, wala na siyang panahon para isipin pa ang mga isyu nila sa kanya. O baka kaya rin naman malakas ang loob niya ay dahil sa enerhiyang dumadaloy sa kanya na nagmumula sa suot niyang kuwintas. Hindi niya eksaktong maipaliwanag kung anong klaseng enerhiya ito, pero nararamdaman niya ito sa kanyang sistema na para bang kaya niyang lumipad, bumuhat ng gusali o gumawa ng mga ilusyon. Sa madaling salita, parang wala siyang limitasyon sa mga kaya niyang gawin. Ito yata ang ibig sabihin ng salitang "fearless" na binabanggit sa kanya ni Mr. Aragon noon sa English class nila.Pagda
Last Updated: 2022-08-28
Chapter: Part 38 - Puno Ng Mangga Sa May Tore
Tinimbang ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant sa kanyang kamay. Medyo mabigat ang pendant, siguradong yari sa purong ginto. Ang mismong kuwintas, 'di kakikitaan ng kahit anong marka ng gasgas o pagkupas. Habang tumatagal sa pagtitig si Minggay sa alahas, mas lalo rin siyang naaakit dito. May nasasagap siyang daloy ng enerhiya mula rito na parang pinararamdam sa kanya na siya ay malakas, na siya ay makapangyarihan. Pero sa kabila nu'n, parang may hindi tama. Batid ni Minggay na huwad at galing sa masama ang kapangyarihang taglay ng kuwintas. Agad niya itong hinubad."Ayoko po. Hindi ko po kayang tanggapin ang maging tagapag-bantay," kinuha ni Minggay ang palad ni Nana Conrada. Inilagay niya roon ang kuwintas at saka ito isinara. "Aanhin ko ang kuwintas kung magiging kapalit naman po ang kaluluwa ko."Tumingin si Minggay sa rebulto ni Saint Serberus. "Hindi mo 'ko mabibili."Napabuntong-hininga si Nana Conrada. "Pero ineng, hindi mo naintindihan. Wala kang pagpipilian dito. H
Last Updated: 2022-08-26
Chapter: Part 37 - Gising Na
Isang magaspang at mamasa-masang bagay ang dumila sa buong katawan ni Minggay mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa. Hinihimod-himod na pala siya ng demonyong may tatlong ulo ng aso. Hindi siya makakilos dahil sa lapot at lagkit ng laway nito na ipinaligo sa kanya. "Huwag!"Isang panaginip.Napabangon siya nang 'di oras. Una niyang nakita si Nana Conrada na nakaupo malapit sa may pinto. Hinahalo-halo nito ang isang mangkok ng mainit na sopas."Mukhang gising ka na nga," bati ng matanda sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para magkalaman naman 'yang tiyan mo. Halos buong araw ka na kasing tulog."Nasa loob sila ng kanyang silid. Sa labas ng bintana, kulay kahel na ang langit at kaunting minuto pa tuluyan na itong kakainin ng dilim."Si Serberus..." Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Minggay sa braso at batok pagkabanggit niya sa pangalan na iyon. Napangiwi siya nang isandal ang likod sa headboard ng higaan."Siya ba? Nasa taas. Sa ipinagbabawal na silid." Inilagay ni Nana Connrada
Last Updated: 2022-08-26
Chapter: Part 36 - Usok
"Huwag kang susuko, Minggay!""Kaya mo 'yan!""Bumangon ka na, please.""Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito.""Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan.""Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala."Huwag kang magpatalo.""Lumaban ka, Minggay!"Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad. Ang totoo, ayaw niya pang mawala.Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa
Last Updated: 2022-08-26
Chapter: Part 35 - Mga Boses
Napakapit na parang talaba si Minggay sa binti ni Father Eman. Umiikot pa rin ang paligid niya, pero hindi na 'to kasing lala gaya kanina. Hindi na lumilihis ang paningin niya. 'Yun nga lang, katawan niya ang may problema. Lalong-lalo na ang balikat. Napalakas talaga yata ang hampas niya sa dingding. Sa palagay nga ni Minggay may nabali na siyang buto sa likod. Kaya kahit gustuhin man niyang manlaban, wala na halos siyang lakas na natitira."Father, 'wag po. Huwag po parang awa niyo na po," Nalunod na ng luha ang mukha ni Minggay. Hindi siya makatingin sa napakalaking impaktong nasa harapan nila. Sa sobrang laki, sinakop na nito ang kalahati ng silid. "Gusto ko pa pong mabuhay. Please po, Father. Wala po akong pagsasabihan nito. Gusto ko pa po makasama mga kapatid ko.""Anong sabi mo? May mga kapatid ka? Akala ko ulila ka na. Ang sabi kasi sa akin ni Father Tonyo mag-isa ka na lang daw sa buhay. So, nagsinungaling ka na naman sa amin, Minggay?" Kinakalas ni Father Eman ang mga braso n
Last Updated: 2022-08-25
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

Kapalit ng dalawang pari na bigla na lang nawala na parang bula, dumating sa Iglesia Catolica de Villapureza si Father Merlindo "Mer" Fabian na may sariling bagahe rin na dinadala. Lingid sa kanyang kaalaman, may mas malaking problema pa pala siyang kakaharapin sa kanyang pagbabalik mula Vaticano kabilang na doon ang batang babae na nagngangalang Minggay at ang mga lihim nito na pilit niyang itinatago.
Read
Chapter: Chapter 41
2023. DALAWAMPU'T LIMANG TAON ANG LUMIPAS. SA BAYAN NG DINGASIN.Nakasimangot na agad si Ernie habang nakasunod sa ina. Pa'no ba naman kasi antok pa siya kaka-cellphone nang patago hanggang alas-dos ng madaling araw. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya naaabot ang pangarap niyang maging pangalawa sa ranggo sa kinababaliwan niyang gaming app ngayon. Patungo sila sa simbahan ng Holy Servant of God kung saan si Ernie ang isa sa mga sakristan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Ang aga-aga! Lalo kung gugusutin 'yan. Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na 'yang cellphone na 'yan. Mahuli pa kitang nag-gaganyan sa gabi, ipapakain ko sa'yo 'yan. Sinasabi ko sa'yo, Ernie. Huwag mo akong subukan," dakdak ni Aling Milagros sa anak habang nilalakad nila ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Tinatahulan sila ng mga asong pagala-gala sa kalsada. Maging sila nabulabog yata sa ingay ng ale. "'Yung sutana mo na-plantsa mo ba? Ayusin mo nang bitbit at baka sumayad sa lupa. Diyos kong bata ka."
Last Updated: 2022-08-28
Chapter: Chapter 40
Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan."Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask."Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya."Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay."Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."W
Last Updated: 2022-08-28
Chapter: Chapter 39
Pagkahatid ni Father Mer kay Isabel sa hotel ay agad din naman siyang pumara muli ng tricycle papunta kina Minggay. Gusto niyang dalawin ito bago siya lumipad pa-Italya. Alam na niya ang papunta roon dahil noong isang linggo ay isinama siya ng dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. Naging maaliwalas naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid maliban na lang sa ina-inahan nila na si Mama Linda. Sinimangutan siya nito noong ipakilala niya ang sarili. Paliwanag ni Minggay ay intindihin na lang ang ina dahil malamang dinaramdam pa rin nito ang pagkamatay ng kalahati ng kanyang katawan bunga ng aksidente. Pero ang totoo, sa pakiwari ni Father Mer, hindi sa kapansanan niya may galit si Mama Linda kundi kay Minggay mismo. Sinisisi marahil nito ang anak kung bakit siya nagkagano'n.Umikot pa-short cut ang tricycle sakay si Father Mer kaya nadaanan nila ang simbahan ng Villapureza habang binabaybay ang daan. Naalala pa niya noong unang makita niya ito. Bagaman may mga am
Last Updated: 2022-08-28
Chapter: Chapter 38
Walang makita si Father Mer pagmulat niya ng mga mata. Napaliligiran siya ng kadiliman. Sinubukan niyang umupo at may kidlat ng kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Napakagat-labi siya sa sakit. Saka lang niya naalala na, oo nga, ginawa pala siyang alay kanina. Kinapa niya ang t-shirt at naramdaman ang mamamasa-masa pa ring dugo roon. Nakita niya pa nga itong umagos na parang ilog kanina bago siya humiga at mawalan ng malay. Ngayon ay wala na siyang mahawakang bakas ng sugat sa kanyang balat. Walang hiwa o butas subalit naroon pa rin ang hapdi. Buhay siya.Hindi makapaniwala si Father Mer na siya ay humihinga pa. Himala ba ito ng Birheng Maria? Pero ang sabi ng mahal na ina ay kailangan niyang mawala para maputol ang sumpa. Si Serberus!Kinuha niya ang lighter sa bulsa, sinindihan at lumiwanag nang bahagya ang silid. Itinapat nito ang liwanag sa kung saan nakatayo ang pedestal ng istatwa at ngayon nga ay wala na ito dito. Gumapang pa siya ng ilang metro at inilawan naman ang
Last Updated: 2022-08-26
Chapter: Chapter 37
Napatakip ng tenga si Father Mer at Minggay sa lakas ng dumadagundong na iyak ni Serberus hanggang sa napadapa na silang dalawa. Nagsimulang magkaroon ng mga bitak ang istatwa at ang mga piraso ng mga bitak ay nangagsihulog sa sahig. Unti-unti nang sumisilip ang tunay na anyo ng demonyo sa ilalim ng inukit na kahoy. Lumilitaw na ang makapal at maitim na balahibo at ang tatlong pares ng mga nanlilisik at mapupulang mga mata nito.Galit na galit ito dahil mukhang maisasakatuparan na ang propesiya ng Birheng Maria sa kanya. Alam na ng halimaw ang kanyang sasapitin. Malapit na siyang magapi at inihahanda nito ang sarili para sa huling pagtutuos. Hindi ito basta-basta magpapatalo.Samantala, hindi halos makagalaw sina Father Mer at Minggay. Sa tuwing sinusubukan ng pari na tumayo para kunin ang nakalutang na balaraw, pakiramdam ni Father Mer ay sasabog na ang kanyang ulo sa napakalakas na atungal ni Serberus. Pumapasok sa kanyang tenga ang ingay na iyon at tila pinaparalisa nito ang kanyan
Last Updated: 2022-08-26
Chapter: Chapter 36
"Minggay, naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" ulit na tanong ni Father Mer."Ah... opo, Father," parang sandaling nawala si Minggay sa dami ng kailangan niyang intindihin at iproseso. "Ang sabi ko si Ate Isabel nasa hotel ngayon, nasa Villapureza Inn. Puntahan mo doon kung sakaling..." hindi pa rin talaga masabi ni Father Mer ang totoo na malaki ang posibilidad na baka hindi na siya makakabalik. "...kung sakaling may mangyari sa akin. Kamo tulungan ka ng mga staff doon na tawagan ang pinsan namin sa Bulacan para sunduin si ate. 'Yung telephone number ng pinsan namin iniwan ko sa ibabaw ng lamesa doon. Tapos si Ulap... ano... kung gusto mo ipapaubaya ko na siya sa iyo. Sinabihan ko na 'yung guard ng hotel kanina na kukunin mo siya kung sakali - 'yan ay kung gusto mo lang naman. Pinaiwan ko kasi sa nanay niya si Ulap. Pero kung ayaw mo naman siguro maigi na rin na doon na lang sa kanila 'yung alaga ko. At least alam ko na maaalagaan siya."Nasa loob sila ng bakuran ng Casa Del Los
Last Updated: 2022-08-26
DMCA.com Protection Status