Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

last updateHuling Na-update : 2022-08-28
By:   Delicate8  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
41Mga Kabanata
2.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Kapalit ng dalawang pari na bigla na lang nawala na parang bula, dumating sa Iglesia Catolica de Villapureza si Father Merlindo "Mer" Fabian na may sariling bagahe rin na dinadala. Lingid sa kanyang kaalaman, may mas malaking problema pa pala siyang kakaharapin sa kanyang pagbabalik mula Vaticano kabilang na doon ang batang babae na nagngangalang Minggay at ang mga lihim nito na pilit niyang itinatago.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

Wala pang alas siyete ng umaga, nagising na lang sa ingay ng pukpok ng martilyo si Father Merlindo "Mer" Fabian. Nakahiga siya sa kanyang malaki at malambot na kama, ninanamnam ang bawat sandali, ang bawat tahimik na minutong natitira bago siya bumangon. Sa kisame, nakasabit ang nakakalula sa laki na chandelier. Masyadong magara ang inilaang kuwarto para sa kanya. Hindi siya sanay sa ganito kahit na pangkaraniwan na lang niya itong nakikita noon sa mga sinaunang simbahan at monasteryo sa Italya. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya ang mas simple. Umupo siya sa gilid ng kama at nag-alay ng maikling dasal ng pasasalamat kahit na ang totoo, pakiramdam niya ay wala siyang dapat ipagpasalamat. Bago kasi siya bumiyahe ng Pilipinas, na-diagnose siyang may anxiety disorder bunga ng depression. Kaya't madalas, kahit na mataas ang araw at masayang nagsisi-awitan ang mga ibon sa labas, hindi pa rin magawa ng mga ito na mapa-ngiti siya.Pagtayo, nag-uunahan na binati siya ng kanyang dalawang...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
41 Kabanata
Chapter 1
Wala pang alas siyete ng umaga, nagising na lang sa ingay ng pukpok ng martilyo si Father Merlindo "Mer" Fabian. Nakahiga siya sa kanyang malaki at malambot na kama, ninanamnam ang bawat sandali, ang bawat tahimik na minutong natitira bago siya bumangon. Sa kisame, nakasabit ang nakakalula sa laki na chandelier. Masyadong magara ang inilaang kuwarto para sa kanya. Hindi siya sanay sa ganito kahit na pangkaraniwan na lang niya itong nakikita noon sa mga sinaunang simbahan at monasteryo sa Italya. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya ang mas simple. Umupo siya sa gilid ng kama at nag-alay ng maikling dasal ng pasasalamat kahit na ang totoo, pakiramdam niya ay wala siyang dapat ipagpasalamat. Bago kasi siya bumiyahe ng Pilipinas, na-diagnose siyang may anxiety disorder bunga ng depression. Kaya't madalas, kahit na mataas ang araw at masayang nagsisi-awitan ang mga ibon sa labas, hindi pa rin magawa ng mga ito na mapa-ngiti siya.Pagtayo, nag-uunahan na binati siya ng kanyang dalawang
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Chapter 2
Napuno ng kuwentuhan ang pagsasalo-salo sa agahan nila Father Mer, Nana Conrada at Manong Jerry. Nagsimula ang huntahan nila mula sa mga personal nilang buhay hanggang kasaysayan ng simbahan at ang mga pari nito. Medyo hindi nga lang nagustuhan ni Father Mer ang tabas ng dila ni Manong Jerry dahil panay ang paninira nito kina Father Tonyo at Eman. Napaisip tuloy siya kung ganoon nga ba talaga ka-salbahe ang mga ito. Pero sa palagay ni Father Mer, mukhang hindi naman. Sa airport kasi, sinalubong siya ng Asosasyon Ng Mga Kababaihan ng Villapureza at Villadolid, isa sa mga grupong sinusuportahan noon ng dalawang pari, lalo na si Father Tonyo. Kasama rin nila si Mira, ang punong tagapamahala ng Sanctuary For The Abandoned Elders. Umaasa na gaya ni Father Tonyo, ipagpapatuloy din ni Mer ang pagsuporta sa kanyang organisasyon. Lahat sila, panay ang papuri sa mga pari.Paglabas pa lang niya ng sliding doors ng airport, binati nila siya sabay tanong kung alam ba niya kung saang lupalop nagta
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Chapter 3
Sa ikatlong palapag ng bahay, tuloy-tuloy lang ang inuman nila Nana Conrada at Manong Jerry kahit pasado alas onse na ng gabi. Sa gitna nila ang isang pabilog na lamesa kung saan nakapatong ang isang antigong candelabra na ninakaw pa ni Nana sa simbahan. Balak nila itong ipagbili sa isang antique collector sa Maynila. 'Pag nagkataon, puwede silang kumita ng kinse hanggang bente mil dito na paghahatian nilang dalawa."Kailan ka luluwas ng Maynila para makita na 'yan ng buyer, ha?" tanong ni Manong Jerry. Wala kay Nana ang atensyon niya habang nagsasalita. Sa halip, tinitignan niya ang mga tao at bahay sa ibaba ng terasa na para bang hari na pinagmamasdan ang kanyang nasasakupan."Hay naku. Bakit ako? Ikaw ang dapat lumuwas sa Maynila. Alam mo namang hahanapin ako nu'ng bagong dating na pari. Baka mahalata tayo nu'n 'pag nalaman niyang wala ako sa Casa." Nagbuhos pa ulit ng alak si Nana sa kanyang baso at nilagok lahat iyon nang tuloy-tuloy.Hindi na sapat kina Nana Conrada at Manong Je
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Chapter 4
Isang panibagong araw na naman. Isang panibagong pakikipaglaban. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya na tila may nakadagang truck sa kanyang mga binti't hita. Pero kailangang bumangon. Ito kasi ang araw na magdadaos si Father Mer ng misa sa Villapureza. Unang araw na makikilala niya ang kanyang mga parokyano.Tulad ng dati, umupo siya sa gilid ng kama at umusal ng isang maiksing dasal ng pasasalamat. Pinakain din niya sina Kape at Ulan at pagkatapos ay dumiretso na siya sa kubeta para maligo at magbawas. Tinagalan niya ang pagbababad sa ilalim ng shower. Dinadama niya ang bawat patak ng tubig sa kanyang balat dahil nararamdaman na naman niya ang maitim na ulap na papalapit sa kanyang dibdib. Unti-unti na namang namumuo ang pagkabalisa sa kanyang isip. Paano kung may aksidenteng mangyari? Paano kung masunog ang mantel sa altar? Paano kung matapon ang alak at ang ostiya sa sahig? Nakakahiya. Baka pagtawanan siya. Paano kung hindi siya tanggapin ng mga taga Villapureza bilang kanilang ba
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Chapter 5
"Ano bang nangyari sa'yo kanina? Bigla mo na lang nilayasan parishioners mo," tanong ni Ate Isabel. Nasa loob sila ng kuwarto ni Father Mer. Dumating na pala ito sa Villapureza galing Malolos apat na araw na ang nakararaan, pero hindi niya ito sinabi sa kapatid dahil balak niya sana itong surpresahin."I'm okay. Nahilo lang ako dahil hindi ako nakapag-almusal kanina." Pa-simpleng inaayos ni Father Mer ang mga kalat niya sa kuwarto. Ayaw kasi ng Ate Isabel niya ang burara."Are you sure? Puwede kitang samahan sa duktor para magpa-check up. Just tell me when para ma-set aside ko na iba kong schedule." Dinampot ng ate niya ang isang puting t-shirt na parang basahang nakasuksok sa isang sulok. "Ano 'to?""Ah, akin na Ate. I'm sorry." Hinablot ni Father Mer ang damit at saka inilagay sa hamper sa likod ng pinto ng banyo.Naglibot-libot pa si Isabel. Kuntento naman siya sa hitsura ng kuwarto. Malaki, marangya at bukod sa naka-kalat na t-shirt kanina, mukha namang nasa ayos. Hanggang sa may
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Chapter 6
"Good morning, Minggay. Magaling ka na ba?" bati ni Father Mer sa dalaga. Alas siyete 'y medya pa lang pero naabutan na niyang naglalampaso na ito ng sahig.Gumanti rin ito ng bati. "Good morning, Father. Medyo sumasakit pa rin po yung pilay ko, pero bumubuti na siya." Alam naman ni Father Mer na nagsisinungaling ang isang 'to sa kanya. May pilay bang kumakandirit? May benda pa rin ang paa ni Minggay pero kung oobserbahan, mukhang naigagalaw na niya ito nang maayos. Maayos na maayos na parang hindi naman talaga ito nabalian. Pero pinalampas na lang niya ito."Kanino 'yan?" Ang tinutukoy ng pari ay ang pulang bayong na nasa tabi ni Minggay. "Anong laman n'yan?""Wala pong laman. Pinakuha lang po ni Lola dahil lalagyan daw po ng mga pinamili niya mamaya. Uuwi siya sa kanila... Ummm sa amin mamaya. Pero babalik din daw po siya agad dito."Hindi napansin ni Father Mer ang pagkadulas ni Minggay. "Ah gano'n ba. Uuwi lang pala. Akala ko aalis na siya nang tuluyan. As in iiwan na niya rito.
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Chapter 7
"Gremlins, matagal pa ba kayo? Inaantok na kasi ako." Mag-a-alas nuwebe na ng gabi at sampung minuto nang palakad-lakad sina Kape at Ulan sa hardin pero hanggang ngayon hindi pa sila nakakapagbawas. Nakaupo siya sa bench at nakatingala sa langit. Walang kahit isang bituin siyang makita. Natabunan siguro ng mga ulap, baka uulan ngayong gabi.Hindi maalis sa isip ni Father Mer ang narinig na mga iyak at boses kanina sa may hagdan. 'Yung iba parang nagmamakaawa, humihingi ng saklolo. Galing ba 'yon sa second floor? Imposible naman yata. Walang tao roon. Napakadilim pati. Saka parang nasa malayo galing ang mga boses na kanyang narinig. Pero bakit niya naririnig kung totoong nasa malayo nga ito? Isa pa, bakit gano'n na lang ang inasta nila Kape at Ulan? Unang beses na nakita niyang ganoon ang mga alaga niya. Maaamo ang mga ito. Ni hindi mo nga maaasahang maging bantay sila ng bahay dahil siguradong kakaibiganin lang nila ang magnanakaw. Ano kaya kung akyatin niya ang ikalawang palapag? Wa
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa
Chapter 8
Sa loob ng tricycle, seryoso si Father Mer. Ni hindi man lang niya magantihan ng kahit maiksing ngiti ang driver na nakikipagbiruan sa kanya sa sasakyan. Nagpupuyos kasi siya sa galit. Paano ito nagawa ng dalawang matanda sa tahanan ng Diyos pa man din? Isang 'di katanggap-tanggap na krimen.Ibinayad ni Father Mer ang natitirang singkwenta pesos sa kanyang bulsa. Hindi na niya hinintay ang sukli. Basta nagmamadali siyang bumaba ng tricycle para makapasok na siya sa compound ng simbahan at magkulong na lang sa kanyang kuwarto buong araw sa sobrang inis. Pero napahinto siya sa may gate. Bakit bukas 'to? Sinarado niya 'yung gate bago umalis kanina, iyon ang pagkaka-alala niya. May narinig siya sa kanyang kaliwa. Parang mahinang iyak ng pinalong tuta. Nilingon niya iyon at nakita si Ulan ilang metro lang ang layo sa kanya. May inaamoy-amoy ito sa damuhan. Tinawag niya ang alaga pero hindi siya nito pinansin kaya siya na lang ang lumapit."Ulan, anong ginagawa mo dito sa labas? Nasa'n si.
last updateHuling Na-update : 2022-08-16
Magbasa pa
Chapter 9
Halos hindi na maidilat ni Father Mer ang mga mata sa sobrang mugto ng mga ito. Bumangon siya at muling napahiga dahil sa sakit ng kanyang ulo na para bang tinadyakan ito ng tatlong kabayo. Inabot niya ang isang baso ng tubig na nakapatong sa lamesitang katabi ng kama para basain ang nanunuyo niyang lalamunan. Pakiramdam niya ay naubos na ang lahat ng tubig sa kanyang katawan sa ilang oras na pag-iyak noong nagdaang gabi.Nakatingin siya sa kisame. Kumurap-kurap para alisin ang agiw ng antok at pagod. Kahit na bigat na bigat ang buo niyang katawan, pinilit pa rin niyang umupo sa gilid ng kanyang kama para magdasal ng pasasalamat para sa panibagong araw na ipinagkaloob sa kanya. Noong una ay puro pa siya papuri sa Diyos hanggang sa napalitan ito ng pagsusumbong sa kanya at pagmamaktol. Bakit ayaw mawala ng bigat ng kalooban niya? Ng sakit niya sa pag-iisip? Bakit ba siya tina-traydor ng mga taong itrinato at pinakitaan naman niya ng kabutihan? Bakit kailangan niyang kunin si Kape? Hind
last updateHuling Na-update : 2022-08-16
Magbasa pa
Chapter 10
Naalimpungatan si Father Mer sa mga tilaok ng mga manok. Hindi niya namalayan na bente minutos na pala siyang naiidlip. Nakasandal siya sa isang kubling bahagi ng malaking aparador na nakapuwesto malapit sa tinakpang hagdanan, inaabangan ang paglabas ng magnanakaw sa sikretong pinto.Naiinis siya sa sarili. Baka kanina pa nakalabas ang magnanakaw nang 'di niya namamalayan. O baka nakatakas na ito sa isa sa mga bintana sa taas. "Napakatanga mo naman, Mer. Ang tanga-tanga mo. Nakatakas na tuloy 'yun," pinagalitan niya ang sarili, pero hindi pa rin siya umaalis sa kanyang pinagtataguan. Umaasa na hindi totoo ang kanyang hinala.Hinawakan niya nang maigi ang floor mop na kinuha niya kanina sa may kusina. Gagamitin niya iyong panghambalos sa ulo ng kawatan. Sampung minuto pa ang lumipas at susuko na sana siya nang unti-unting bumukas ang sikretong pinto. Ang tunog ng langitngit nito ay lumikha ng ingay sa Casa Del Los Benditos.Dahang-dahang tumayo si Father Mer mula sa madilim na sulok n
last updateHuling Na-update : 2022-08-16
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status