Wala pang alas siyete ng umaga, nagising na lang sa ingay ng pukpok ng martilyo si Father Merlindo "Mer" Fabian. Nakahiga siya sa kanyang malaki at malambot na kama, ninanamnam ang bawat sandali, ang bawat tahimik na minutong natitira bago siya bumangon. Sa kisame, nakasabit ang nakakalula sa laki na chandelier. Masyadong magara ang inilaang kuwarto para sa kanya. Hindi siya sanay sa ganito kahit na pangkaraniwan na lang niya itong nakikita noon sa mga sinaunang simbahan at monasteryo sa Italya. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya ang mas simple. Umupo siya sa gilid ng kama at nag-alay ng maikling dasal ng pasasalamat kahit na ang totoo, pakiramdam niya ay wala siyang dapat ipagpasalamat. Bago kasi siya bumiyahe ng Pilipinas, na-diagnose siyang may anxiety disorder bunga ng depression. Kaya't madalas, kahit na mataas ang araw at masayang nagsisi-awitan ang mga ibon sa labas, hindi pa rin magawa ng mga ito na mapa-ngiti siya.Pagtayo, nag-uunahan na binati siya ng kanyang dalawang
Huling Na-update : 2022-08-04 Magbasa pa