Nanindig ang mga balahibo ni Father Mer habang isa-isa niyang binubuklat ang mga pahina ng napulot na diary. Ang detalyadong pagkakaguhit ng mga demonyo, ng mga kaluluwang sinusunog at pinahihirapan, ng impyerno, katulad na katulad ng mga nakita niya sa ikalawang palapag ng Casa Del Los Benditos. Malamang nasaksihan din ng may-ari ng diary ang nasa likod ng pintuan doon. Tama nga ang sinasabi ni Minggay na matagal na panahon nang naroon si Serberus at ang lagusan. At hinala ni Father Mer ay isa si Father Mauricio sa mga naging unang bantay nito.Inilipat pa niya ang mga pahina at lalo pa siyang nanggilalas. Ang mga nakaguhit na lumang itsura ng Casa Del Los Benditos sa iba't ibang anggulo, ang mga kagamitan at muwebles sa loob nito, ang dating disenyo at istilo, lahat maingat na iginuhit ng Padre Espejo sa makakapal na pahina ng kanyang notebook. Mayroon pa ngang fountain dati sa may hardin na ngayon ay wala na. At ang hagdanan paakyat sa ikalawang palapag, walang pinagbago. Kung ano
Read more