Napuno ng kuwentuhan ang pagsasalo-salo sa agahan nila Father Mer, Nana Conrada at Manong Jerry. Nagsimula ang huntahan nila mula sa mga personal nilang buhay hanggang kasaysayan ng simbahan at ang mga pari nito. Medyo hindi nga lang nagustuhan ni Father Mer ang tabas ng dila ni Manong Jerry dahil panay ang paninira nito kina Father Tonyo at Eman. Napaisip tuloy siya kung ganoon nga ba talaga ka-salbahe ang mga ito.
Pero sa palagay ni Father Mer, mukhang hindi naman. Sa airport kasi, sinalubong siya ng Asosasyon Ng Mga Kababaihan ng Villapureza at Villadolid, isa sa mga grupong sinusuportahan noon ng dalawang pari, lalo na si Father Tonyo. Kasama rin nila si Mira, ang punong tagapamahala ng Sanctuary For The Abandoned Elders. Umaasa na gaya ni Father Tonyo, ipagpapatuloy din ni Mer ang pagsuporta sa kanyang organisasyon. Lahat sila, panay ang papuri sa mga pari.Paglabas pa lang niya ng sliding doors ng airport, binati nila siya sabay tanong kung alam ba niya kung saang lupalop nagtanan ang dalawa. Miss na miss na raw nila si Father Tonyo at Eman at okay lang daw sa kanila na bakla ang mga ito at hinding-hindi nila ito ipagsasabi sa kahit na sino. Walang maisagot si Father Mer. Umiling na lang siya at sinabing ipagdasal na lang ang kaligayahan nila kung saan man sila naroroon ngayon. Kita niya ang lungkot sa mukha ng mga kababaihan noong sinabi niya iyon. Mahal nga nila si Father Tonyo at Eman."Ehem..." kunwari'y nasamid si Father Mer, pero ang totoo ay gusto lang niyang putulin ang walang katapusang dakdak ni Manong Jerry. Uminom siya ng tubig at siya naman ang nagsalita. "Kumusta na nga po pala 'yung apo niyo? Minggay po 'yung pangalan niya, 'di ba? Ano pong sabi ng doktor?""Ayos lang naman daw po, Father. May nabali lang siyang buto sa paa, pero nalagyan na rin ng benda. Hindi naman po malala. Pinagpahinga ko na lang muna. Pero bukas balik na siya sa paglilinis dito sa buong bahay. Sa ngayon, ako na lang po muna ang bahala," anang Nana Conrada."Bumalik na lang siya sa paglilinis kapag magaling na magaling na siya at baka kung ma-pa'no pa siya. Pagtulungan na lang natin linisin 'tong bahay." Tumayo na si Father Mer. "Nana, Manong Jer, ayos lang po ba na mauna na muna ako sa inyo? Pakainin ko lang mga alaga ko sandali. Nginangatngat kasi nila 'yung mga gamit ko kapag gutom.""Ayos lang po, Father. Sige po. Balik na rin ako sa trabaho ko d'yan sa hagdanan nang sa gayon eh matapos ko na rin mamaya bago magdilim." Humigop pa muna ng kape si Manong Jerry at nauna na siyang umalis samantalang si Nana naman ay inisa-isa nang iligpit ang kanilang pinagkainan.+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+"Ito na mga gremlins ko! Dahan-dahan lang ha. 'Wag kayong mag-agawan." Inilapag ni Father Mer ang food bowl na may umaapaw na dog food at agad namang itong sinunggaban ng mga aso.Naglagay din siya ng malinis na tubig sa inuman ng kanyang mga alaga at saka siya muling nahiga sa kanyang kama para tumitig sa kisame at sa chandelier na nakasabit. Dapat nga sana ay nagpapasalamat siya ngayon dahil sa napakalaki at mala-five star hotel na kuwartong inilaan sa kanya ng mga tao dito sa simbahan. Dapat sana nagpapagulong-gulong na siya ngayon sa kanyang kama. Dapat sana masaya siya, pero hindi. Ang bigat ng pakiramdam niya. Mas gusto pa niyang matulog na lang buong araw. Wala siyang gana. Hindi siya makaramdam ng motibasyong kumilos. Para sa kanya, mas maigi na magtago na lang siya sa mundo. Inaatake na naman siya ng depresyon.Hindi malinaw kay Father Mer kung saan nanggagaling ang sakit niya. Basta ang sabi lang sa kanya ng doktor sa Italy ay sari-sari ang puwedeng dahilan nito. Puwedeng dahil sa stress, chemical imbalance sa utak, panahon, namana mula sa isang kapamilya, sa mismong personality na ng tao o sa mga nagdaang trauma.Noong una, akala ni Father Mer na ang nakakadurog na lungkot na nararamdaman niya ay dahil lang sa panahon. Malamig kasi sa Europa madalas at mag-isa lang siya roon. Hindi kasi siya 'yung tipo na palakaibigan. Introvert kumbaga. Hindi rin nakatulong na wala siyang kapwa Pilipino na kasama niya sa Vatican. Hindi sila nagpapansinan masyado ng mga katulad niyang pari at seminarista dahil siguro sa kulay ng balat niya o baka na rin dahil sa magkakaiba sila ng lenguwaheng ginagamit.Pero nitong huli, mas nangibabaw kay Father Mer ang dahilang baka siya nagkaroon ng depression ay dahil sa tindi ng traumang inabot niya sa kamay ng madrasta. Noong bata pa kasi sila ng Ate Isabel niya, madalas na silang sinasaktan at ikinukulong sa aparador ng kanilang ina-inahan."Hay naku, Mer. Tigilan mo nga 'yan," awat niya sa sarili sabay tayo. Isa raw mabisang paraan para labanan ang depression ay maglibang at ituon ang isip sa ibang bagay. At dahil sa payong iyon, naalala niya bigla ang notebook na nakita niya sa may hagdanan kanina.Inilapag niya iyon sandali sa ibabaw ng kabinet at saka niya binalikan ang dalawang matanda sa kusina para sabayan sila mag-agahan.Kinuha niya ang notebook. Medyo magaspang ang cover nito. Gawa yata sa balat ng hayop. Hindi nga lang niya mawari kung anong klase. Sa pinakagitna, nakaukit ang pangalang, "Padre Mauricio Espejo". Sino kaya siya?Binuksan niya ang kuwaderno. Karamihan sa mga pahina ay nakasulat sa salitang Tagalog, minsan sa salitang Kastila. Pero ang ikinabahala ni Father Mer ay ang mga nakaguhit dito.May imahe ng nakabaligtad na krus, pentagram, mga tao na may ulo ng kambing, kabayo, usa, mga n*******d na babae na nakagapos at sinusunog ng buhay. Ang iba naman ay may nakatusok na palaso sa iba't ibang parte ng katawan. Mga lalaking tila humihingi ng saklolo habang nalulunod sa dagat ng apoy at masayang pinagmamasdan lang ng mga batang demonyo sa pampang. May mga sanggol na pinaghahati ang katawan na parang karneng baboy sa palengke.Binasa ni Father Mer ang ilan sa mga nakasulat subalit hindi niya maintindihan ang kahulugan ng mga ito."Sa araw at gabi, ako ay nananalangin na pawiin nawa ng maykapal ang aming takot.""Ang Villapureza ang simula.""Paano ba lulutasin itong napakalaking daluyong ng kawalang pag-asa?""Ang katapusan ay isang tubig na umaagos mula sa isang lagusan.""Isang madilim na ulap ang nakadapo ngayon sa aming bayan.""Ako ay dadalaw sa bayan para iwaksi ang aking mga pangamba at pag-aalala."Isinara niya ang notebook at tinignan ang likurang bahagi nito. Wala namang nakasulat na kahit ano."Satanista ba may-ari nito?" tanong ni Father Mer sa sarili.Maya-maya ay may narinig siyang boses galing sa labas. Si Minggay. Sinilip niya ito mula sa kanyang bintana. Nakita niya ang dalaga na masaya at palukso-luksong pumasok sa loob ng Casa kahit na may benda ito sa paa.Sa ikatlong palapag ng bahay, tuloy-tuloy lang ang inuman nila Nana Conrada at Manong Jerry kahit pasado alas onse na ng gabi. Sa gitna nila ang isang pabilog na lamesa kung saan nakapatong ang isang antigong candelabra na ninakaw pa ni Nana sa simbahan. Balak nila itong ipagbili sa isang antique collector sa Maynila. 'Pag nagkataon, puwede silang kumita ng kinse hanggang bente mil dito na paghahatian nilang dalawa."Kailan ka luluwas ng Maynila para makita na 'yan ng buyer, ha?" tanong ni Manong Jerry. Wala kay Nana ang atensyon niya habang nagsasalita. Sa halip, tinitignan niya ang mga tao at bahay sa ibaba ng terasa na para bang hari na pinagmamasdan ang kanyang nasasakupan."Hay naku. Bakit ako? Ikaw ang dapat lumuwas sa Maynila. Alam mo namang hahanapin ako nu'ng bagong dating na pari. Baka mahalata tayo nu'n 'pag nalaman niyang wala ako sa Casa." Nagbuhos pa ulit ng alak si Nana sa kanyang baso at nilagok lahat iyon nang tuloy-tuloy.Hindi na sapat kina Nana Conrada at Manong Je
Isang panibagong araw na naman. Isang panibagong pakikipaglaban. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya na tila may nakadagang truck sa kanyang mga binti't hita. Pero kailangang bumangon. Ito kasi ang araw na magdadaos si Father Mer ng misa sa Villapureza. Unang araw na makikilala niya ang kanyang mga parokyano.Tulad ng dati, umupo siya sa gilid ng kama at umusal ng isang maiksing dasal ng pasasalamat. Pinakain din niya sina Kape at Ulan at pagkatapos ay dumiretso na siya sa kubeta para maligo at magbawas. Tinagalan niya ang pagbababad sa ilalim ng shower. Dinadama niya ang bawat patak ng tubig sa kanyang balat dahil nararamdaman na naman niya ang maitim na ulap na papalapit sa kanyang dibdib. Unti-unti na namang namumuo ang pagkabalisa sa kanyang isip. Paano kung may aksidenteng mangyari? Paano kung masunog ang mantel sa altar? Paano kung matapon ang alak at ang ostiya sa sahig? Nakakahiya. Baka pagtawanan siya. Paano kung hindi siya tanggapin ng mga taga Villapureza bilang kanilang ba
"Ano bang nangyari sa'yo kanina? Bigla mo na lang nilayasan parishioners mo," tanong ni Ate Isabel. Nasa loob sila ng kuwarto ni Father Mer. Dumating na pala ito sa Villapureza galing Malolos apat na araw na ang nakararaan, pero hindi niya ito sinabi sa kapatid dahil balak niya sana itong surpresahin."I'm okay. Nahilo lang ako dahil hindi ako nakapag-almusal kanina." Pa-simpleng inaayos ni Father Mer ang mga kalat niya sa kuwarto. Ayaw kasi ng Ate Isabel niya ang burara."Are you sure? Puwede kitang samahan sa duktor para magpa-check up. Just tell me when para ma-set aside ko na iba kong schedule." Dinampot ng ate niya ang isang puting t-shirt na parang basahang nakasuksok sa isang sulok. "Ano 'to?""Ah, akin na Ate. I'm sorry." Hinablot ni Father Mer ang damit at saka inilagay sa hamper sa likod ng pinto ng banyo.Naglibot-libot pa si Isabel. Kuntento naman siya sa hitsura ng kuwarto. Malaki, marangya at bukod sa naka-kalat na t-shirt kanina, mukha namang nasa ayos. Hanggang sa may
"Good morning, Minggay. Magaling ka na ba?" bati ni Father Mer sa dalaga. Alas siyete 'y medya pa lang pero naabutan na niyang naglalampaso na ito ng sahig.Gumanti rin ito ng bati. "Good morning, Father. Medyo sumasakit pa rin po yung pilay ko, pero bumubuti na siya." Alam naman ni Father Mer na nagsisinungaling ang isang 'to sa kanya. May pilay bang kumakandirit? May benda pa rin ang paa ni Minggay pero kung oobserbahan, mukhang naigagalaw na niya ito nang maayos. Maayos na maayos na parang hindi naman talaga ito nabalian. Pero pinalampas na lang niya ito."Kanino 'yan?" Ang tinutukoy ng pari ay ang pulang bayong na nasa tabi ni Minggay. "Anong laman n'yan?""Wala pong laman. Pinakuha lang po ni Lola dahil lalagyan daw po ng mga pinamili niya mamaya. Uuwi siya sa kanila... Ummm sa amin mamaya. Pero babalik din daw po siya agad dito."Hindi napansin ni Father Mer ang pagkadulas ni Minggay. "Ah gano'n ba. Uuwi lang pala. Akala ko aalis na siya nang tuluyan. As in iiwan na niya rito.
"Gremlins, matagal pa ba kayo? Inaantok na kasi ako." Mag-a-alas nuwebe na ng gabi at sampung minuto nang palakad-lakad sina Kape at Ulan sa hardin pero hanggang ngayon hindi pa sila nakakapagbawas. Nakaupo siya sa bench at nakatingala sa langit. Walang kahit isang bituin siyang makita. Natabunan siguro ng mga ulap, baka uulan ngayong gabi.Hindi maalis sa isip ni Father Mer ang narinig na mga iyak at boses kanina sa may hagdan. 'Yung iba parang nagmamakaawa, humihingi ng saklolo. Galing ba 'yon sa second floor? Imposible naman yata. Walang tao roon. Napakadilim pati. Saka parang nasa malayo galing ang mga boses na kanyang narinig. Pero bakit niya naririnig kung totoong nasa malayo nga ito? Isa pa, bakit gano'n na lang ang inasta nila Kape at Ulan? Unang beses na nakita niyang ganoon ang mga alaga niya. Maaamo ang mga ito. Ni hindi mo nga maaasahang maging bantay sila ng bahay dahil siguradong kakaibiganin lang nila ang magnanakaw. Ano kaya kung akyatin niya ang ikalawang palapag? Wa
Sa loob ng tricycle, seryoso si Father Mer. Ni hindi man lang niya magantihan ng kahit maiksing ngiti ang driver na nakikipagbiruan sa kanya sa sasakyan. Nagpupuyos kasi siya sa galit. Paano ito nagawa ng dalawang matanda sa tahanan ng Diyos pa man din? Isang 'di katanggap-tanggap na krimen.Ibinayad ni Father Mer ang natitirang singkwenta pesos sa kanyang bulsa. Hindi na niya hinintay ang sukli. Basta nagmamadali siyang bumaba ng tricycle para makapasok na siya sa compound ng simbahan at magkulong na lang sa kanyang kuwarto buong araw sa sobrang inis. Pero napahinto siya sa may gate. Bakit bukas 'to? Sinarado niya 'yung gate bago umalis kanina, iyon ang pagkaka-alala niya. May narinig siya sa kanyang kaliwa. Parang mahinang iyak ng pinalong tuta. Nilingon niya iyon at nakita si Ulan ilang metro lang ang layo sa kanya. May inaamoy-amoy ito sa damuhan. Tinawag niya ang alaga pero hindi siya nito pinansin kaya siya na lang ang lumapit."Ulan, anong ginagawa mo dito sa labas? Nasa'n si.
Halos hindi na maidilat ni Father Mer ang mga mata sa sobrang mugto ng mga ito. Bumangon siya at muling napahiga dahil sa sakit ng kanyang ulo na para bang tinadyakan ito ng tatlong kabayo. Inabot niya ang isang baso ng tubig na nakapatong sa lamesitang katabi ng kama para basain ang nanunuyo niyang lalamunan. Pakiramdam niya ay naubos na ang lahat ng tubig sa kanyang katawan sa ilang oras na pag-iyak noong nagdaang gabi.Nakatingin siya sa kisame. Kumurap-kurap para alisin ang agiw ng antok at pagod. Kahit na bigat na bigat ang buo niyang katawan, pinilit pa rin niyang umupo sa gilid ng kanyang kama para magdasal ng pasasalamat para sa panibagong araw na ipinagkaloob sa kanya. Noong una ay puro pa siya papuri sa Diyos hanggang sa napalitan ito ng pagsusumbong sa kanya at pagmamaktol. Bakit ayaw mawala ng bigat ng kalooban niya? Ng sakit niya sa pag-iisip? Bakit ba siya tina-traydor ng mga taong itrinato at pinakitaan naman niya ng kabutihan? Bakit kailangan niyang kunin si Kape? Hind
Naalimpungatan si Father Mer sa mga tilaok ng mga manok. Hindi niya namalayan na bente minutos na pala siyang naiidlip. Nakasandal siya sa isang kubling bahagi ng malaking aparador na nakapuwesto malapit sa tinakpang hagdanan, inaabangan ang paglabas ng magnanakaw sa sikretong pinto.Naiinis siya sa sarili. Baka kanina pa nakalabas ang magnanakaw nang 'di niya namamalayan. O baka nakatakas na ito sa isa sa mga bintana sa taas. "Napakatanga mo naman, Mer. Ang tanga-tanga mo. Nakatakas na tuloy 'yun," pinagalitan niya ang sarili, pero hindi pa rin siya umaalis sa kanyang pinagtataguan. Umaasa na hindi totoo ang kanyang hinala.Hinawakan niya nang maigi ang floor mop na kinuha niya kanina sa may kusina. Gagamitin niya iyong panghambalos sa ulo ng kawatan. Sampung minuto pa ang lumipas at susuko na sana siya nang unti-unting bumukas ang sikretong pinto. Ang tunog ng langitngit nito ay lumikha ng ingay sa Casa Del Los Benditos.Dahang-dahang tumayo si Father Mer mula sa madilim na sulok n
2023. DALAWAMPU'T LIMANG TAON ANG LUMIPAS. SA BAYAN NG DINGASIN.Nakasimangot na agad si Ernie habang nakasunod sa ina. Pa'no ba naman kasi antok pa siya kaka-cellphone nang patago hanggang alas-dos ng madaling araw. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya naaabot ang pangarap niyang maging pangalawa sa ranggo sa kinababaliwan niyang gaming app ngayon. Patungo sila sa simbahan ng Holy Servant of God kung saan si Ernie ang isa sa mga sakristan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Ang aga-aga! Lalo kung gugusutin 'yan. Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na 'yang cellphone na 'yan. Mahuli pa kitang nag-gaganyan sa gabi, ipapakain ko sa'yo 'yan. Sinasabi ko sa'yo, Ernie. Huwag mo akong subukan," dakdak ni Aling Milagros sa anak habang nilalakad nila ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Tinatahulan sila ng mga asong pagala-gala sa kalsada. Maging sila nabulabog yata sa ingay ng ale. "'Yung sutana mo na-plantsa mo ba? Ayusin mo nang bitbit at baka sumayad sa lupa. Diyos kong bata ka."
Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan."Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask."Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya."Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay."Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."W
Pagkahatid ni Father Mer kay Isabel sa hotel ay agad din naman siyang pumara muli ng tricycle papunta kina Minggay. Gusto niyang dalawin ito bago siya lumipad pa-Italya. Alam na niya ang papunta roon dahil noong isang linggo ay isinama siya ng dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. Naging maaliwalas naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid maliban na lang sa ina-inahan nila na si Mama Linda. Sinimangutan siya nito noong ipakilala niya ang sarili. Paliwanag ni Minggay ay intindihin na lang ang ina dahil malamang dinaramdam pa rin nito ang pagkamatay ng kalahati ng kanyang katawan bunga ng aksidente. Pero ang totoo, sa pakiwari ni Father Mer, hindi sa kapansanan niya may galit si Mama Linda kundi kay Minggay mismo. Sinisisi marahil nito ang anak kung bakit siya nagkagano'n.Umikot pa-short cut ang tricycle sakay si Father Mer kaya nadaanan nila ang simbahan ng Villapureza habang binabaybay ang daan. Naalala pa niya noong unang makita niya ito. Bagaman may mga am
Walang makita si Father Mer pagmulat niya ng mga mata. Napaliligiran siya ng kadiliman. Sinubukan niyang umupo at may kidlat ng kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Napakagat-labi siya sa sakit. Saka lang niya naalala na, oo nga, ginawa pala siyang alay kanina. Kinapa niya ang t-shirt at naramdaman ang mamamasa-masa pa ring dugo roon. Nakita niya pa nga itong umagos na parang ilog kanina bago siya humiga at mawalan ng malay. Ngayon ay wala na siyang mahawakang bakas ng sugat sa kanyang balat. Walang hiwa o butas subalit naroon pa rin ang hapdi. Buhay siya.Hindi makapaniwala si Father Mer na siya ay humihinga pa. Himala ba ito ng Birheng Maria? Pero ang sabi ng mahal na ina ay kailangan niyang mawala para maputol ang sumpa. Si Serberus!Kinuha niya ang lighter sa bulsa, sinindihan at lumiwanag nang bahagya ang silid. Itinapat nito ang liwanag sa kung saan nakatayo ang pedestal ng istatwa at ngayon nga ay wala na ito dito. Gumapang pa siya ng ilang metro at inilawan naman ang
Napatakip ng tenga si Father Mer at Minggay sa lakas ng dumadagundong na iyak ni Serberus hanggang sa napadapa na silang dalawa. Nagsimulang magkaroon ng mga bitak ang istatwa at ang mga piraso ng mga bitak ay nangagsihulog sa sahig. Unti-unti nang sumisilip ang tunay na anyo ng demonyo sa ilalim ng inukit na kahoy. Lumilitaw na ang makapal at maitim na balahibo at ang tatlong pares ng mga nanlilisik at mapupulang mga mata nito.Galit na galit ito dahil mukhang maisasakatuparan na ang propesiya ng Birheng Maria sa kanya. Alam na ng halimaw ang kanyang sasapitin. Malapit na siyang magapi at inihahanda nito ang sarili para sa huling pagtutuos. Hindi ito basta-basta magpapatalo.Samantala, hindi halos makagalaw sina Father Mer at Minggay. Sa tuwing sinusubukan ng pari na tumayo para kunin ang nakalutang na balaraw, pakiramdam ni Father Mer ay sasabog na ang kanyang ulo sa napakalakas na atungal ni Serberus. Pumapasok sa kanyang tenga ang ingay na iyon at tila pinaparalisa nito ang kanyan
"Minggay, naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" ulit na tanong ni Father Mer."Ah... opo, Father," parang sandaling nawala si Minggay sa dami ng kailangan niyang intindihin at iproseso. "Ang sabi ko si Ate Isabel nasa hotel ngayon, nasa Villapureza Inn. Puntahan mo doon kung sakaling..." hindi pa rin talaga masabi ni Father Mer ang totoo na malaki ang posibilidad na baka hindi na siya makakabalik. "...kung sakaling may mangyari sa akin. Kamo tulungan ka ng mga staff doon na tawagan ang pinsan namin sa Bulacan para sunduin si ate. 'Yung telephone number ng pinsan namin iniwan ko sa ibabaw ng lamesa doon. Tapos si Ulap... ano... kung gusto mo ipapaubaya ko na siya sa iyo. Sinabihan ko na 'yung guard ng hotel kanina na kukunin mo siya kung sakali - 'yan ay kung gusto mo lang naman. Pinaiwan ko kasi sa nanay niya si Ulap. Pero kung ayaw mo naman siguro maigi na rin na doon na lang sa kanila 'yung alaga ko. At least alam ko na maaalagaan siya."Nasa loob sila ng bakuran ng Casa Del Los
Hindi na binati ni Father Mer ang kanyang parokyano pagkatapos niyang mag-misa. Lumabas siya sa gilid na pinto ng simbahan at hinanap niya si Minggay sa tulugan nila ni Nana Conrada sa likod ng Casa Del Los Benditos.Naabutan niya ang dalaga na nagsasampay ng mga nilabhang kurtina malapit sa poso kahit makulimlim ang langit. Tinawag niya sandali si Minggay para samahan siya."Sigurado ka bang wala ka ng ibang paraang alam para matalo si... 'yung... 'yung nasa itaas natin," halos pabulong na ang pagsasalita ni Father Mer. "'Di ba sabi mo kahapon na puwede kang humiling ng kahit ano sa kanya basta't mag-aalay ka lang ng dugo? 'Di ba naikuwento mo sa 'kin na nag-wish ka noon kay Serberus na sana huwag nang ituloy ng mama mo ang utos sa'yo na nakawin ang korona ng mahal na birhen. Tapos sabi mo kinabukasan bigla siyang nabundol ng tricyvle at ngayon ay paralisado na siya. E, 'di ibig sabihin tinupad nga ni Serberus ang wish mo. Hindi 'yung basta nagkataon lang. Ang gusto ko lang naman sab
Ensaymada at kape ang inalmusal ni Father Mer at ni Isabel pagkagising nila kinabukasan. Binili ni Mer ang mga iyon sa isang bakery na nakapuwesto sa ibaba ng hotel. Bago umakyat pabalik sa kanilang kuwarto, dinaanan ni Father Mer ang receptionist sa desk nito. Subalit bago na pala ang bantay na inabutan nila doon kahapon. Ang isang ito ay babae rin pero may katandaan na. Pinakiusapan ni Father Mer ang bagong receptionist kung maaaring paki-tingnan ang ate niya kung sakaling bumaba ito at umalis sa hotel. May misa kasi siya na kailangan gampanan sa simbahan at mamayang gabi pa ang tapos ng lahat ng tatlong seremonya na kailangan niyang tuparin para sa araw na iyon. Ipinangako naman ng pari na babalik-balikan naman niya ang ate sa hotel para silipin ito. Nagtanong ang receptionist kung may problema ba si Isabel na kakilala rin niya dahil madalas din niya itong batiin kahit na hindi naman siya pinapansin nito. Sinabihan daw kasi siya ng ka-relyebo niya na nakita niya raw itong nakatapis
Nanindig ang mga balahibo ni Father Mer habang isa-isa niyang binubuklat ang mga pahina ng napulot na diary. Ang detalyadong pagkakaguhit ng mga demonyo, ng mga kaluluwang sinusunog at pinahihirapan, ng impyerno, katulad na katulad ng mga nakita niya sa ikalawang palapag ng Casa Del Los Benditos. Malamang nasaksihan din ng may-ari ng diary ang nasa likod ng pintuan doon. Tama nga ang sinasabi ni Minggay na matagal na panahon nang naroon si Serberus at ang lagusan. At hinala ni Father Mer ay isa si Father Mauricio sa mga naging unang bantay nito.Inilipat pa niya ang mga pahina at lalo pa siyang nanggilalas. Ang mga nakaguhit na lumang itsura ng Casa Del Los Benditos sa iba't ibang anggulo, ang mga kagamitan at muwebles sa loob nito, ang dating disenyo at istilo, lahat maingat na iginuhit ng Padre Espejo sa makakapal na pahina ng kanyang notebook. Mayroon pa ngang fountain dati sa may hardin na ngayon ay wala na. At ang hagdanan paakyat sa ikalawang palapag, walang pinagbago. Kung ano