Share

Part 7 - Dasal

Author: Delicate8
last update Huling Na-update: 2022-08-16 08:30:07

Napahawak si Minggay sa pader paglabas niya ng bahay. Nagulat siya sa inasal ng pari. Nanginginig ang laman niya sa hiya at galit. Bakit ganoon na lang ang naging reaksyon sa kanya ni Father Eman? Hindi naman niya sinasadya na mabunggo ito. Para kasi kay Minggay, ang mga pari ang dapat na maging ehemplo ng kahinahunan at kabutihang asal. Malayong-malayo si Father Eman kay Father Tonyo na siyang kabaliktaran nito. Napabuntong-hininga na lang tuloy si Minggay at tinungo si Mary Beth at Lila sa simbahan gaya ng iniutos sa kanya.

"Oh, bakit ka nandito?" Tanong sa kanya ni Mary Beth na abalang nagtitistis sa mga tunaw na kandila sa altar.

"Eh, si Father Eman kasi. Nagalit sa akin," nahihiyang sagot ni Minggay. Kinuha niya ang isang basahan na  nakalagay sa balde at nagsimulang punasan isa-isa ang mga santo.

"Bakit naman? Nagkita na pala kayo?"

"Oo, nakilala ko na rin siya. Hindi kaagad maganda una naming pagkikita. Nabunggo ko kasi siya pero 'di ko naman sadya 'yun. Ilang beses na nga akong nag-sorry." Hindi maintindihan ni Minggay kung matatawa ba siya o maiinis sa nangyari. Dati rati naman kasi wala siyang pakialam kung may magalit sa kanya dahil wala rin naman siyang pakialam sa buhay ng iba. Gawin nila ang gusto nila at gagawin niya ang gusto niya. Ang mahalaga lang sa kanya ang maka-diskarte sa pang araw-araw ng kanyang pamilya. Pero dito, kailangan niyang makisama at ayaw niyang makasagasa lalo na't nagugustuhan na niya ang buhay sa loob ng simbahan. Mahirap ang magkaroon ng hindi mo kasundo.

Lumapit sa kanila si Lila na nakikinig pala sa kanilang usapan. "Ah, hayaan mo na 'yun si Father Eman. Ganoon din naman sa amin 'yun ni ate Mary Beth. Noong unang dating ko dito lagi rin niya akong pinapagalitan. Kaya nga hindi na ako masyado lumalapit sa kanya. Siguro gano'n lang talaga siya."

"Hay naku, hindi na bago sa amin 'yan. Masungit talaga siya, 'di katulad ni Father Tonyo na pogi na, mabait pa," natatawang dagdag ni Mary Beth. Nagtawanan silang tatlo. Saka lang sila tumigil noong bigyan sila ng mga kakatwang tingin ng mga parokyanong nagsisipagdatingan na para magsimba.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-

"Balita ko nagkita na raw kayo ni Father Eman kanina." Naghihiwa ng manok si Nana Conrada na hapunan nila sa kusina. Napansin nitong kanina pa walang imik si Minggay sa lamesa na para bang nagbibilang lang ito ng mga dahon ng malunggay na nakalagay sa mangkok.

"Opo, Nana kaso nakagalitan kaagad ako." Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ni Minggay ang engkwentrong iyon.

"Alam mo intindihin mo na lang. Marami lang sigurong iniisip. Isa pa, pari iyon at mas nakatatanda sa'yo kaya kailangan mong igalang," mahinahong pangaral ng kasambahay. Ibinuhos na niya ang malunggay sa kaldero.

"Noon po bang bago pa lang kayo rito, ganyan na po ba siya? Kasi po sabi sa akin ni Mary Beth at Lila masungit na talaga si Father Eman sa kanila kahit noon pa."

Tinakpan ni Nana Conrada ang kaldero at tumabi ito sa kanya. Hininaan nito ang boses. "Nandito na ako dati pa. Ako ang mas nauna sa kanya dito sa Casa Del Los Benditos. Pero ha, 'wag mong ipagkakalat kahit kanino. Atin-atin lang. 'Yan kasing si Father Eman may dinadalang sakit sa puso."

Nanlaki mga mata ni Minggay. "Sakit? Mamamatay na po ba siya?"

"Naku pong bata ka," natapik ni Nana Conrada si Minggay sa braso. "Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin may dinadala siyang sakit ng kalooban."

Napakunot ng noo si Minggay.

"Alam mo kasi may nakapagsabi sa akin na 'yang si Father Eman ay may asawa't anak dati bago siya naging pari. Bata lang daw 'yan noong mag-asawa siya," luminga-linga si Nana Conrada para masigurong walang nakikinig sa kanila. "Tapos, isang gabi, nilooban ng mga magnanakaw ang bahay nila. Nanlaban 'yung misis niya sa magnanakaw kaya nabaril siya, damay pati anak nila. Wala si Father Eman noong mga sandaling iyon sa bahay nila. Hanggang ngayon 'di pa rin nahuhuli ang mga suspek. Sa sama ng loob siguro, ayun, nag-pari na lang at iginugol ang sarili sa pagdarasal at paglilingkod sa Diyos. Kaya ikaw ineng, ikaw na magpakumbaba kung sakaling pagalitan ka niya, ha. Pagpasensyahan mo palagi. Oh sige na at maglilinis pa ako dito. Pumasok ka na sa kuwarto mo't tatawagin ko na lang kayo kapag ako'y maghahain na."

Nakaramdam ng awa si Minggay sa narinig na kuwento tungkol kay Father Eman. Alam niya rin kasi kahit papaano ang pakiramdam ng mawalan. Masuwerte pa nga ang pari dahil nakasama niya pa kahit sa maiksing panahon ang asawa't anak niya samantalang siya ni hindi niya man lang maalala mukha ng mga magulang niya. Parang nilamon na rin ng dagat lahat ng alaala ni Minggay sa kanila.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-

Sumapit ang alas-siyete ng gabi at tinawag na sila isa-isa ni Nana Conrada para mag-hapunan. Maaliwalas ang mukha ng lahat sa hapag kainan maliban na lang kay Father Eman. Masasarap na ulam at umuusok na kanin ang nakalatag sa kanilang harapan, pero parang balewala lang iyon sa pari. Ito ang unang beses na sinamahan sila ni Father Eman kumain simula noong dumating si Minggay sa Casa Del Los Benditos.

"Lila, pangunahan mo ang dasal natin bago kumain," biglang nagsalita si Father Eman. "Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu santo..."

"Amen," si Lila na ang nagtuloy. Napaupo ito nang diretso. "Dios es grande. Dios es bueno. Y por eso todos los dí... di...as. ummmmm.. Le agra... agra... de.. dios?" Nakalimutan ni Lila ang susunod na salita.

"Agradecemos..." udyok sa kanya ni Father Tonyo. Napangiti si Lila sa tulong.

"Agradecemos por nuestra comida. Su...su... mano nos ...ano nga ulit kasunod nu'n?" Napakamot ulo si Lila.

Sasaklolohan sana ulit siya ni Father Tonyo, pero sumabat bigla si Father Eman. "Dalawang buwan ka na dito, 'di ba? Hanggang ngayon hindi mo pa rin makabisado ang dasal. Mahina ba kokote mo o matigas lang ang bungo mo?"

"Father Eman!" Awat ni Father Tonyo. "Mga bata lang 'yan. Kaunting hinahon."

"Mabuti na habang bata pa natuturuan na ng disiplina. Kung ang simpleng pagkabisa ng dasal hindi nila magawa, pa'no sila mabubuhay sa labas? Hindi ba tama ako, Lila?"

Mangiyak-ngiyak na si Lila, pero tumango lang ito. "Sorry po, Father. Hindi po kasi ako marunong ng Kastila."

"Kastila man 'yan, English, Tagalog, Bisaya o Japanese kailangan mong pag-aralang matutunan kung ano ang itinuturo sa'yo," may pagtitimpi sa boses ng pari. Parang gusto niyang sigawan si Lila pero pinigilan niya ang sarili sa huli dahil nasa harap nila si Father Tonyo.

"Mauna na ako. Nawalan na ako ng ganang kumain." Tumayo si Father Eman at umakyat na ito sa kanyang kuwarto. Nang marinig na nila na nagsara ito ng pinto, sumunod na umalis naman si Lila at umiiyak itong tumakbo para magkulong sa kanyang silid. Ni hindi man lang ito nakahigop ng sabaw. Paborito pa naman niya ang tinolang niluto ni Nana Conrada.

"Okay lang 'yan. Pagpasensyahan niyo na si Father Eman. Hayaan niyo't hahatiran ko na lang din ng pagkain si Lila mamaya. Tara, kain na tayo." Iniabot ni Father Tonyo ang malaking bowl ng kanin kay Mary Beth para makakuha ito at ipinasa naman ni Mary Beth ang bowl kay Minggay. Nagkanya-kanya na sila ng kuha ng ulam pagkatapos at pinalipas na nila ang hapunan nang hindi nag-uusap.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 8 - Picture Frame

    Nakaupo sa magkabilang dulo ng lamesa sina Father Eman at Father Tonyo. Alas tres na ng madaling araw at nasa loob sila ng meeting room sa unang palapag. "Itigil mo na ang kahibangang ito, Father Tonyo. Sa malao't madali may makakadiskubre sa mga ginagawa natin at kapag nangyari 'yun katapusan na na nating lahat," mahinahon ang boses ni Father Eman. Sa harapan niya ang isang bote ng red wine na nangangalahati na ang laman. Nitong mga nagdaang mga buwan napapadalas ang kanyang pag-inom."Itigil ang alin, Father Eman? Ginagawa ko lang naman ang huling habilin sa atin ni Father Greg. Sa akin niya ipinagkatiwala ang misyon. Alam mo naman siguro ang mangyayari kung hindi ko pinagpatuloy ang sinabi niya. Matinding trahedya ang dadanasin ng mundo kung hindi natin susundin ang mga sinabi niya. Alam kong alam mo 'yan dahil kinausap ka rin niya bago siya mamatay." Hindi direktang nakatingin si Father Tonyo kay Father Eman habang nagsasalita. Abala kasi ito sa pagpirma ng mga liham na ipapadala

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 9 - Sanctuary

    Apat na araw na ang lumipas at hindi pa rin nagpapakita sa kanila si Mr. Aragon, ang tutor nila Mary Beth, Lila at magiging tutor na rin ni Minggay. Pero tumawag ito kay Father Tonyo at sinabing hindi muna siya makakabiyahe dahil tinamaan siya ng trangkaso. Kaya naman naisipan na lang ng pari na isama si Lila at Minggay sa Sanctuary Of The Abandoned Elders para magpamahagi ng mga donasyon mula sa mga parokyano at maninimba. Si Mary Beth naman ay naiwan para maglinis ng mga altar sa simbahan.Umarkila sila Father Tonyo ng jeep. Medyo dagsa rin kasi ang mga donasyon nitong nakaraang tatlong buwan at hindi nila ito napamahagi noon dahil nga kapos sila sa tao. Lima sila sa loob ng jeep. Sa unahan, nakaupo sina Father Tonyo katabi si Manong Jerry na hardinero at ang driver. Sa likod naman, nakasiksik sina Minggay at Lila kasama ang mga sako-sakong lumang damit, unan, kumot at adult diapers. Papunta sila sa Isabela kung saan nakatayo ang sanktwaryo.Tatlong oras din ang iginugol nila sa biy

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 10 - Gulong

    Maigi na lang at hindi nag black out sa buong sanctuary. Sumabog lang ang mga fluorescent lamps sa ceremony hall pero hindi nito naapektuhan ang daloy ng elektrisidad sa buong pasilidad. Lumipat sila sa isa pang bulwagan, pero mas maliit ito doon sa mas naunang pinagdausan nila ng programa."I'm so sorry. That will be the end of our presentation and program today," paliwanang ni Ate Mira sa mga matatanda at staff na mukhang nahimasmasan na. Ang grupo naman ni Father Tonyo, nasa isang sulok, nalilito pa rin sa kung ano ba talaga ang nangyari."I think, kailangan na natin magpaalam sa kanila." Kalmado si Father Tonyo sa kabila ng napunit na manggas nito dahil sa pagpupumiglas ng lolo na binuhat niya kanina.Kinausap ni Father Tonyo si Ate Mira at sila ay nagkamayan. Pinagmamasdan ni Minggay ang nagwalang lolo at nakita niya itong mistulang bata na nakatalungko sa ilalim ng lamesa. Wala itong bukambibig kundi, "Kinuha nila si Binoy. Kinuha nila si Binoy. Kinuha nila si Binoy." Pagsakay

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 11 - Ilaw

    Imbes na uminom ng malamig na tubig, dumiretso agad si Minggay sa kuwarto niya at doon humagulgol. Siya na yata ang pinakamasamang tao sa mundo. Itinatwa niya ang itinuturing niyang pamilya na kasa-kasama na niya sa simula pa lang. Hindi niya makakalimutan ang kawawang mukha ni Caloy habang naglalakad ito papalayo sa grupo nila. Bigla niyang naisip na ano kaya kung magtapat na lang siya kay Father Tonyo at sabihin na lang niya ang lahat sa kanya? Na mayroon siyang maliliit na mga kapatid na nanlilimos araw-araw sa plaza. Na inutusan lang siya ng Mama Linda nila para magnakaw at may ipang-buhay sa kanila. Hindi puwede. Paano kung ipakulong si Mama Linda, magkakawatak-watak silang magkakapatid. Siguradong ikakalat sila sa kung saan-saan. Kinatok siya ni Nana Conrada at tinanong kung gusto pa raw ba niyang kumain dahil may niluto siyang mechado at maruya. Pinagbuksan naman siya ni Minggay at sinabing hindi na siya magha-hapunan dahil busog na siya sa kinain niyang mga fast food sa Sanc

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 12 - Panyo

    Dahil nga hindi basta-basta puwedeng umakyat sa second floor, mas pinili na lang puntahan nila Minggay at Lila si Nana Conrada sa kanyang tulugan sa likod-bahay. Ikinuwento nila sa matanda ang tungkol sa pagkawala ni Mary Beth. Tuluyan na nilang nakalimutan ang tungkol sa taong naka-suot ng pang-pari na pumapasok sa kanilang kuwarto."Hinanap niyo na ba sa paligid? Baka nariyan lang 'yun. Sa kasilyas sinilip niyo na ba?" Tanong ng pupungas-pungas pang kasambahay."Opo, Nana. Nilibot na namin kuwarto niya pati buong bahay puwera na lang second floor kasi nga bawal kami umakyat doon. Pero Nana, hinanap na namin siya sa buong bahay saka sa paligid sa labas, pero wala pa rin siya," alalang sabi ni Lila na may hawak-hawak pang flashlight."Sige na't aakyatin ko sa taas sina Father Tonyo. Kami na mag-uusap. Pumasok na kayo sa mga kuwarto niyo." Kinuha sandali ng matanda ang balabal at pumasok ito sa loob ng Casa Del Los Benditos.Inihatid pa siya ng dalawa sa may hagdan. "Balitaan mo kami,

    Huling Na-update : 2022-08-16
  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Special Chapter

    August 1996"May sasabihin ako sa'yo," bungad ni Father Greg kay Nana Conrada. Nakaupo sila sa pahabang bangko sa bakuran ng simbahan. Ang langit nagkukulay abo na. Pahiwatig na malapit ng umulan."Ano 'yun Father?" Ipinunas ni Nana Conrada ang mga basang kamay sa suot na apron. Hindi pa niya tapos ang paghuhugas ng pinggan nang ipatawag siya ni Father Greg."Kailangan ko tulong mo," hininaan ni Father Greg ang boses."Tulong saan, Father?"Hindi muna direktang sinagot ng pari ang tanong ng kasambahay. "Ilang taon ka nga ulit dito, Nana?""Magda-dalawang taon na, Father. Sa December. Naabutan ko pa noon si Father Joseph, Father Isagani tapos ikaw na," sagot ni Nana Conrada.Ipinasa lang si Nana Conrada ng isang kamag-anak kay Father Joseph noong nabubuhay pa ito. Magma-migrate na kasi pa-Canada ang naunang mga amo ni Nana Conrada at sa kasamaang palad hindi siya makakasama sa paglipat. Masakit kay Nana ang nangyari dahil napalapit na nang husto ang kalooban niya sa mga anak ng dating

    Huling Na-update : 2022-08-18
  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 13 - Floor Wax

    Nagpakita na rin si Mr. Aragon, ang tutor, pagkatapos ng halos isang linggong pagliban nito dala ng trangkaso. Medyo numipis ang mukha nito at lumuwang ang suot nitong t-shirt. Napansin pa ni Lila na lumungkot din ang mga mata ng guro nang ipaalam sa kanya ang biglaang paglisan ni Mary Beth."Well, nakakalungkot. Matalinong bata pa naman si Mary Beth. Pero sana maipagpatuloy pa rin niya pag-aaral sa Maynila," ika ni Mr. Aragon habang nagbubuklat ng libro. Tinignan nito ang bago niyang estudyante. "Ikaw ba si Minggay? 'Yung bago nating kasama dito sabi ni Father Tonyo.""Opo. Melanie po tunay kong pangalan," sagot naman ni Minggay."Nice to meet you, Melanie or mas gusto mo Minggay na lang ang itawag ko sa'yo?" "Minggay na lang po. Doon po ako mas sanay." Nakangiti si Minggay dahil mukhang mabait naman pala si Mr. Aragon."All right then. Well, gusto ko sanang makipag-kuwentuhan pa kaya lang medyo behind na tayo sa mga lessons. Start muna tayo sa Philippine History. Please open your b

    Huling Na-update : 2022-08-18
  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 14 - Asupre

    Sinusundan ng tingin ni Mr. Aragon ang bawat hakbang ni Father Tonyo. Hindi niya maitago ang kanyang kaba. Ga-munggo ang pawis niya sa noo dahil alam niya ang rason kung bakit siya nasa loob ng silid ng pari.Huminto si Father Tonyo sa bintana at tinanaw sina Minggay at Lila na nagwawalis sa bakuran. "Kumusta, Mr. Aragon?""M-ma-mabuti na..man po, Father," uutal-utal si Mr. Aragon."Kumusta pakiramdam mo? Wala ka na ba talagang trangkaso?" Sa isang saglit tila nakaramdam si Mr. Aragon ng simpatya mula sa pari. Pero hindi siya maaaring magkamali. Isa itong lobong nakabihis sa balat ng tupa. "Magaling na ako, Father. Wala na akong lagnat saka ubo.""Buti naman. Maawain talaga ang Diyos na lumikha sa lahat ng sumasamba at nananalig sa kanya." Humarap si Father Tonyo sa kanya. Nasilaw bigla si Mr. Aragon sa pulseras, relo at kuwintas ng pari pagtama ng sikat ng papalubog na araw sa mga ito. "Hindi ba, tama ako?""T-tama ka po, Father," hindi maidilat nang maayos ni Mr. Aragon ang mga mat

    Huling Na-update : 2022-08-18

Pinakabagong kabanata

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 40 - Bago

    Pagkaraan ng isang buwan."Sir, puwede po ba makausap kayo sandali?" Hiling ni Minggay sa guro. Sampung minuto na ang nakakalipas nang matapos ang klase nila.Hinubad ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant at ipinakita iyon kay Mr. Aragon. "Naaalala niyo pa ba 'to? 'Di ba po ang ganda? Nakita niyo na po 'to, 'di ba? Tingnan niyo pong maigi. Ayan po. Titigan niyo po."Marahang idinuyan-duyan niya ang kuwintas. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Ang nakasabit na pendant na susi, kumikislap sa tuwing nasisinagan ng papalubog na araw mula sa bintana. "Bakit... Na... Sa'yo... 'Yan?"Nabitawan ni Mr. Aragon ang hawak na libro at unti-unting nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga tupi niya sa noo ay pumatag at ang mga mata ay tumigil sa pagkurap. "Ganyan nga po, Sir. I-relax niyo lang po ang katawan niyo. Masarap pong magpahinga paminsan-minsan. Nakakapagod po ang puro trabaho," udyok ni Minggay. Hini-hypnotize niya ang teacher matapos malaman mula kay Nana Con

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 39 - Ugat

    Nilakad-takbo ni Minggay ang daan papunta kay Tangkad. Hindi na siya nagtakip ng mukha gaya ng ginagawa niya noon sa tuwing mapapadaan sa lugar nila. Wala na siyang pakialam kung may makakilala sa kanya. Una, dahil nasa ospital na rin naman si Mama Linda. At pangalawa, wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang kayang sabihin at gawin sa kanya ng ibang tao. Sa tindi nang pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw, wala na siyang panahon para isipin pa ang mga isyu nila sa kanya. O baka kaya rin naman malakas ang loob niya ay dahil sa enerhiyang dumadaloy sa kanya na nagmumula sa suot niyang kuwintas. Hindi niya eksaktong maipaliwanag kung anong klaseng enerhiya ito, pero nararamdaman niya ito sa kanyang sistema na para bang kaya niyang lumipad, bumuhat ng gusali o gumawa ng mga ilusyon. Sa madaling salita, parang wala siyang limitasyon sa mga kaya niyang gawin. Ito yata ang ibig sabihin ng salitang "fearless" na binabanggit sa kanya ni Mr. Aragon noon sa English class nila.Pagda

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 38 - Puno Ng Mangga Sa May Tore

    Tinimbang ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant sa kanyang kamay. Medyo mabigat ang pendant, siguradong yari sa purong ginto. Ang mismong kuwintas, 'di kakikitaan ng kahit anong marka ng gasgas o pagkupas. Habang tumatagal sa pagtitig si Minggay sa alahas, mas lalo rin siyang naaakit dito. May nasasagap siyang daloy ng enerhiya mula rito na parang pinararamdam sa kanya na siya ay malakas, na siya ay makapangyarihan. Pero sa kabila nu'n, parang may hindi tama. Batid ni Minggay na huwad at galing sa masama ang kapangyarihang taglay ng kuwintas. Agad niya itong hinubad."Ayoko po. Hindi ko po kayang tanggapin ang maging tagapag-bantay," kinuha ni Minggay ang palad ni Nana Conrada. Inilagay niya roon ang kuwintas at saka ito isinara. "Aanhin ko ang kuwintas kung magiging kapalit naman po ang kaluluwa ko."Tumingin si Minggay sa rebulto ni Saint Serberus. "Hindi mo 'ko mabibili."Napabuntong-hininga si Nana Conrada. "Pero ineng, hindi mo naintindihan. Wala kang pagpipilian dito. H

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 37 - Gising Na

    Isang magaspang at mamasa-masang bagay ang dumila sa buong katawan ni Minggay mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa. Hinihimod-himod na pala siya ng demonyong may tatlong ulo ng aso. Hindi siya makakilos dahil sa lapot at lagkit ng laway nito na ipinaligo sa kanya. "Huwag!"Isang panaginip.Napabangon siya nang 'di oras. Una niyang nakita si Nana Conrada na nakaupo malapit sa may pinto. Hinahalo-halo nito ang isang mangkok ng mainit na sopas."Mukhang gising ka na nga," bati ng matanda sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para magkalaman naman 'yang tiyan mo. Halos buong araw ka na kasing tulog."Nasa loob sila ng kanyang silid. Sa labas ng bintana, kulay kahel na ang langit at kaunting minuto pa tuluyan na itong kakainin ng dilim."Si Serberus..." Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Minggay sa braso at batok pagkabanggit niya sa pangalan na iyon. Napangiwi siya nang isandal ang likod sa headboard ng higaan."Siya ba? Nasa taas. Sa ipinagbabawal na silid." Inilagay ni Nana Connrada

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 36 - Usok

    "Huwag kang susuko, Minggay!""Kaya mo 'yan!""Bumangon ka na, please.""Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito.""Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan.""Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala."Huwag kang magpatalo.""Lumaban ka, Minggay!"Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad. Ang totoo, ayaw niya pang mawala.Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 35 - Mga Boses

    Napakapit na parang talaba si Minggay sa binti ni Father Eman. Umiikot pa rin ang paligid niya, pero hindi na 'to kasing lala gaya kanina. Hindi na lumilihis ang paningin niya. 'Yun nga lang, katawan niya ang may problema. Lalong-lalo na ang balikat. Napalakas talaga yata ang hampas niya sa dingding. Sa palagay nga ni Minggay may nabali na siyang buto sa likod. Kaya kahit gustuhin man niyang manlaban, wala na halos siyang lakas na natitira."Father, 'wag po. Huwag po parang awa niyo na po," Nalunod na ng luha ang mukha ni Minggay. Hindi siya makatingin sa napakalaking impaktong nasa harapan nila. Sa sobrang laki, sinakop na nito ang kalahati ng silid. "Gusto ko pa pong mabuhay. Please po, Father. Wala po akong pagsasabihan nito. Gusto ko pa po makasama mga kapatid ko.""Anong sabi mo? May mga kapatid ka? Akala ko ulila ka na. Ang sabi kasi sa akin ni Father Tonyo mag-isa ka na lang daw sa buhay. So, nagsinungaling ka na naman sa amin, Minggay?" Kinakalas ni Father Eman ang mga braso n

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 34 - Hila

    Nakita ni Minggay si Father Eman na nakaupo sa gilid ng kama. Sa kamay niya ang kuwintas na may pendant na susi na ngayon ay inangkin na niya. Ninanamnam ni Father Eman ang ganda nito na para bang unang beses pa lang niya iyon namasdan.Sinuot ng pari ang kuwintas. "Ayan. Mas maganda pala 'pag ako ang may suot sa'yo." Tumayo ito at humarap sa salamin. Kaliwa't kanan siyang nagpabaling-baling para sipatin nang maigi kung bagay ba sa kanya ang kuwintas kung titingnan sa iba't-ibang anggulo. Kasama ni Minggay sa sahig si Father Tonyo. Ang nakabukas nitong mga mata ay direktang nakatingin sa kanya. Nalaman ni Minggay na patay na nga talaga ang pari noong hindi ito kumurap ni minsan sa kanya. Pansamantalang nilunok muna ni Minggay ang nagbabantang sigaw sa kanyang lalamunan. Saka na. Mas gusto na lang muna niyang humiga dahil medyo nahihilo at sumasakit pa ang kanyang balikat."Anong masasabi mo Father Tonyo? Ako na ngayon ang may hawak ng susi. Ako na ngayon ang bantay. Tapos na ang pagh

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 33 - Away

    Inaamoy-amoy ni Father Tonyo ang panty ni Minggay habang pinaliligaya niya ang sarili sa kubeta. Para sa kanya wala ng mas babango pa sa halimuyak ng isang birheng dalaga. Mas lalo siyang ginaganahan. Ang libido niya sa katawan ay umaapaw. Ang totoo, si Mary Beth talaga ang gusto ni Father Tonyo, pero noong hingin na ito sa kanya ni Serberus, wala na siyang nagawa kundi ang ialay ang bata rito.Pero mabait talaga siguro ang santo sa kanya. Siniguro muna nitong may ipapalit siya kay Mary Beth bago niya inumin ang dugo nito. At ang pagnanasang iyon ni Father Tonyo ay nalipat kay Minggay pero mas malalim. Hindi lang basta tawag ng laman ang nararamdaman niya para sa dalaga. May kasama itong damdamin. Hindi nga lang siya isang daang porsyentong sigurado kung pagmamahal na ba ang matatawag niya roon. Basta ang alam niya, gusto niyang nakikita si Minggay palagi. Hindi niya pinalilipas ang isang buong araw na hindi niya ito nakakausap. Masaya na siya kahit sa isang simpleng kumustahan lang.

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto   Part 32 - Kaibigan

    "Father, anong nangyari du'n sa pulis? Ba't siya nagka-gano'n?" Usisa ni Nana Conrada. Lumipat na sila sa kuwarto ni Tonyo. Pinupunasan ng matanda ang basang sahig nang matapunan niya ito ng tubig kanina dahil sa pagmamadali."Una, hindi talaga nila mabubuksan ang pinto dahil naka-lock 'yun. See?" Inilabas ng pari ang kuwintas na may susi na pendant. Kuminang ito pagtama ng liwanag mula sa fluorescent dito. "Secondly, walang sinuman ang puwedeng magbukas ng pinto kundi ang bantay - at ako 'yun. Ang sinumang mangahas na humawak sa lagusan na 'yon, siguradong mapapahamak. Ganito kasi: ipapaala ng pinto ang lahat ng madidilim at masasakit na sikretong itinatago sa puso nu'ng taong humawak hanggang sa puntong mako-control na nito ang pag-iisip at emosyon niya. Puwede ring silang mabaliw, parang ganu'n. 'Yun ang sabi sa akin dati ni Father Greg. Hindi ako naniwala sa kanya dati until nakita ko mismo kanina ang nangyari du'n sa babaeng pulis."May dalawang putok silang narinig galing sa la

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status